id
stringlengths 1
6
| url
stringlengths 31
158
| title
stringlengths 1
104
| text
stringlengths 16
172k
|
|---|---|---|---|
1
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Unang%20Pahina
|
Unang Pahina
|
Napiling artikulo
Mga napiling artikulo
Pamantayan
Magnomina
Alam ba ninyo ...
Mga nagdaang napili
Mga pinakabagong artikulo
Magsimula ng bagong artikulo
Napiling larawan
Marami pang napiling larawan
Mga dekalidad na larawan sa Wikimedia Commons
Sa araw na ito ( )
Sinupan
Sa e-liham
Talaan ng mga makasaysayang anibersaryo
Patungkol
Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman.
Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng . Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
Paano makapag-ambag?
Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.
Babasahin para sa mga baguhan
Kaganapan
Wikinews
Iba pang mga kamakailang pangyayari...
Mga Wikipedia sa iba pang mga wika
|
5
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikipedia
|
Wikipedia
|
Ang Wikipedia ay isang ensiklopedya na may basehang wiki at may malayang nilalaman. Ito ay tinatawag na malaya sa kadahilanang ito ay malayang magagamit at mapapalitan ng kung sino man. Ang Wikipedia ay nakasulat sa maraming wika at pinamamahalaan ng Wikimedia Foundation.
Ang Wikipedia ay sinimulan bilang isang proyektong nasa wikang Ingles noong Enero 15, 2001 at sumunod na lamang ang mga proyektong Wikipedia sa iba't ibang wika.
Pangunahing karakter
Ang proyektong Wikipedia ay mayroong tatlong pangunahing karakter na nagbibigay ng mga katangiang ito sa World Wide Web:
Ito ay ikaw, o may pangunahing layunin na maging isang ensiklopedya.
Ito ay isang wiki na maaaring palitan ng kung sino man maliban sa ilang natatanging pahina.
Ito ay may malayang nilalaman at gumagamit ng tinatawag na copyleft GNU Lisensiya para sa Malayang Dokyumentasyon.
Lahat ng software para sa Wikipedia ay malayang software (MediaWiki, GNU/Linux, MySQL, at Apache).
Tala ng mga Wikipedia
1,000,000+ mga artikulo
العربية • Deutsch • English • Español • Français • Polski • Italiano • Nederlands • ガンからジョー • Português • Русский • Sinugboanong Binisaya • Svenska • Українська • Việt / 越南語 • Winaray • 中文
100,000+ mga artikulo
Afrikaans • Shqip • Armãneashce • Azərbaycanca / Азәрбајҹан / آذربایجان دیلی • Asturianu • Български • Bân-lâm-gú / Hō-ló-oē / 闽南语 • Беларуская (Акадэмічная) • Català • Нохчийн • Česky • Dansk • Eesti • Ελληνικά • Esperanto • Euskara • فارسی • Filipino • Galego • Հայերեն • မြန်မာဘာသာ • देवनागरी और हाउस • Hrvatski • Indonesia • עברית • Latina • Latviešu • Lietuvių • Lumbaart • Македонски • Malagasy • Magyar • Melayu / بهاس ملايو • Minangkabau • Norsk (bokmål • nynorsk) • Nnapulitano • Occitan • Oʻzbekcha / Ўзбекча / اوزبیکچه • Қазақша / Qazaqşa / قازاقشا • Română • Cymraeg • Simple English • Slovenčina • Slovenščina • Српски / Srpski • Srpskohrvatski / Српскохрватски • Suomi • Tagalog / ᜊᜌ᜔ᜊᜌᜒᜈ᜔ • தமிழ் • Татарча / Tatarça • Тоҷикӣ / تاجیکی / Tojikī • تۆرکجه • Türkçe • اردو • Volapük • ภาษาไทย • Ślůnski • Zazaki • 한국어 • ქართული
10,000+ mga artikulo
Acèh / بهسا اچيه • Alemannisch • አማርኛ • Aragonés • Kreyòl Ayisyen • বাংলা • Banyumasan • Башҡортса • Беларуская (Тарашкевіца) • भोजपुरी • Bikol Central • Boarisch • Bosanski • Brezhoneg • Буряад • Чӑвашла • Chavacano de Zamboanga • Corsu • Diné Bizaad • Emigliàn–Rumagnòl • Fiji Hindi / फ़िजी बात • Føroyskt • Frysk • Gaeilge • Gàidhlig • ગુજરાતી • Hak-kâ-fa / 客家話 • Hmoob • Hornjoserbsce • Ido • Ilokano • ইমার ঠার/বিষ্ণুপ্রিয়া মণিপুরী • Interlingua • Иронау • Íslenska • Jawa / ꦧꦱꦗꦮ • Kapampangan • ಕನ್ನಡ • Kurdî / كوردی • • کوردیی ناوەندی Кыргызча / qırğızça / اوزبیکچه • Мары • Kotava • Lëtzebuergesch • Limburgs • Malti • मैथिली • 古文 / 文言文 • മലയാളം • मराठी • مصرى • / Mäzeruni مازِرونی • მარგალური • Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄ / 閩東語 • Монгол • Молдовеняскэ • Nāhuatlahtōlli • नेपाल भाषा • नेपाली • Nordfriisk • Марий • ଓଡି଼ଆ • ਪੰਜਾਬੀ (ਗੁਰਮੁਖੀ) • پښتو • Piemontèis • Plattdüütsch • Ripoarisch • Runa Simi • संस्कृतम् • Саха Тыла • شاہ مکھی پنجابی (شاہ مکھی) • Scots • Sesotho sa Leboa • Сибирской говор • Sicilianu • سنڌي / सिनधि • Melayu sareng Buku / ᮘᮞ ᮞᮥᮔ᮪ᮓ • Kiswahili • Tarandíne • བོད་ཡིག • తెలుగు • Türkmençe / түркмен / تۆرکمنچه • ᨅᨔ ᨕᨙᨁᨗ / Basa Ugi • Vèneto • Walon • 吳語 • ייִדיש • Yorùbá • Žemaitėška • 粵語 / 粤语 • ភាសាខ្មែរ • සිංහල
1,000+ mga artikulo
Адыгэбзэ • Аҧсуа • արեւմտահայերէն • अंगिका • Arpitan • ܐܬܘܪܝܐ • asụsụ bekee maọbụ asụsụ oyibo • Atikamekw • Avañe’ẽ • Авар • अवधी • Aymar • Ænglisc • Bali / ᬩᬲᬩᬮᬶ • Banjar • Bislama • црногорски / crnogorski • Vahcuengh / Vaƅcueŋƅ / 話僮 • Deitsch • Dolnoserbski • डोटेली • Эрзянь • Estremeñu • Ἑλληνική ἀρχαία • Eʋegbe • Furlan • Viti • Gaelg • Gagauz • Gĩkũyũ • گیلکی • 贛語 • ГӀалгӀай мотт • गोंयची कोंकणी / Gõychi Konknni • gwiyannen • Хальмг • Hausa / هَوُسَا • ʻŌlelo Hawaiʻi • Hulontalo • Interlingue • Iñupiak • Kalaallisut • كشميري • Kaszëbsczi • Kabɩyɛ • Kernuack / Kernewek / Kernewek / Kernowek • کهووار • Kinyarwanda • Kinaray-a • K’iche’ • Koyraboro Senni • Коми • Kongo • Krio • Dzhudezmo / לאדינו • Лакку • لکی • Ladin • Latgaļu • ພາສາລາວ • Лезги • Líguru • Lingála • līvõ kēļ • Livvinkarjala • Lingua franca nova • lojban • لۊری شومالی • Luganda • Saro Mandailing • Maaya t'aan • Reo Mā’ohi • Māori • ꯃꯩꯇꯩꯂꯣꯟ • Mirandés • Мокшень • Naoero • isiNdebele saseNyakatho • Nedersaksisch • Normaund / Nouormand / Normand • Novial • Oromoo • অসমীযা় • पाऴि • Pangasinán • Pangcah / 阿美族 • Papiamentu • Patois • Перем Коми • Pfälzisch • Picard • Къарачай–Малкъар • Qaraqalpaqsha • Qırımtatarca • Rumantsch • Runyankore • Русиньскый Язык • سرائیکی • Sakizaya / 撒奇莱雅 • Sámegiella • Sāmoa • ᱥᱟᱱᱛᱟᱲᱤ • Sardu • Seeltersk • ChiShona • Soomaaliga • Sranantongo • kerol seselwa • ၵႂၢမ်းတႆးယႂ် • Taqbaylit • Tayal / 泰雅 • Толыши • Tetun • Tok Pisin • faka Tonga • ತುಳು • chiTumbuka • Tsėhesenėstsestotse • ᏣᎳᎩ • Тыва дыл • Удмурт • Uyghur / ئۇيغۇرچه • Võro • Vepsän • West-Vlams • Wolof • Хакас • isiXhosa • Zeêuws • isiZulu • ދިވެހި
100+ mga artikulo
Acholi • Akan • Адыгэбзэ • Langue des Signes Américaine • Bamanankan • Ichibemba • Bewtai • ဘာသာ မန် • Chamoru • Ciluba • Chichewa • Dusun Bundu-liwan • Fulfulde / 𞤆𞤵𞤤𞤢𞤪 • Gã • ᐃᓄᒃᑎᑐᑦ / Inuktitut • jysk • Lazuri • Lingít • Lozi • Lwo • Maarrênga'twich • ᠮᠠᠨᠵᡠ ᡤᡳᠰᡠᠨ • kreol morisien • isiNdebele seSewula • Ñhähñu • Nēhiyawēwin / Nehithawewin / Nehinawewin / ᓀᐦᐃᔭᐍᐏᐣ • Nigerian Pidgin • Ko e vagahau Niuē • Norfuk / Pitkern • ߒߞߏ • Ποντιακά • Prūsiskan • Toba Qom • къумукъ тил • རྫོང་ཁ • Romani • Kirundi • Sängö • Ganda ke Lava • Setswana • Словѣ́ньскъ / ⰔⰎⰑⰂⰡⰐⰠⰔⰍⰟ • SiSwati • Chaouïa • ⵜⴰⵎⴰⵣⵉⵖⵜ • Thuɔŋjäŋ • ትግርኛ • Xitsonga • Tshivenḓa • Twi • Vaďďa • Yugtun • 𐌲𐌿𐍄𐌹𐍃𐌺
10+ mga artikulo
Afar • Choctaw • Ebon • Hiri Motu • Kanuri • Kuanyama • Muskogee • Oshiwambo • Otsiherero • tlhIngan Hol / • tokipona • ꆇꉙ
Patakaran
Ang mga kalahok sa Wikipedia ay may sinusunod na pinagtibay na patakaran.
Una, dahil sa iba't ibang ideolohiya ng mga lumalahok sa Wikipedia, gagawin ng nito ang lahat ng makakaya upang manatili na walang pinapanigan ang nilalaman nito. Ang layunin ay para ipakita ang lahat ng pananaw sa mga usapin o isyu ng artikulo.
Ikalawa, maraming pamantayan sa pagngangalan ng mga artikulo; halimbawa, kung maraming ngalan ang maaaring ibigay sa isang artikulo, ang pinakakaraniwang ngalang ginagamit sa wika ang gagamitin.
Ikatlo, gumagamit ng pahinang "talk o magsalita" ang mga lumalahok sa Wikipedia upang mapag-usapan ang pagbabago ng mga artikulo, at upang maiwasan na mismo sa artikulo isulat ang pag-uusap. Kung patungkol sa maraming artikulo ang gustong pag-usapan, mas nararapat itong ilagay sa Meta-Wikipedia o sa mailing list.
Ikaapat, ang mga artikulong hindi nababagay ay hindi dapat gawing artikulo sa nasabing ensiklopedya. Ilang halimbawa’y ang mga pangtalasalitaang kahulugan at mga tekstong patungkol sa batas o mga talumpati.
Ikalima, maraming tuntunin ang iminumungkahi at nagtatamo ng suporta mula sa iba't ibang kalahok ng Wikipedia. Ang pinakasinusuportahang tuntunin ay kung ang isang minungkahing tuntunin ay nakawawala ng loob na lumahok sa Wikipedia, ito'y pabayaan at huwag na lamang pansinin. Kung ang isang minungkahing tuntunin ay nilabag, ito'y pinag-uusapan ng mga kalahok ng Wikipedia kung nararapat ba itong mas striktong ipatupad o hindi.
Mga Halimbawa ng Wikipedia na may kinalaman sa iba’t ibang wika
Wikipediang Tagalog (Filipino)
Wikipediang Sebuwano (Cebuano)
Wikipediang Esperanto (buong Mundo)
Wikipediang Arabe (Arabian)
Wikipediang Koreano (Korean)
Wikipediang Tamil (Tamil)
Wikipediang Urdu (Pakistani, Hindi)
Wikipediang Persa (Persian)
Wikipediang Asturyano (Austrian)
Bot ng Wikipedia
Ang mga bot ng Wikipedia ay mga bot ng Internet na tumatakbo sa Wikipedia. Isang pangunahing halimbawa nito ay ang Lsjbot, na nakagawa na ng milyun-milyong mga artikulo sa iba't ibang mga bersyon ng Wikipedia.
Mga tauhan
Ang nilalaman ng Wikipedia ay binabago ng libu-libong tao. Ang mga taong lumalahok sa Wikipedia ay tinatawag na mga Wikipedian sa Ingles. Ang mga Wikipedian ay ang mga taong nagpapatuloy sa pagpapalago ng malayang ensiklopedyang ito. Tinatawag na mga Wikipedista (sa halip na Wikipediyano, Wikipediyano, o Wikipediano) ang mga patuloy na bumubuo sa ensiklopedyang Tagalog Wikipedia.
Tingnan din
Wikipediang Tagalog
Jimmy Wales
Mga sanggunian
Mga panlabas na link
– multilingual portal (contains links to all language editions) (wikipedia.com still redirects here)
WikiMedia Meta-Wiki
Ensiklopedya
Internet
Wikipedia
|
7
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Wiki
|
Wiki
|
Ang wiki ay isang uri ng websayt na pinapahintulutan ang sino mang dumalaw sa sayt na magdagdag, magtanggal o magbago ng mga nilalaman nang pagkabilis at pagkadali, at, sa karaniwang pagkakataon, hindi na nangangailangan pa ng pagpapatala. Maaaring maging mabisang kagamitan ito alang-alang sa tulungang pagsusulat. Maaari ring tumukoy ang katagang wiki sa tulungang sopwer na nagpapadali ng pagpapalakad ng ganoong websayt.
Pinaikling anyo ng wiki wiki ang wiking nanggaling sa wikang Hawayano; sa wikang iyon, ginagamit ito bilang isang pang-uring nangangahulugang "mabilis" o "magmadali".
Sa katunayan, ang wiki ay isang pagpapapayak ng paglikha ng mga pahinang HTML kasama ang isang kaparaanang nagtatala ng bawat isang pagbabagong naganap sa paglipas ng oras, sa alin mang oras, upang maibalik ang isang pahina sa rating katayuan nito. Maaaring mabilang ang iba-ibang kagamitan sa isang kaparaanang wiki, na dinisenyong magbigay sa mga tagagamit ng madaling paraan upang bantayan ang palagiang pagbabago ng katayuan ng wiki gayon din bilang isang lugar na pag-usapan at lutasin ang mga hindi maiiwasang mga isyu, gaya ng likas na hindi pagkakaunwaan sa nilalaman ng wiki. Maaari din na maging ligaw ang nilalaman ng wiki, dahil maaaring magdagdag ang mga tagagamit ng mga hindi tamang impormasyon sa pahina ng wiki.
Pinapahintulot ng ibang mga wiki ang walang tinatakdang pagbabago ng impormasyon upang makapagambag ang mga tao sa sayt na hindi na kailangang dumaan sa proseso ng 'pagrerehistro', na kadalasang hinihingi ng iba't ibang uri ng mga interaktibong mga websayt gaya ng mga Internet forum o mga sayt pang-usapan.
Pinangalan ang kauna-unahang wiki, WikiWikiWeb sa linyang "Wiki Wiki" ng mga bus ng Chance RT-52 sa Paliparang Pandaigdig ng Honolulu, Hawaii. Nilikha ito noong 1994 at na-instala sa web noong 1995 ni Ward Cunningham, na lumikha din ng Portland Pattern Repository.
Ikinakahulugan minsan ang wiki bilang backronym para sa "What I know is" (Ang alam ko ay), na isang katagang Ingles na naglalarawan sa tungkulin nito sa pamamahagi, pag-iimbak, at pagpapalitan ng kaalaman.
Mahahalagang bahagi
Sa pamamagitan ng WikiWikiWeb, maaring samasamang ibuo ng maraming tao ang isang dokumento sa pamamagitan ng paggamit ng isang simpleng wikang markup, gamit ang kanilang web browser. Sa kadahilanang hindi lahat ng wiki ay nakabatay sa web, ang salitang "wiki" ang inam na gamitin pangtukoy sa ganitong klaseng dokumento. Ang isang pahina sa wiki ay tinatawag na "pahinang wiki" o wiki page. Ang isang buong koleksiyon ng mga pahinang wiki na nakakawi sa isa't isa ay tinatawag na "ang wiki" o the wiki.
Ang ibig-sabihin ng "wiki wiki" ay "mabilis" sa wikang Hawayano, at ang bilis sa pagbuo at pagbago ng mga pahina ang naging isang kinikilalang aspeto ng teknolohiyang wiki. Karaniwan sa mga wiki ang hindi sinusuri ang mga pagbabago at karamihan sa mga ito ay bukas sa publiko o kaya sa mga taong pinapayagan na makapasok sa server. Sa katunayan, kadalasang hindi kinakailangan ang mag-rehistro at mag-bukas ng user account upang sumama sa isang wiki.
Mga pahina at pagbabago
Sa tradisyonal na wiki, may dalawang porma ang mga pahina: ang pormang ipinakikita (kadalasang nasa web browser sa pamamagitan ng HTML) at ang porma kapag binabago (isang simpleng wikang markup, kung saan ang istilo at palaugnayan ay iba sa bawat wiki).
Ang dahilan sa likod nitong disenyo ay sa komplikadong at mabagal na paraan ng pagsusulat sa HTML. At nakikitang benepisyal na sa pamamagitan ng wiki, maaring hindi payagan ang paggamit ng JavaScript at Cascading Style Sheets, at maipagtitibay din ang pagkapareho ng ayos at porma ng mga dokumento.
(Mga pagbanggit sa aklat na Foundation ni Isaac Asimov na isinalin sa Tagalog)
Ang isang pahinang wiki ay may dalawang porma, ang palaugnayan ng wiki na ginagamit ng wiki engine at ang HTML-rendered na porma nito na ipinakikita sa web browser ng user.
Ang ibang kalalabas na wiki engine ay nagbibigay ng "WYSIWYG" na pagbabago, at nangangailangan ng ActiveX control o plugin na may kakayahang isalin ang mga graphical na instruksiyon tulad ng "bold" at "italics" bilang mga HTML tags na kayang patagong isusumite sa server. Sa lagay na ito, ang mga user na walang plugin ay may kakayahan lamang na palitan ang pahina sa pamamagitan ng HTML source ng pahina.
Ang mga instruksiyong sa porma na ginagamit ng isang wiki ay depende sa wiki engine na ginagamit nito. Ang mga simpleng wiki ay gumagamit lamang ng mga simpleng porma para sa mga teksto. Ang mga mas kumplikadong wiki ay sumusuporta sa mga talaan, larawan, pormula, at mga elementong interaktibo tulad ng pa-boto at mga laro. Dahil dito, may mga sumisikap na gumawa ng Wiki Markup Standard.
Pag-link at paggawa ng pahina
Ang mga wiki ay tunay na paraan sa paggawa ng hypertext na hindi linyar ang istruktura ng nabigasyon. Ang bawat pahina ay kadalasang naglalaman ng maraming mga kawi patungo sa ibang pahina; ang nabigasayong hierarchial ay kadalasang ginagamit sa malalaking mga wiki, ngunit ang paggamit ng mga ito ay hindi kinakailangan. Ang mga kawi ay ginagawa sa pamamagitan ng isang palaugnayan na tinatawag na link pattern.
Sa simula, karamihan ng mga wiki ay gumagamit ng CamelCase bilang link pattern. Ang CamelCase ay ang paggamit ng malalaking titik sa mga salita at pagtanggal ng espasyo sa pagitan ng bawat salita (ang salitang "CamelCase" ay isang halimbawa ng CamelCase). Pinadadali nga ng CamelCase ang paggawa ng mga links pero ang porma nito ay hindi sumusunod sa tanggap na pagbaybay. Makikilala ang mga CamelCase na wiki dahil sa mga links tulad ng "TableOfContents" at "BeginnerQuestions".
Maraming kritiko ang CamelCase, at ang paglipat ng Wikipedia na wiki sa "libreng mga kawi"—kung saan ang mga salita an pinagigitna sa [[dobleng kuadradong braket]]—ang nagpaenganyo sa mga bumubuo ng wiki na maghanap ng ibang alternatibong solusyon. Maraming wiki engines ang gumagamit ng isang bracket, curly brackets, underscore, slashes at iba pang titik bilang link pattern. Ang mga links na mula sa isang wiki patungo sa ibang wiki ay nagagawa sa pamamagitan ng isang espesyal na link pattern na kung tawagin ay InterWiki.
Ang paggawa ng bagong pahina sa isang wiki a karaniwang nagagawa lamang sa pamamagitan ng pagkawi dito. Kung ang isang kawi ay walang pinatutunguhan, ito ay tinatawag bilang "broken link" o "putol na kawi". Ang pagsunod sa kawi na putol ay magbubukas ng editor window, na kung saan mabubuo ng tagagamit ang bagong pahina. Ang mekanismong ito ay ang nagsisigurado na ang mga "orphan pages" o mga pahinang hindi dinudutungan ng ibang pahina ay bihirang mabubuo, at masisiguradong malaking pursiyento ng mga pahina ang mananatiling nakadugtong sa isa't isa.
Pangkaraniwan na paniniwala sa wiki ang pagpapadali ng pag-ayos ng mga pagkakamali kumpara sa pagpapahirap na hindi makagawa ng pagkakamali. Kahit na bukas sa kahit sino man ang wiki, nagbibigay ito ng proseso kung saan masusuri ang katamaan ng mga kadadagdag na pagbabago sa nilalaman ng mga pahina.
Ang pinakasikat sa mga wiki ay ang tinatawag na "Recent changes" o "Mga huling pagbabago" na pahina. Ito'y listahan ng mga pahinang kababago lamang sa loob ng ilang oras o araw. Ang ibang wiki ay may kakayahang isalang ang tala upang huwag isama ang mga pagbabagong minarka bilang "minor" o maliit na pagbabago o ginawa ng mga "automatic importing scripts" (bots).
Mula sa change log ng karamihan ng mga wiki, may dalawang tungkulin na maaring gamitin: ang revision history, na kung saan makikita ang lumang bersyon ng pahina, at ang diff, kung saan ipapakita ang mga naging pagbabago sa bawat bersyon ng pahina. Maaring bukas ang lumang bersyon ng pahina at itala upang maibalik sa naunang bersyon ang pahina. Ang diff ay magagamit upang makatulong sa pagpasya kung kinakailangan ibalik ang pahina sa isang mas naunang bersyon: Ang isang regular na tagagamit ng wiki ay may kakayahang tingnan ang mga pagbabago sa pahina at, kung ang pagbabago ay hindi katanggaptanggap, ibalik ang pahina sa naunang bersyon. Ang prosesong ito ay maaring pinadali, depende sa wiki software na ginagamit.
Kung hindi napansin ang isang pagbabago na hindi katanggaptanggap sa pahinang "Mga huling binago", ang ibang wiki ay nagbibigay ng kakayahan sa mga tagagamit ng karagdagang na kuntrol sa mga nilalaman ng wiki. Ang Wikipedia ang kaunaunahang wiki na nagpakilala sa "watchlists" o "mga babantayan", isang klaseng pangloob na pag-bookmark na ginagamit upang bumuo ng listahang na tulad ng recent changes ng mga partikular na pahinang ipinili ng user bantayan.
Kung kinakailangan, karamihan ng wiki ay makakayahang protektahan ng mga pahina upang hindi ito mapalitan. Ang mga pahinang protektado sa Wikipedia ay maari lamang baguhin ng mga administrador, na may kakayahang din tanggalin ang proteksiyon. Ang mag proprotekta ng mga pahina ay tinuturing na labag sa konsepto at pilosopiya ng WikiWiki kung kaya ito'y iniiwasan.
Pagkontrol ng mga user
Habang ang karamihan ng mga wiki ay iniiwasan na gawing kailangan ang proseso ng pagrehistro, halos lahat ng wiki engine ay nagbibigay ng paraan upang bawalin ang mga tagagamit na parating lumalabag sa patakaran ng kumunidad na wiki. Ang pinakakaraniwang paraan ay ang pag-bawal sa isang tagagamit na magbago ng pahina. Ito'y nagagawa sa pamamagitan ng pagharang sa kanilang IP address. Ngunit karamihan ng mga Internet Service Provider ay nagbibigay ng panibagong IP address sa bawat log-in, kung kaya't ang paraang ng pagbawal sa IP address ay madaling malusutan.
Para sa mga maliliit na wiki ang pangkaraniwang depensa laban sa mga paulit-ulit na paninira ay ang pagpabaya na sirain ang mga pahina at mabilisang ayusin ito. Itong paraan na ito ay kadalasang hindi maaring magawa sa malalaking wiki na kung saan kinakailangan ang mabilis na aksiyon.
Bilang paglutas sa panahon ng mahigpit na pangangailangan, ang ibang wiki ay may kakayahang ilagay ang kanilang database sa read-only mode o gawing pagbabasa lamang, o ang mga user na naka rehistro lamang ang maaring magbago ng mga pahina.
Paghahanap
Nagbibigay ang karamihan sa mga wiki ng paghahanap ng titulo, kung hindi man paghahanap ng buong teksto. Depende ang pagtaas ng antas ng paghahanap sa kung gumagamit ang wiki engine ng talaan o hindi; kinakailangan ang naka-ayos na talaan sa mabilisang paghahanap ng mga malalaking wiki. Sa Wikipedia, pinapahintulot ng tinatawag na buton na "Go" o "Puntahan" ang mga tagapagbasa na diretsong tingnan ang isang pahina na tugma sa ipinasok na tekstong hinanap. Upang mahanap ang mga ilang wiki sa isang hanapan, nilikha ang MetaWiki search engine para dito.
Mga wiki engines
Dahil simple ang konsepto ng isang wiki, maraming wiki ang nabuo, mula sa isang napaka-simpleng "hack" na naglalaman ng mga simple at pundamental na katungkulan hanggang sa mga komplikadong sistema ng pangangasiwa ng nilalaman. Ang karamihan ng mga wiki ay malayang software, ang mga malalaking proyekto na tulad ng TWiki at ang Wikipedia na software ay binuo sa tulong ng maraming tao. Maraming mga wiki ang tinatawag din na modular at gumagamit ng mga API upang magamit ang mga programmer at developer ang tungkulin nito na hindi kinakailangan malaman ang buong codebase ng wiki.
Hindi madaling masabi kung alin ang pinakatanyag ng wiki, pero ang nangunguna siguro ay ang mga wiki na payak tulad ng UseMod wiki, TWiki, MoinMoin at ang Wikipedia na software. Tingnan ang Wiki software para sa listahan ng mga wiki engines.
Kasaysayan
Ang wiki software ay nagmula sa design pattern sa pagsusulat ng mga pattern language. Ang Portland Pattern Repository ay ang pinakaunang wiki, na binuo ni Ward Cunningham sa taong 1995 . Si Cunningham ang nag-imbento at nagbigay ng ngalang sa konseptong wiki, at ang unang bumuo ng isang wiki engine. May mga taong nagsasabi na ang orihinal na wiki lamang ang nararapat na tawaging Wiki (malaking letrang "W") o ang WikiWikiWeb. Ang wiki ni Ward ay nananatiling isa sa mga pinakakilalang na Wiki na sayt.
Sa huling taon ng ika-20 siglo, dumarami ang kumikilala sa potensiyal ng wiki bilang isang teknolohiya na magagamit sa pag-buo ng mga knowledge base (pinagkukunang kaalaman) na pribado at pang-publiko. Ang potensiyal na ito ay ang dahilan kung kaya't ang mga nagtatag ng ensiklopediyang Nupedia, Jimbo Wales at Larry Singer, na gamitin ang teknolohiyang ito upang bumuo ng isang ensiklopediyang elektroniko—Ang "Wikipedia" ay inilunsad noong Enero 2001. Ito ay binatay sa UseMod na software, at pinalitan ng sariling codebase na malayang software na ngayon ay ginagamit ng iba't ibang mga wiki.
Sa kasalukuyan, ang Ingles na Wikipedia ay ang pinakamalaking wiki sa daigdig, at ang mga Wikipedia na nasa ibang wika ay ang bumubuo ng ibang bahagi nito. Ang ikalawang pinakamalaking wiki ay ang Susning.nu, isang knowledge base na nasa wiking Swedish, at gumagamit ng UseMod na software. Ang desisyon ng Wikipedia na hindi paggamit ng CamelCase ay ang bagay na tinitingnan bilang katunayan sa paglaki ng Wikipedia.
Wiki mga paglibot ng bus
Mayroong mga birtwal na "mga paglibot ng bus" (bus tours) na magdadala sa mga bisita sa iba't ibang wiki na websites. Ito'y magdadala sa isa sa mga pahina ng mga kalahok na wiki na tinatawag na "TourBusStop", na nagbibigay ng kawi patungo sa susunod na hintuan ng bus. Ito ay parang isang web ring. Ang bawat hintuan ng bus ay nagbibigay ng impormasyon patungkol sa wiki at maaring libutin ang wiki na iyon ("getting of the bus" o "pagbaba sa bus"), o maari din na tumungo sa susunod na wiki.
Mga kumunidad na wiki
Sa kasalukuyan ang pinakamalaking wiki sa wikang Ingles ay ang Wikipedia.
Mga malalaking wiki
WorldWideWiki: SwitchWiki - Pinakakumpletong indeks
Asian Open Source Centre
Bulbapedia
CapitanCook - impormasyon sa pagbiyahe
Cunnan - rekreasyon medibyal at ang Society for Creative Anachronism
DarwinWiki - Darwinism
Disinfopedia - about propaganda
EvoWiki - Ebolusyon
GreenCheese
Green Light Wiki
Grubstreet - ang Open Community Guide sa London
infoAnarchy wiki - pag-aaring intelektwal, anarkismo, politika
Javapedia
Know-how Wiki
MeatballWiki - mga kumunidad na online
OpenFacts
Personal Telco
Permaculture Wiki
This Might Be A Wiki - bandang They Might Be Giants
Travelopedia
WhyClublet
Wikipedia - Ensiklopedya
Wikiquote - Tipunan ng mga pagbanggit
Wikivoyage
Wikitravel
Wiktionary - Diksyunaryo
Ypsilanti Eyeball - sariling pinapanatiling wiki ng Ypsilanti, Michigan
Tingnan din Wikipedia:Mga sayt na ginagamit ang MediaWiki, PHP Wiki, software na panlipunan, Bliki
Sistemang parang wiki
EditMe
Everything2
Halfbakery
Mp3 indir
SnipSnap
Extensibong talaan ng mga sistemang wiki
izle
Mga kawing panlabas
"Tour bus stop" at MeatballWiki
WikiWikiWeb (ang pinakaunang wiki)
Wikinsider
MeatBall:WikiCommunityList
MeatBall:BiggestWiki
Mga sanggunian
Listahan ng mga sanggunian na nasa wikang Ingles o ibang wika (walang Tagalog).
Aronsson, Lars (2002). Operation of a Large Scale, General Purpose Wiki Website: Experience from susning.nu's first nine months in service. Paper presented at the 6th International ICCC/IFIP Conference on Electronic Publishing, November 6 - 8, 2002, Karlovy Vary, Czech Republic. Available at: http://aronsson.se/wikipaper.html
Benkler, Yochai (2002). Coase's penguin, or, Linux and The Nature of the Firm. The Yale Law Jounal. v.112, n.3, pp. 369–446.
Cunningham, Ward and Leuf, Bo (2001): The Wiki Way. Quick Collaboration on the Web. Addison-Wesley, ISBN 0-201-71499-X.
Delacroix, Jérôme (2005): Les wikis, espaces de l'intelligence collective M2 Editions, Paris, ISBN 2-9520514-4-5. Web site: http://www.leswikis.com
Jansson, Kurt (2002): "Wikipedia. Die Freie Enzyklopädie." Lecture at the 19th Chaos Communications Congress (19C3), December 27, Berlin. Online description: http://de.wikipedia.org/wiki/Benutzer:Kurt_Jansson/Vortrag_auf_dem_19C3
Möller, Erik (2003). Loud and clear: How Internet media can work. Presentation at Open Cultures conference, June 5 - 6, Vienna.Available at: http://opencultures.t0.or.at/oc/participants/moeller
Möller, Erik (2003). Tanz der Gehirne. Telepolis, May 9-30. Four parts: "Das Wiki-Prinzip", "Alle gegen Brockhaus", "Diderots Traumtagebuch", "Diesen Artikel bearbeiten". Summary and table of contents: http://www.heise.de/newsticker/data/fr-30.05.03-000/
Remy, Melanie (2002). Wikipedia: The Free Encyclopedia. Online Information Review. v.26, n.6, pp. 434.
Internet
|
582
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pilipinas
|
Pilipinas
|
Ang Pilipinas, opisyal na Republika ng Pilipinas, (ingles: Republic of the Philippines) ay isang malayang estado at kapuluang bansa sa Timog-Silangang Asya na nasa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Binubuo ito ng 7,641 pulo na nahahati sa tatlong kumpol ng mga pulo: Luzon, Kabisayaan (kilala rin bilang Visayas) at Mindanao. Napapalibutan ito ng Dagat Pilipinas sa silangan, Dagat Luzon sa kanluran, at ng Dagat ng Celebes sa katimugan. Nasa katimugang bahagi ng bansa ang bansang Indonesya habang ang bansang Malaysia naman ay nasa timog-kanluran. Naroroon sa silangan ang bansang Palau at sa hilaga naman ang bansang Taiwan.
Ang Pilipinas ay matatagpuan din malapit sa Ekwador at sa Singsing ng Apoy ng Pasipiko na siyang dahilan kung bakit madalas tamaan ang bansa ng mga bagyo at lindol. Ang Pilipinas ay may lawak na 300,000 kilometro kuwadrado (115,831 milya kuwadrado), at noong 2021, mayroon itong populasyon na humigit-kumulang 109 milyong katao. Ang Pilipinas ang ikawalong pinakamataong bansa sa Asya at ang ika-labintatlong pinakamataong bansa sa daigdig. Ang kabisera nito ay ang lungsod ng Maynila at ang pinakamalaking lungsod ay ang Lungsod Quezon; pawang bahagi ng Kalakhang Maynila.
Noong sinaunang panahon, ang mga Negrito ang ilan sa mga unang nanirahan sa kapuluan. Sinundan sila ng pagdating ng mga Austronesyo. Naganap ang pakikipagkalakalan sa mga Intsik, Malay, Indiyano, at mga bansang Muslim. Ang pagdating ni Fernando de Magallanes noong 1521 ay ang pasimula ng pananakop ng mga Kastila. Noong 1543, pinangalanan ng isang Kastilang manggagalugad na si Ruy López de Villalobos ang kapuluan na Las Islas Filipinas (Mga Kapuluan ng Pilipinas) sa karangalan ni Felipe II ng Espanya. Sa pagdating ni Miguel López de Legazpi mula sa Lungsod ng Mehiko noong 1565, naitatag ang unang paninirahan ng mga Kastila sa kapuluan. Naging bahagi ang Pilipinas sa Imperyong Kastila nang mahigit 300 taon. Naging daan ito upang ang Katolisismo ang maging pangunahing pananampalataya. Sa gitna ng kapanahunang ito, ang Maynila ang naging sentro ng kalakalan ng kanluran sa Pasipiko na umuugnay sa Asya sa Acapulco sa Kaamerikahan gamit ang mga galyon ng Maynila.
Noong 1896, sumiklab ang Himagsikang Pilipino, na nagpatatag sa sandaling pag-iral ng Unang Republika ng Pilipinas, na sinundan naman ng madugong Digmaang Pilipino-Amerikano ng panlulupig ng hukbong sandatahan ng Estados Unidos. Sa kabila ng pananakop ng mga Hapon, nanatili sa Estados Unidos ang kataas-taasang kapangyarihan sa kapuluan hanggang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan kinilala na ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Mula noon, ang Pilipinas ay nagkaroon ng magulong karanasan sa demokrasya, kung saan kabilang ang pagpapatalsik ng diktadurya sa isang di-marahas na himagsikan.
Ang Pilipinas ay isang orihinal na kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa, Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan, Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya, ang Kooperasyong Pang-ekonomiya sa Asya-Pasipiko, at ang Pulong-Panguluhan ng Silangang Asya. Nandito rin ang himpilan ng Bangko sa Pagpapaunlad ng Asya. Itinuturing ang Pilipinas na isang bagong industriyalisadong bansa, kung saan mayroong ekonomiyang nagbabago mula sa isang nakabatay sa agrikultura patungo sa isang mas nakabatay naman sa mga serbisyo at pagmamanupaktura. Isa ang Pilipinas sa tanging dalawang bansa sa Timog-silangang Asya na Kristiyanismo ang pangunahing pananampalataya. Yaong isa ay ang Silangang Timor.
Pangalan
Sa gitna ng kaniyang paglalayag noong 1542, pinangalanan ng Kastilang manggagalugad na si Ruy López de Villalobos ang mga pulo ng Leyte at Samar bilang Felipinas ayon sa pangalan ni Haring Felipe II ng Espanya, na siyang Prinsipe ng Asturias noon. Sa huli, ang pangalang Las Islas Filipinas ang sasaklaw sa lahat ng mga pulo sa kapuluan. Bago ito naging pangkaraniwan, iba pang mga pangalan tulad ng Islas del Poniente (Mga Kapuluan ng Kanluran) at ang ipinangalan ni Fernando de Magallanes para sa mga pulo na San Lázaro ay ginamit rin ng mga Kastila upang tukuyin ang kapuluan.
Sa pagdaan ng kasaysayan, ilang beses nang nagbago ang opisyal na pangalan ng Pilipinas. Sa gitna ng Himagsikang Pilipino, inihayag ng Kongreso ng Malolos ang pagtatag ng República Filipina (Republika ng Pilipinas). Mula sa panahon ng Digmaang Espanyol–Amerikano (1898) at Digmaang Pilipino–Amerikano (1899-1902) hanggang sa panahon ng Komonwelt (1935-1946), tinawag ng mga Amerikano ang bansa bilang Philippine Islands, na salin sa Ingles mula sa Kastila. Mula sa Kasunduan sa Paris, nagsimulang lumutang ang pangalan na "Pilipinas" at mula noon ito na ang naging kadalasang ngalan ng bansa. Mula sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang opisyal na pangalan ng bansa ay "Republika ng Pilipinas".
Kasaysayan
Sinaunang Panahon
Ang kamakailang pagtuklas sa mga kasangkapang bato at buto ng mga labi ng kinatay na hayop sa Rizal, Kalinga ay patunay na may mga sinaunang hominini sa bansa 709,000 taon na ang nakararaan. Samantala, ayon sa mga naitalang labi ng tao sa bansa, maaaring dinayo na ng mga tao ang Pilipinas ilang libong taon na ang nakalipas. Inaakala na ang labi ng Taong Callao na natuklasan sa Yungib ng Callao sa Cagayan ay ang pinakamatandang labi ng tao sa Pilipinas na may tanda na 67,000 taon. Mas higit pang matanda sa naunang natuklasang labi ng Taong Tabon sa Palawan na tinatayang 26,500 taon na ang nakalipas. Tumawid sa mga sinaunang tulay na lupa ang mga Negrito o Ita, na siyang tinatayang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas. Sa kalaunan, dumayo sila sa kagubatan ng mga pulo. Sa kasalukuyan, nang sumapit ang ikalawang libong taon, nanirahan din sa Pilipinas ang iba pang mga mandarayuhan mula sa tangway ng Malay, kapuluan ng Indonesia, mga taga-Indotsina at Taiwan.
Mayroon nang mga mangilan-ngilang teorya patungkol sa pinagmulan ng mga sinaunang Pilipino. Isa na ang teorya ni F. Landa Jocano na nagsasabing ang mga ninuno ng mga Pilipino ay lokal na umusbong. Ang teoryang "Pinagmulang Kapuluan" naman ni Wilhelm Solheim, ipinahihiwatig na ang pagdating ng mga tao sa kapuluan ay naganap sa pamamagitan ng mga network pangkalakalan na nagmula sa Sundaland sa pagitan ng 48,000 hanggang 5,000 BK at hindi sa pamamagitan ng malawak na pandarayuhan. Samantala, ipinapaliwanag ng teoryang "Paglawak ng mga Austronesyo" na ang mga Malayo-Polinesyong nagmula sa Taiwan ay nagsimulang lumipat sa Pilipinas noong 4,000 BK, taliwas sa mga naunang pagdating.
Ang pinakatinatanggap na teorya, batay sa lingguwistika at arkeolohikong katibayan, ay ang teoryang "Mula sa Taiwan", kung saan ipinapalagay na ang mga Austronesyo mula Taiwan, na sila mismo ay nagmula sa mga neolitikong kabihasnan ng Ilog Yangtze tulad ng kalinangang Liangzhu, ay lumipat sa Pilipinas noong 4,000 BK. Sa gitna ng Panahong Neolitiko, isang "kalinangan ng batong-luntian" ang sinasabing umiral na pinatunayan ng libu-libong magagandang gawang artipakto ng batong-luntian na nasumpungan sa Pilipinas na tinatayang noong 2,000 BK pa.
Ang batong-luntian ay sinasabing nagmula sa kalapit na Taiwan at nasumpungan rin sa iba't ibang pook sa kapuluan at pangunahing kalupaan ng Timog-silangang Asya. Ang mga artipaktong ito ang sinasabing patunay ng malawak na pakikipag-ugnayan ng mga lipunan ng Timog-silangang Asya sa isa’t isa noong sinaunang panahon. Magmula noong 1,000 BK, ang mga naninirahan sa kapuluan ay binubuo ng apat na uri ng pangkat panlipunan: mga lipi ng mangangaso at mangangalakal, lipunan ng mga mandirigma, mga plutokrasi sa kabundukan, at mga port principality.
Bago dumating ang mga mananakop
Nanirahan sa bansa noong ikawalong dantaon ang mga mangangalakal na Tsino. Ang paglaganap ng mga bansang (kaharian) Budismo sa bahagi ng Asya ang nagpasimuno ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Indonesia, India, Hapon, at Timog-Silangang Asya. Subalit, humina ang mga kaharian sa Timog-Silangang Asya dahil sa mahigpit na alitan at hindi pagkakasundo. Samantala, ang paglaganap ng Islam sa pamamaraan ng panangalakal at proselitismo, tulad ng Kristiyanismo, ang nagdala sa mga mangangalakal at tagakalat ng pananampalataya sa kabahagian; ang mga Arabe ay dumating sa Mindanao noong ika-14 na dantaon. Sa pagdating ng mga unang Europeo, sa pangunguna ni Fernando Magallanes noong 1521, mayroon nang mga raha hanggang sa hilaga ng Maynila, na naging mga karugtungang-sangay ng mga kaharian ng Timog-Silangang Asya. Subalit, pawang mga nagsasarili ang mga pulo ng Pilipinas noon.
Ang kasalukuyang paghihiwalay sa pagitan ng sinauna at maagang kasaysayan ng Pilipinas ay ang araw na 21 Abril, taong 900, na siyang katumbas sa Kalendaryong Gregoryano ng araw na nakalagay sa Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna, na siyang pinakamatandang kasulatan na nagmula sa Pilipinas. Ang araw na ito ay sumapit sa gitna ng kung anong tinatawag ng mga antropolohista bilang ang "yugto ng pag-usbong" ng Pilipinas (una hanggang ika-14 na dantaon), na inilalarawan bilang ang bagong pag-usbong ng sosyo-kalinangang huwaran, simula ng pag-unlad ng mga malalaking pamayanan sa baybayin, mas higit na pagsasapin-sapin at pagdadalubhasa sa lipunan, at mga pagsisimula ng lokal at pandaigdigang kalakalan. Magmula ika-14 na dantaon, ilan sa mga malalaking pamayanan ay naging maunlad na sentrong pangkalakalan, at naging kalagitnaang punto ng mga pagbabago sa lipunan at paraan ng pamumuhay, kung saan inilarawan ng kung anong tinatawag ni F. Landa Jocano na "yugto ng mga Barangay" ng maagang kasaysayan ng Pilipinas, na nagsimula sa ika-14 na dantaon hanggang sa pagdating ng mga Kastila at ang pagsisimula ng panahong kolonyal ng Pilipinas.
Batay rin sa kasulatan, ang sinaunang Tondo ay umiral noong bago mag-900 at nakasaad rin na ang Tondo noon ay may ugnayan sa Kaharian ng Medang sa kapuluan ng Java sa Indonesia. Bagaman ang katayuan ng ugnayan ng dalawa ay hindi malinaw sa kasulatan, patunay ito na noong ika-10 dantaon pa lamang ay may koneksyon na ang mga kabihasnan sa Luzon at Java. Sa pagdating ng mga Europeo noong ika-16 na dantaon, ang Tondo ay pinamumunuan ng tinatawag na "Lakan". Umusbong ito bilang pangunahing sentro ng kalakalan na may bahagi ng monopolyo sa Karahanan ng Maynila sa mga produktong kalakal ng Dinastiyang Ming sa buong kapuluan.
Ang susunod na makasaysayang tala ay tumutukoy sa isang pook sa Pilipinas ng Vol. 186 ng opisyal na kasaysayan ng Dinastiyang Song kung saan isinasalarawan ang "bansa" ng Ma-i. Taun-taon binibisita ng mga Tsinong mangangalakal ang Ma-i at nagsasalarawan ang kanilang mga tala tungkol sa heograpiya, mga produktong kalakal, at ang pag-uugali ng mga namuno sa Ma-i. Isinaad ng mga Tsinong mangangalakal na ang mga mamamayan ng Ma-i ay tapat at mapagkakatiwalaan. Dahil sa hindi malinaw na mga pagsasalarawan ng mga tala tungkol sa kinaroroonan ng Ma-i, pinagdedebatihan pa rin kung saan ito umiral, may mga iskolar na inaakalang nasa Bay, Laguna ito, habang ang iba naman ay nag-aakalang nasa pulo ng Mindoro ito.
Sumunod na itinukoy ng opisyal na kasaysayan ng Dinastiyang Song ang Karahanan ng Butuan, isang maunlad na kabihasnan sa hilaga't-silangang Mindanao, kung saan ito ang unang naitalang bansa mula sa kapuluan ng Pilipinas na nagpadala ng sugo sa Tsina noong 17 Marso 1001. Nakamit ng Butuan ang katanyagan nito sa ilalim ng pamumuno ni Raha Sri Bata Shaja, na isang Budistang namumuno sa isang bansang Hindu. Naging makapangyarihan ang estadong ito dahil sa lokal na industriya ng panday-ginto at nagkaroon ito ng ugnayan at tunggaliang diplomatiko sa kaharian ng Champa.
Ayon sa alamat, itinatag naman ang Kadatuan ng Madyaas kasunod ng isang digmaang sibil sa pabagsak na Srivijaya, kung saan ang mga tapat na datung Malay sa Srivijaya ay nilabanan ang pananakop ng Dinastiyang Chola at ang papet na Raha nitong si Makatunao, at nagtatag ng isang estadong gerilya sa Kabisayaan. Ang datu na nagtatag sa Madyaas na si Puti, ay bumili ng lupa para sa kaniyang kaharian mula sa isang katutubong Ati na si Marikudo. Itinatag ang Madyaas sa Panay (ipinangalan mula sa estado ng Pannai na kaalyado ng Srivijaya na nasa Sumatra). Pagkatapos, madalas na nilulusob ng mga taga-Madyaas ang mga daungang panlungsod sa katimugang Tsina at nakipaggulo sa hukbong pandagat ng Tsina.
Kalapit ng Madyaas sa Kabisayaan ang Kaharian ng Cebu na pinamunuan ni Rahamuda Sri Lumay, isang maharlika na may liping Tamil mula sa India. Ipinadala si Sri Lumay ng Chola Maharajah upang sakupin ang Madyaas, subalit sumuway siya at bumuo na lamang ng sarili niyang malayang karahanan. Pawang magkaalyado ang Karahanan ng Butuan at Cebu at napanatili nila ang ugnayan at nagkaroon ng rutang pangkalakalan sa Kutai, isang bansang Hindu sa katimugang Borneo na itinatag ng mga Indiyanong mangangalakal.
Ang pinakamatandang petsa na nagbanggit tungkol sa Kaharian ng Maynila sa Luzon sa kabila ng Ilog Pasig mula Tondo ay may kinalaman sa tagumpay ni Raha Ahmad ng Brunei laban kay Raha Avirjirkaya ng Majapahit, na namuno sa parehong lokasyon bago ang paninirahan ng mga Muslim. Nabanggit rin sa mga tala ng Tsino ang isang bansa na tinatawag na "Luzon". Pinaniniwalaang may kinalaman ito sa sinaunang Maynila dahil inihayag sa mga tala ng Portuges at Kastila noong mga 1520 na ang Luçon at "Maynila" ay iisa lamang. Bagaman sinasabi ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan na dahil wala sa mga nakasaksi na ito ang talagang nakabisita sa Maynila, maaaring tinutukoy lamang ng Luçon ang lahat ng mga bayan ng mga Tagalog at Kapampangan na umusbong sa mga baybayin ng look ng Maynila. Gayun man, mula 1500 hanggang mga 1560, itong mga naglalayag na mga taga-Luzon ay tinatawag sa Portuges Malaka na Luções o "Lusong/Lusung", at nakilahok rin sila sa mga kilusang pang-militar sa Burma (Dinastiyang Toungoo), Kasultanan ng Malaka, at Silangang Timor bilang mga mangangalakal at mersenaryo. Ang isang prominenteng Luções ay si Regimo de Raja, na isang magnate sa mga pampalasa at isang Temenggung (sulat Jawi: تمڠݢوڠ) o gobernador at pulis-punong heneral sa Portuges Malaka. Siya rin ang pinuno ng isang hukbong dagat kung saan nangalakal at pinrotektahan ang komersyo sa pagitan ng kipot ng Malaka, dagat Luzon, at mga sinaunang kaharian at bayan sa Pilipinas.
Sa hilagang Luzon, ang Kaboloan (na ngayo'y nasa Pangasinan) ay nagpadala ng mga emisaryo sa Tsina noong 1406-1411, at nakipagkalakal rin ito sa Hapon.
Sa ika-14 na dantaon dumating at nagsimulang lumaganap ang pananampalatayang Islam sa Pilipinas. Noong 1380, sina Karim ul' Makdum at Shari'ful Hashem Syed Abu Bakr, isang Arabong mangangalakal na isinilang sa Johor, dumating sa Sulu mula Melaka at itinatag ang Kasultanan ng Sulu sa pagkumberto sa Raha ng Sulu na si Raha Baguinda Ali at pinakasalan ang kaniyang anak. Sa katapusan ng ika-15 dantaon, pinalaganap ni Shariff Kabungsuwan ng Johor ang Islam sa Mindanao at itinatag naman ang Kasultanan ng Maguindanao. Ang kasultanang uri ng pamahalaan ay lumawak pa patungong Lanao.
Patuloy na lumaganap ang Islam sa Mindanao at umabot sa Luzon. Naging Islamisado ang Maynila sa gitna ng paghahari ni Sultan Bolkiah mula 1485 hanggang 1521. Naisakatuparan ito dahil nilabanan ng Kasultanan ng Brunei ang Tondo sa paggapi kay Raha Gambang sa labanan at matapos ay iniluklok ang Muslim na Raha Salalila sa trono at sa pagtatag ng estadong-papet ng Brunei na ang Kaharian ng Maynila. Pinakasalan din ni Sultan Bolkiah si Laila Mecana, ang anak ng Sultan ng Sulu na si Amir Ul-Umbra upang palawakin ang sakop ng Brunei sa Luzon at Mindanao. Nagpatuloy ang mga Muslim sa pakikipagdigma at nagsagawa ng mga slave-raid laban sa mga Bisaya. Bunga ng pakikilahok sa mga pagsalakay ng mga Muslim, nilipol ng Kasultanan ng Ternate ang Kadatuan ng Dapitan sa Bohol. Nadali rin ang mga karahanan ng Butuan at Cebu ng mga isinagawang slave-raid at nakipagdigma laban sa Kasultanan ng Maguindanao. Kasabay ng mga slave-raid na ito, ay ang panghihimagsik ni Datu Lapu-Lapu ng Mactan laban kay Raha Humabon ng Cebu. Mayroon ding alitan sa teritoryo sa pagitan ng Tondo at ang Islamikong Kaharian ng Maynila, kung saan ang pinuno ng Maynila, na si Raha Matanda, ay humiling ng tulong pang-militar laban sa Tondo mula sa kaniyang mga kamag-anak sa Kasultanan ng Brunei.
Ang mga tunggalian sa pagitan ng mga Datu, Raha, Sultan, at Lakan ang nagpadali sa pananakop ng mga Kastila. Ang mga kapuluan ay kakaunti lamang ang bilang ng mga naninirahang tao dahil sa patuloy na mga nagdaraang unos at pagkakaalitan ng mga kaharian. Samakatuwid, naging madali ang kolonisasyon at ang mga maliliit na estado sa kapuluan ay dagliang nasakop ng Imperyong Kastila at nagsimula ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Panahon ng mga Kastila
Sinakop at inangkin ng mga Kastila, sa pamumuno ni Miguel López de Legazpi, ang mga pulo noong ika-16 na dantaon at pinangalanan itong "Las Islas Filipinas" ayon sa ngalan ni Haring Felipe II. Kaagad na ipinakilala at ipinalaganap ang Katolisismo sa pamamagitan ng mga tagakalat ng pananampalataya, at pati na rin ang mga Batas ng Indias (Laws of the Indies) at iba pang alituntuning pampatupad. Matigas na pagsuway ang itinugon ng mga pangkat katutubo sa kabundukan pati na rin ng mga mapanlabang Muslim na nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Kabi-kabilang mga himagsikan at karahasan ang lumaganap sa mga baybayin sa kabuuan ng tatlong dantaong pananakop, bunga na rin ng pagsasamantala at kakulangan ng pagbabago. Pinamahalaan mula sa Bireynato ng Nueva España (Bagong Espanya sa ngayon ay Mehiko) ang bagong nasasakupan at nagsimula ang kalakalan sa Galyon ng Maynila sa pagitan ng Acapulco at Maynila noong ika-18 dantaon.
Itinatag ng punong panlalawigan José Basco y Vargas noong 1781 ang Sociedad Económica de los Amigos del País (Samahang Pangkalakalan ng mga Kaibigan ng Bayan) at ginawang hiwalay ang bansa mula sa Bagong Espanya.
Nagbukas ang pakikipagkalakalan ng bansa sa daigdig noong ika-19 na dantaon. Ang pag-angat ng mga masigasig at makabayang burges, binubuo ng mga nakapag-aral na mga katutubong Pilipino, mga Kastila at creole na ipinanganak sa Pilipinas, mga mestisong Espanyol at Tsino, silang mga ilustrado ang nagpahiwatig ng pagtatapos ng pananakop ng Kastila sa kapuluan. Naliwanagan sa Kilusang Propaganda na nagsiwalat sa kawalang-katarungan ng pamahalaang kolonyal, sama-sama silang sumigaw para sa kalayaan. Dinakip, nilitis, binigyang-sala, hinatulan ng kamatayan at binaril si José Rizal, ang pinakasikat na propagandista, noong 1896 sa Bagumbayan (Luneta ngayon) dahil sa mga gawaing umano ng pagpapabagsak ng pamahalaan. Naglaon at pumutok ang Himagsikang Pilipino na pinangunahan ng Katipunan, isang lihim panghimagsikang lipunan na itinatag ni Andrés Bonifacio at napamunuan din ni Emilio Aguinaldo. Halos tagumpay na napatalsik ng himagsikan ang mga Kastila noong 1898.
Panahon ng mga Amerikano at ang Pananakop ng mga Hapon
Noong taon ding iyon, magkadawit ang Espanya at Estados Unidos sa Digmaang Kastila-Amerikano. Natalo ang Espanya at ipinasiya nilang ipasa ang kanilang mga nasasakupan na ang Pilipinas, Guam, Kuba, at Puerto Rico sa Estados Unidos. Binayaran naman ng Estados Unidos ang Espanya ng 20 milyong dolyar para sa mga ito, gayong nakapag-pahayag na ng kalayaan ang Pilipinas at itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas at si Emilio Aguinaldo ang hinirang na pangulo, ngunit hindi ito kinilala noong dalawang bansa.
Ang pagtanggi ng mga Pilipino sa panibagong pananakop, ngayon ng mga Amerikano, ang nagtulak sa Digmaang Pilipino-Amerikano na natapos umano noong 1901 ngunit nagpatuloy hanggang 1913. Ang planong pagkalooban ng kalayaan ang bansa ay naudlot nang magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinakop ng Imperyong Hapon ang bansa at itinatag ang Ikalawang Republika ng Pilipinas.
Maraming mga krimen ng digmaan ang ginawa ng mga Hapones sa panahon ng kanilang pananakop. Ang mga gerilya ay nagpatuloy sa kanilang pang-haharas sa mga Hapones. Bumalik sa bansa ang mga Amerikano noong Oktubre 1944. Tuluyang natalo ang mga Hapones noong 1945. Halos isang milyong Pilipino ang namatay sa digmaan. Naging isa sa mga unang naging kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa ang Pilipinas. Noong 4 Hulyo 1946 ay ipinagkaloob ng Amerika ang kalayaan ng Pilipinas.
Panahon ng Ikatlong Republika at Rehimeng Marcos
Noong 11 Oktubre 1945, naging isa ang Pilipinas sa mga unang kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa at sa sumunod na taon, sa 4 Hulyo 1946, kinilala ng Estados Unidos ang kasarinlan ng Pilipinas, sa gitna ng pagkapangulo ni Manuel Roxas. Ang mga natitirang kasapi ng komunistang Hukbalahap ay nagpatuloy ang presensya sa bansa ngunit nasupil ito ng sumunod kay Pangulong Elpidio Quirino na si Ramon Magsaysay. Ang sumunod kay Magsaysay na si Carlos P. García, ay nilikha naman ang patakarang "Pilipino Muna" na itinuloy ni Diosdado Macapagal. Sa panunungkulan ni Macapagal, inilipat ang araw ng kalayaan mula sa Hulyo 4 at ginawang Hunyo 12, na siyang araw na inihayag ni Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya. Habang pinaigting naman ang pagbawi sa Sabah.
Noong 1965, natalo si Macapagal sa pampanguluhang halalan kay Ferdinand Marcos. Sa kaniyang pagkapangulo, pinasimulan ni Marcos ang proyektong pang-imprastraktura ngunit napagbintangan naman ng malawakang katiwalian at lumustay ng bilyun-bilyong dolyar sa pampublikong pondo. Noong malapit na matapos ang termino ni Marcos ay nagpahayag siya ng batas militar noong 21 Setyembre 1972. Ang panahong ito ng kaniyang pamumuno ay inilalarawan bilang panunupil sa pulitika, pangtatakip, at paglabag sa karapatang pantao ngunit ang Estados Unidos ay matatag pa rin ang kanilang pagsuporta.
Noong 21 Agosto 1983, ang kalaban ni Marcos at pinuno ng oposisyon na si Benigno Aquino, Jr., ay pinaslang sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila. Sa huli, nagpatawag si Marcos ng dagliang halalan sa 1986. Si Marcos ang inihayag na nanalo, ngunit ang mga resulta ay itinuring na may daya, na humantong sa Himagsikan ng Lakas ng Bayan. Si Marcos at ang kaniyang mga kaalyado ay lumipad patungong Hawaii, at ang maybahay ni Benigno Aquino na si Corazon Aquino ay kinilala naman bilang pangulo.
Panahon ng Ikalimang Republika (1986 – kasalukuyan)
Sa pagbabalik ng demokrasya at reporma sa pamahalaan, hinarap ng administrasyong Cory Aquino ang problema sa malaking utang, korapsyon, mga kudeta, mga sakuna at mga komunista. Umalis ang mga amerikano sa Clark Air Base at Subic Bay noong Nobyembre taong 1991.
Politika
Pambansang Pamahalaan ng Pilipinas
Ang pamahalaan ng Pilipinas, na hinalintulad sa sistema ng Estados Unidos, ay natatag bilang Republika ng mga Kinatawan. Ang kanyang Pangulo ay may tungkulin bilang pinuno ng estado at pati ng pamahalaan. Siya rin ang punong kumandante ng Hukbong Sandatahan. Naluluklok ang Pangulo sa posisyon sa pamamagitan ng isang pangkalahatang halalan at manunungkulan siya sa loob ng anim na taon. Siya ang may katungkulang maghirang ng mga kasapi at mamuno sa gabinete.
Ang Batasan ng Pilipinas ay nahahati sa dalawang Kapulungan, ang Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang mga kasapi ng dalawang kamarang Kongreso, na binubuo ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ay hinahalal sa botong popular.
Binubuo ang Mataas na Kapulungan o Senado ng 24 na senador na naninilbihan sa loob ng 6 na taon. Tuwing 3 taon, kalahati ng mga kasapi nito ay napapalitan sa pamamagitan ng pangkalahatang halalan at maaaring manungkulan ang isang senador nang hanggang 3 sunud-sunod na termino.
Samantala, ang Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga Kinatawan naman ay inihahalal ng mga botante ng isang distrito o sektor at may terminong 3 taon. Maaari ring manilbihan ang isang Kinatawan ng hanggang 3 sunud-sunod na termino. Binubuo ang Mababang Kapulungan ng hindi bababà sa 225 kinatawan.
Ang sangay panghukuman ng pamahalaan ay pinamumunuan ng Kataas-taasang Hukuman, ang Punong Mahistrado ang namumuno nito at may 14 na Kasamang Mahistrado, lahat hinihirang ng Pangulo at manunungkulan hanggang sa panahon ng kaniyang pagreretiro.
Ang Pangulo, Pangalawang Pangulo at Punong Mahistrado ng Pilipinas ay mapatatalsik lamang sa kaniyang posisyon sa pamamagitan ng isang prosesong pampolitika na kung tawagin ay pagsasakdal, katulad ng nangyari sa dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada dahil sa pagkakasangkot sa Jueteng Scandal na nabunyag noong 2001. Napatalsik din sa puwesto ang dating Punong Mahistrado na si Renato Corona dahil sa pagiging tuta niya kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Nagtagumpay ang pagsakdal noon sapagkat kusang umalis sa Malakanyang si Estrada at ang pumalit ay ang Pangalawang Pangulo nitong si Gloria Macapal ang fice
Ugnayan sa Ibang Bansa
Ang Pilipinas ay isang prominenteng kasapi at isa sa tagapagtaguyod ng Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya. Ito rin ay isang aktibong tagalahok sa Kooperasyong Pang-ekonomiya sa Asya-Pasipiko, isang kasapi ng Pangkat ng 24 at isa sa 51 mga bansang nagtatag sa Mga Nagkakaisang Bansa noong 24 Oktubre 1945.
Pinapahalagahan ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Estados Unidos. Sinuportahan ng Pilipinas ang Amerika sa Digmaang Malamig at ang Digmaang Pangterorismo at isang pangunahing kaalyado na hindi kasapi ng Organisasyon ng Tratado ng Hilagang Atlantiko. Ang mga ugnayan sa iba pang mga bansa ay maayos sa pangkalahatan. Ang ibinahaging pagpapahalaga sa demokrasya ay nagpapagaan sa ugnayan sa mga bansa sa kanluran at Europa. Habang ang parehong pang-ekonomiyang aalahanin ay nakatutulong sa pakikipagugnayan sa ibang mga bansang papaunlad pa lamang. Ang makasaysayang ugnayan at pagkakahalintulad sa kalinangan ay nagsisilbi rin bilang tulay sa pakikipagugnayan sa Espanya. Sa kabila ng mga isyu tulad ng pagmamalabis at mga digmaang nakadudulot sa mga Pilipinong nasa ibayong-dagat, ang ugnayan sa mga bansa sa Gitnang Silangan ay mabuti, na nakikita ito sa patuloy na pagbibigay hanapbuhay sa mahigit dalawang milyong Pilipinong naninirahan doon.
Ang Pilipinas ay kasalukuyang nasa isang pagtatalo sa mga bansang Taiwan, Tsina, Vietnam at Malaysia patungkol sa kung sino ang tunay na may-ari ng Kapuluang Spratly na masagana ng langis at likas na petrolyo. Ito rin ay may 'di pagkakaunawaan sa bansang Malaysia sa usaping Sabah. Sinasabing ibinigay ng Sultan ng Brunei ang teritoryo ng Sabah sa Sultan ng Sulu pagkatapos nitong tumulong sa pagkawasak ng isang rebelyon doon. Iyon ang nagbigay karapatan at poder sa pamahalaan ng Pilipinas na angkinin muli ang kanyang nawalang lupain. Hanggang ngayon, tumatanggap ang Sultan ng Sulu ng pera para sa "upa" sa lupa mula sa pamahalaan ng Malaysia.
Silipin din:
Ugnayang Panlabas ng Pilipinas
Saligang Batas ng Pilipinas
Mga rehiyon at lalawigan
Ang Pilipinas ay nababahagi sa mga pangkat ng pamahalaang pangpook (local government units o LGU). Ang mga lalawigan ang pangunahin na pangkat. Hanggang 2002, mayroong 85 na lalawigan sa bansa. Ang mga ito ay nababahagi pa sa mga lungsod at bayan, na binubuo ng mga barangay. Ang barangay ang pinakamaliit na pangkat pampook ng pamahalaan. Ang lahat ng mga lalawigan ay nalulupon sa 23 mga rehiyon para sa kadaliang pamumuno. Karamihan sa mga sangay ng pamahalaan ay nagtatayo ng tanggapan sa mga bahagi para magsilbi sa mga lalawigang saklaw nito. Subalit, ang mga bahagi sa Pilipinas ay walang bukod na pamahalaang pampook, maliban sa Bangsamoro at Kordilyera, na mga nagsasariling rehiyon.
Tumungo sa mga lathala ng mga rehiyon at mga lalawigan upang makita ang mas malaking larawan ng mga kinalalagyan ng mga bahagi at lalawigan.
Mga Rehiyon at isla
Heograpiya
Tingnan din: Mga Ekorehiyon sa Pilipinas
Ang Pilipinas ay isang kapuluan ng 7,641 mga pulo na ang kabuoan ng sukat ng lupa, kasama ang mga nakapaloob na bahagi ng tubig, ay tinatayang nasa . Ang baybayin nito na ang sukat ay ang dahilan kung bakit ika-5 bansa ang Pilipinas sa pinakamalawak ang baybayin sa buong daigdig. Nasa pagitan ito ng 116° 40', at 126° 34' E. longhitud at 4° 40' at 21° 10' N. latitud at humahangga sa Dagat Pilipinas sa silangan, sa Dagat Timog Tsina sa kanluran, at sa Dagat Sulawesi sa Timog (kasalukuyang Dagat Celebes). Ang pulo ng Borneo ay matatagpuan ilang daang kilometro sa timog kanluran at ang Taiwan ay nasa hilaga.
Karamihan sa mga bulubunduking kapuluan ay nababalot ng mga kagubatang tropikal at mga nagmula sa mga pagsabog ng bulkan. Ang pinakamataas na bundok ay ang Bundok Apo. Ang sukat nito ay 2,954 metro (9,692 talampakan) mula sa kapatagan ng dagat. Nasa pulo ng Mindanao ang Bundok Apo.
Ang pampook na pangmatagalang panahon ay mainit, maalinsangan, at tropikal. Ang kalimitang taunang temperatura ay nasa 26.5° sentigrado. May tatlong panahon sa Pilipinas na pangkalahatang kinikilala ng mga Pilipino. Ito ay ang Tag-init o Tag-araw (mainit na panahon mula ika-3 buwan hanggang ika-5 buwan), ang Tag-ulan (maulan na panahon mula ika-6 buwan hanggang ika-11 buwan), at ang Taglamig (malamig na panahon mula ika-12 buwan hanggang ika-2 buwan).
Karamihan sa mga pulong mabundok ay dating natatakpan ng tropikal na kagubatan at itong mga pulong ito ay nagmula sa bulkan. Ang pinakamataas na tuktok ay ang sa Bundok Apo sa Mindanao na 2,954 m ang taas. Maraming bulkan ang madalas na sumasabog sa bansa tulad ng Bulkang Pinatubo at Bulkang Mayon. Ang bansa rin ay nasa tinatawag na "typhoon belt" ng Kanlurang Pasipiko at ito ay tinatamaan ng mga 19 na bagyo taon-taon.
Ang Pilipinas ay napapaloob din sa tinatawag na Singsing ng Apoy ng Pasipiko na isa sa pinakaaktibong fault areas sa buong daigdig.
Arimuhunan
Ang Pilipinas ay isang umuunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang lebel ng sahod sa Pilipinas ay mababang gitnang sahod (lower middle income). Ang GDP kada tao ayon sa Purchasing power parity (PPP) sa Pilipinas noong 2013 ay $3,383 na ika-130 sa buong mundo at mas mababa sa ibang mga bansa sa Timog Silangang Asya gaya ng Brunei, Singapore, Malaysia, Thailand at Indonesia . Ang GDP kada tao ayon sa PPP ay naghahambing ng mga pangkalahatang pagkakaiba sa pamantayan ng pamumuhay sa kabuuan sa pagitan ng mga bansa dahil isinasaalang alang nito ang relatibong gastos ng pamumuhay at mga rate ng implasyon ng mga bansa. Ang Pilipinas ay ika-138 sa buong mundo sa indeks ng pagiging madaling magnegosyo o mahirap magnegosyo sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay ika-105 sa Corruption Perceptions Index sa mga 176 bansa sa buong mundo o may napakataas na antas ng korupsiyon.
Ang kahirapan at hindi pantay na sahod sa pagitan ng mayaman at mahirap ay nananatiling mataas sa Pilipinas. Ang mga kamakailang paglago sa ekonomiya ng Pilipinas ay nangyayari lamang sa mga sektor ng serbisyo gaya ng industriyang pagluluwas ng semikondaktor, telekomunikasyon, BPO, real estate na sinusuportahan ng mga remitans o ipinadalang salapi ng mga OFW sa kanilang pamilya sa Pilipinas na may maliliit na negosyo. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit mayroong hindi sapat na kalidad na trabaho at ang kahirapan at pagiging hindi pantay ng sahod ay hindi napabuti. Ang sektor na lilikha ng mas maraming trabaho gaya ng agrikultura, pagmamanupaktura at industriya ay matamlay.
Iniulat ng World Bank na ang Pilipinas ay isa sa pinakamayamang ekonomiya sa Asya noong mga 1950 pagkatapos ng Hapon ngunit naging isa sa pinakamahirap na bansa sa Asya ngayon. Ito ay itinuturo ng mga ekonomista sa mga taon ng maling pangangasiwa sa ekonomiya at pababago-bagong kondisyon sa politika noong rehimen ni Ferdinand Marcos mula 1965 hanggang 1986 na nag-ambag sa bumagal na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Ayon sa ilang sanggunian, ang taunang GDP ng Pilipinas mula 1976 hanggang 1986 sa ilalim ni Marcos ay 1.8% lamang. Sa ilalim ni Marcos, ang kapitalismong kroni at monopolyo ay itinatag kung saan ang kanyang mga kroni ay malaking nakinabang. Sa ilalim ni Marcos, ang Pilipinas ay mabigat na umutang sa dayuhan na umabot ng 28 bilyong dolyar mula kaunti sa 2 bilyong dolyar nang maluklok siya sa puwesto noong 1965. Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagbabayad pa rin ng interes sa mga utang pandayuhan ng bansa na natamo noong panahon ng administrasyong Marcos hanggang sa 2025.
Ang Pilipinas ang ika-43 pinakamalaki sa buong daigdig ang pambansang ekonomiya ng Pilipinas, na may tinatayang $224.754 bilyon GDP (nominal) noong 2011. Kinabibilangan ng mga kalakal na iniluluwas ang mga semiconductors at mga kalakal na eletroniko, mga kagamitang pang-transportasyon, damit, mga produkto mula sa tanso, produktong petrolyo, langis ng niyog, at mga prutas. Pangunahing kinakalakal ito sa mga bansang Estados Unidos, Japon, China, Singapur, Timog Korea, Netherlands, Hong Kong, Alemania, Taiwan, at Tailandia.
Bilang isang bagong bansang industriyalisado, nagpapalit na ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa pagiging isang bansang nakabatay sa agrikultura patungo sa ekonomiyang nakabatay ng higit sa mga paglilingkod at paggawa. Sa kabuoang bilang ng mga manggagawa sa bansa na nasa 38.1 milyon, 32% nito ay naghahanapbuhay sa sektor ng agrikultura subalit 13.8% lamang nito ang naiaambag sa GDP. ang sektor ng industriya na nasa 13.7% ng dami ng manggawa ay nakakapag-ambag ng 30% sa GDP. Samantala ang natitirang 46.5% ng mga manggawa ay nasa sektor ng paglilingkod na bumubuo sa 56.2% ng GDP.
Noong 1998 ang ekonomiya ng Pilipinas — pinaghalong agrikultura, marahan na industriya, at mga serbisyong pansustento — ay nanghina dulot ng krisis pinansiyal sa Asya at ng mahinang kondisyon ng lagay ng panahon. Ang pag-angat ay bumaba sa 0.6% noong 1998 mula 5% noong 1997, pero nakabawi hanggang sa 3% noong 1999 at 4% noong 2000. Nangako ang pamahalaan na ipagpapatuloy ang mga reporma sa ekonomiya para makahabol ang bansa sa mga bagong nagsisipag-unlaran at industriyalisadong mga bansa sa Silangang Asia. Ang nagpapabagal sa pagsisikap ng pamahalaan na mapabuti ang ekonomiya ng bansa ay ang mismong utang nito (utang pampubliko na 77% ng GDP). Ang hinihinging badyet para sa pagbabayad ng utang ay higit na mas mataas pa sa badyet ng pinagsamang Kagawaran ng Edukasyon at Militar.
Ang estratehiyang pinaiiral ng pamahalaan ay ang pagpapabuti sa impraestruktura, ang paglilinis sa sistemang tax o buwis upang paigtingin ang kita ng pamahalaan, ang deregulasyon at pagsasapribado ng ekonomiya, at ang karagdagang pagkalakal sa rehiyon o mas integrasyon. Ang pagasa ng ekonomiya sa ngayon ay nakasalalay sa kaganapang pang-ekonomiya ng kanyang dalawang pangunahing sosyo sa kalakal, ang Estados Unidos at Hapon, at sa isang mas mabisang administrasyon at mas matibay na patakaran ng pamahalaan.
Sa ilalim ng pamumunò ni Noynoy Aquino, ang rate ng paglago ng GDP ng Pilipinas noong 2012 ay 6.6 porsiyento na sinasabing ikalawang pinakamataas sa Asya. Ang Fitch Ratings ay nagtaas ng Pilipinas sa "BBB-" with a stable outlook na unang pagkakataong ang Pilipinas ay nakatanggap ng gayong katayuan ng grado ng pamumuhunan sa Pilipinas. Itinaas din ng World Economic Forum ang Pilipinas sa 10 punto sa itaas na kalahati ng ranggong pagiging kompetetibo nitong pandaigdigan sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga pagbuti sa ekonomiya ay sinasabing sanhi ng mga hakbang na isinasagawa ni Noynoy upang pataasin ang pagiging bukas ng pamahalaan at sugpuin ang korapsyon na muling nagbigay ng pagtitiwalang internasyonal sa ekonomiya ng Pilipinas. Gayunpaman, sinasabing ang mga mayayamang pamilya lamang ang nakinabang at nakikinabang sa pagbuti ng ekonomiya. Ang pagiging hindi pantay ng sahod sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa Pilipinas ay nananatiling mataas. Noong 2012, isinaad ng Forbes Asia na ang magkakasamang kayamanan ng 40 pinakamayamang pamilya sa Pilipinas ay lumago ng $13 bilyong dolyar noong 2010 hanggang 2011 sa $47.4 bilyon na pagtaas na 37.9 porsiyento. Ang pagtaas sa kayamanan ng mga pamilyang ito ay katumbas ng 76.5 porsiyento ng kabuoang pagtaas ng GDP ng Pilipinas sa panahong ito. Ang hindi pantay na sahod ng mga mamamayang Pilipino ang pinakamataas sa Asya. Sa Thailand, ang kayamanan ng 40 mga mayayamang pamilya ay tumaas lamang nang 25 porsiyento sa 2012 samantalang sa Malaysia ay 3.7 porsiyento at sa Hapon ay 2.8 porsiyento lamang.
Transportasyon
Ang imprastrakturang pantransportasyon sa Pilipinas ay hindi gaanong maunlad. Ito ay dahil sa bulubunduking lupain at kalat-kalat na heograpiya ng kapuluan, ngunit bunga rin ito ng mababang pamumuhunan ng mga nakalipas na pamahalaan sa imprastraktura. Noong 2013, humigit-kumulang 3% ng pambansang GDP ay napunta sa pagpapa-unlad ng imprastraktura – higit na mas-mababa kung ihahambing sa karamihan sa mga karatig-bansa nito. May 216,387 kilometro (134,457 milya) ng mga daan sa Pilipinas; sa habang ito, tanging 61,093 kilometro (37,961 milya) lamang ng mga daan ay nailatag.
Madalas makakakuha ng mga bus, dyipni, taksi, at de-motor na traysikel sa mga pangunahing lungsod at bayan. Noong 2007, may humigit-kumulang 5.53 milyong mga nakarehistrong sasakyang de-motor. Dumarami nang 4.55% sa bawat taon ang mga pagpaparehistro ng mga sasakyan.
Nangangasiwa ang Pangasiwaan ng Abyasyon Sibil ng Pilipinas sa mga paliparan at sa pagpapatupad ng mga polisiyang may kinalaman sa ligtas na paglalakbay sa himpapawid na may 85 gumaganang pampublikong paliparan magmula noong 2014. Naglilingkod ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA) sa Malawakang Maynila kasama ang Paliparang Pandaigdig ng Clark. Ang Philippine Airlines, ang pinakamatandang kompanyang panghimpapawid sa Asya na umiiral pa rin sa ilalim ng orihinal na pangalan nito, at ang Cebu Pacific, ang pangunahing pang-mababang presyo na kompanyang panghimpapawid, ay mga pangunahing kompanyang panghimpapawid na naglilingkod sa karamihang mga panloob at pandaigdigang destinasyon.
Karamihang matatagpuan sa Luzon ang mga mabilisang daanan at lansangan kasama ang Pan-Philippine Highway na nag-uugnay ng mga pulo ng Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao, ang North Luzon Expressway, South Luzon Expressway, at ang Subic–Clark–Tarlac Expressway.
May papel lamang ang transportasyong daambakal sa Pilipinas sa paglululan ng mga pasahero sa loob ng Kalakhang Maynila. Ang rehiyon ay pinaglilingkuran ng tatlong mga linya ng mabilis na lulan: Linya 1, Linya 2 at Linya 3. Noong nakaraan, nagsilbi ang mga daambakal sa mga pangunahing bahagi ng Luzon, at magagamit ang mga serbisyong daambakal sa mga pulo ng Cebu at Negros. Ginamit din ang mga daambakal para sa mga layong pang-agrikuktura, lalo na sa paggawa ng tabako at tubo. Halos wala nang transportasyong pangkargamento sa riles magmula noong 2014. Ilang nga sistemang transportasyon ay nasa ilalim ng pagpapa-unlad: nagpapatupad ang DOST-MIRDC at UP ng mga unang pag-aaral ukol sa Automated Guideway Transit. Magmula noong 2015 sinusubok din ang kung-tawaging "Hybrid Electric Road Train" na isang mahabang bi-articulated bus.
Bilang isang kapuluan, kadalasang kinakailangan ang paglalakbay sa mga pulo-pulo gamit ang sasakyang pandagat. Ang mga pinaka-abalang pantalang pandagat ay Maynila, Batangas, Subic, Cebu, Iloilo, Dabaw, Cagayan de Oro, at Zamboanga. Naglilingkod ang 2GO Travel at Sulpicio Lines sa Maynila, na may mga ugnay sa iba't-ibang mga lungsod at bayan sa pamamagitan ng mga pampasaherong bapor. Ang 919-kilometro (571 milyang) Strong Republic Nautical Highway (SRNH), isang pinagsamang set ng mga bahagi ng lansangan at ruta ng ferry na sumasaklaw sa 17 mga lungsod, ay itinatag noong 2003. Naglilingkod ang Pasig River Ferry Service sa mga pangunahing ilog sa Kalakhang Maynila, kasama ang Ilog Pasig at Ilog Marikina na may mga estasyon sa Maynila, Makati, Mandaluyong, Pasig at Marikina.
Demograpiya
Tumaas ang populasyon ng Pilipinas mula 1990 hanggang 2008 ng tinatayang 28 milyon, 45% paglago sa nasabing panahon. Sa kauna-unahang opisyal na sensus ng Pilipinas na ginanap noong 1877 ay nakapagtala ng populasyon na 5,567,685. Noong 2011, naging ika-12 pinakamataong bansa sa buong daigdig ang Pilipinas, na ang populasyon ay humihigit sa 94 milyon.
Tinatayang ang kalahati ng populasyon ay naninirahan sa pulo ng Luzon. Ang antas ng paglago ng populasyon sa pagitan ng 1995 hanggang 2000 na 3.21% ay nabawasan sa tinatayang 1.95% para sa mga taong 2005 hanggang 2010, subalit nananatiling isang malaking isyu. 22.7 Ang panggitnang gulang ng populasyon ay 22.7 taon gulang na may 60.9% ang nasa gulang na 15 hanggang 64 na gulang. Ang tinatayang haba ng buhay ay 71.94 taon, 75.03 taon para sa babae at 68.99 na taon para sa mga lalaki.
May mahigit 11 milyong mga Pilipino sa labas ng Pilipinas. Nang magsimula ang liberalisasyon ng batas pang-imigrasyon ng Estados Unidos noong 1965, ang bilang ng mga taong may liping Pilipino ay tumaas. Noong 2007, tinatayang nasa 3.1 milyon ang bilang nito. Ayon sa Kawanihan ng Senso ng Estados Unidos, ang mga imigrante mula sa Pilipinas ay bumubuo ng ikalawang pinakamalaking pangkat sunod sa Mehiko na naghahangad nang pagkakabuo ng pamilya. May tinatayang dalawang milyong Pilipino ang naghahanapbuhay sa Gitnang Silangan, kung saan nasa isang milyon nito ay nasa Arabyang Saudi.
Mga pinakamalaking lungsod
Pangkat-tao
Ayon sa pagtatala noong 2000, 28.1% ng mga Pilipino ay Tagalog, 13.1% ay Sebwano, 9% ay Ilokano, 7.6% ay Bisaya/Binisaya, 7.5% ay Hiligaynon, 6% ay Bikolano, 3.4% ay Waray, at ang nalalabing 25.3% ay kabilang sa iba pang mga pangkat, na kinabibilangan ng mga Moro, Kapampangan, Pangasinense, mga Ibanag at mga Ibatan. Mayroon ding mga katutubong mga pangkat gaya ng mga Igorot, mga Lumad, Mangyan, Badjao, at mga pangkat-etniko ng Palawan. Ang mga Negrito, gaya ng mga Aeta, at ang mga Ati, ay itinuturing na mga kauna-unahang nanahan sa kapuluan. Kasama ang mga grupong minorya ng kabundukan, mga dayuhan at mga etnikong Pilipinong Moro ng Mindanao sa natitirang 10 porsiyento. Ang mga Aeta o Negrito na dating aktibo sa kapuluan ilang libong taon ang nakaraan, ay nagsipaglikas sa loob ng kagubatan at kabundukan. Ang kapalaran nila ay katulad din ng sa ibang grupong katutubo sa buong mundo tulad ng mga katutubong Australyano at ang mga Katutubong Amerikano. Marami sa kanila na napasanib at napahalo sa mga etnikong Malay-Pilipino o kaya'y napahiwalay bunga ng "sistematikong pag-aalis" noon.
Ayon sa tala ng pamahalaan ng Pilipinas at mga kasalukuyang datos ng senso, mga 95% ng mamamayan ay pangkat Malay, mga ninuno ng mga nandarayuhan mula sa Tangway ng Malaya at kapuluang Indonesya na dumating bago pa man ang panahong Kristiyano. Ang mga mestiso, na may halong lahing Pilipino-Kastila, Pilipino-Tsino, Pilipino-Hapones, Pilipino-Amerikano o Kastila-Tsino (Tornatra) ay bumubuo ng isang maliit ngunit makapangyarihan na pangkat pagdating sa ekonomiya at pamahalaan. Mayroon ding maliliit na pamayanan ng mga dayuhan tulad ng Kastila, Amerikano, Italyano, Portuges, Hapon, Silangang Indiyan, at Arabo, at mga katutubong Negrito na nakatira sa mga malalayong pook at kabundukan.
Kabilang sa mga wikang banyaga sa Pilipinas ang Ingles; (Mandarin, Hokyen at Kantones); Ang Ingles; Hapones; Hindu ay mula sa mga kasapi ng pamayanan ng mga, Indiyan, mga Amerikano, ay mula sa kanilang, Munting Indiya o LittleIndia pook ng korea o Koreatown, pook ng mga Amerikano o Americantown at mga Munting Amerika o LittleAmerica at paaralan kung saan ang wika ng pagtuturo ay ang paggamit ng dalawang wika na Mandarin/English; Arabe sa mga kasapi ng pamayanang Muslim o Moro; at Espanyol, na pangunahing wika ng Pilipinas hanggang 1973, ay sinasalita ng tinatayang 3% ng mamamayan. Gayun pa man, ang tanging nabubuhay na wikang halong Asyatiko-Espanyol, na ang Tsabakano, ay wika ng ilan sa timog-kanlurang bahagi ng bansa.
Mula 1939, sa pagsisikap na paigtingin ang pambansang pagkakaisa, pinalaganap ng pamahalaan ang paggamit ng opisyal na pambansang wika na ang Filipino na de facto na batay sa Tagalog. Itinuturo ang Filipino sa lahat ng paaralan at unti-unting tinatanggap ng taongbayan bilang pangalawang wika. Ang Ingles naman ay ginagamit bilang pangalawang pangunahing wika at kadalasang maririnig sa talakayan ng pamahalaan, pag-aaral at pangkabuhayan.
Wika
Ayon sa pinakabagong saliksik ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), mayroong 131 wikang buhay sa Pilipinas. Bahagi ang mga ito ng pangkat ng mga wikang Borneo-Pilipinas ng mga wikang Malayo-Polinesyo, na sangay ng mga wikang Austronesyo.
Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987, ang Wikang Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika. Ang Filipino ay ang wikang pambansa ng Pilipinas na ibinatay sa Tagalog ngunit patuloy na nililinang at pinapagyayaman batay sa mga iba pang wika ng Pilipinas. Pangunahin itong sinasalita sa Kalakhang Maynila at sa ibang mga rehiyong urban. Kapuwa ginagamit sa pamahalaan, edukasyon, pahayagan, telebisyon at negosyo ang wikang Filipino at Ingles. Nagtalaga ang saligang batas ng mga wikang rehiyonal gaya ng Bikolano, Sebwano, Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, Tagalog, at Waray bilang katulong na opisyal na wika at iniuutos na ang Wikang Kastila at Arabe ay itaguyod nang kusa at opsiyonal.
Pananampalataya
Ang Pilipinas ay bansang sekular na may saligang batas na naghihiwalay sa simbahan at estado. Subalit, ang mahigit sa 80% ng populasyon ay Kristiyano: ang karamihan ay mga Katoliko samantalang ang 10% ng mga Pilipino ay kasapi sa ibang denominasyong Kristiyano, gaya ng Iglesia ni Cristo, ang mga kaanib sa Iglesia ng Dios o Dating Daan, ang Iglesia Filipina Independiente, Ang Nagkaisang Iglesia ni Cristo sa Pilipinas, Sabadista, Born Again Groups at ang Mga Saksi ni Jehova. Sa kabila ng mga relihiyong ito, hindi dapat mawala ang ating pananalig sa Panginoong Diyos. Bunga ng impluwensiya ng kulturang Kastila, ang Pilipinas ay isa sa dalawang bansa sa Asya na may pinakamaraming Katoliko, na sinundan ng Silangang Timor, isang dating kolonya ng Portugal.
Ayon sa Pambansang Komisyon sa mga Pilipinong Muslim noong 2012, tinatayang nasa 11% ng mga Pilipino ang naniniwala sa Islam, na ang karamihan sa mga ito ay mga Sunni. Sa katunayan, ang karamihan ng mga taga-katimugang Pilipinas ay mga Muslim.
Pag-aaral
Iniulat ng Tanggapan ng Pambansang tagatala ng Pilipinas na ang payak na kamuwangan ng Pilipinas ay nasa 93.4% at ang nagagamit na kamuwangan ay nasa 84.1% noong 2003. Halos pantay ang kamuwangan ng mga babae at lalaki. Ang paggastos sa pag-aaral ay nasa tinatayang 2.5% ng GDP. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, 44,846 na mababang paaralan at 10,384 na mataas na paaralan ang nakatala para sa taong pampaaralan ng 2009-2010 samantalang itinala ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o CHED na may 2,180 na mga institusyong pag-aaral, ang 607 dito ay pampubliko at ang 1,573 ay mga pribado.
May ilang mga sangay ng pamahalaan ang kasama sa pag-aaral. Ang Kagawaran ng Edukasyon ang nakasasakop sa mababang paaralan, pangalawang mataas na paaralan, at mga hindi pormal na edukasyon; ang Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan o TESDA ang namamahala sa mga pag-aaral sa pagsasanay at pagpapaunlad pagkatapos ng pangalawang mataas na paaralan; at ang Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon ang nangangasiwa sa mga dalubhasaan at pamantasan at nag-aayos ng mga pamantayan sa lalong mataas na pag-aaral.
Kalinangan at kaugalian
Sa buong kasaysayan ng Pilipinas, walang ni isang tanging pambansang pagkakakilanlang o pangkaugalian na nahubog. Sa isang bahagi, ito ay dahil marahil sa napakaraming wikang ginagamit sa buong kapuluan na tinatantiyang nasa 80, bukod pa sa mga wika nito. Ang pagkakabukod-bukod ng mga magkakaratig na barangay o mga pulo ay nakadagdag din sa pagkawalang pagkakaisa sa pagkakakilanlan.
Sa pagdating ng mga Kastila, tumawag ang mga tagakalat pananampalatayang Katoliko ng mga katutubo para maging tagasalin, nakapaglikha ng mga dalawa ang wikang ginagamit na uri, ang mga Ladinos. Ang mga ito, tulad ng tanyag na makatang si Gaspar Aquino de Belen, ay lumikha ng mga tula ng kabanalan na isinulat sa titik Romano, kalimitan sa wikang Tagalog. Ang pasyon ay isang pagsasalaysay ng simbuyo, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo na sinimulan ni Gaspar Aquino de Belen. Umusbong din ang mga panitikang (hindi-relihiyoso) na binase sa mga korido, mga baladang Kastila ng kabalyero. Ang mga salaysay na berso, o ang komedya, ay ginanap sa mga wikang pang-kabahagian para sa mga (di nakakabasa o nakakasulat). Nasulat din ang mga ito sa abakadang Romano ng mga pangunahin na wika at kumalat.
Sa karagdagan, ang panitikan o panitikang klasikal (Jose Rizal, Pedro Paterno) at mga kasulatan ng kasaysayan (pambansang awit, Constitución Política de Malolos), ay nasa sa Espanyol, na hindi na pangunahing wika ngayon. Ang mga manunulat na Pilipino, tulad ni Claro M. Recto ay nagpatuloy sa pagsusulat sa wikang Espanyol hanggang 1946.
Ang Pilipinas ay bayan ng maraming bayani. Sinasabing si Lapu-Lapu ng pulo ng Mactan ang unang pumigil sa paglusob kanluranin at ang pumatay kay Fernando Magallanes. Si Jose Rizal (ipinanganak noong ika-19 ng ika-6 na buwan ng 1896 sa bayan ng Calamba, Laguna), ipinagmamalaki ng Lahing Malay, Pambansang Bayani ng Pilipinas, 22 wika ang alam: Arabe, Katalan, Tsino, Ingles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapones, Latin, Malay, Portuges, Ruso, Sanskrito, Espanyol, Tagalog at iba pang katutubong wika; siya ay naging tagaguhit ng mga gusali, tagapagtanghal, nakikipagkalakal, tagaguhit ng karikatyur, guro, ekonomista, etnolohista, siyentipikong magsasaka, bihasa sa kasaysayan, imbentor, peryodista, dalubhasa sa wika, bihasa sa awit, mitolohista, makabayan, naturalista, nobelista, siruhano sa mata, makata, propagandista, sikolohista, siyentista, manlililok, sosyolohista, at teologo. Pilipino ang unang Asyatikong Kalihim-Heneral ng Asamblea Heneral ng Mga nagkakaisang Bansa (UN) – si Carlos Peña Romulo.
Itinuturing na Pandaigdigang Pamanang Pook ang mga Barokeng Simbahan ng Pilipinas at ang Makasaysayang Bayan ng Vigan. Kabilang sana rito ang Intramuros ngunit nawasak ito matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa ring Pandaigdigang Pamanang Pook ang mga Hagdan-hagdang Palayan o Pay-yo ng Kordilyera, na kinikilala ring ikawalong nakakahangang-yaman ng daigdig.
Midya
Ang pangunahing wika na ginagamit sa midya sa Pilipinas ay ang Filipino at Ingles. Ginagamit din naman ang ibang mga wika sa Pilipinas, lalo na sa mga radyo dahil sa kakayahan nitong maabot ang mga malalayong pook na maaaring hindi kayang maabot ng ibang uri ng midya. Ang mga pangunahing himpilang pantelebisyon sa Pilipinas ay ang ABS-CBN, GMA at TV5 na may malawak din na serbisyong panradyo.
Ang industriya ng aliwan o tinatawag na showbiz ay makulay at nagbibigay laman sa mga pahayagan at peryodiko ng mga detalye tungkol sa mga artista. Tinatangkilik din ang mga teleserye gaya rin ng mga telenobelang Latino, Asyano (partikular ang mga dramang Koreano) at mga anime. Ang mga pang-umagang palabas ay pinangingibabawan ng mga game shows, variety shows, at mga talk shows gaya ng Eat Bulaga at It's Showtime. Tanyag din ang mga Pelikulang Pilipino at mayroong mahabang kasaysayan, subalit nahaharap sa matinding kompetensiya mula sa mga pelikulang banyaga. Kabilang sa mga pinagpipitagang direktor si Lino Brocka para sa pelikulang Maynila, sa mga Kuko ng Liwanag. Sa mga nakalipas na mga taon nagiging pangkaraniwan ang paglilipat-lipat ng mga artista mula sa telebisyon at pelikula at pagkatapos ay ang pagpasok sa politika na pumupukaw ng pangamba.
Tingnan din
Balangkas ng Pilipinas
Talaan ng mga temang may kaugnayan sa Pilipinas
Talasanggunian
Mga palabas na kawing
Mga pahinang opisyal
www.gov.ph - Portal ng Pamahalaan ng Pilipinas
www.op.gov.ph - Tanggapan ng Pangulo
www.ovp.gov.ph Tanggapan ng Pangalawang Pangulo
www.senate.gov.ph - Senado
www.congress.gov.ph - Kapulungan ng mga Kinatawan
www.supremecourt.gov.ph - Kataas-taasang Hukuman
www.comelec.gov.ph - Komisyon sa Halalan
www.dfa.gov.ph - Kagawaran ng Ugnayang Panlabas
www.itsmorefuninthephilippines.com - Kagawaran ng Turismo
www.afp.mil.ph - Sandatahang Lakas ng Pilipinas
- Kagawaran na bumubuo sa Gabinete sa Pilipinas 2005
Kasaysayan
Mga Panahon ng Pilipino: A Web of Philippine Histories
Mga pahinang pambalita
Friendly Philippines News Online
ABS-CBN News
Philippine Daily Inquirer at GMA News
Philippine Star
The Manila Bulletin Online
The Manila Times Online
Sun Star Network Online
The Daily Tribune Online
Malaya Online
Iba pang mga pahina
Pilipinas Website
CIA World Factbook - Philippines
Philippines Travel Directory - Philippines Travel Directory
Tanikalang Ginto - Philippine links directory
Open Directory Project - Philippines directory category
Philippine Website Directory - Open directory Philippines
Yahoo! - Philippines directory category
Yahoo! News Full Coverage - Philippines news headline links
Yehey.com - Most popular Philippine portal
Philippine Directory - Philippine website directory
Jeepneyguide - Guide for the independent traveler
Philippines Travel Info and Blog
Philippines Travel Guide
ManilaMail - a reference point for understanding the Philippines and Filipinos
Mga dating kolonya ng Espanya
Mga bansa sa Asya
Mga estadong-kasapi ng ASEAN
|
585
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Maynila
|
Maynila
|
Ang Lungsod ng Maynila (, Espanyól: Ciudad de Manila, Ingles: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang punong-lungsod at ang pangalawang pinakamataong lungsod ng Pilipinas. Mataas ang pagkaurbanisado, ito ang lungsod na may pinakamakapal na dami ng tao sa buong mundo noong 2019. Tinuturing ang Maynila na isang pandaidigang lungsod at grinado bilang isang Lungsod–Alpha (o Alpha – City) ng Globalization and World Cities Research Network (GaWC). Ito ang unang lungsod sa bansa na naka-karta (o may sariling saligang-batas), na itinalaga ng Batas ng Komisyon ng Pilipinas Blg. 183 ng Hulyo 31, 1901. Naging awtonomo ito nang napasa ang Batas Republika Blg. 409, "Ang Binagong Karta ng Lungsod ng Maynila", noong Hunyo 18, 1949. Tinuturing ang Maynila bilang bahagi ng orihinal na pangkat ng mga pandaigdigang lungsod dahil lumawig ang network nitong pang-komersyo sa Karagatang Pasipiko at kumonekta sa Asya ang Kastilang mga Amerika sa pamamagitan ng kalakalang Galeon; nang nagawa ito, tinatakan nito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng mundo na naitatag ang isang hindi naabalang kadena ng ruta ng kalakalan na pumapalibot sa planeta. Ito ang isa sa mga pinakamatao at pinakamabilis na lumagong lungsod sa Timog-silangang Asya na may kabuuang populasyon na sa na kabahayan ayon noong .
Sumasakop ng 42.88 na kuwadrado kilometro, ang lungsod na ito ay nasa baybayin ng Look ng Maynila na nasa kanlurang bahagi ng Pambansang Punong Rehiyon na nasa kanlurang bahagi ng Luzon. Napalilibutan ang Maynila ng mga lungsod ng Navotas at Caloocan sa hilaga, Lungsod Quezon sa hilagang-silangan, San Juan at Mandaluyong sa silangan, Makati sa timog-silangan at Pasay sa timog. Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hong Kong, 2,400 na kilometro ang layo mula sa Singapore at mahigit 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan mula sa Kuala Lumpur. Nahahati ang Maynila sa dalawa ng ilog Pasig. Sa depositong alubyal ng ilog Pasig at look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig.
Noong ika-13 siglo, ang lungsod ay binubuo ng mga tindahan at tagatanggap sa may tabi ng baybayin ng ilog Pasig, na nasa hilaga ng mga makalumang pamayanan. Ang opisyal na pangalan na ibinigay ng mga Malay sa lungsod ay Seludong/Selurung, na ginamit din sa isang bahagi sa pulo ng Luzon, at inimumungkahi na ito ang punong bayan/lungsod ng Kaharian ng Tondo. Ang lungsod ay nakilala rin sa pangalan na ibinigay ng mga pangkat etnikong mga Tagalog, ang "Maynila", na unang nakilala bilang "Maynilad". Nagmula ang pangalan sa salitang nila, isang uri ng halamang mabulaklak na tumutubo sa baybayin ng look, na ginagamit sa paggawa ng sabon para sa pakikipagkalakalan; nanggaling ito sa salitang may nila, na may unlaping "ma-" na tumutukoy kung saan ang isang lugar ay mayroong isang bagay na malago (maaaring Sanskrit ang "nila" na "punong indigo"). (Ang sinasabing naging pangalan ng halaman ay nilad ay kathang isip lamang.)
Noong kapanahunan ng mga Kastila, itinaguyod ang lungsod na may umpok-umpok na pamayanan na pumapalibot sa nagsasanggalang haligi ng Intramuros (nahahaligihan), ang orihinal na Maynila. Ang Intramuros na isa sa mga pinakalumang nagsasanggalang na haligi sa timog-silangan, ay ginawa at pinasyahan ng mga misyonaryong Heswita para hindi masakop ng mga Tsino ang pamayanan at mailigtas ang mga mamamayan. Noong kapanahunan ng Amerikano, ilang pagsasaayos ang isinagawa sa katimugang bahagi ng lungsod at ginamit ang arkitekturang disenyo ni Daniel Burnham. Ang lungsod ay may humigit sa 100 mga parke na nakakalat sa buong lungsod.
Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na pinamahalaan ang kapuluan ng Pilipinas ng tatlong dantaon simula 1565 hanggang 1898. Noong namalagi ang Britanya sa Pilipinas, ang Maynila ay pinamahalaan ng dakilang Britanya ng dalawang taon simula 1762 hanggang 1764 na naging bahagi sa Pitong Taong Digmaan. Nanatiling punong lungsod ng Pilipinas ang Maynila sa pamamahala ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na kumikilos sa pamamagitan ng mga arsobispo ng Maynila at ng Real Audiencia. Nasa Pampanga ang kuta ng mga nag-aaklas laban sa mga Briton.
Ang Maynila ay nakilala noong may kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal ng tatlong dantaon at nakapaghatid ng mga kagamitan simula sa Mehiko patungong Timog-silangang Asya. Noong 1899, binili ng Nagkakaisang mga Estado ng Amerika ang Pilipinas sa mga Kastila at pinamahalaan ang buong kapuluan ng hanggang 1946. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nawasak ang malaking bahagi ng lungsod. Ang lungsod ay ang pangalawang pinakawasak na lungsod kasunod ng Varsovia, Polonya. Ang rehiyon ng Kalakhang Maynila ay gumanap na entidad na may kasarinlan noong 1975.
Kasaysayan
Ang Kaharian ng Maynila ay nakilala bilang Gintu (lupain o isla ng mga ginto) o Suvarnadvipa ng mga kalapit na lalawigan. Ang naturing kaharian ay yumabong sa mga huling sandali ng Dinastiyang Ming dulot ng pakikipagkalakalan sa Tsina. Ang Kaharian ng Tondo ay nakagawian bilang kabisera ng imperyo. Ang mga namumuno rito ay itinuturing bilang mga hari, at tinatawag silang panginuan o panginoon, anak banua o anak ng langit, o lakandula, na nangangahulugang "diyos ng kahariang pinamumunuan".
Noong namamayagpag si Bolkiah (1485-1571), ang Sultanate ng Brunay ay nagpasyang wasakin ang Imperyo ng Luzon sa pakikiisa Tsina nang lusubin ang Tondo at itinaguyod ang Selurong (Ngayon ay Maynila) bilang base ng mga Bruneo. Sa pamamahala ng Salalila, may itinaguyod na bagong dinastiya para humarap/hamunin ang Kapulungan ng mga Lakandula sa Tondo. Ang kaharian ng Namayan ay itinaguyod bilang alternatibo na may kompederasyon ng mga barangay na biglaan ang pagdami noong 1175 at pinalawig simula sa look ng Maynila hanggang sa lawa ng Laguna. Ang kabisera ng kaharian ay ang Sapa, na ngayon ay kilala bilang Sta. Ana.
Sa kala-gitnaan ng ika-16 na siglo, ang mga nasasakupang lugar ng kasalukuyang Maynila, ay parte ng isang malawakang pook na umaabot sa hangganan ng karagatan na pinamumunuan ng mga Raha. Namuno sina Rajah Sulayman at Rajah Matanda sa mga komunidad ng Muslim sa timog ng ilog Pasig, at si Lakandula ang namuno sa Kaharian ng Tondo, ang Hindu-Budistang kaharian sa timog ng ilog. Pinagsanib yaong dalawang komunidad ng Muslim at dito naitaguyod ang kaharian ng Maynila. Ang dalawang lungsod-estado ay nagsasalita ng wikang Malay na mahusay makitungo sa sultanate ng Brunay na si Bolkiah, at sa mga sultanate ng Sulu at Ternate.
Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na pinamahalaan ang mga isla ng Pilipinas ng tatlong siglo simula 1565 hanggang 1898. Si heneral Miguel López de Legazpi ang nagpadala ng isang natatanging ekspedisyon at dito nadiskubre ang Maynila. Itinaguyod dito ang kanilang tanggulan, ang Kutang Santiago at kalaunan, pinalawig ang nasasakupan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga paaralan, tirahan, simbahan sa labas ng nagsasanggalang pader at ito ang nagbigay kapanganakan sa Intramuros. Noong inokyupa ng Britanya ang Pilipinas, ang Maynila ay pinamahalaan ng Gran Britanya ng dalawang taon simula 1762 hanggang 1764 na naging parte sa Pitong Taong Digmaan. Ang lungsod ay nanatiling kabisera ng Pilipinas sa pamamahala ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na kumikilos sa pamamagitan ng mga arsobispo ng Maynila at ng Real Audiencia. Nasa Pampanga ang kuta ng mga armadong rebelde laban sa mga Briton.
Ang Maynila ay nakilala noong may kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal ng tatlong siglo at nakapaghatid ng mga kagamitan simula sa Mehiko papunta ng Timog-silangang Asya. Noong 1899, binili ng Estados Unidos ang Pilipinas sa mga Espanyol at pinamahalaan ang buong arkipelago ng hanggang 1946. Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking parte ng lungsod. Ang lungsod ay ang pangalawang pinakawasak na lungsod kasunod ng Warsaw, Poland noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ang rehiyon ng kalakhang Maynila ay gumanap na entidad na may kasarinlan noong 1975. Ang kasalukuyang alkalde ng lungsod ay si Joseph Estrada.
Isang pandaigdigang lungsod ang Maynila at kilala bilang "Beta+" ayon sa Globalization and World Cities Study Group and Network noong 2008.
Kasaysayan ng heograpiya
Bago at noong koloniyalisasyon ng Espanya sa Pilipinas, ang Maynila na ang kabisera ng lalawigang ito na sumasakop sa halos kabuuan ng Luzon, at kinabibilangan ng mga modernong subdibisyong pang-teritoryal ng Pampanga, Bulacan, Rizal, Laguna, Quezon, Mindoro, Masbate at Marinduque. Kalaunan, ang mga subdibisyong ito ay ginawang mga malalayang lalawigan, at ang Maynila ay naging kasing lawak na lamang ng Kalakhang Maynila. Ang Maynila ay nasa hangganan ng ilang lalawigan pero limiit pa lalo nang ginawang mga munisipalidad ang ilang parte nito at ang Maynila ay kasing lawak na lamang ng kasalukuyang Maynila (maliban na lamang sa Intramuros, ang lokasyon ng tunay na kabisera). Ayon sa kasaysayan ng lalawigang ito, pinangalanan itong Lalawigan ng Tondo na kilala noong kapanahunan ng mga Hispano.
Noong 1853, apat na pueblo o bayan sa lalawigan ng Tondo ay nakipag-isa sa lalawigan ng Laguna at itinaguyod ang pambansang distrito na pinangalanang "Distrito de los Montes de San Mateo" (Distritong kabundukan ng lalawigan ng San Mateo). Ang lalawigan ng Tondo ay pinag-salo sa mga lalawigan ng Cainta, Taytay, Antipolo at Boso-boso, habang ang Laguna ay isinalo sa mga lalawigan ng Angono, Baras, Binangonan, Cardona, Morong, Tanay, Pililla at Jalajala. Dahil pinangalanan ang distritong ito bilang Distrito de los Montes de San Mateo, na sinasabi ng mga katutubo na masyadong mahaba, hindi bumabagay at nalilito ang karamihan na ang bayan ng San Mateo sa lalawigan ng Tondo ay ang kabisera ng distritong kabundukan ng San Mateo at ng Morong, ay pinalitan ang pangalan nito ng Lalawigan ng Maynila noong 1859.
Noong ipinagbenta ng mga Hispano ang Pilipinas sa mga Amerikano, itinaguyod ang pamahalaang pang-sibil. Kalaunan, ang lalawigan ng Maynila ay isinawalang bisa ng komisyon ng Pilipinas, naging mga munisipalidad ang mga kasapi nito kabilang ang Moring, at dito naitaguyod ang lalawigan ng Rizal. Ilang linggo ang nakalipas at ang bagong anyo ng Maynila ay nakilala na ng buong kapuluan ng Pilipinas at isinalo ang ilang bayan ng lalawigan ng Rizal sa lungsod bilang mga distrito. Ang mga hangganan ng Maynila isinaayos noong 29 Enero 1902. Ang mga pook na kalapit-bayan ng Gagalangin ay naging kasapi ng distrito ng Tondo, kabilang ang Santa Ana na ngayon ay isang malayang distrito. Noong 30 Hulyo ng 1902, ang bayan ng Pandacan ay naging kasapi na ng lungsod bilang distrito. Sa kasalukuyan, mayroong 16 na distritong pang-heograpiya ang lungsod.
Noong ikalawang digmaang pandaigdig, ang Maynila ay ginawang "Open City" at ang mga administratibong hangganan nito ay pinalawak hanggang sa mga kalapit na lungsod at bayan. Pinangalanan itong Malawakang Maynila at naging kasapi nito ang mga distrito ng Bagumbayan (Katimugang Maynila), Bagumpanahon (Sampaloc, Quiapo, San Miguel at Santa Cruz), Bagumbuhay (Tondo), Bagong Diwa (Binondo at San Nicholas), at ang bagong kakataguyod na Lungsod Quezon na hinati sa dalawang distrito at ang mga munisipalidad ng Kalookan, Las Piñas, Malabon, Makati, Mandaluyong, Navotas, Parañaque, Pasay at San Juan ay naging distrito ng Maynila.
Noong 1948, ang Lungsod Quezon ang naging kabisera ng Pilipinas. Kalaunan, noong 29 Mayo 1976, ibinalik ni pangulong Ferdinand E. Marcos ang titulong kabisera ng Pilipinas sa Maynila na hango sa kautusang Presidential Decree No. 940 na nagpapahayag na ang pook na inireseta para sa Kalakhang Maynila sa kautusang Presidential Decree 824 ay ang dapat kalugaran ng ng pambansang pamahalaan.
Klima
Base sa kaurian ng panahon ayon sa Köppen, ang Maynila ay mayroon tropikong tag-init at tag-ulan na panahon. Ang Maynila ay nasa tropiko kasama ng buong Pilipinas. Ang lapit nito sa ekwador ay nangangahulugan na ang temperatura ay mababa, kung minsan ay mas mababa pa sa 20 °C at tumataas ng higit pa sa 38 °C. Dahil mataas ang halumigmig, nagiging mas mainit ang panahon.
Demograpiya
Kapal ng populasyon
Sa populasyong 1,660,714 sa lawak na 38.55 km², ang Maynila ang may pinakamalaking kapal ng populasyon na nahihigitan ang lahat ng pangunahing lungsod ng mundo na may 43,079 katao/km². Ang ika-6 na distrito ang may pinakamalaking kapal ng populasyon na may 68,266 katao/km² at sumunod ang una at ikalawang distrito (kabuuan ng Tondo) na may 64,936 (una) at 64,710 (ikalawa) katao/km². Ang ikalimang distrito ang may pinakamaliit na kapal ng populasyon na may 19,235 katao/km².
Ang kapal ng populasyon ng Maynila ay nahihigitan ang mga lungsod na Paris (20,164 katao/km²), Shanghai (16,364 katao/km², sa distritong Nashi ang may densidad na 56,785 katao/km²), lungsod ng Buenos Aires (2,179 katao/km², na ang pinakamaliking densidad ay ang Lanus na may 10,444 katao/km²), Tokyo (10,087 katao/km²) lungsod ng Mehiko (11,700 katao/km²), at Istanbul (1,878 katao/km², na may pinakamalaking densidad ay ang distritong Fatih na may 48,173 katao/km²).
Pagdating naman sa kabuuang kalakhan, ang Kalakhang Maynila ay ika-85 ang pwesto na may 12,550 katao/km² at may lawak ng lupain na 1,334 km², na nahihigitan pa ng Lungsod ng Cebu na pumasok ika-80 ang pwesto.
Wika
Ang opisyal na wika ay Filipino na kilala bilang Tagalog, habang ang Ingles ay malawakang ginagamit sa edukasyon at trabaho sa buong Kalakhang Maynila na itinuro ng mga Amerikanong dumaong sa Pilipinas. Ang Hokkieng Intsik ay malawakang ginagamit sa mga komunidad ng Tsinong-Pinoy. May mga matatandang naninirahan na gumagamit ng pangunahing Hispano, na isang sapilitang paksa sa kurikulum ng mga unibersidad at pamantasan sa Pilipinas hanggang 1987. Maraming mga batang Europiyano, Arabo, Indiyan, Latinong Amerikano at iba pa na ang pangunahing wika ay ang sariling wika ng kanilang magulang o ang wika ng kinalakihang bansa o estado.
Ekonomiya
Ang ekonomiya ng Maynila ay maraming pinanggagalingan. Dahil sa mga puerto nitong napapangalagaan, ang Maynila ang naging "National Chief Port" ng bansa. Ang Maynila rin ang pangunahing tagalathala ng pahayagan sa Pilipinas.
Ang mga produkto na maaring mabili dito ay mga kemikal, tela, damit, mga elektronikong kagamitan, relo, bakal, gamit na gawa sa katad, mga ibat ibang klase ng mga pagkain, at mga sapatos. Ang pagtitinda ng mga pagkaing tinge at inumin kabilang ang produktong tabako ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga mamamayan. Ang mga mamamayan ay nangangalakal din sa mga dayuhan. Ang mga kagamitan na ipinangkakalakal nila kapalit ng pera ay mga tali, playwud, pinong asukal, kopra, at langis ng niyog.
Maunlad na industriya ang turismo. Ang Maynila ay nakakaakit ng mahigit 1 milyong dayuhan dahil ito ang pangunahing pook panturismo ng bansa. Madalas puntahan ng mga dayuhan ang distrito ng Binondo, Ermita, Intramuros at Malate.
Lahat ng distrito ng lungsod maliban na lang sa Puerto ng Maynila ay may sariling pamilihang bayan o palengke. Ang pamilihang bayan ay nahahati sa dalawa, ang mga seksiyong tuyong pagkain at gulay. Masagana ang mga pamilihang bayang ito lalo na kapag umaga. Dahil sa programang urbanisasyon ng pamahalaang Maynila, naisaayos ang karamihan ng pamilihang bayan. Ang isa sa mga halimbawa nito ay ang pamilihang pambayan ng Santa Ana at pamilihang pambayan ng Pritil. Kung ang isang tao ay naghahanap ng mumurahing kagamitan, maaaring siyang makahanap sa Divisoria at Quiapo.
Ang mga modernong liwasan ay nakakalat sa lungsod at ang karamihan ay nasa distrito ng Malate at Ermita. Ang SM City Manila, na isa sa mga pinakamalaking liwasan ng bansa, ay nakatayo katabi ng Bahay-Pamahalaang panlungsod ng Maynila at ang orihinal na liwasan ng SM ay umiiral pa rin sa Carriedo sa Santa Cruz. Ang isa sa mga popular na liwasan sa Maynila ay ang Robinson's Place Ermita. Sa katimugan naman ng lungsod sa distrito ng Malate ay ang Harrison Plaza, isa sa mga pinakalumang liwasan ng lungsod. Ang Maynila ay isa sa mga lungsod na magastos tirahan.
Kultura
Arkitektura
Ang arkitektura ng Maynila ay isa sa tanyag at kilala, kahit na ang lungsod ng Makati ang may mas maraming gusali. Kilala ang Maynila sa pagiging lugar na kinaroroonan ng Basilica Minore de San Sebastian, ang natatanging gotikang simbahan sa Asya, pati ang Simbahan ng San Agustin at Simbahan ng Quiapo.
Noong sinakop ng mga Hispano ang kapuluan ng Pilipinas, karamihan sa mga istraturang itinayo sa lungsod ay mga simbahan at paaralan na kahugis ng mga gusali sa Espanya. Noong kapanahunan naman ng Amerikano, sinikap ni Daniel Burnham na palaguin at ibahin ang hitsura ng Maynila; hindi natuloy ang plano dahil sa pagsilakbo ng ikalawang digmaang pandaigdig. Sa panahon ding ito ginawa ang Bulebar Seaside, na tinagurian ding Bulebar Dewey at ngayon ay Bulebar Roxas. Ang isa sa mga napalaganap ng Amerikano ay ang pagkilala sa Pilipinas ng Tram, na unang ipinatakbo dito sa Maynila. Nang inihalal bilang alkalde si Lacson, ipinawasak niya lahat ng pook ng mga mahihirap at ipinatayo ang Lacson Underpass, na ang kauna-unahang daanang pailalim sa Pilipinas. Ginawa niyang pook pangnegosyo ang mga pook kung saan dating nandoon ang mga iskwater. Noong naging alkalde si Atienza, lumaganap sa Maynila ang mga gusaling tukudlangit at mga liwasan, kabilang dito ang Manila Ocean Park. Pununa ng ilang mananalaysay ang ginawang pagsira ni Atienza sa natitirang gusali ng mga Amerikano para mabigyan-puwang ang bagong gusali ng Kagawatan ng Katarungan. Maraming gusali ang ipinapatayo sa kasalukuyan na uukit sa Maynila at pati na ng kondehan nito.
Pananampalataya
Ang pagiging kosmopolitano ng lungsod at pagkakaroon ng iba't ibang kultura ang sumasalamin sa Maynila dahil sa dami ng mga pook-pananampalataya na nakakalat sa lungsod. Ang kalayaan sa pananampalataya sa Pilipinas na umiiral pa simula noong maitaguyod ang bansa ang dahilan para magkaroon ng iba't ibang pananampalataya. Ang mga tao na may iba't ibang sekta ang kumakatawan ng may gabay ng mga simbahan ng Kristyano, mga templo ng Budista, mga sinanog ng Dyuis, at mga mosk ng mga Islamiko.
Romanong Katolisismo
Ang Maynila ang kabisera ng Arkidiyosesis ng Pilipinas, ang pinakamatandang arkidiyosesis sa bansa. Ang tanggapan ng arkidiyosesis ay matatagpuan sa katedral ng Maynila (Basilica Minore de la Nuestra Señora de la Immaculada Concepcion) sa Intramuros. Ang lungsod ay nasa pamamahala ng Patronahe ng San Andres.
Dahil ito ang kinalagyan ng pamahalaang kolonyal sa mga nakalipas na siglo, ang Maynila ang nagsilbing base ng mga misyonaryong Katolisismo ng bansa. Kabilang sa mga orden na nasa Pilipinas ay ang mga Dominikano, Heswita, Pransiskano, Agustino (kasapi na rin ang Augustinian Recollects), Benediktino, madre ng San Pablo ng Chartes, padre ng Vinsentino, ang kongregasyon ng mga Immaculati Cordis Mariae, at ang De La Salle Christian Brothers.
Ilang kilalang mga simbahan at katedral sa lungsod ay ang mga simbahan ng San Agustin sa Intramuros, ang dambana ng kinorunahang imahe ng Nuestra Señora de Consolación y Correa, isang UNESCO World Heritage Site na isang paboritong pook pangkasalan ng mga kilalang tao at isa sa dalawang de-erkon na simbahan sa lungsod; Simbahan ng Quiapo, kilala rin bilang Basilica Minore del Nuestro Padre Jesus Nazareno kung saan ginaganap ang taunang prosesyon ng itim na Nazareno, Simbahan ng Binondo na kilala rin bilang Minore de San Lorenzo Ruiz, Simbahan ng Malate na dambana ng Nuestra Señora de Remedios, Simbahan ng Ermita na tahanan ng pinakalumang imaheng Marian sa Pilipinas na si uestra Señora de Guia, Simbahan ng Tondo na tahanan ng daang taong kulay-garing na imahe ng Sto. Niño (Batang Hesus), Simbahan ng Sta. Ana na dambana ng kinoronahang imahe ng Nuestra Senora de los Desamparados at ang San Sebastian o Basilica Minore de San Sebastian, ang natatanging simbahan na may estilong gotika sa Asya.
Protestantismo
Ang Maynila ang tahanan ng ilang kilalalang mga simbahan ng mga Protestante sa Pilipinas na itinaguyod ng mga misyonaryong Amerikano. Bilang lamang ang pook pananampalataya na naitayo sa lungsod. Ang karamihan naman ay matagpuan sa mga kalapit na lungsod at mga lalawigan.
Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, ang mga grupo ng mga iba't ibang pananapalataya tulad ng mga misyonaryong Protestante ay pumunta sa Pilipinas kasama ang mga Babtis, mga Nasarin, mga Pentakostal, mga Kristiyano at itinaguyod ang kanikanilang paaralan at simbahan.
Iglesia ni Cristo
Ang pinakakilalang panampalataya sa Pilipinas. Ang Iglesia ay may mga kapilya at simbahan sa lungsod na kilala sa mga makitid at nakaumang mga taluktok. Ang punong himpilan ng mga Iglesia ay matatagpuan sa abenida Komonwelt sa Lungsod Quezon.
Islam, Budismo at iba pang paniniwala
Maraming itinaguyod na templong mga Budismo at Taoist ang mga Tsino sa Maynila. Ang distritong Quiapo ay ang tahanan ng malaking populasyon ng Muslim sa Maynila at ang Masjid Al-Dahab ay matatagpuan dito. May malaking templo ng Hindu para sa mga Indiyano ang matatagpuan sa Ermita at sa abenidang U.N. matatagpuan ang templo ng Sikh at ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints. Sa abenidang Quirino sa Malate matatagpuan ang sinanog para sa maliit na komunidad ng mga Hudyo sa Pilipinas. Kalaunan, lumipat ang mga ito sa Makati sa kalye Tordesillas.
Mga pook na interesante
Sa katimugang bahagi ng Intramuros matatagpuan ang Liwasang Rizal, ang pinakatanyag na liwasan ng bansa. Kilala rin ang Liwasang Rizal bilang Luneta ("gasuklay ang hugis" sa salita ng mga Hispano) at dati bilang Bagumbayan. Ang 53 hektaryang Liwasang Rizal ay nasa lugar kung saan si José Rizal, ang pambansang bayani ng bansa, ay pinaslang ng mga Hispano sa kasong pag-aalsa. Itinayo ang monumento para sa kanyang karangalan. Ang malaking tagdan ng watawat sa kanluran ng monumento ni Rizal ay ang ginagamit pansukat para sa mga masukat ang layo ng bawat lungsod, kalye, pulo at mga bayan sa bansa dahil dito nagmumula ang kilometrong sero.
Ang iba pang magagandang pook sa liwasang Rizal ay ang mga hardin ng Tsino at Hapon, ang gusali ng Kagawaran ng Turismo, ang Pambansang Museo ng Pilipinas, Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas, ang Planetarium, ang Orchidarium at Butterfly Pavilion na parehong mga oditoryum, isang makasaysayang mapa ng Pilipinas, isang pook na may paunten, isang pulilan ng mga bata, isang plasa ng ahedres, isang pook na may magagandang maihahandog na presentasyon, at ang Quirino Grandstand.
Bukod sa Liwasang Rizal, ang Maynila ay may ilang pook pang-masa. Kinabibilangan ito ng liwasang Rajah Sulayman, Manila Boardwalk, liwasang Bonifacio, Plasa Miranda, Mehan Garden, liwasang Paco, Remedios Circle, Manila Zoological and Botanical Garden, Plasa Balagtas at ang Malakanyang Garden. Noong 2005, binuksan sa masa ni alkaldeng Lito Atienza ang Pandacan Linear Park, na isang mahaba at makitid na lupain sa pagitan ng langisang Pandacan at mga pangkomersyong tahanan na nasa baybayin ng ilog Pasig. Sa hilagang parte ng lungsod nandodoon ang tatlong sementeryo ng La Loma, Chinese at Manila North Green Park, ang pinakamalaking sementeryo ng kalakhang Maynila. Ang Manila Ocean Park ay nagtatampok ng mga iba't ibang uri ng mga hayop-dagat.
Ang lungsod ay may mga akomodasyon na mula sa mga matataas na uri ng otel hanggang sa mga abot kayang mga lohiya ng mga pamantasan. Ang karamihan sa mga akomodasyon ito, na kinabibilangan ng Otel ng Maynila, ay nangasa bulebar Roxas na nakaharap sa look ng Maynila at sa mga distrito ng Ermita at Malate.
Ang mga tanyag na distrito ng Ermita at Malate ay may mga pook pang-aliwan tulad ng mga otel, kainan, klub, bar, kapihan, pangsining at pangkulturang gusali at mga antigong tindahan. Maunlad dito ang negosyong pang-industriya at turismo at sa gabi hanggang sa madaling araw tanyag ang mga kasino, klub, bar, pook-pamkapihan at mga disko dahil buhay ang diwa ng buhay Bohemyan. Sa kalagitnaan ng lungsod nandodoon ang Intramuros, at ang mga pook ng kanyang mga kuta at mga bartolina, lumang simbahan, mga kolonyal na tahanan, at mga kalesa. Nakakalat sa buong lungsod ang ibang pang mga makasaysayang pook at pook-palatandaan, mga liwasan, mga museo, at mga pook-pampalakasan.
Pook-palatandaan
Apolinario Mabini Shrine
Chinatown (distrito ng Binondo)
Embahada ng Estados Unidos
(Mga) distrito ng Ermita at Malate
Intramuros, ang nagsasanggalang pader na ginawa ng mga Kastila, orihinal na Lungsod ng Maynila
Jumbo Floating Hotel
Katedral ng Maynila
Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas
Kutang Santiago
Liwasang Paco
Liwasang Rizal, kilala rin bilang Luneta
Manila Baywalk
Simbahan ng Malate
Manila Boardwalk
Manila City Hall
Manila Ocean Park
Manila Yacht Club
Manila Zoological and Botanical Garden (Manila Zoo)
Metropolitan Theater
Museo Pambata
Otel ng Maynila
Pader ng alaala para sa mga naging biktima ng batas militar - Bonifacio Shrine
Palasyo ng Malakanyang, opisyal na paninirahan ng Pangulo ng Pilipinas
Pambansang Aklatan ng Pilipinas
Pambansang Museo ng Pilipinas
Plaza Lorenzo Ruiz
Plaza Miranda
Plaza Rajah Sulayman
Quirino Grandstand
Remedios Circle
Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
Simbahan ng Quiapo
Simbahan ng San Agustin
Simbahan ng San Sebastian
Unibersidad ng Santo Tomas
Sementeryo
Sementeryong Manila Chinese
Sementeryo ng La Loma
Sementeryo del Norte (websayt )
Sementeryong katimugan (websayt )
Liwasang Paco
Otel
Ang lungsod ay may mga akomodasyon na mula sa mga matataas na uri ng hotel hanggang sa mga abot kayang mga lohiya ng mga pamantasan. Karamihan sa mga akomodasyon ito, na kinabibilangan ng Otel ng Maynila, ay matatagpuan sa bulebar Roxas na nakaharap sa look ng Maynila at sa mga distrito ng Ermita at Malate.
Museo
Bahay Tsinoy
Intramuros Light and Sound Museum, Intramuros
Pangunahing Pambansang Museo, Kalye ng Padre Burgos
Museo ng Maynila, dating gusali ng Pre-War Army-Navy Club, Liwasang Rizal
Museo Pambata, dating gusali ng Pre-War Elk's Club, Liwasang Rizal
Pambansang Museo ng Pilipinas, Liwasang Rizal
Parokya ng Ina ng Inabanduna - Sta. Ana (artepakto noong kapanahunan ng mga Hispano)
Plaza San Luis, Intramuros
San Agustin Church Museum, Intramuros
The Museum - De La Salle University-Manila, abenidang Taft, Malate
Museo ng UST sa Sining at Agham/Siyensiya
Mga pook-palakasan
Rizal Memorial Sports Complex, Kalye ng Vito Cruz, Malate
Rizal Memorial Coliseum
Rizal Memorial Track and Football Stadium
Rizal Memorial Baseball Stadium
Ninoy Aquino Stadium
San Andres Gym (Mail and More Arena), ang nagsilbing tahanan ng dating Manila Metrostars
Pamahalaan
Katulad ng mga lungsod sa Pilipinas, ang Maynila ay pinamamahalaan ng isang alkalde na namumuno ng mga eksklusibong kagawaran ng lungsod. Ang kasalukuyang alkalde para sa terminong 2007-2010 ay si Alfredo Lim, na gumawa ng pagbabalik sa bahay-pamahalaang panlungsod ng Maynila na pagkatapos ng pagsisilbi ng 3 taong termino bilang senador. Ang alkalde ng lungsod ay may tatlong termino (siyam na taon ang kabuuan), at pwedeng ihalal muli kung lalaktaw ng isang termino.
Si Isko Moreno ay ang kasalukuyang bise-alkalde ng lungsod ang namumuno sa mga pambatasang kawil ng lungsod na binubuo ng mga nahalal na mga konsehal na namumuno sa anim na distritong pambatas ng Maynila.
Ang lungsod ay nahahati sa 897 na mga barangay, ang pinakamaliit na lokal na yunit na pamahalaan ng Pilipinas. Ang bawat barangay ay may sariling kagawad at konsehal. Para sa mas maayos na sistema ayon sa mga administratibo, ang lahat ng barangay sa Maynila ay igrinupo sa 100 mga sona at muling igrinupo para buuin ang 16 na distritong pang-heograpiya. Ang mga distrito at sonang ito ay walang anumang uri ng lokal na pamahalaan.
Ang lungsod ay may anim na mga kinatawan na ihinahalal para sa kapulungan ng mga kinatatawan ng Pilipinas, ang mas mababang uri ng pambatasan na isa sa mga kawil ng administrasyon ng Pilipinas. Ang bawat kinatawan ay rumereprisinta sa isa sa bawat anim na tagapagbatas na distrito ng Maynila.
Sagisag ng lungsod
Ang sagisag ng lungsod ay naglalaman ng mga salitang Lungsod ng Maynila at Pilipinas na paikot sa isang kalasag sa loob ng isang bilog. Ang pabilog ay naglalaman ng anim na dilaw na bituwin na sumisimbolo sa anim na distritong pambatas ng Maynila. Ang kalasag, na kinuha ang inspirasyon noong kapanahunan ng Hispano, ang lumalarawan sa palayaw na Pearl of the Orient at nakapwesto sa hilagang-gitna; dagatleon sa gitna, na naimpluwensiyahan ng Hispano; at ang agos ng Ilog Pasig at ng Look ng Maynila sa katimugang parte. Ang mga kulay ng selyo ay sumasalamin sa kulay ng watawat ng Pilipinas. Ang dagatleon sa selyo ng Maynila ay hiniram ng Singapore para sa kanilang merlion.
Distrito
Ang lungsod ay nababahagi sa labing-anim na distrito. Isa lang ang distritong hindi isang bayan, na ang Pier ng Maynila. Walong (8) distrito ay nasa hilaga ng Ilog Pasig at walo (8) sa timog. Ang San Andres Bukid ay dating bahagi ng Santa Ana, habang ang Santa Mesa ay dating bahagi ng Sampaloc. Ang mga distritong ito ay di dapat ikalito sa anim na pangkinatawang distrito ng Maynila.
Lahat ng distritong ito, na hindi kinabibilangan ng Puerto ng Maynila, ay may sariling mga simbahan, at ang ilan sa mga distritong ito ay nakamit ang pagkakilanlan sa sariling paninindigan. Ang Intramuros bilang pinakamatanda at naging orihinal na Maynila ay naging makasaysayang pook. Ang distrito ng Binondo ay ang Chinatown ng lungsod. Ang Tondo ay ang may pinakamalaking kapal ng populasyon, pinakamalawak na nasasakupan at nangunguna pagdating sa kahirapan. Ang pambansang bayani na si Jose Rizal ay tinatangkilik sa Liwasang Paco at iba pang pook sa Maynila. Ang mga distrito ng Ermita at Malate ay kilala at sikat sa mga turista, dahil marami ditong bar, kainan, limang-bituing otel, at liwasan. Ang mga distrito ng San Miguel at Pandacan ay tumatayong tahanan ng opisyal na residente ng Pangulo ng bansa, ang Palasyo ng Malakanyang.
Pambansang mga opisina ng pamahalaan
Ang lungsod ng Maynila ang kabisera ng Pilipinas at ang tahanan ng mga politika sa bansa. Noong kapanahunan ng pamahalaang kolonyal ng Amerikano, nagpahayag sila ng magiging hitsura ng lungsod sa labas ng pader ng Intramuros. Sa kalapit na "Bagumbayan" o sa kasalukuyan ay ang Liwasang Rizal, ang piniling sentro ng pamahalaan at ang komisyon ng pagdidisenyo ay ipinaubaya kay Daniel Burnham para gumawa ng plano para sa lungsod na hango sa Washington D.C.. Napabayaan yaong plano at natigil ang konstruksiyon dahil sa pagsilakbo ng ikalawang digmaang pandaigdig.
Dahil sa pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon, ang bagong sentro ng pamahalaan ay inilipat sa mga bundok sa hilagang silangan ng Maynila, na ngayon ay Lungsod Quezon. Lumikha ng base ang ilang mga ahensiya ng pamahalaan sa Lungsod Quezon. May mga importanteng opisina na nanatili sa Maynila tulad ng Opisina ng Pangulo, ang Korte Suprema, Hukuman ng Apela, ang Bangko Sentral ng Pilipinas, ang kagawaran ng Badyet, Pananalapi, Kalusugan, Katarungan, Paggawa at Empleyo, at Turismo. Ang Maynila din ang tahanan ng iba't ibang importanteng institusyong pambansa tulad ng Pambansang Aklatan, Pambansang Arkibos, Pambansang Museo at Pambansang Ospital ng Pilipinas.
Edukasyon
Ang Maynila ang tahanan ng mga unibersidad, dalubhasaan at pamantasan sa Kalakhang Maynila. Ang tinaguriang Sinturon ng mga pamantasan na kilala ng bansa na may magandang edukasyong maihahandog ay matatagpuan sa distrito ng Malate, Ermita, Intramuros, Paco, San Miguel, Quiapo at Sampaloc. Ilan sa kanila ay ang mga pamantasang pang-estado katulad ng Unibersidad ng Pilipinas, Maynila sa Ermita at Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Santa Mesa; Pamantasang Normal ng Pilipinas, Pamantasang Kristiyano ng Pilipinas, Pamantasan ng Kababaihan ng Pilipinas, Pamantasang De La Salle-Maynila at De La Salle-College of Saint Benilde sa abenidang Taft; mga katolisismong pamantasan katulad ng Kolehiyo ng San Beda sa San Miguel, Unibersidad ng Santo Tomas sa Sampaloc at ang Pamantasan ng San Pablo sa Ermita; mga pribadong pamantasan tulad ng Pamantasan ng Silangan, Pamantasan ng Dulong Silangan at Pamantasang Centro Escolar sa Recto; at ang mga katolisismong pamantasan na Colegio de San Juan de Letran, Mapúa Institute of Technology at ang Lyceum of the Philippines University; at ang pamantasang pag-aari ng lungsod, ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa Intramuros, dalubhasahang lungsod ng maynila o @Universidad de Manila sa may tabi ng Estasyong Central Terminal ng LRT-1.
Ang dibisyon ng mga pamantasan ng lungsod-Maynila na isang sangay ng kagawaran ng edukasyon ay tumutukoy sa tatlong pampublikong sistema ng edukasyon ng lungsod. Namamahala ito ng 71 elementaryang pampublikong paaralan, 32 pampublikong mataas na paaralan, at 2 pampublikong unibersidad.
Ang lungsod din ang namamahala sa Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila, ang pilotong pang-agham na iswkelahan ng Pilipinas; ang Pambansang Museo ng Pilipinas, kung saan ang matatagpuan ang Spoliarium ni Juan Luna, ang Kalakhang Museo, ang pangunahing museong moderno at dalubhasa sa mga biswal na sining; ang Museong Pambata, pook na pabor sa mga kabataang Pinoy para sila ay matuto at ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay matatagpuan sa liwasang Rizal.
Midya
Serbisyong pang-koreo
Ang gusali ng Post Office na tahanan ng korporasyong pamkoreo ng Pilipinas ay matatagpuan sa talampakan ng Tulay ng Jones. Ito rin ang tahanan ng Philippine Postal Bank, ang pangunahing kompanya na nagpapatakbo ng tagahatid ng mga koreo sa bansa.
Tagalathala at publikasyon
Ang Maynila ang tahanan ng mga pangunahing kompanyang tagalathala sa Pilipinas. Sa pook daungan matatagpuan ang karamihan ng punong himpilan ng mga ito. Ang industriyang tagalathala ng mga kasalukuyang pangyayari ay isa sa mga legasiya ng kolonisasyon ng mga Amerikano sa Pilipinas, na gumawa ng daan para kalayaan ng mga tagapaglathala. Ilan sa mga pangunahing publikasyon sa Maynila ay ang Manila Times, ang Manila Bulletin, ang Philippine Star, ang Manila Standard Today, The Daily Tribune at marami pang iba.
Mga pahayagan
Ang Maynila ang tahanan ng ilang pambalita at opisinang tagapaghatid ng pahayagan, ahensiya o serbisyo na kinabibilangan ng Office of the Press Secretary at Radio-TV Malacañang o RTVM (ang tagapagbalita ng Mga Pangulo ng Pilipinas) na matatagpuan sa Palasyo ng Malakanyang.
Ang lungsod din ang tahanan ng prestihiyoso at eksklusibong organisasyon ng mga manunulat na tinawag na Samahang Plaridel. Ang mga miyembro ay kinabibilangan ng ilang kilalang tagapaglathala, patnugot, at taga-pagbalita ng bansa.
TV at radyo
Ang punong himpilan ng mga pangunahing estasyon ng TV ay matatagpuan sa Lungsod Quezon at hindi lahat ng studyo ng Kamaynilaang Pinalawig ay matatagpuan sa Maynila.
Inprastraktura
Transportasyon
Pampublikong transportasyon
Ang Maynila bilang pangunahing lungsod, ay mayroong iba't ibang uri ng mga transportasyon. Ang pinakilala sa lahat ng uri nito ay ang mga dyipni na sinimulang gamitin pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. May mga kilala rin transportasyon bukod sa dyipni tulad ng mga bus, taksi at Tamaraw FX. Ang mga motorsiklo at pedicab ay ginagamit sa mga bumabiyahe ng maiikling distansiya. Sa ilang pook, lalo na sa Divisoria, ang mga motor pangtinda ay pinagkakasya sa pedicab para mahatid ang mga paninda. May pook na pinagpapaliban ang modernong kapanahunan tulad ng Binondo at Intramuros na gumagamit pa rin ng Kalesa.
Ang lungsod ay pinagsisilbihan ng SMRP ng Maynila (ang uring ito ng transportasyon ay bukod pa sa MRTS o Metro Rail Transit System). Isa sa mga prioridad ng proyektong pambayan ay nakatoon sa pagpapaluwag ng masikip na daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila.
Ang pagpapaunlad ng sistema ng riles ay nagsimula noong itinaguyod ito noong dekada 70 sa pamamahala ng administrasyon ni Marcos at ito ang kauna-unahang transportasyon ng riles sa Timog-silangang Asya. Kamakailan lang, ang sistema ng riles ay nakaranas ng malawigang pagpapalawak dahil sa paglaki ng populasyon ng lungsod. Ito ay nagkakahalaga ng ilang bilyong dolyar. Ang layunin ng proyektong ito ay magkaroon ng alternatibong uri ng transportasyon para matugunan ang pangangailangan ng lumalaking bilang ng mga sasakyan. Dalawang linya nito ang nagsisilbi sa mga naninirahan sa lungsod, ang linyang berde na dumadaan sa abenidang Taft (R-2) at abenidang Rizal (R-9), at ang linyang bughaw na dumadaan sa bulebard ng Ramon Magsaysay (R-6) simula Santa Cruz, patungong Lungsod Quezon hanggang sa Santolan sa Pasig.
Ang lungsod ang kabisera ng pamahalaan ng riles sa Luzon. Ang pangunahing terminal ng Pambansang Daanan ng mga riles ng Pilipinas ay matatagpuan sa Tondo. Ang mga daanan ng riles na pinalawig at sa kasalukuyan ay dumadaan sa San Fernando, Pampanga at sa Legazpi, Albay.
Ito ang mga pangunahing sistema ng riles. Ang mga estasyon na nasa talaan na ito ay matatagpuan sa Maynila:
Linyang Berde (LRT 1) - R. Papa, Abad Santos, Blumentritt, Tayuman, Bambang, Doroteo Jose, Carriedo, Terminal Sentral, United Nations, Pedro Gil, Abenida Quirino at Vito Cruz
Linyang Bughaw (LRT-2 o MRT-2) - Recto, Legarda, Pureza at V. Mapa
PNR: Vito Cruz, Herran (Pedro Gil), Pandacan, Santa Mesa, España, Laong Laan, Blumentritt at Tutuban.
Himpapawid
Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (PPNA) ang nagsisilbi sa Maynila, kalakhang Maynila at sa mga kalapit lalawigan. Ang Terminal 2 (o ang Centennial Terminal) ay binuksan noong 1999 Oktubre. Ang Philippine Airlines na nagbibigay karangalan sa ating bansa ang gumagamit sa terminal na ito para sa lokal at pandaigdigang lipad. Ang ilang pandaigdigang lipad ang gumagamit sa orihinal na terminal ng PPNA. Binuksan sa publiko ang PPNA-3 noong Agosto ng 2008. Ito ang tahanan ng Cebu Pacific, Air Philippines at PAL Express na nakatuon sa mga pandaigdigan na lipad. Ilang kilometro lang ang layo ng PPNA sa Maynila kaya naman ang mga dayuhan ay madaling makakapasok at makakaalis ng lungsod.
Mga lansangan
Ang mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila ay igrinupo bilang mga daang radyal at daang palibot (radial roads and circumferential roads). Ang Bulebar Roxas, ang pinakakilalang lansangan sa Maynila, ay matatagpuan sa dalampasigan ng Look ng Maynila. Ang naturing na bulebar ay kabilang sa Daang Radyal Blg. 1 (o R-1) na patungong Kabite. Ang Bulebar Espanya na kabilang sa Daang Radyal Blg. 7 (R-7) ay nag-uumpisa sa Quiapo at nagtatapos sa Welcome Rotonda na nasa hangganan ng Lungsod Quezon. Ang lansangang Pres. Sergio Osmeña Sr. na kabilang sa South Luzon Expressway o Daang Radyal Blg. 3 (R-3) ay ang pinaka-importanteng lansangan na dumudugtong sa Maynila sa mga lalawigan sa katimugang Luzon. Dalawa sa mga anim na daang palibot ay matatagpuan sa loob ng lungsod: ang C-1 at C-2.
Mga tulay
May walong pangunahin na tulay sa Maynila. Ang karamihan sa mga ito ay idinudugtong ang katimugang parte ng Maynila sa hilagang parte nito. Dahil hinahati ng ilog Pasig ang kalakhang Maynila sa dalawa, karamihan ng tulay sa kalakhang Maynila ay pinagdudugtong ang hilaga at katimugang parte nito. Mayroong dalawang tulay na riles na tumatawid sa ilog, ang Light Rail Transit 1 at ang daanan ng Philippine National Railways. Ang mga tulay na nakatala sa ibaba ay nakasaayos simula kanluran hanggang silangan. Ang Del Pan, na pinakamalapit sa bukana ng ilog Pasig at look ng Maynila ay ang nauuna sa talaan kung pagbabasihan ang pagsasaayos mula kanlurang hanggang silangan.
Tulay ng Roxas - dating tinawag na tulay ng Del Pan (San Nicolas hanggang sa Daungan ng Maynila)
Tulay ng Jones - (Binondo hanggang Ermita)
Tulay ng MacArthur (Santa Cruz hanggang Ermita)
Tulay ng LRT 1 (Estasyon ng Carriedo hanggang Central Station)
Tulay ng Quezon (Quiapo hanggang Ermita)
Tulay ng Ayala (San Miguel hanggang Ermita)
Tulay ng Mabini - dating tinawag na tulay ng Nagtahan (Santa Mesa hanggang Pandacan)
Tulay ng Lambingan (Punta hanggang Santa Ana)
Mga daungan
Ang daungan ng Maynila na matatagpuan sa bukana ng look ng Maynila, ay kinilala bilang "Pambansang Punong pandaungan ng Pilipinas" dahil ito ang pangunahing daungan ng bansa. Pinagsisilbihan nito ang pangunahing pangangailangan ng lungsod tulad ng ekonomiya at pinauunlad ang turismong panindustriyal. Ang hilaga at katimugang daungan ay nakakaranas ng pagka-abala twing bakasyon o mga araw na may selebrasyon tulad ng Mahal na Araw, Araw ng Kalululuwa at Kapaskohan.
Pasig River Ferry Service
Ang bukana ng Ilog Pasig ay matatagpuan sa lungsod. Ang Pasig River Ferry Service na nagpapatakbo ng 17 estasyon na matatagpuan sa bukana ng Ilog Pasig simula Plaza Mexico sa Intramuros hanggang sa lungsod ng Pasig ang nagsisilbing pantawid at transportasyong pandagat ng kalakhang Maynila.
Pitong estasyon ang matatagpuan dito sa Maynila. Nakatala sa ibaba ang mga estasyon at nakaayos ayon sa pagkasunod-sunod:
Mga medikal na pasilidad
Ang Maynila ang tahanan ng punong himpilan ng Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan sa Pilipinas, ang pangunahing opisina ng Kagawaran ng Kalusugan, at ilang opsital at medikal na pasilidad. Ang Kagawaran ng Kalusugan ng Maynila na may kakayahang magplano at magpatupad ng mga programmang pangkalusugan sa lungsod, ay nagpapatakbo ng 44 na medikal na pasilidad at mga pasilidad na matatagpuan sa mga imprastraktura na nakakalat sa buong lungsod. Ilan sa mga tanyag ospital ng lungsod ay ang Manila Doctors' Hospital at Philippine General Hospital sa Abenidang Taft; Chinese General Hospital and Medical Center, Dr. Jose R. Reyes Memorial Medical Center, at San Lazaro Hospital sa distrito ng Santa Cruz; University of Santo Tomas Hospital sa Sampaloc; at ang Ospital ng Maynila Medical Center na pag-aari ng lokal na pamahalaan sa Malate.
Pandaigdigang kaukulan
Mga kapatid na lungsod
Ang Maynila ay may 33 mga kapatid na lungsod (lokal at pandaigdigan) at tatlong kaalyadong lungsod.
Pandaigdigang relasyon
Acapulco, Mehiko
New Delhi, India
Bangkok, Thailand (1997)
Beijing, Tsina (2002)
Bucharest, Rumanya
Cartagena, Kolombiya (1986)
Guangzhou, Tsina (1982)
Havana, Cuba
Hayfa, Israel (1971)
Honolulu, Haway, Estados Unidos
Jakarta, Indonesya
Lungsod ng Ho Chi Minh, Biyetnam
Jersey City, Bagong Jersey
Lungsod ng Lima, Peru
Madrid, Espanya (1987)
Málaga, Espanya
Montréal, Québec, Canada (2007)
Moscow, Rusya
Nice, Pransiya
Nur-Sultan, Kazakhstan
Sacramento, California, Estados Unidos
San Francisco, California, Estados Unidos
Santiago, Chile
Sydney, Bagong Timog Gales, Australia
Taichung, Republika ng Tsina
Taipei, Republika ng Tsina (1966)
Takatsuki, Osaka, Hapon
Tehrān, Iran
Winnipeg, Canada (1979)
Yokohama, Kanagawa, Hapon
Mga kaligang lungsod
Busan, Timog Korea
Shanghai, Tsina
Xi'an, Tsina
Mga kapatid na lungsod (Pilipinas)
Lungsod ng Cebu, Pilipinas
Lungsod ng Davao, Pilipinas
Silipin din
Kalakhang Maynila - Ang metropolitanyong pook ng Pilipinas, ang pambansang punong rehiyon.
Labanan sa Maynila - Iba't ibang labanan na nangyari sa lungsod na ito para sa walang kamatayang kalayaan.
Maynilang Imperyal - Bansag sa lungsod at sa buong Kalakhang Maynila dahil sa ekonomiya nito.
Napapaderang Lungsod - Ang bansag sa lungsod dahil sa nakasangalang pader o ang Kutang Santiago.
Kawil panlabas
Opisyal na websayt ng lungsod ng Maynila
Pamahalaan ng Maynila
Ang Mapa ng Maynila
Mga Pangunahing Lansangan ng Maynila
ZIP | Postal Codes ng Maynila
Wikitravel - Manila
Sipian
Biblyograpya
.
, (Vol. 1, no. 3).
.
.
.
.
ISBN 0-85989-426-6, ISBN 978-0-85989-426-5
Talababa
Kabisera sa Asya
Kasaysayan ng Pilipinas
Maynila
Mga bayan at lungsod sa Pilipinas
Pilipinas
|
586
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Talaan%20ng%20mga%20makasaysayang%20anibersaryo
|
Talaan ng mga makasaysayang anibersaryo
|
Ito ang kalendaryo ng mga makasaysayang anibersaryo. Para sa artikulo tungkol sa kalendaryo tingnan ang kalendaryo.
Mga Inihandang Sanggunian
Pandaigdig
Daily Content Archive
World History Database
On This Day
Today In British History
History Channel (US): This Day in History
History Channel (UK): This Day in History
The New York Times: On This Day
On-This-Day.com
The Internet Movie Database: This Day in Movie History
BBC: On This Day
Dates in American Naval History
Today in Australian History
Today in New Zealand History
Iranians' History on This Day
Library of Congress American Memory's Today in History
Computer History Museum This Day In History
HistoryPod
Days of the Year
Pilipinas
Official Calendar. Official Gazette of the Republic of the Philippines
Calendar of Festivities. Kagawaran ng Turismo (Pilipinas)
Daily Events in History. The Kahimyang Project
ALAM MO BA 'TO? Blogspot
Artikulo
History from Day to Day, Philippine Magazine: January 16 – February 20, 1941. Official Gazette of the Republic of the Philippines
Important Philippine anniversaries archives. Philippine Daily Inquirer
July 24 – A Dark Day in Philippine History. Philippine Daily Inquirer
Filipino History. On This Day
Philippines. Britannica
Important Events in Philippine History. Camperspoint Philippines
Important Dates in Philippine History and Contemporary Times. Blogspot
|
587
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Ensiklopedya
|
Ensiklopedya
|
Ang isang santaláalaman, ensiklopedya, ensiklopidya, ensayklopidya, o ensayklopidiya (wikang Espanyol: enciclopedia, wikang Ingles: encyclopedia) ay isang koleksiyon ng mga kaalaman ng tao.
Ang terminong ito ay nagmula sa salitang Griyego na εγκύκλιος παιδεία, enkyklios paideia ("sa loob ng sirkulo ng pagturo"). Mula sa salitang εγκύκλιος, na may ibig sabihing hugis sirkito na binubuo ng mga salitang κύκλος o sirkito at παιδεία, o pagtuturo.
Ang mga ensiklopedya ay maaaring naglalaman ng malawak na kaalaman sa iba't ibang larangan (Ang Encyclopædia Britannica ay isang kilalang halimbawa), or maaring naglalaman lamang patungkol sa isang partikular na larangan (tulad ng mga ensiklopedya ng medisina o pilosopiya). Mayroon din mga ensiklopedya na naglalaman ng paksa tungkol sa isang partikular na kultura o pangbansang panannaw, tulad ng Great Soviet Encyclopedia.
Ang mga tao ay bumuo ng maraming ensiklopedya sa kasaysayan nito, ngunit ang terminong ensiklopedya ay ginamit lamang noong ika-16 daantaon.
Mga naunang ensiklopedya
Maraming naunang manunulat (tulad ni Aristotle) ang sumubok na isulat ang buong kaalman ng tao. Ngunit si John Harris ay ang madalas na kinikilala sa pagbu noong 1704 ng format na ginagamit ng mga ensiklopedya ngayon sa pamamagitan ng kanyang Lexicon technicum. Ang doktor na si Sir Thomas Browne ay gumamit ng salitang ensiklopedya upang tawagin ang pinagsamsang refuted Vulgar Errors na tinatawag din bilang Pseudodoxia Epidemica noong 1646 (ika-6 na edisiyon 1676). Ang kinikilalang Encyclopædia Britannica ay mayroong mapakumbabang pinagmulaanan: mula 1768 hangang 1771 tatlong tomo ang naipalimbag. Maari na ang pinakakinikilalang sa mga naunang ensiklopedya ay ang French Encyclopédie ni Jean Baptiste le Rond d'Alembert at ni Denis Diderot na nabuo noong 1772 (28 tomo, 71,818 na artikulo, 2,885 na larawan o ilustrasyon).
Ang hirarkiyal na kaayusan at ang paglaki ng mga santaláalaman ay bagay na bagay sa disk-based o on-line na pormang pangkompyuter, at ang karamihan ng mga nakasulat na santaláalaman ay lumipat na sa ganitong paraan ng paglimbag sa katapusan ng Ika-20 siglo. Disk-based (kadalasang sa pormang CD-ROM) ay murang murang magagawa at napakadaling dalahin kung saan saan. At maari din magsama ng mga impormasyong hindi magagawa sa nakasulat sa papel na porma tulad ng mga animation, audio, at video. Hyperlinking mula sa mga iba't ibang bagay ay malaki din ang naitutulong, dahil makakatipid sa oras sa pagbuklat ng mararaming tomo ng kasulatan. Ang on-line na ensiklopedya ay nagbibigay naman ng impormasyong dynamic - ang mga makabagong impormasyon ay maaring agad-agad na maidadagdag sa dokumento na hindi kaya ng pormang statiko tulad ng galing sa CD-ROM o libro.
Ang mga impormasyon sa nakalimbag na santaláalaman a nangangailangan ng isang hirarkiyal na kaayusan, at kadalasan ang ginagamit na paraan ay ang pagaayos ng mga impormasyon base sa alphabeto ng mga titulo. Sa pamamagitan ng dynamic na porma, ang ganitong klaseng kaayusan ay hindi na kinakailangan. Ngunit, karamihan ng mga elektronik na santaláalaman ay nagbibigay pa rin ng kaayusan sa mga artikulo nito tulad ng pagaayos ayon sa paksa o ang pangkaraniwang ayos base sa alphabeto.
Ang artikulong ito ay parte ng Wikipedia, na isang santaláalaman.
Patungkol sa pagbaybay
Hindi mali ang mga baybay na encyclopedia, encyclopaedia, o encyclopædia. Gayon man sa kasaysayan, kumakatawan sa isang napakalumang pagkakamali ang dalawang nahuli. Ayon sa Oxford English Dictionary, isang "psuedo-Greek" ang baybay na may ae o æ at "isang anyo na lubusang mali (sinasabing maling pagbasa) na nangyayari sa MSS. ni Quintilian, Pliny, at Galen". Sinusulat ng Oxford English Dictionary na di matagpuan ang æ sa orihinal na Griyego enkyklios paideia para sa "edukasyong encyclical", isinisalarawan bilang "ang sirkulo ng sining at agham na inaayunan ng mga Griyego bilang kailangan sa isang liberal na edukasyon".
Pinapahayag ng Oxford English Dictionary na ang baybay na may æ ay "pinangalagaan na maging lipas na sa pamamagitan ng katotohanan na may pamagat na Latin bilang Encyclopædia Britannica ang karamihan ng mga tinatawag na mga gawa. Kinabibilangan ng gayong ensiklopedya ang pinagbigkis na anyo na æ sa kanyang opisyal na pangalan.
Di bababa sa kalahati ang pagkabanggit sa Oxford English Dictionary sa mga tinatawag na "maling" baybay. Di naghahayag ng pagpili ang Oxford English Dictionary o ang Webster's Third New International Dictionary, bagaman nilalagay ng Britanikong Oxford English Dictionary ang anyong æ sa una, at nilalagay naman Amerikanong Webster sa ikalawa.
Tingnan ang listahan ng mga ensiklopedya para sa mga link sa isang partikular na santaláalaman.
Tingnan din
Kasaysayan ng agham at teknolohiya
Ensiklopedista
Aklatan at agham pang-impormasyon
Panitikan
Leksikograpiya
Diksiyonaryo
Paggawa ng mga reperensiya
Pauly-Wissowa
Mga tanyag na ensiklopedista bago mag-1700
Suidas
Vincent ng Beauvais (Vicente ng Beauvais)
Bartholomeus de Glanvilla (Bartolome ng Ingglaterra)
John Henry Alsted
Louis Moréri
John Jacob Hoffman
Pierre Bayle, para sa mga edisyong nasa Internet, pumunta sa www.lett.unipmn.it
Vincenzo Coronelli
Theodor Zwinger (1533-1588)
Sir Thomas Browne (1605-82), tingnan ang penelope.uchicago.edu
Pliny the Elder
San Isidoro ng Seville (San Isidro ng Sevilla)
Hrabanus Maurus
Ensiklopedyang Yongle
Mga kawing panlabas
Isang malaking listahan ng mga link sa mga diksiyonaryo at ensiklopedya (huling binago Nob. 1999)
Online free encyclopedia
Encyclopedia meta-search ng CNET (kabilang ang Wikipedia)
Encyclopedia Meta Search (hinahanap ang malapit sa 20 nasa Internet na ensiklopedya sa isang hanapan, kabilang ang Wikipedia)
Aklat
|
588
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kalakhang%20Maynila
|
Kalakhang Maynila
|
Ang Kalakhang Maynila (), tinatawag din bilang Pambansang Rehiyong Kapital (), ay ang kabiserang rehiyon at isa sa mga itinakdang kalakhang pook ng Pilipinas. Binubuo ito ng 16 na lungsod: ang Lungsod ng Maynila, Lungsod ng Quezon, Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, San Juan, Taguig, at Valenzuela, pati na rin ang bayan ng Pateros. Ang rehiyon ay may sukat na at kabuuang populasyon na 12,877,253 noong 2015.
Ang rehiyon ay sentro ng politika, pangangalakal, lipunan, kultura, at pang-edukasyon ng Pilipinas. Ayon sa iprinoklamang Utos ng Pampanguluhan Blg. 940, ang kabuuan ng Kalakhang Maynila ay ang sentro ng pamahalaan habang ang Lungsod ng Maynila ang kabisera. Ang pinakamalaking lungsod sa Kamaynilaan ay ang Lungsod Quezon, samantalang ang pinakamalaking distritong pangkalakalan ay ang Lungsod Makati.
Ang Kalakhang Maynila ang pinakamaraming naninirahan sa tinutukoy na 12 kalakhan ng Pilipinas at pang-11 sa pinakamaraming naninirahan sa buong mundo. Batay sa senso noong 2010, ito ay may populasyon na 11,855,975, katumbas ng 13% populasyon ng bansa.
Ang kabuuang produktong pampook ng Kalakhang Maynila ayon noong Hulyo 2011 ay tinatayang $159 bilyon o 33% ng kabuuang produktong pambansa. Sa loob ng taong 2011, ayon sa PricewaterhouseCoopers, ito ay pang-28 sa mga pinakamalalaking ekonomiya sa pinagsamasamang lungsod sa buong mundo at pang-4 sa Timog-Silangang Asya.
Batay sa census noong 2007, ay populasyon ay 11,553,427. Kung isasama sa pagbibilang ng populasyon ang mga katabing lalawigan (Bulacan, Kabite, Laguna at Rizal) ng Malawakang Maynila, ang populasyon ay humigit kumulang 20 milyon.
Kasaysayan
Isang makasaysayang kaharian na kilala bilang Maynila ang kabilang sa mga teritoryo na minsang nasaklaw sa mga sinaunang kaharian. Kasama rin dito ang mga isla sa paligid ng Maynila at Tondo, ngunit may mas maliit na kaharian din katulad ng Tambobong, Taguig, Pateros, at ang pinagtibay na kaharian ng Cainta. Naging kabisera ito ng kolonyal na Pilipinas, at ang Intramuros ay nagsilbi bilang sentro ng kapangyarihang kolonyal. Noong 1898, isinama ang lungsod ng Manila at 23 iba pang mga bayan. Ang Mariquina ay nagsilbi ring kabisera ng Pilipinas mula 1898–1899, noong inilipat ang soberanya ng Pilipinas sa Estados Unidos. Noong 1901, ang lalawigan ng Maynila ay pinawalangbisa at halos lahat ng teritoryo nito ay inilipat sa noo'y bagong lalawigan ng Rizal.
Mula pa noong panahong kolonyal ng mga Espanyol, ang Maynila ay itinuturing bilang isang orihinal na lungsod pandaigdig.
Ang galeon ng Maynila ay ang pinaka-unang kilalang kalakalan na naglayag sa rutang pangkalakaran sa Karagatang Pasipiko sa loob ng 250 taon, na nagdadala sa Espanya ng mga karagamentong may luho, benepisyong pang-ekonomiya, at pagpapalit ng kultura.During the American period, at the time of the Philippine Commonwealth, American architect and urban designer Daniel Burnham was commissioned to create the grand Plan of Manila to be approved by the Philippine Government. The creation of Manila in 1901 is composed of the places and parishes of Binondo, Ermita, Intramuros, Malate, Manila, Pandacan, Quiapo, Sampaloc, San Andrés Bukid, San Fernando de Dilao, San Miguel, San Nicolas, Santa Ana de Sapa, Santa Cruz, Santa Mesa and Tondo. Meanwhile, the towns and parishes of Caloocan, Las Piñas, Mariquina, Pasig, Parañaque, Malabon, Navotas, San Juan del Monte, San Pedro de Macati, San Felipe Neri, Muntinlupa and the Taguig-Pateros area were incorporated into the province of Rizal. Pasig serves as its provincial capital.
In 1939, President Quezon established Quezon City with a goal to replace Manila as the capital city of the country. A masterplan for Quezon City was completed. The establishment of Quezon City meant the demise of the grand Burnham Plan of Manila, with funds being diverted for the establishment of the new capital. World War II further resulted in the loss most of the developments in the Burnham Plan, but more importantly, the loss of more than 100,000 lives at the Battle of Manila in 1945. Later on, Quezon City was eventually declared as the national capital in 1948. The title was re-designated back to Manila in 1976 through Presidential Decree No. 940 owing to its historical significance as the almost uninterrupted seat of government of the Philippines since the Spanish colonial period. Presidential Decree No. 940 states that Manila has always been to the Filipino people and in the eyes of the world, the premier city of the Philippines being the center of trade, commerce, education and culture.
During the war, President Manuel L. Quezon created the City of Greater Manila as an emergency measure, merging the cities of Manila and Quezon City, along with the municipalities of Caloocan, Las Piñas, Mariquina, Pasig, Parañaque, Malabon, Navotas, San Juan del Monte, San Pedro de Macati, San Felipe Neri, Muntinlupa and the Taguig-Pateros area. Jorge Vargas was appointed as its mayor. Mayors in the cities and municipalities included in the City of Greater Manila served as vice mayors in their town. This was in order to ensure Vargas, who was Quezon's principal lieutenant for administrative matters, would have a position of authority recognized under international military law. The City of Greater Manila was abolished by the Japanese with the formation of the Philippine Executive Commission to govern the occupied regions of the country. The City of Greater Manila served as a model for the present-day Metro Manila and the administrative functions of the Governor of Metro Manila that was established during the Marcos administration.
On November 7, 1975, Metro Manila was formally established through Presidential Decree No. 824. The Metropolitan Manila Commission was also created to manage the region. On June 2, 1978, through Presidential Decree No. 1396, the metropolitan area was declared the National Capital Region of the Philippines. When Metro Manila was established, there were four cities, Manila, Quezon City, Caloocan, Pasay and the thirteen municipalities of Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasig, San Juan, Taguig, Valenzuela and Pateros. At present, all of these municipalities except for one have become an independent charted city; only Pateros remains as a municipality.
President Ferdinand Marcos appointed his wife, First Lady Imelda Marcos as the first governor of Metro Manila. She launched the City of Man campaign. The Cultural Center of the Philippines Complex, Metropolitan Folk Arts Theater, Philippine International Convention Center, Coconut Palace and healthcare facilities such as the Lung Center of the Philippines, Philippine Heart Center, and the Kidney Center of the Philippines are all constructed precisely for this purpose. President Marcos was overthrown in a non-violent revolution along EDSA, which lasted three days in late February 1986. The popular uprising, now known as the People Power Revolution, made international headlines as "the revolution that surprised the world".
In 1986, President Corazon Aquino issued Executive Order No. 392, reorganizing and changing the structure of the Metropolitan Manila Commission and renamed it to the Metropolitan Manila Authority. Mayors in the metropolis chose from among themselves the chair of the agency. Later on, it was again reorganized in 1995 through Republic Act 7924, creating the present-day Metropolitan Manila Development Authority. The chairperson of the agency will be appointed by the President and should not have a concurrent elected position such as mayor. Former Laguna province governor Joey Lina was the last to serve as the Officer-In-Charge governor of Metro Manila.
By late 2014, then-MMDA Chairman Francis Tolentino proposed that San Pedro, Laguna be included in Metro Manila as its 18th member city. Tolentino said that in the first meeting of the MMDA Council of mayors in January 2015, he will push for the inclusion of the city to the MMDA.
Senator Aquilino "Koko" Pimentel III is seeking the separation of the city of San Pedro from the first legislative district of Laguna province to constitute a lone congressional district.
In 2015, Pimentel filed Senate Bill No. 3029 for the creation of San Pedro as a separate district to commence in the next national and local elections.
Heograpiya
Matatagpuan sa 14°40' H 121°3 S, ang Kalakhang Maynila ay nasa isang isthmus na naghahanggan sa Lawa ng Laguna sa timog silangan at sa Look ng Maynila sa kanluran. Ang pook metropolitan ay nasa malawak na kapatagan. Naghahanggan ang sakop nito sa Bulacan sa hilaga, sa lalawigan ng Rizal sa silangan, sa Laguna sa timog at sa Kabite sa timog kanluran. Hinahati ng Ilog Pasig ang Kalakhang Maynila na nagdudugtong sa dalawang katubigan kinahahanggan nito sa kanluran at silangan.
Pinakamaliit sa mga rehiyon ng Pilipinas ang Kalakhang Maynila, subalit pinakamatao at pinakamakapal ang populasyon nito. 636 kilometrong parisukat ang lawak nito at pinapaligiran ito ng mga lalawigan ng Bulacan sa hilaga, Rizal sa silangan, at Laguna at Cavite sa timog. Matatagpuan naman sa kanluran ng Kalakhang Maynila ang Look ng Maynila at sa timog-silangan naman ang Laguna de Bay. Dumadaloy sa gitna ng Kalakhang Maynila ang Ilog Pasig na siyang nagdudugtong Laguna de Bay sa Look ng Maynila.
Ang Kalakhang Maynila ay itinuturing swampy isthmus na may karaniwang elebasyon na 10 metro. Ang pangunahing anyong tubig ng Kalakhang Maynila ay ang Ilog Pasig; ito ang humahati sa isthmus ng Kalakhang Maynila.
Klima
Ayon sa pagbubukod ng klima na Köppen, ang Pambansang Punong Rehiyon ay may tropikong basa at tuyo na klima at tropikong balaklaot na klima. Ang Kalakhang Maynila ay may maikling tagtuyo mula Enero hanggang Mayo, at may pagkahabang tag-ulan mula Hunyo hanggang Disyembre.
Pamahalaan at politika
Mga lungsod at bayan
Ang labimpitong mga yunit ng lokal na pamahalaan ng Kalakhang Maynila ay administratibong kapantay sa mga lalawigan. Binubuo ang mga ito ng labing-anim na mga malayang lungsod na iniuri bilang "mga lungsod na mataas na urbanisado", at isang malayang bayan: Pateros.
Mga distrito
Hindi tulad ng ibang rehiyon na nahahati sa mga lalawigan, nahahati ang Kalakhang Maynila sa limang hindi administratibong distrito, na nakauri batay sa heograpiya nito gamit ang Ilog Pasig bilang reperensiya. Nabuo ang mga distritong ito noong 1976 ngunit walang lokal na pamahalaan o may kinatawan sa kongreso, salungat sa mga lalawigan. Ginagamit ang mga distritong ito para sa layuning piskal at estadistikal.
Nahahati ang mga lungsod at munisipyo sa Kalakhang Maynila sa apat na distrito, ang mga ito ang sumusunod:
Ekonomiya
Ang Pambansang Punong Rehiyon ay bumuo ng 36% ng pambansang kita noong 2018.
Lugar ng Libangan at Palatandaan
Transportasyon
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, ang pampublikong sakayan sa Kalakhang Maynila ay binubuo ng mga sumusunod: 46% ng mga tao ay lumilibot sa pamamagitan ng mga dyipni, 32% sa pamamagitan ng mga pampribadong kotse, 14% sa pamamagitan ng bus, at 8% ay gumagamit ng sistemang daambakal. Nakaalinsunod ang pagpapausbong ng transportasyon ng Kamaynilaan sa Metro Manila Dream Plan, na binubuo ng pagpapatayo ng mga impraestruktura na tatagal hanggang 2030 at tumutugon sa mga usaping ukol sa trapiko, paggamit ng lupain, at kalikasan.
Mga daan at lansangan
Itinayo ang mga daan ng Kamaynilaan sa paligid ng Lungsod ng Maynila. Ibinukod ang mga daan bilang mga lokal na daan, pambansang daan, o daang subdibisyon. Mayroong sampung daang radyal na lumalabas ng lungsod. Gayundin, mayroong limang daang palibot na bumubuo sa isang serye na mga bilugang hating-bilog na arko sa paligid ng Maynila. Ang mga daang palibot at daang radyal ay mga sistema ng nakakonektang daan at lansangan. Isang suliranin sa mga daang palibot ay mga nawawalang daan (missing road links). Ito ay mga daan na hindi pa itinatayo (sa ngayon) para magbigay-daan sa pagpapausbong dahil sa mabilisang urbanisasyon ng Kamaynilaan. Inilulutas na ng kalakhan ang suliraning ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga nawawalang daan o sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga daang nag-uugnay (connector roads).
Isang mahalagang daang palibot ay ang Daang Palibot Blg. 4 (o C-4), na binubuo ng Daang C-4 sa Navotas at Malabon, Daang Samson sa Caloocan, at EDSA (Abenida Epifanio de los Santos]]. Dumadaan ito sa mga lungsod ng Pasay, Makati, Mandaluyong, Lungsod Quezon, at Caloocan. Sinusundan ng Linya 3 ng MRT ang pagkakalinya ng EDSA mula Abenida Taft sa Pasay hanggang Trinoma malapit sa sangandaan nito sa Abenida North. Ang Daang Palibot Blg. 5, o mas-kilala bilang C-5, ay nagsisilbi sa mga nakatira malapit sa mga hangganang panrehiyon ng Kamaynilaan at nagsisibi ring alternatibong ruta para sa C-4.
Ang pinakatanyag na daang radyal ay ang Daang Radyal Blg. 1 (R-1), na binubuo ng Kalye Bonifacio (Bonifacio Drive), Bulebar Roxas, at Manila–Cavite Expressway (o Coastal Road). Inuugnay nito ang Kalakhang Maynila sa lalawigan ng Kabite. Ang mga iba pang kilalang daang radyal sa Kamaynilaan ay ang Daang Radyal Blg. 3 (R-3), o ang South Luzon Expressway na nag-uugnay ng Kamaynilaan sa Laguna; Daang Radyal Blg. 6, na binubuo ng Bulebar Ramon Magsaysay, Bulebar Aurora, at Lansangang Marikina–Infanta na dumadaan patungong Rizal; Daang Radyal Blg. 7 (R-7), na nag-uugnay ng Maynila sa Lungsod Quezon at San Jose del Monte, Bulacan; at Daang Radyal Blg. 8 (R-8), o ang mga daan ng Abenida Bonifacio at North Luzon Expressway na nag-uugnay ng Kamaynilaan sa mga lalawigan sa hilaga tulad ng Bulacan at Pampanga.
Ang sistemang daang radyal at palibot ay kasalukuyang pinapalitan ng isang bagong sistema ng nakabilang na lansangambayan na ipinapatupad ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), at kasalukuyang inilalagay ang mga bagong palatandaan sa pagpapatupad nito. Itinatanda ang mga mabilisang daanan ng mga bilang na may unlaping "E" (nangangahulugang "expressway" o mabilisang daanan). Itinakda naman ang mga pambansang lansangan ng mga bilang may isa hanggang tatlong tambilang, maliban lamang sa mga lansangang iniuri bilang mga pambansang daang tersiyaryo.
Sa ngayon, tuluy-tuloy ang pagtatayo ng Metro Manila Skyway Stage 3 at ang NAIA Expressway Phase 2 na bahagi ng Metro Manila Dream Plan. Kabilang sa mga iba pang proyekto itinatayo ay ang pagpapaganda ng EDSA, pagtatayo ng Taft Avenue Flyover, at ang pagtatayo ng mga nawawalang daan para sa mga daang palibot circumferential roads (hal. Metro Manila Interchange Project Phase IV).
Mga sistemang daambakal
May tatlong linyang daambakal ang Kalakhang Maynila, na pinangangasiwaan ng dalawang entidad. Ang Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (LRTA) ay nagtatakbo ng Linya 1 (Linyang Lunti) at Linya 2 (Linyang Bughaw). Sa kabilang banda, ang Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila ay nagtatakbo ng Linya 3 (Linyang Dilaw) na dumadaan sa EDSA.
Ang Unang Linya ay may 560,000 bilang ng mga mananakay kada linggo. Noong Pebrero 2014, ang kabuuang bilang na 14.06 milyong pasahero ang gumamit ng Unang Linya habang 6.13 milyon naman ang gumamit ng Ikalawang Linya.
Sa kasalukuyan, itinatayo ang Ikapitong Linya ng Metro Rail Transit ng Maynila (Linyang Pula). Pag-nakumpleto, uugnayin nito ang Kalakhang Maynila sa lalawigan ng Bulacan. Bukod pa riyan, isang common station na mag-uugnay ng Unang Linya, Ikatlong Linya, at Ikapitong Linya ay nakapanukala, subalit ang pagtatayo nito ay hinahadlangan ng burukrasya sa Kagawaran ng Transportasyon (DOTr), mahigpit na alitan sa korporasyon, at mga usapin ukol sa ipinapanukalang lokasyon nito.
Ipinanukala na ipapahaba ang Linya 1 papuntang Bacoor sa lalawigan ng Kabite. Isang ikalawang pagpapahaba, ang Ika-anim na Linya ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila, ang mag-uugnay ng Bacoor sa Dasmarinas sa kahabaan ng Lansangang Aguinaldo. Sa ngayon, itinatayo ang Silangang Ekstensyon ng Linya 2. Ang silangang ekstensyon na ito ang mag-uugnay ng Kalakhang Maynila sa lalawigan ng Rizal. Ipapahabain rin ito pakanluran sa hinaharap, at dahil diyan mas-dadami ang ugnayan sa mga lugar ng Divisoria at Pier 4 at ang Pantalan ng Maynila.
Ang Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR) ay nagpapatakbo ng isang serbisyong riles pang-komyuter sa Kalakhang Maynila na tinatawag na PNR Metro South Commuter. Ang pangunahing estasyong terminal nito ay matatagpuan sa Tutuban sa Tondo. Kapag nakumpleto na ang kanlurang karugtong ng Linya 2, ang Tutuban ay magiging pinaka-maabalang estasyong palitan sa buong kalakhan, na may dagdag na isa pang 400,000 tao mula sa kasalukuyang 1 milyong tao na pumupuntang Tutuban Center.
Himpapawid
Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA) na matatagpuan sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque ay ang primerang pasukan sa Kalakhang Maynila. Ito lamang ang paliparan na naglilingkod sa rehiyon at ito ang pinaka-abalang paliparan sa bansa. Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino ay nahahati sa mga apat na terminal: ang Terminal 1, ang Terminal 2 na ekslusibong ginagamit ng Philippine Airlines, ang Terminal 3 na pinakabago at pinakamalaki sa NAIA komplex, at ang Terminal 4 na kilala rin bilang Manila Domestic Passenger Terminal. Ang isa pang paliparan na naglilingkod sa Kalakhang Maynila ay ang Paliparang Pandaigdig ng Clark na matatagpuan sa Angeles, Pampanga.
Ferry
Ang Pasig River Ferry Service na pinapatakbo ng MMDA ay ang sistemang shuttle na lantsang pantawid ng Kalakhang Maynila. Dumadaan ito sa Ilog Pasig mula Plaza Mexico sa Intramuros hanggang Barangay Pinagbuhatan sa Pasig. Bagamat itinuturi itong ferry, mas-kahawig nito ang isang taksi na pantubig. Ito ay may labimpitong (17) estasyon, subalit labing-apat (14) lamang ang gumagana.
Demograpiko
Ang Pambansang Punong Rehiyon ay may populasyon na , ayon sa pambansang senso 2015. Ang kabuuang pook-urban (urban area), na binubuo ng pinagsamang pook-urban na tumutukoy sa tuluy-tuloy na paglawak ng urbanisasyon ng Kamaynilaan patungong Bulacan, Kabite, Laguna, Rizal, at Batangas ay may populasyon na . Ito ang pinakamataong rehiyon sa Pilipinas, ang ikapitong pinakamataong kalakhan sa Asya, at ang ikatlong pinakamataong pook-urban sa buong mundo.
Ang mga pinakamataong lungsod sa Kamaynilaan ay Lungsod Quezon (2,936,116), Maynila (1,780,148), Caloocan (1,583,978), Taguig (804,915), Pasig (755,300), Parañaque (665,822), Valenzuela (620,422), Las Piñas (588,894), Makati (582,602), at Muntinlupa (504,509).
Mga slum
Noong 2014, tinatayang may apat na milyong mga tumitira sa mga slum sa Kalakhang Maynila. Isang pangunahing suliranin sa mga lungsod ng Kalakhang Maynila ang kawalan ng tirahan.
Edukasyon
Kalusugan
Seguridad at Pulisya
Palingkurang-bayan
Kuryente
Tubig
Komunikasyon
Pamamahala ng mga Basura
Tingnan din
Heograpiya ng Pilipinas
Mga rehiyon sa Pilipinas
Pilipinas
Sanggunian
Maynila
Kalakhang Maynila
Luzon
|
589
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Makina
|
Makina
|
Ang makina ay isang mekanikal o de-kuryenteng bagay ng naglilipat o nagbabago ng enerhiya upang makagawa o makatulong sa mga gawain ng tao.
Mga sanggunian
Teknolohiya
Makina
Inhenyeriya
|
602
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Enero
|
Enero
|
Ang Enero ay ang unang araw ng taon sa sa kalendaryong Gregoryano at Juliyano at ang una sa pitong buwan na may habang 31 araw. Kilala ang unang araw ng buwan bilang ang Araw ng Bagong Taon. Ito ang, sa katamtaman, ang pinakamalamig na buwan ng taon sa karamihan sa Hilagang Emisperyo (kung saan ito ang ikalawang buwan ng tagniyebe) at ang pinakamainit na buwan ng taon sa Timog Emisperyo (kung saan ito ang ikalawang buwan ng tag-araw). Sa Timog Emisperyo, ang Enero ay ang katumbas na panahon ng Hulyo sa Hilagang Emisperyo at ang kabaligtaran nito sa isa't isa.
Kasaysayan
Hinango ng Tagalog ang "Enero" mula sa Kastila na "Enero" na mula sa medyebal na Kastilang "janero" na mula bulgar na Latin na jānuāirō. Sa orihinal na Latin, Ianuarius ang Enero na ipinangalan kay Jano, ang diyos ng mga simula at mga transisyon sa mitolohiyang Romano.
Sa tradisyon, binubuo ang orihinal na kalendaryong Romano ng 10 buwan na may kabuuang 304 araw, na tinuturing ang tagniyebe bilang panahon na walang buwan. Noong mga 713 BC, ang semi-mitikong kahalili ni Romulus, si Haring Numa Pompilio, ay diumanong dinagdag ang mga buwan ng Enero at Pebrero, upang masasakop ng kalendaryo ang pamantayang taon na lunar (354 araw). Bagaman Marso ang orihinal na unang buwan sa lumang kalendaryong Romano, naging Enero ang unang buwan ng taon sa kalendaryo alinman dahil sa ilalim ni Numa o sa ilalim ng Desenbirato noong mga 450 BC (magkakaiba ang mga manunulat na Romano).
Mga simbolo
Granate ang birthstone o batong-kapanganakan ng Enero, na kinakatawan ang katatagan. Ang bulaklak-kapanganakan ay ang kulay rosas na Dianthus caryophyllus, galanthus o tradisyunal na klabel. Ang mga senyas ng sodyak ay Capricornio (hanggang Enero 19) at Acuario (Enero 20 pataas).
Mga pagdiriwang
Hindi kinakailangan ang talang ito na magpahiwatig ng aliman sa katayuang opisyal o pangkalahatang pagdiriwang.
Buong buwan
Buwan ng Kamalayan ng Alzheimer (Canada)
Buwan ng Pambansang Kodependensiya (Estados Unidos)
Nakapirmi
Disyembre 25 – Enero 5: Labing-dalawang Araw ng Pasko (Kristiyanong Kanluranin)
Enero 1
Araw ng Bagong Taon
Pista ng Pagtutuli kay Kristo
Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos (Simbahang Katoliko)
Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan
Araw ng Dominyong Publiko (maraming bansa)
Enero 6
Epipanya o Araw ng Tatlong Hari (Kristiyanong Kanluranin) o Teopanya (Kristiyanong Silanganin), at mga kaugnay na pagdiriwang:
Araw ni Befana (Italya)
Pasko (Simbahang Apostolikong Armeniyo)
Bisperas ng Pasko (Rusya, Ukranya, Bosnia at Herzegovina, at Hilagang Macedonia)
Maliit na Pasko (Irlanda)
Þrettándinn (Iceland)
Araw ng Tatlong Mago
Enero 7
Pasko (Simbahang Ortodokso ng Silangan at mga Simbahang Ortodoksiyang Orienta gamit ang kalendaryong Juliyano, Rastafari)
Pasko sa Rusya, Ukranya, at Bosnia at Herzegovina
Enero 13
Lumang Bisperas ng Bagong Taon (Rusya, Belarus, Ukranya, Serbia, Montenegro, Hilagang Macedonia), at kang kaugnay na pagdiriwang:
Malanka (Ukranya, Rusya, Belarus)
Enero 16
Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos (Simbahang Koptiko)
Araw ng Thiruvalluvar (Tamil Nadu, India)
Enero 27
Pagpapalaya ng natitirang bilanggo ng Auschwitz
Enero 30
Pagmamartir ni Mahatma Gandhi-na mga kaugnay na pagdiriwang:
Araw ng mga Martis (Indiya)
Paaralang Araw ng Walang Karahasan at Kapayapaan (Espanya)
Simula ng Panahon ng Walang Karahasan: Enero 30 – Abril 4
Mga sanggunian
Buwan (panahon)
|
603
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Dalubtalaan
|
Dalubtalaan
|
Ang dalubtalaan o astronomiya ay isang agham na kinapapalooban ng pagmamasid at pagpapaliwanag ng mga kaganapang nangyayari sa labas ng Daigdig at ng himpapawid nito. Pinag-aaralan nito ang pinagmulan, pagbabago, at mga katangiang pisikal at kimikal ng mga bagay na mapagmamasdan sa kalangitan (na nasa labas ng atmospero), pati ang mga kaugnay na mga proseso at kababalaghan.
Ang astronomiya ay isa sa mga piling agham na kung saan gumanap ng aktibong papel ang mga amateur, lalu na sa pagtuklas at pagmonitor ng di-palagiang kabalaghaan (transient phenomena). Hindi dapat ipagkamali ang astronomiya sa astrolohiya, na nagpapalagay na ang kapalaran ng tao at pamumuhy sa pangkahalatan ay may kaugnayan sa nakikitang na kinalalagyan ng mga bagay sa kalangitan—kahit na ang dalawang larangang na ito ay magkapareho ang pinagmulan; sinusunod ng mga astronomo ang makaagham na pamamaraan, habang hindi ito sinusunod ng mga astrologo.
Etimolohiya ng salita
Ang salitang astronomiya ay nagmula sa Wikang Griyegong αστρονομία = άστρον + νόμος, astronomia = astron + nomos, na mayroong literal na kahulugang "batas ng mga bituin".
Mga inoobserbahan
Ibang mga planeta
Ibang araw
Iba pang mga makikita sa kalawakan, katulad ng itim na butas
Agham
|
622
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kapuluan
|
Kapuluan
|
Ang kapuluan (Ingles: archipelago), ay isang lupon ng mga pulo o kaya'y katubigan na naglalaman ng mga malalaki o maliliit na pulo.
Ang Pilipinas, Hapon, Indonesia, Taiwan, Bagong Silandiya, Maldives at ang Kapuluang Britaniko ay mga tanyag na halimbawa ng mga kapuluan.
Uring pangheolohiya
Ang mga kapuluan ay maaring matagpuang nagiisa sa malawak na bahagi ng karagatan o kaya'y kalapit lamang ng mga malalaking anyong lupa. Halimbawa, ang Eskosya ay may humigit kumulang 700 na pulong pumapalibot dito na bumubuo ng mga kapuluan.
Ang mga kapuluan ay madalas nabuo mula sa pagsabog ng mga bulkan sa ilalim ng dagat ngunit maari ring mabuo dulot ng erosyon, deposisyon, at pagbabago sa elebasyon ng lupa. Naaayon sa pinagmulan nito, ang mga isla ay inuuri bilang mga oceanic islands, continental fragments, o continental islands.
References
Mga pulo
|
624
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Telebisyon
|
Telebisyon
|
Ang telebisyon (mula sa espanyol Televisión) o tanlap (tanaw + diglap) ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan. Naging patungkol sa lahat ng aspeto ng programa at pagpapadalang pantelebisyon ang katagang ito.
Isa itong pamamaraang telekomunikasyon na ginagamit upang makapaghatid ng tunog at gumagalaw na imaheng may iisang kutis ng kulay, may ibat-ibang kulay, o may tatlong sukat. Pwede itong tumukoy sa set ng telebisyon, isang programa sa telebisyon, o ang pamamaraan ng paghatid sa telebisyon. Ang telebisyon ay pangmasang panghatid, ng libangan, edukasyon, balita o pag-alok.
Kasaysayan
Iminungkahi at ipinatente ni Paul Gottlieb Nipkow ang unang sistema ng telebisyon na elektromekanikal noong 1884. Sumulat si A. A. Campbell Swinton sa Nature noong 18 Hunyo 1908 at tinalakay ang kanyang konsepto tungkol sa telebisyong elektroniko na ginagamit ang tubo ng sinag ng cathode na inimbento ni Karl Ferdinand Braun. Nagbigay siya ng panayam tungkol dito noong 1911 at nagpakita ng mga diyagrama ng sirkito.
Sa simula pa lamang, ang mga signal pantelebisyon ay ipinapamahagi bilang telebisyong panlupa, gamit ang malalakas na frequency upang magpasahimpapawidng signal sa mga indibidwal na tagatanggap telebisyon. Bilang kahalili, ang mga signal pantelebisyon ay ipinapamahagi gamit ang kableng co-axial o optical fibre, mga sistema ng satellite, at ng internet. Bago pa noong unang bahagi ng taong 2000, ang mga ito ay ipinapahatid bilang mga signal na analog, pero ang mga bansa ay sinimulang gumamit ng digital, ang pagbabagong ito ay inaasahang makumpleto para sa buong mundo sa huling bahagi ng ika-21 dekada. Ang isang pamantayang set ng telebisyon ay kinabibilangan ng maraming panloob na electronic circuit, kasama na rito ang apinador upang makatanggap at makabasa ng inihatid na signal. Ang isang aparatong nagpapahayag pangmata na walang apinador ay nararapat na tawaging monitor na bidyo lamang at hindi telebisyon.
Ang pagdating ng digital na telebisyon ay nagpahintulot ng mga likha tulad ng mga Smart TV. Ang Smart TV, kung minsang tinatawag ding kunektadong TV o hybrid TV, ay set ng telebisyon na isinama ang internet at ang mga katangian ng Web 2.0, at isa itong halimbawa ng tagpong teknolohika sa pagitan ng mga kompyuter at mga set ng telebisyon. Bukod sa mga tradisyunal na nagagawa ng mga set ng telebisyon na itinakda sa pamamagitan ng tradisyunal na panghatid pangmasa, ang mga aparatong ito ay kaya ring maghandog ng internet a TV, interactive na paghahatid online, mas maganda kaysa sa inaasahang nilalaman, pati na rin paagos na paghahatid impormasyon na kinakailangan, at saka daan upang makapaghatid impormasyon sa tahanan. Ang isang aparatong nagpapahayag pangmata na walang apinador ay nararapat na tawaging bidyo monitor lamang at hindi telebisyon.
Tingnan din
Listahan ng mga palabas sa telebisyon sa Pilipinas
Reality television
Telefantasya
Mga kawing na panlabas
Telebisyon.net
Paglilibang
|
626
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Talaan%20ng%20mga%20analogong%20himpilang%20pangtelebisyon%20sa%20Pilipinas
|
Talaan ng mga analogong himpilang pangtelebisyon sa Pilipinas
|
Ito ang talaan ng mga analogong himpilang pantelebisyon sa Pilipinas. May dalawang pangunahing himpilan ang nakikipagkompetisyon para sa mas malaking pagkuha ng manonood; angGMA Network Inc. at TV5 Network Inc (isa ang ABS-CBN sa pinakamalaking analogong himpilan hanggang nawala ang frequency nila dahil napaso na ang prangkisang lehislatura nila at hindi naaprubahan ng Kongreso ang kanilang aplikasyon para sa pagpanibago ng prangkisa.) Kilala ang mga himpilang sumasahimpapawid ng libre (o free-to-air) sa kanilang flagship na tsanel (halimbawa, PTV 4, RPN 9, IBC 13, TV5 at GMA 7 (Maynila) sa halip na People's Television Network, Radio Philippines Network, Intercontinental Broadcasting Corporation, TV5 Network at GMA Network ayon sa pagkakabanggit). Nagsimulang nawala ang analogong telebisyon sa Pilipinas noong Pebrero 28, 2017, at nakatakda itong makumpleto sa 2023. Gumagamit lahat ng mga estasyon ng TV ng pamantayang NTSC.
Kalakhang Maynila
Maynila
Estasyong VHF
Estasyong UHF
Di-aktibong Estasyon
Cordillera Administrative Region (CAR)
Abra
Benguet
Mountain Province
Region I (Ilocos Region)
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Pangasinan
Region II (Cagayan Valley)
Batanes
Cagayan
Isabela
Nueva Vizcaya
Region III (Central Luzon)
Aurora
Bataan
Bulacan
Nueva Ecija
Pampanga
Tarlac
Zambales
Region IV-A (Calabarzon)
Batangas
*Ang mga senyas ay makikita sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Cavite
Laguna
Quezon Province
Rizal Province
Southwestern Tagalog Region (MIMAROPA)
Occidental Mindoro
Oriental Mindoro
Palawan
Romblon
Region V (Bicol Region)
Albay
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Masbate
Sorsogon
Region VI (Western Visayas)
Aklan
Capiz
Iloilo
Negros Occidental
Region VII (Central Visayas)
Bohol
Cebu
Negros Oriental
Region VIII (Eastern Visayas)
Leyte
Samar
Eastern Samar
Region IX (Zamboanga Peninsula)
Zamboanga del Norte
Zamboanga del Sur
Zamboanga Sibugay
Zamboanga City
Region X (Northern Mindanao)
Bukidnon
Lanao del Norte
Misamis Occidental
Misamis Oriental
Region XI (Davao Region)
Davao del Norte
Davao del Sur
Davao Oriental
Region XII (SOCCSKSARGEN)
Cotabato
South Cotabato
Region XIII (Caraga Region)
Agusan del Norte
Agusan del Sur
Surigao del Norte
Surigao del Sur
Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)
Lanao del Sur
Maguindanao
Sulu
Telebisyon sa Pilipinas
|
627
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Talaan%20ng%20mga%20palabas%20sa%20telebisyon%20sa%20Pilipinas
|
Talaan ng mga palabas sa telebisyon sa Pilipinas
|
Isa itong talaan ng mga palabas sa telebisyon na ginawa sa Pilipinas.
#
100% Pinoy
24 Oras
A
Aalog-alog
Adyenda
A Rosy Life
Abangan ang Susunod na Kabanata
All Star K!
Atlantika
ASAP
Aksyon
All About You
All Together Now
Anatomy of a Disaster
Ang Dating Daan
Ang Iglesia ni Cristo
Ang Tamang Daan
Ang Pagbubunyag
Ang Probinsyano
Art Angel
Art Jam
Asian Treasures
Assignment
At Home Ka Dito
At Your Service
ATBP
Ayon Sa Biblia
Alakdana
B
Bahay Mo Ba `To
Bakekang
Balita Ala-Una
Balita Alas Singko ng Umaga
Balitaan
Balitang Amianan
Balitang Balita
Balitang Bisdak
Balitanghali
Balitanghali Iloilo
Balitanghali Cebu
Balitanghali Davao
Balita Ngayon
Balita sa IBC
Balita sa IBC Huling Ulat
Balita sa Tanghali
Bandila
Bitag
Bitoy's Funniest Videos
Biyaheng Langit
Basta Sports
Basta't Kasama Kita
Bible Guide
Biblically Speaking
Bida Si Mister, Bida Si Misis
Bubble Gang
Buhay Pinoy
C
Carmina
Case Unclosed
Celebrity Bluff
Celebrity Duets
CelebriTV
Celebrity Turns
Cielo de Angelina
Click
Captain Barbell
CNN Philippines Balitaan
CNN Philippines Newsroom
Cuore
D
Daddy Di Do Du
Daisy Siete
Debate with Mare at Pare
Digital LG Quiz
Dong Puno Live
Darna
Doraemon
Dragonball
Dwarfina
E
Eat Bulaga!
Eateria
Emergency
Extra Challenge
Encantadia
F
Failon Ngayon
Fanatxt
Fantastikids
Flame of Recca
Family Feud
G
Game na Game na
Ghost Fighter
H
Hapi House!
Hooo U?
Homeboy
Hanggang Kailan
Home Along Da Riles
Home Along Da Airport
Hokus Pokus
I
IBC Balita Ngayon
IBC Express Balita
IBC Headliners
IBC News 5'O Clock Report
IBC News 5:30 Report
IBC Newsbreak
IBC News Tonight
IBC TV-XPress
I-Balita
Iba-Balita
I-Witness
Idol Ko Si Kap
Idol Philippines
Ikaw Sa Puso Ko
Ikaw Sana
Imbestigador
Islands Newsbreak
Itanong Mo Kay Soriano
Ito Ang Balita
It's Showtime
It Might Be You
I Heart You Pare
J
Jessica Soho Reports
Jewel in the Palace
Judy Ann Drama Special
JuMong
Jackie Chan Adventures
K
Kachorra
Kadenang Ginto
Kakabakaba Adventures
Kamandag
Kapuso Mo, Jessica Soho
Kapwa Ko Mahal Ko
Kay Susan Tayo
Kontrobersyal
Kumikitang Kabuhayan
Kapamilya Blockbusters
Kapuso Movie Festival
Kitchen Superstar
Kidlat
L
La Luna Sangre
Loren
Love Story in Harvard
Lagot Ka Isusumbong Kita
Love Letter
Love to Love
Lovely Day
Lukso Ng Dugo
Love of the condor heroes
M
Marimar
Mahiwagang Baul
Ma. Del Carmen
Maalaala Mo Kaya
Magandang Gabi, Bayan
Magandang Umaga Bayan
Magandang Tanghali Bayan
Masayang Tanghali Bayan
Magpakailanman
Maging Sino Ka Man
Mangarap Ka
Marina
Marinara
Master Showman Presents
May Bukas Pa
May Minamahal
Maynila
Mel & Joey
Metro One
Mobile Kusina
Monica Brava
Morning Girls With Kris and Korina
MTB, Ang Saya Saya
Mulawin
Mulawin vs. Ravena
My Girl
N
News @ 1
News @ 6
Newslife
Newslight
Newsline World
News on Q
National Network News
Newsline Mindanao
Newsline Philippines
News Patrol
News Team 13
News Watch
Nginiig
Nuts Entertainment
Now and Forever
O
Ok Fine! Whatever
On the Wings of Love
P
Palaban
Palibhasa Lalake
Pambansang Almusal
Pambansang Balita Ala-Una
Pambansang Balita Alas Singko
Pangunahing Balita
Partners with Mel Tiangco
Patrol ng Pilipino
Philippine Idol
Philippine Lottery Draw
Pilipinas Gising Ka Na Ba?
Pilipinas Game KNB?
Pinoy Big Brother
Pipol
Private I
Pinoy Idol
Pinoy Meets World
Pinoy Pop Superstar
Princess Hours
Princess Lulu
Pokemon
PTV News
R
Ratsada
Reporter's Notebook
S
S-Files
Saksi
Sana Maulit Muli
Sana'y Wala Nang Wakas
Sarah, The Teen Princess
Secret Garden
Sentro
Sentro Balita
Simpleng Hiling
Sineskwela
SIS
SOP
SOP Gigsters
Special Assignment
Sports Unlimited
Stage One: The Starstruck Playhouse
Shaider
Sports 37
Star Circle Quest
Star In A Million
Starry Starry Night
Starstruck
Starstruck Kids
Startalk
Super Twins
Showbiz Stripped
Starbox
T
Tabing Ilog
Tawag ng Tanghalan
Teen Gen
Testigo
Testigo Northern Mindanao
TEN:The Evening News
The Buzz
The Iglesia ni Cristo and the Bible
The Message
The Veronica Chronicles
The Weekend News (PTV)
The Weekend News (ABS-CBN)
Today with Kris Aquino
Tonight with Boy Abunda
TV Patrol
TV Patrol Central Visayas
TV Patrol Negros
TV Patrol Chavacano
TV Patrol Southern Mindanao
TV Patrol Northern Mindanao
TV Patrol North Central Luzon
TV Patrol Northern Luzon
TV Patrol Central Mindanao
TV Patrol Tacloban
TV Patrol Cagayan Valley
TV Patrol Palawan
TV Patrol Southern Tagalog
TV Patrol Bicol
TV Patrol Pampanga
TV Patrol Socsksargen
U
Unang Hirit
V
Valiente
Victim
W
Wansapanataym
Willing Willie
Wil Time Bigtime
Wowowillie
Wowowin
Wish Ko Lang
Wowowee
Y
Yes Yes Show
Pilipinas
Telebisyon
Pilipinas
|
629
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pebrero
|
Pebrero
|
Ang Pebrero ang ikalawang buwan ng taon sa Kalendaryong Gregoryano at ng Juliyano. Mayroong 28 araw ang buwan sa karaniwang taon at 29 sa bisyestong taon, na ang ika-29 na araw ay tinatawag na bisyestong araw. Ito ang una sa limang buwan na hindi 31 araw (ang ibang apat ay Abril, Hunyo, Setyembre, at Nobyembre) at ang tanging buwan na mas mababa sa 30 araw. Ikatlo at huling buwan ang Pebrero sa tagniyebeng meteorolohiko sa Hilagang Emisperyo. Sa Timog Emisperyo, ikatlo at huling buwan ang Pebrero ng tag-init na meteorolohiko (na Agosto ang katumbas na panahon sa Hilagang Emisperyo).
Sa Ingles, February ang tawag sa buwang ito. Ang salitang Pebrero ay hango sa salitang Kastila na Febrero. Ang buwan ay ipinangalan kay Februus, and diyos ng kadalisayan ng mga sinaunang Romano. Ang Enero at Pebrero ang pinakahuling buwan na dinagdag sa kalendaryo, dahil para sa mga Romano, ang tag-lamig ay panahon na walang buwan. Sa buwan ding ito ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso o Araw ni Valentin.
Kasaysayan
Ipinangalan ang buwang Romano na sa katawagang Latin na , na nangangahulugang "puripikasyon", sa pamamagitan ng rituwal ng puripikasyon na na ginaganap tuwing Pebrero 15 (kabilugan ng buwan) sa lumang lunar na kalendaryong Romano. Ang Enero at Pebrero ang huling dalawang buwan na naidagdag sa kalendaryong Romano, yayamang orihinal na tinuring ng mga Romano ang tagniyebe na isang panahon na walang buwan. Dinagdag ang dalawang buwan na ito ni Numa Pompilio noong mga 713 BC. Nanatiling huling buwan ng kalendaryo ang Pebrero hanggang sa panahon ng mga desenbirato (c. 450 BC), nang naging ikalawang buwan ito. May mga panahon na tinanggalan ng araw ang Pebrero sa 23 o 24 araw na lamang ang natitira, at agad na pinasok ang isang 27-araw na buwang interklaro, ang Interkalaris, pagkatapos ng Pebrero upang muling ihanay ang taon sa mga panahon.
Mga huwaran
Mayroon lang 28 araw sa mga karaniwang taon, tanging Pebrero lamang ang buwan na dadaan na walang isang kabilugan ng buwan. Gamit ang Pangkalahatang Tugmang Oras bilang batayan para sa pagtukoy sa petsa at oras ng isang kabilugan ng buwan, huling nangyari ito noong 2018 at muling mangyayari sa 2037. Totoo din ito sa isang bagong buwan: muli, kapag gagamitin ang Pangkalahatang Tugmang Oras bilang batayan, huling nangyari ito noong 2014 at mangyayari uli sa 2033.
Mga simbolo
Ang kapanganakang-bulaklak ng Pebrero ay ang biyoleta (Biyola) at ang karaniwang primabera (Primula vulgaris), at ang Iris. Amatista ang kapanganakang-bato o birthstone nito. Sinisimbolo nito ang kabanalan, kababaang-loob, karunungang espirituwal, at pagkamatapat. Ang mga senyas ng sodyak ay Acuario (hanggang Pebrero 18) at Pissis (Pebrero 19 pataas).
Mga pagdiriwang
Hindi kinakailangan ang talang ito na magpahiwatig ng aliman sa katayuang opisyal o pangkalahatang pagdiriwang.
Buong buwan
Sa tradisyong Katoliko, ang Pebrero ay buwan ng Puripikasyon ng Pinagpalang Birheng Maria.
Buwan ng Amerikanong Puso (Estados Unidos)
Buwan ng Kasaysayan ng mga Itim (Estados Unidos, Canada)
Pambansang Buwan ng Kalusugang Pangngipin ng mga Bata (Estados Unidos)
Nakapirmi
Pebrero 1
Araw ng Pagtatanggal ng Pagkaalipin (Mauritius)
Pebrero 11
Araw ni Evelio Javier (Puno ng Panay, Pilipinas)
Pista ng Ating Ina ng Lourdes (Simbahang Katoliko), at kaugnay nito pagdiriwang:
Pandaigdigang Araw ng May Sakit (Simbahang Romano Katoliko)
Pebrero 14
Presentasyon ni Jesus sa Templo (Simbahang Apostolikong Armeniyo)
Araw ni San Valentin o Araw ng mga Puso (Internasyunal)
Pebrero 25
Araw ng Rebolusyong EDSA (Pilipinas)
Mga sanggunian
Buwan (panahon)
Pebrero
|
631
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Realidad%20na%20telebisyon
|
Realidad na telebisyon
|
Ang reality television ay isang uri ng palabas sa telebisyon kung saan ang sinusubaybayan ay ang "totoong buhay" ng mga tao at hindi mga kathang isip na tauhan na ginagampanan ng mga artista.
May tatlong uri ng reality television. Ang una, ang manonood at ang camera ay pasibong nagsusubaybay ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na personal at propesyonal na gawain. Ang mga "plot" na tinipon para sa palabas ay kadalasang katulad ng mga soap opera, kaya kung minsan ay tinatawag na docusoap.
Sa pangalawang uri, may mga nakatagong camera kung saan kinukunan ang mga nagkakataong dumaan sa lugar kung saan may naka-setup na sitwasyon. Ang reaksiyon nga mga dumaraan ay maaring nakakatwang panoorin pero ito rin ay nagpapakita ng katotohanan ng kalagayan ng tao.
Ang pangatlong uri ay ang tinatawag na "reality game show", kung saan ang mga kasali ay tinututukan ng mga camera habang silang napapaligsahan upang makuha ang premyo. Ang isang pagkakaiba kung bakit ang "reality game show" ay mas totoo kaysa sa mga ibang game show ay maaring kasangkot ang mga manonood (ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon) sa pagpili sa kalalabasan ng palabas. Kadalasan, ang pakikisangkot na ito ay sa pamamagitan ng pagpili kung sino sa mga kasali ang matatanggal (disapproval voting), ang pinakapopular, o iba pang sistema ng pagboto. Ang isa sa pinakasikat na reality-based game show ay ang Survivor.
Sa isang banda, nako-control pa rin ng mga producer ang format ng palabas at maari nilang imanipula ang kalalabasan ng ilan sa mga ito, kaya napapisip ang ilang kung gaano ba katotoo ang reality television.
Tingnan din
Listahan ng mga palabas na reality television sa Pilipinas
|
632
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Marso
|
Marso
|
Ang Marso ang ikatlong buwan ng taon sa kalendaryong Gregoryano at Juliyano. Ito ang ikalawa sa pitong buwan na may habang 31 araw. Nanggaling ang salitang Marso mula sa Kastilang Marzo. Sa Ingles, itong buwan ay tinatawag na March. Lahat ng ito ay nanggaling sa pangalan na Marte, ang diyos ng digmaan ayon sa mitolohiyang Romano.
Sa Hilagang Emisperyo, ang simulang meteorolohiko ng tagsibol ay unang araw ng Marso. Minamarkahan ang 20 o 21 bilang ekwinoksiyo ng Marso na ang simulang astronomiko ng tagsibol sa Hilagang Emisperyo and ang simula ng taglagas sa Timog Emisperyo, kung saan Setyembre ang panahong katumbas sa Marso ng Hilagang Emisperyo.
Kasaysayan
Nagmula ang pangalang Marso sa Martius, ang unang buwan sa sinaunang kalendaryong Romano. Ipinangalan ito kay Marte, diyos ng digmaan ng mga Romano, at ang ninuno ng mga Romano sa pamamagitan ng mga anak nitong sina Romulo at Remo. Simula ng panahon ng pakikidigma ang kanyang buwan na Martius, at sinasalamin ng iba sa Oktubre ang mga pista na ipinagdiriwang sa kanyang ngalan sa Marso, nang magsasara na ang panahon para sa mga aktibidad na ito. Nanatiling unang buwan ang Martius sa kalendaryong Romano marahil noong hanggang pinakahuling 153 BC, at ilang pagdiriwang relihiyoso sa unang kalahati ng buwan ay orihinal na mga pagdiriwang ang bagong taon. Kahit noong huling antiguwedad, ang mga mosaikong Romano na ginuguhit ang mga buwan ay minsan nilalagay ang Marso bilang una.
Mga simbolo
Ang mga birthstone o kapanganakang-bato ng Marso ay ang agwamarina at piyedra sanggre. Sinsimbolo ng mga batong ito ang katapangan. Narsiso ang kapanganakang-bulaklak ng Marso. Ang mga senyas ng sodyak ay Pisses hanggang sa tinatayang Marso 20 at Aries mula sa tinatayang Marso 21 pataas.
Mga sanggunian
Buwan (panahon)
Marso
|
633
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Asya%20%28paglilinaw%29
|
Asya (paglilinaw)
|
Asia o Asya ay maaari ring tumukoy sa mga sumusunod:
Asya (kontinente) kontinenteng bahagi ng Eurasia.
Asia District, Peru isang distrito sa Peru.
Asia District isang distrito sa siyudad ng Oklahoma
Asia Province, Imperyo Romano kilala bilang "Asya Minor"
Asia sa Griyegong mitolohiya ay isang babaeng Titan
Asya ay isang banda.
|
636
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pulo
|
Pulo
|
Ang pulo o isla ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay tinatawag na arkipelago.
Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga pulo: ang mga pulong kontinental at pulo sa karagatan. Mayroon ding mga pulong artipisyal.
Pulong kontinental
Ang mga pulong kontinental ay mga pulo na matatagpuan sa continental shelf ng isang kontinente. Isang halimbawa nito ang isla ng Lupanlunti, na nasa kontinente ng Hilagang Amerika.
Pagkakaiba ng mga pulo at mga kontinente
Ang Greenland ay ang pinakamalaking pulo sa daigdig na may sukat na mahigit sa 2.1 million km², samantalang ang Australia, ang pinakamaliit na kontinente ay may sukat na 7.6 milyon km², subalit walang pamantayang sukat na makapagsasabi at magpapaiba sa mga pulo mula sa mga kontinente, o mula sa mga munting pulo.
Mga sanggunian
Tingnan din
Listahan ng mga pulo ng Pilipinas
Heograpiya
|
639
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Rizal
|
Rizal
|
Tungkol sa lalawigan ang artikulong ito. Para sa ibang pang gamit, sumangguni sa Rizal (paglilinaw).
Ang Rizal ay isang lalawigan sa gitnang bahagi ng isla ng Luzon sa Pilipinas. Pinapaligiran ito ng Kalakhang Maynila sa kanluran, sa hilaga ang Bulacan, sa silangan ang lalawigan ng Quezon, at Laguna sa timog. Pinangalan ang lalawigan na ito sa pambansang bayani ng Pilipinas na si Gat. Jose Rizal. At ang lalawigang ito ay bahagi ng Malawakang Maynila.
Kasaysayan
Isa sa mga patunay ng sinaunang pamayanan sa Rizal ay ang mga ukit sa isang kuweba sa Angono na tinaguriang mga Petroglipo ng Angono. Tinatayang ginawa noong 1000 BC, ang mga petroglipo ay kinabibilangan ng mahigit 120 ukit na hugis tao, palaka, at butiki.
Ang mga sinaunang mamamayan ng lalawigan ng Rizal ay unang nanirahan sa mga pampang ng Laguna de Bay. Bago dumating ang mga Kastila, ang mga pamayanang ito, gayundin ang mga pamayanan sa pampang ng Ilog Pasig, ay pinamumunuan ni Raha Sulayman na pamangkin ni Lakandula, ang pinuno ng Tondo.
Matapos gapiin ng unang Kastilang gobernador-heneral na si Miguel López de Legazpi ang mga raha, inatas niya sa kanyang pamangkin na si Juan de Salcedo na lupigin ang mga bayan sa katimugan ng Luzon. Noong 1571, sunod-sunod na nakuha ni Salcedo ang mga bayan sa pamamagitan ng diplomasiya at pakikipagkasundo sa mga mamamayan.
Inorganisa ang mga bayan sa mga munisipyo ng gobyernong Kastila sa Maynila. Matapos nito, ipinadala ang mga misyonero tulad ng mga Pransiskano at Heswita upang magtayo ng mga simbahan sa mga bayan at ipalaganap ang Kristiyanismo. Isa sa mga unang simbahan ay ipinatayo ng Heswitang si Padre Pedro Chirino, Kastilang iskolar na sumulat ng mga aklat tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.
Bago pa man maging lalawigan ang Rizal, ang mga pamayanan nito ay naging bahagi ng mga lalawigan ng Tondo at Laguna noong panahon ng mga Kastila. Gayunpaman, bago dumating ang mga Kastila, ang mga bayan ng Pasig, Parañaque, Taytay at Cainta ay binubuo na ng mga pamayanang Tagalog na nakikipag-ugnayan na sa mga Tsino at iba pang mga Asyano.
Noong 1853, ang mga bayan ng Morong, Pililla, Tanay, Baras, Binangonan, Jalajala, Angono, Antipolo, Boso-Boso, Cainta at Taytay ay inalis sa lalawigan ng Tondo at inilipat sa bagong tatag na Distrito Politico-Militar de los Montes de San Mateo. Makalipas ang apat na taon, ito ay pinangalanang Distrito-Militar de Morong upang bigyang-diin na Morong ang kabisera ng distrito.
Noong 1860, ang lalawigan ng Tondo ay naging lalawigan ng Maynila at ang lahat ng bayan nito ay isinailalim sa pangagasiwa ng gobernador ng Maynila.
Sa kalagitnaan ng hidwaang Pilipino-Amerika noong 1900, sinimulan ang diskusyon ukol sa pagsasanib ng mga lalawigan ng Maynila at Morong. Noong 5 Hunyo 1901, 221 delegado ang dumalo sa pagpupulong sa Simbahan ng Pasig. Sa pagpupulong na ito, iminungkahi ni Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera na pagsamahin ang Maynila at Morong sa isang lalawigan ng tatawaging Rizal bilang paggunita sa bayaning si Dr. José Rizal.
Noong 11 Hunyo 1901, sa pamamagitan ng Batas Blg. 137, nilikha ng Ikalawang Komisyon sa Pilipinas ang lalawigan ng Rizal na binubuo ng 19 na bayan mula sa Maynila at 14 na bayan mula sa Morong sa kabuuang 33 bayan.
Sa loob ng maraming taon, nagbago ang kinasasakupan ng lalawigan ng Rizal hanggang sa ito ay buuin ng 26 na bayan (maliban sa mga lungsod ng Kalookan, at Quezon): Las Piñas, Malabon, Makati, Parañaque, Taguig, Pateros, Pasig, Marikina, Muntinlupa, Mandaluyong, Navotas, San Juan, San Mateo at Montalban (mula sa dating lalawigan ng Maynila), at Angono, Baras, Binangonan, Cainta, Antipolo, Cardona, Jalajala, Morong, Pililla, Tanay, Taytay at Teresa (mula sa Distrito-Militar de Morong).
Noong 7 Nobyembre 1975, sa pamamagitan ng Atas ng Pangulo Blg. 824, ang 12 sa pinakamaunlad na mga bayan ng Rizal—Las Piñas, Muntinlupa, Taguig, Parañaque, Pateros, Makati, Mandaluyong, San Juan, Malabon, Navotas, Pasig at Marikina—ay inilipat sa bagong tatag na Kalakhang Maynila. Kabilang din sa bagong rehiyon ang bayan ng Valenzuela na dating sa Bulacan, at ang mga lungsod ng Quezon, at Kalookan.
Sa ngayon, ang lalawigan ng Rizal ay binubuo na lamang ng 14 na bayan—San Mateo, Montalban, Cainta, Taytay, Angono, Antipolo, Binangonan, Teresa, Morong, Cardona, Tanay, Pililla, Baras at Jalajala.
Noong 13 Pebrero 1998, nilagdaan ng Pangulong Fidel V. Ramos ang Batas Pambansa Blg. 8505 na nagtatag sa bayan ng Antipolo bilang isang lungsod. Ito ay niratipika matapos ang plebisitong ginawa noong 4 Abril 1998.
Heograpiya
Nasa silangan ng Kalakhang Maynila ang lalawigan ng Rizal. Matatagpuan ito 20 kilometro silangan ng Lungsod ng Maynila. Pangkahalatang mabundok ang lupain ng lalawigan, at karamihan ng mga bayan sa katimugang bahagi ay naghahanggan sa Lawa ng Laguna.
Pampolitika
Pampolitika na nahahati ang Rizal sa 13 bayan at 1 lungsod.
Kawing Panlabas
Opisyal na Websayt ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal
Mga sanggunian
Rizal
Mga lalawigan ng Pilipinas
|
640
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Quezon
|
Quezon
|
Tungkol sa lalawigan ang artikulong ito. Para sa ibang pang gamit, sumangguni sa Quezón (paglilinaw).
Quezon (Baybayin: ), opisyal na Lalawigan ng Quezon (Inglis: Province of Quezon), ay isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Calabarzon sa Luzon. Kalilayan ang unang kilalang pangalan ng lalawigan noong pagkatatag nito noong 1591. Noong kalagitnaan ng ika-18 siglo, ito ay pinalitan ng Tayabas. Bilang pagkilala sa ikalawang pangulo ng Pilipinas na si Manuel L. Quezon, ang pangalan ng Lalawigan ng Tayabas ay pinalitan ng Quezon. Ang Lucena, ang kabisera ng probinsiya ay pinamamahalaan nang malaya mula sa lalawigan bilang isang lubos na urbanisadong lungsod. Upang maitangi ang lalawigan sa Quezon City, minsan ay tinatawag itong Quezon Province.
Pinalilibutan ito ng mga lalawigan ng Aurora sa hilaga, Bulacan, Rizal, Laguna at Batangas sa kanluran, at ang Camarines Norte at Camarines Sur sa silangan. Ang bahagi ng Quezon ay namamalagi sa isang dalahikan na nagdurugtong ng Tangway ng Bicol sa pangunahing bahagi ng Luzon. Kabilang din sa lalawigang ito ang mga pulo ng Polilio sa Dagat ng Pilipinas.
Isa sa pangunahing atraksyon sa Quezon ay ang Bundok Banahaw. Sinasabing ang kabundukang ito ay napapalibutan ng espirituwal na mistisismo kung saan maraming mga tagasunod ng Anitisismo at mga kulto at debotong Kristiyano ang pumupunta at nananatili sa banal na lugar na ito tuwing sasapit ang Mahal na Araw. Ang kabundukang ito ay isa rin sa mga pinakasagradong pook o dambana para sa mga sinaunang Tagalog bago dumating ang mga Espanyol.
Kasaysayan
Sinaunang kasaysayan
Ang mga arkeolohikong paghuhukay sa lalawigan ay nagpapatunay sa mayamang nakaraan nitong prekolonyal. Ang mga arkeolohikal na materyales kabilang ang burial jar, buto ng tao, shell midden at pot shreds ay natuklasan sa iba't ibang lugar sa Bondoc Peninsula kabilang ang mga bayan ng San Narciso, San Andres, Mulanay at Catanauan. Ang pinakahuling paghuhukay ay isinagawa sa Catanauan ng Catanauan Archaeological and Heritage Project.
Ayon sa paunang ulat na inilabas ng Catanauan Archaeological and Heritage Project, maraming paghuhukay na ang isinagawa noong 1930s. Ang isa sa mga paghuhukay ay isinagawa sa San Narciso kung saan natagpuan ng mga arkeologo ang mga banga ng libing. Ang pook, na sinuri ni Ricardo Galang, ay nagresulta sa pagkatuklas ng mga banga na malapit sa baybayin. Nagpunta rin si Galang sa San Andres kung saan ang mga paghuhukay ay nagbunga ng 14th at 15th daantaong mga seramik pati na rin ang kabibeng breyslet at kwintas. Ayon din sa dyurnal, sa isang pook na pinangalanang Tala, natuklasan ng mga arkeologo ang isang glazed Chinese jar na naglalaman ng mga buto mula sa unang bahagi ng dinastiyang Ming. Kung titingnan ang iba pang mga arkeyolohikong kinalalagyan na matatagpuan sa mga katabing lugar tulad ng Marinduque at Masbate, mahihinuhang ang mga paghuhukay na ito ay nagmula pa sa panahon ng metal ng kapuluan.
Noong 2012, sa Mt. Kamhantik sa bayan ng Mulanay, natuklasan ang 15 kabaong apog. Ang carbon dating sa isang ngipin ng tao ay natagpuan na ito ay hindi bababa sa 1,000 taong gulang. Ayon sa mga arkeologo, ang nayon ay patunay na ang mga sinaunang naninirahan sa lugar ay nagpraktis ng mas sopistikadong paraan ng pamumuhay. Ang mga kasangkapang metal ay pinaniniwalaang ginamit sa pag-ukit ng mga kabaong, at ito ang unang uri nito na natuklasan sa kapuluan. Ang mga labi ay sinasabing mula pa noong ika-10 hanggang ika-14 na siglo.
Panahon ng kolonyal ng mga Espanyol
Ang Lalawigan ng Quezon ay orihinal na tinawag na Kaliraya/Kalilayan, hango sa kabiserang bayan nito (ngayon ay Unisan) sa pagkatatag nito noong 1591. Gayunpaman, noong kalagitnaan ng ika-18 siglo, ang kabisera ay inilipat sa bayan ng Tayabas na noon ay pinalitan din ang pangalan ng lalawigan sa Tayabas. Ang teritoryo na ngayon ay bumubuo sa lalawigan ay dating nasa ilalim ng hurisdiksyon ng iba't ibang lalawigan. Ang timog at gitnang bahagi ay nasa ilalim ng lalawigan ng Bonbon, kung minsan ay tinatawag na Balayan, noong 1585. Ang hilagang bahagi ay nahahati sa pagitan ng Laguna at Nueva Ecija.
Nakatala sa kasaysayan na ang lalawigang ito ay ginalugad ni Juan de Salcedo noong 1571 at 1572 sa panahon ng kanyang ekspedisyon mula Laguna hanggang Ambos Camarines. Binisita din niya ang bayan ng Baler, Casiguran, at Infanta. Tulad ng maraming iba pang mga lalawigan, ang Tayabas ay dumanas ng mga pagsalakay sa mga Moro. Noong 1798, hinarass ng isang armada ng mga 25 o higit pang mga bangka ang mga bayan ng Casiguran, Palanan, at Baler kung saan nagdakip ng 450 bihag. Ang mga bayan sa kahabaan ng timog na baybayin ng Bondoc Peninsula ay nasasalakay din. Ang mga pagsalakay na ito ay nagpatuloy halos hanggang sa katapusan ng kolonyal ng mga Espanyol.
Ang isa pang mahalagang kaganapan sa mga talaan ng lalawigan ay ang tanyag na Revolt ng Cofradia noong 1841. Ang paghihimagsik na ito ay pinangunahan ni Apolinario de la Cruz, tubong Lucban, at minsan ay isang kapatid na layko sa Ospital ng San Juan de Dios. Lumaganap ang rebelyon sa ilang bayan sa mga karatig lalawigan ng Laguna at Batangas. Si Apolinario de la Cruz ay tinawag ng kanyang mga tagasunod bilang “Ang Hari ng mga Tagalog”.
Ang Tayabas ay isa sa unang lalawigang sumapi sa Rebolusyon sa Pilipinas. Noong Agosto 5, 1898, naangkin ni Heneral Miguel Malvar ang Tayabas sa ngalan ng Rebolusyonaryong Pamahalaan.
Panahon ng pananakop ng mga Amerikano
Dumating ang mga Amerikano at sinanib ang Pilipinas. Isang pamahalaang sibil ang itinatag sa lalawigan noong Marso 12, 1901, at ang Lucena ay ginawang kabisera ng probinsiya.
Sa panahon ng pasipikasyon ng mga Amerikano sa kapuluan, ang mga pag-aalsa ay pangkaraniwan sa tinatawag noon na lalawigan ng Tayabas. Kadalasang ginagamit ng mga rebelde mula sa mga kalapit na lalawigan ng Laguna at Batangas ang Tayabas bilang kanilang base ng operasyon pati na rin ang kanilang pinagkukunan ng mga suplay. Ang isang rebeldeng gobyerno, na may koneksyon kina Gen. Malvar at Pedro Caballes ay sinasabing nakabase sa Infanta. Ito ang nagbunsod sa American in charge, Brigadier-General J.F. Bell na magdesisyong bumalik sa Tayabas na may mas malaking contingent. Kinilala ni Bell ang kahalagahan ng mga daungan ng Tayabas bilang pinagmumulan ng mga panustos sa pag-aalsa kung kaya't siya ay naniniwala na ang pagsasara ng lahat ng mga daungan sa lalawigan ay maaaring magkumbinsi ng pagsuko sa mga pinuno ng resístans.
Noong 1902, ang distrito ng El Principe ay inilipat mula sa hurisdiksyon ng Nueva Ecija patungo sa Tayabas. Sa parehong taon, naging bahagi ng lalawigan ng Tayabas ang Marinduque sa bisa ng Act 499 na pinagtibay ng Philippine Commission. Gayunpaman, noong 1920, ang Batas 2280 ay ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas, na muling itinatag ang Marinduque bilang isang hiwalay na lalawigan.
Dahil sa layo ng Tayabas at Bicol at sa dumaraming populasyon, nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Diyosesis ng Lipa ang Tayabas noong 1910.
Panahon ng pananakop ng mga Hapones
Ang pananakop ng mga Hapon sa lalawigan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula noong Disyembre 23, 1941, nang dumaong ang Japanese Imperial Army sa Atimonan. Ang nakatalagang General Headquarters ng Philippine Commonwealth Army at Philippine Constabulary sa Tayabas mula Enero 3, 1942 hanggang Hunyo 30, 1946, ay mga operasyong militar laban sa pananakop ng mga Hapones. Abril 4, 1945 ang araw na napalaya ang lalawigan nang makarating sa Lucena ang pinagsamang pwersa ng hukbong Pilipino at Amerikano.
Kasarinlan ng Pilipinas
Pagpapalit ng pangalan mula Tayabas patungong Quezon
Pagkatapos ng digmaan, noong Setyembre 7, 1946, pinalitan ng Batas Republika Blg. 14 ang pangalang Tayabas patungong Quezon, bilang parangal kay Manuel L. Quezon, ang pangulo ng Kommonwealth na nagmula sa Baler, na isa sa mga bayan ng lalawigan.
Pag-usbong ng industriya ng niyog
Bago pa man makamit ng Pilipinas ang kasarinlan, ang lalawigan ay umaasa na sa niyog. Ang kasaysayang ito ay malinaw na makikita sa pamamagitan ng mga mayayamang bahay na itinayo sa bayan ng Sariaya sa panahong ito. Ang mga niyog ay nagsilbing pangunahing pinagkukunan ng kita para sa mga maylupang uri ng Sariaya at ito ang nagbigay-daan sa kanila na makapagtayo ng mga ancestral house na nakikita ngayon. Ito ang nagbunsod sa ilang kumpanya tulad ni Peter Paul na itatag ang presensya nito sa Candelaria para gumawa ng mga produkto tulad ng desiccated coconut noong panahong ito.
Pagtatatag ng Lalawigan ng Aurora
Noong Hunyo 1951, ang hilagang bahagi ng Quezon (partikular, ang mga bayan ng Baler, Casiguran, Dilasag, Dingalan, Dinalongan, Dipaculao, Maria Aurora at San Luis) ay ginawang sub-probinsya ng Aurora na hango sa ngalang Aurora Quezon, asawa ni Manuel L. Quezon. Nahiwalay ang Aurora sa Quezon bilang isang malayang lalawigan noong 1979. Sa pagpapalabas ng Executive Order No. 103, na may petsang Mayo 17, 2002, ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ang lalawigan ng Aurora ay inilipat sa Gitnang Luzon (Rehiyon III), heograpikal na lokasyon ng lalawigan; ang natitirang mga lugar ng Quezon at iba pang mga lalawigan ng Timog Katagalugan na nahahati sa Calabarzon at Mimaropa.
Noong panahon ng diktadurang Marcos
Ang Quezon Province ay hindi nakaligtas sa panlipunan at pang-ekonomiyang kaguluhan sa panahon ng Diktadurya ni Ferdinand Marcos, kabilang ang kanyang pagsuspinde noong 1971 sa writ of habeas corpus, ang kanyang 1972 na deklarasyon ng batas militar, at ang kanyang patuloy na paghawak sa kapangyarihan mula sa pagtanggal ng batas militar noong 1981 hanggang sa pagpapatalsik sa kanya sa ilalim ng People Power Revolution ng 1986. Isang malaking kaganapan na naganap sa panahong ito ay ang Guinayangan massacre noong Pebrero 1, 1981, kung saan pinaputukan ng mga elemento ng Militar ang isang grupo ng humigit-kumulang na magniniyog na nagmartsa patungo sa Guinayangan plaza air para iprotesta ang coco levy fund scam. Dalawang tao ang namatay at 27 ang nasugatan.
Kabilang sa mga mamamayan ng Quezon na naging biktima ng sapilitang pagkawala sa panahon ng diktadurang Marcos ay ang human rights worker na si Albert Enriquez ng Lucena, na nagdokumento ng mga pang-aabuso ng militar bilang isang boluntaryo para sa Task Force Detainees of the Philippines; at aktibistang si Ramon Jasul na nagtatag ng Bagong Kabataan ng Lukban (Bagong Kabataan ng Lucban) sa kanyang bayan. Si Enriquez ay dinukot ng mga armadong lalaki noong Agosto 29, 1985, habang si Jasul ay dinukot sa Makati bilang bahagi ng Southern Tagalog 10 insidente noong huling bahagi ng Hulyo 1977. Ni hindi na nakitang muli, at pareho silang pinarangalan sa pamamagitan ng pag-ukit ng kanilang mga pangalan sa dingding ng alaala sa Bantayog ng mga Bayani ng Pilipinas.
Ekonomiya
Ang Quezon ang nangungunang tagagawa ng bansa ng mga produkto ng niyog tulad ng langis ng niyog at kopra. Maraming mga planta ng niyog ang matatagpuan sa malaking bahagi ng lalawigan.
Iba pang mga pangunahing pananim ay palay, mais, saging, at kape. Isa ring pangunahing bahagi ng ekonomiya ng Quezon ang pangingisda.
Pamahalaan
Gobernador: Angelina Tan
Bise-Gobernador: Anacleto A. Alcala III
Kinatawan:
Unang Distrito: Wilfrido Mark M. Enverga
Pangalawang Distrito: David C. Suarez
Pangatlong Distrito: Matias Defensor, Jr.
Pang-apat na Distrito: Keith Micah Tan
Heograpiya
Pampolitika
Sa heograpiya, ang lalawigan ng Quezon ay may kabuuang 41 na bayan na binubuo ng 39 na munisipyo, 1 bahaging lungsod at 1 kabiserang lungsod. Ito ay may kabuuang 1,242 na barangay kasama ang mga barangay ng kabiserang lungsod.
Sa pangangasiwang pampolitika, binubuo ang Quezon ng 39 na mga bayan at isang bahaging lungsod, Tayabas. Lahat ay nakaayos sa apat na mga distritong pambatas, at nahahati sa 1,209 na mga barangay.
Ang kabiserang lungsod, Lucena, ay malaya mula sa pamamahalang pampangasiwaan at pampiskal ng lalawigan, ngunit maaari silang bumoto ng mga opisyal ng lalawigan.
Talasanggunian
Mga lalawigan ng Pilipinas
Quezon
|
647
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Lupang%20Hinirang
|
Lupang Hinirang
|
Ang "Lupang Hinirang" ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Ipinagawa ni Emilio Aguinaldo ang himig nito sa kompositor na si Julian Felipe noong 1898 sa ilalim ng pamagat na "Marcha Filipina Magdalo" ('Martsang Pilipinong Mágdalo') at kalaunan "Marcha Nacional Filipina" ('Pambansang Martsa ng Pilipinas'). Samantala, ang kasalukuyang anyo ng awit ay ang salin sa wikang Tagalog ng tulang "Filipinas" ni José Palma noong 1899 sa orihinal na wikang Espanyol.
Unang narinig ang himig nito sa deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Kaharian ng Espanya noong ika-12 ng Hunyo 1898. Samantala, unang narinig naman ang awit na may titik ni Palma noong Agosto 1899, sa ilalim ng pamagat ng "Patria Adorada" ('Bayang Minamahal'). Ipinagbawal ang awit na ito noong panahon ng mga Amerikano, bagamat naging opisyal na awit ang salin sa Ingles nito noong panahong Komonwelt. Ang kasalukuyang salin nito sa wikang Filipino ay mula sa bersyon nina Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at Francisco Caballo noong dekada 1940s. Ang kanilang gawa ang naging pambansang awit ng Pilipinas simula noong 1948. Naging "Lupang Hinirang" ito noong 1956, sa panunungkulan ni Ramon Magsaysay.
Titik
Ang mga titik sa baba ay ang pangkasalukuyang bersyon ng awit.
Bayang magiliw,
Perlas ng Silanganan.
Alab ng puso,
Sa dibdib mo'y buhay.
Lupang Hinirang,
Duyan ka nang magiting.
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw.
May dilag ang tula,
At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y,
Tagumpay na nagniningning.
Ang bituin at araw niya,
Kailan pa ma'y 'di magdidilim.
Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo.
Aming ligaya na 'pag may mang-aapi,
Ang mamatay nang dahil sa'yo.
Orihinal na titik
Nasa baba ang orihinal na titik ng tulang "Filipinas" ni José Palma. Una itong ginamit noong 1899, bagamat ipinagbawal ito noong panahon ng mga Amerikano. Ito rin ang nagsilbing basehan ng mga salin sa iba't-ibang mga wika ng Pilipinas, simula sa wikang Tagalog noong dekada 1940s.
Pagsasalin
Ingles: Philippine Hymn
ni Senador Camilo Osias at Mary A. Lane
Land of the morning,
Child of the sun returning,
With fervor burning,
Thee do our souls adore.
Land dear and holy,
Cradle of noble heroes,
Ne'er shall invaders
Trample thy sacred shore
Ever within thy skies and through thy clouds
And o'er thy hills and seas,
Do we behold the radiance, feel and throb,
Of glorious liberty.
Thy banner, dear to all our hearts
It's sun and stars alight,
O never shall it's shining field,
Be dimmed by tyrant's might!
Beautiful land of love,
O land of light,
In thine embrace 'tis rapture to lie,
But it is glory ever, when thou art wronged,
For us, thy sons to suffer and die.
Ingles: Chosen Land
Literal na salin ng Lupang Hinirang sa Ingles. Hindi opisyal.
Beloved country,
Pearl of the Orient,
The heart's fervor,
In your bosom is ever alive.
Chosen Land,
You are the cradle of the brave,
To the conquerors,
You shall never surrender.
Through the seas and mountains,
Through the air and your azure skies,
There is splendor in the poem
And songs of beloved freedom.''
The sparkle of your flag
Is shining victory.
Its stars and sun
Forever will never dim.
Land of the morning, of glory, of our affection,
Life is heaven in your arms;
When someone oppresses you, it is our pleasure
To die for you.
Kapampangan: Labuad Mapalad - The Original Kapampángan Lyrics written by Mariano Proceso Byron Pabalan in September 29 1898 at Villa de Bacolor, 1 year before Jose Palma's Tierra de Adorada
Labuad Mapalad
Mutya ning lalu sampat
Ning dayat malat
A queca misapuac.
Budning Sultana
Guinu na ning Malasia
Pemalena'na
Ning tapang at sinta.
Carin batis, bunduc
Caquenan, uluit pulung dacal
Bitasang macalimbagan
Yang quecang catimauan
Qng bandera mung maningning
A tecutan da ring tacsil
Capilan man e culimlim
Ing aldo na at ding batuin
Labuad ning aldo, sinta at tepangan
Maiumung diling queca que mie
Iyang ligayang quequeng paniangian
Ing queca que ngan paimate.
Tagalog: Diwa ng Bayan
Unang pagsasa-Tagalog ng tulang Kastila, ginamit sa Panahon ng Hapon sa Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Lupang mapalad,
Na mutya ng silangan;
Bayang kasuyo,
Ng Sangkalikasan.
Buhay at yaman,
Ng kapilipinuhan;
Kuha't bawi,
Sa Banyagang kamay.
Sa iyong langit, Bundok,
Batis, Dagat na pinalupig;
Nailibing na ng karimlan,
Ng kahapong pagtitiis.
Sakit at luha, hirap,
Susa at sumpa sa pagaamis;
Ay wala nang lahat at naligtas,
Sa ibig maglupit.
Hayo't magdiwang Lahi kong minamahal,
Iyong watawat ang siyang tanglaw;
At kung sakaling ikaw ay muling pagbantaan,
Aming bangkay ang siyang hahadlang.
Tagalog: Lupang Pinipintuho
Pagsasa-Tagalog ni Balmaceda, Santos at Caballo na ginamit mula taóng 1948 (dalawang taon mula 1946, kung kailan pinalaya ng Estados Unidos ang Pilipinas) hanggang 1956. Napalitan ito ng sa taóng 1956, na siyang nagkaroon pa ng karagdagang pagbabago.
O sintang lupa,
Perlas ng Silanganan;
Diwang apoy kang
Sa araw nagmula.
Lupang magiliw,
Pugad ng kagitingan,
Sa manlulupig
Di ka papaslang.
Sa iyong langit, simoy, parang.
Dagat at kabundukan,
Laganap ang tibok ng puso
Sa paglayang walang hanggan.
Sagisag ng watawat mong mahal
Ningning at tagumpay;
Araw't bituin niyang maalab
Ang s'yang lagi naming tanglaw.
Sa iyo Lupa ng ligaya't pagsinta,
Tamis mabuhay na yakap mo,
Datapwat langit ding kung ikaw ay apihin
Ay mamatay ng dahil sa 'yo.
Ilokano: Nailian a Dayyeng
Orihinal na bersyon nina Dr. Mary Lou Campo at Prof. Romeo Sevilleja
O Pilipinas, tampok ti kinapintas
Ti addaan puso, ay-ayatendaka
Bagnos ken baggak, perlas ti dumaya
Dimi ipalubos nga irurumendaka
Iti tangatang, ulep ken pul-oy
Bambantay ken baybay
Mangmangngeg ken mariknami't
Samiweng ni waya-waya
Ipatpategmi ti wagaywaymo
Tanda ti balligi
Bitbituen, Initmo, Ingget raniag
Dinto pulos nga aglidem
Daga ni gasat, ragsak
Nam-ay ken Ayat
Ta sidongmo, dayawmi ti agbiag
Ngem nadaydayawkam
A sikakanatad
Gapu kenka, iruknoymi toy biag.
bersyon ni Eugene Carmelo C. Pedro
Imnas nga ili
Baggak ti dumadaya
Daytoy ayatmi
Ti sagutmi kenka
Dagat' kinasudi
Indayon ti nakired
Iti mangdadael
Haanka pailuges
Iti tangatang, ulep ken pul-oy
Bambantay ken baybay
Addan dayag ti daniw ken dayyeng
Ti nasamit a wayam
Ti raniag ta wagaywaymo
Ket balligi a nasileng
Ti init ken dagiti bituenna
Dinto pulos aglidem
Nakaliblibnos unay a dagan' ayat
Daytoy biag langit dita dennam
Ngem no ti dayawmot' inda dadaesen
Inggat' tanem sumalakankam
Sebwano: Nasudnong Awit
ni Jess Vestil
Yutang tabunon
Mutya nga masilakon
Putling bahandi
Amo kang gimahal
Mithing gisimba
Yuta s'mga bayani
Sa manglulupig
Among panalipdan
Ang mga bungtod mo ug lapyahan
Ang langit mong bughaw
Nagahulad sa awit, lamdag sa
Kaliwat tang gawas
Silaw sa adlaw ug bitoon
Sa nasudnong bandila
Nagatimaan nga buhion ta
Hugpong nga di maluba
Yutang maanyag, duyan ka sa pagmahal
Landong sa langit ang dughaan mo;
Pakatam-isom sa anak mong nagtukaw
Kon mamatay man sa ngalan mo.
Hiligaynon: Banwang Guinhalaran
Banwang masinadyahon,
Perlas sang nasidlangan,
Init sang tigpusuon,
Gakabuhi sa imo nga dughan.
Banwang Guinhalaran,
Payag ka sang maisog,
Sa mga manugpigos,
Wala guid nagapadaog.
Sa dagat kag bukid,
Sa usbong kag sa dagway nga gabanaag,
May idlak kag tibok ang dilambong,
Kag amba sang kahilwayan.
Ang idlak sang ayahay mo,
Isa ka matam-is nga kadalag-an,
Ang bituon kag ang adlaw,
Nangin masanag sa katubtuban.
Dutang nasambit sang adlaw kag paghigugma,
Sa sabak mo matam-is ang mabuhi,
Ginapakipagbato namon, nga kung may manungpanakop,
Ang mapatay nahanungod sa imo.
Bikolano: Rona Kang Mawili
Bayang Inutang
Aki ka nin sirangan
Tingraw niyang malaad
Nasa si-mong daghan.
Rona kang mawili
Nagimatan bayani
An mansalakay
Dai ka babatayan.
Sa si-mong langit, bukid
Hayop kadagatan siring man
Nagkukutab nagbabanaag
An si-mong katalingkasan.
Simong bandera na nagkikintab
Sa hokbo naglayaw
Dai nanggad mapapara
An simong bitoon Aldaw.
Dagang nawilihan, maogma, maliwanag,
Sa limpoy mo hamis mabuhay
Minamarhay mi kun ika pagbasangan
An buhay mi si-mo idusay.
Pangasinan: Oh, Pilipinas dalin min kagal-galang
Oh, Pilipinas,
Dalin min kagal-galang
Musia na dayat,
Ed dapit letakan
Simpey gayagan,
Panag-ugagepan day
Totoon lapag,
Ed dapit-seslekan.
Saray anak mo agda
Kawananen ya ibagat ed sika'y
Dilin bilay da no
Nakaukulay galang tan ka-inaoan
Diad palandey, lawak, taquel,
Dayat o no dia ed lawang
Sugbaen day patey ya andi
Dua-rua no sikay pan-sengegan.
Diad silong na laylay mo mankaka-sakey
Tan diad sika man-lingkor tan mangi-agel
Bangta dia'd akualan mo aneng-neng day silew
Diad akualan mo muet akuen day patey.
Tagalog (Baybayin): ᜎᜓᜉᜅ᜔ ᜑᜒᜈᜒᜇᜅ᜔᜵
ᜊᜌᜅ᜔ ᜋᜄᜒᜎᜒᜏ᜔᜵
ᜉᜒᜇ᜔ᜎᜐ᜔ ᜈᜅ᜔ ᜐᜒᜎᜅᜈᜈ᜔᜶
ᜀᜎᜊ᜔ ᜈᜅ᜔ ᜉᜓᜐᜓ᜵
ᜐ ᜇᜒᜊ᜔ᜇᜒᜊ᜔ ᜋᜓᜌ᜔ ᜊᜓᜑᜌ᜔᜶
ᜎᜓᜉᜅ᜔ ᜑᜒᜈᜒᜇᜅ᜔᜵
ᜇᜓᜌᜈ᜔ ᜃ ᜈᜅ᜔ ᜋᜄᜒᜆᜒᜅ᜔᜶
ᜐ ᜋᜈ᜔ᜎᜓᜎᜓᜉᜒᜄ᜔᜵
ᜇᜒ ᜃ ᜉᜐᜒᜐᜒᜁᜎ᜔᜶
ᜐ ᜇᜄᜆ᜔ ᜀᜆ᜔ ᜊᜓᜈ᜔ᜇᜓᜃ᜔᜵
ᜐ ᜐᜒᜋᜓᜌ᜔ ᜀᜆ᜔ ᜐ ᜎᜅᜒᜆ᜔ ᜋᜓᜅ᜔ ᜊᜓᜄ᜔ᜑᜏ᜔᜶
ᜋᜌ᜔ ᜇᜒᜎᜄ᜔ ᜀᜅ᜔ ᜆᜓᜎ᜵
ᜀᜆ᜔ ᜀᜏᜒᜆ᜔ ᜐ ᜉᜄ᜔ᜎᜌᜅ᜔ ᜋᜒᜈᜋᜑᜎ᜔᜶
ᜀᜅ᜔ ᜃᜒᜐ᜔ᜎᜉ᜔ ᜈᜅ᜔ ᜏᜆᜏᜆ᜔ ᜋᜓᜌ᜔᜵
ᜆᜄᜓᜋ᜔ᜉᜌ᜔ ᜈ ᜈᜄ᜔ᜈᜒᜈᜒᜅ᜔ᜈᜒᜅ᜔᜶
ᜀᜅ᜔ ᜊᜒᜆᜓᜏᜒᜈ᜔ ᜀᜆ᜔ ᜀᜇᜏ᜔ ᜈᜒᜌ᜵
ᜃᜁᜎᜈ᜔ ᜉ ᜋᜌ᜔ ᜇᜒ ᜋᜄ᜔ᜇᜒᜇᜒᜎᜒᜋ᜔᜶
ᜎᜓᜉ ᜈᜅ᜔ ᜀᜇᜏ᜔᜵ ᜈᜅ᜔ ᜎᜓᜏᜎ᜔ᜑᜆᜒᜆ᜔ ᜉᜄ᜔ᜐᜒᜈ᜔ᜆ᜵
ᜊᜓᜑᜌ᜔ ᜀᜌ᜔ ᜎᜅᜒᜆ᜔ ᜐ ᜉᜒᜎᜒᜅ᜔ ᜋᜓ᜶
ᜀᜋᜒᜅ᜔ ᜎᜒᜄᜌ ᜈ ᜉᜄ᜔ ᜋᜌ᜔ ᜋᜅ᜔ᜀᜀᜉᜒ᜵
ᜀᜅ᜔ ᜋᜋᜆᜌ᜔ ᜈᜅ᜔ ᜇᜑᜒᜎ᜔ ᜐ ᜁᜌᜓ᜶
Mga sanggunian
Tingnan din
Panunumpa ng Katapatan sa Watawat
Panatang Makabayan
Watawat ng Pilipinas
Ang Pambansang Awit
Pambansang awit
Musika ng Pilipinas
|
648
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Malaysia
|
Malaysia
|
Ang Malaysia /ma·ley·sya/ (Malay: Malaysia, o ) ay isang bansang binubuo ng labintatlong mga estado at tatlong teritoryong federal sa Timog Silangang Asya na may kabuuang sukat ng lupa na 330 803 kilometro kuwadrado. Kuala Lumpur ang kabiserang lungsod nito, samantalang ang Putrajaya naman ang sentro ng pamahalaang federal. Ang populasyon ng bansa ay umaabot sa mahigit 25 milyon. Ang bansa ay nahahati ng Dagat Timog Tsina sa dalawang magkahiwalay na rehiyon.—ang Tangway ng Malaysia at ang Silangang Malaysia. Kahangganan ng Malaysia ang mga bansang Thailand, Indonesia, Singapore. Brunei at Pilipinas. Ang bansa ay malapit sa ekwador at nakakatamasa ng klimang tropikal. Ang pinuno ng estado ay ang Yang di-Pertuan Agong (na kadalasang tinutukoy bilang 'ang Hari' o 'ang Agong') at ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang punong ministro. Ang pamahalaan ay kahalintulad nang bahagya o ibinatay sa sistemang parliyamentaryo ng Westminster.
Kasaysayan
Nagkaroon na ng patunay ng pagkakaroon ng mga pamayanan sa Malaysia. Humihigit-kumulang ang simula ng kasaysayan ng Malaysia ay 40,000 taon makalipas. Pinaniniwalaang ang mga unang tumira sa tangway ay mga Negrito. Nakisalamuha ang mga taga-Malaysia sa mga taga-India at Tsina, na patuloy na nagpalaganap sa kani-kanilang kultura.
Lumaganap ang Islam sa Malaysia sa pagdating ng mga Arabong mangangalakal na tumulong sa bahaginan ng kultura.
Nakalaya ang Malaysia mula sa Britanya noong 1957, at tuluyang lumabas ang Singapura mula sa sakop ng Kalipunan noong 1965.
Pinanggalingan ng Salita
Ang pangalang "Malaysia" ay ginamit noong 1963 nang ang Kalipunan ng Malaya, Singapura, Hilagang Borneo at Sarawak ay bumuo ng isang pederasyong may 14 na estado. Subalit bago mabuo ang pederasyon, ang pangalang ito ay madalang na ginamit upang tukuyin ang mga pook sa Timog Silangang Asya. Isang mapa ang inilathala noong 1914 sa Chicago na may nakatalang salitang Malaysia ang nagsasabi sa ilang mga teritoryo sa loob ng Arkipelago ng Malay. Minsan rin naisip ng Pilipinas na gamitin ng kanilang bansa ang pangalang "Malaysia", subalit ginamit na ito ng Malaysia noong 1963 bago man gawan ito ng hakbang Pilipinas. Ang iba pang pangalang naisip noong 1963 ay ang Langkasuka, na hango sa dating kaharian na sa hilagaang bahagi ng Tangway ng Malay noong unang sanglibong taon.
Paghahating Pampolitika
Ang Malaysia ay binubuo ng 13 bansa (negeri) (Johor, Kedah, Kelantan, Melaka, Negeri Sembilan, Pahang, Penang, Perak, Perlis, Sarawak, Sabah, at Terengganu), at 3 teritoryong pederal (Kuala Lumpur, Labuan, at Putrajaya).
Demograpiya
Ang populasyon ng Malaysia ay binubuo ng maraming lahi, na ang lahing Malay at iba pang katutubo (bumiputra) sa Sabah at Sarawak ang bumubuo ng may 65% ng buong populasyon. Nakabatay sa Saligang Batas na ang mga Malay ay mga Muslim na nakasayanan sa kaugalian at kulturang Malay. Kaya ang isang Muslim ng kahit anong lahi na nakasanayan sa kaugalian at kalinangang Malay ay maituturing na isang Malay at may pantay-pantay na karapatan pagdating sa karapatang Malay na nakabatay sa saligang batas. Mga pangkat na katutubo ngunit hindi Malay ay bumubuo ng mahigit sa kalahati ng populasyon ng Sarawak (30% ay mga Iban), at nasa 60% ng populasyon ng Sabah (18% ang mga Kadazan-Dusun, at 17% naman ang mga Bajau). Mayroon ding iba pang grupong katutubo sa kanlurang bahagi ng bansa, na ang tawag sa kanila ay "Orang Asli".
Ang mga Tsino ay nasa 26% ng populasyon, samantalang ang mga Indiyan ay nasa 8% . Ang karamihan sa mga Indio ay Tamil.
Pananampalataya
Islam ang opisyal na relihiyon ng Malaysia bagaman ang bansa ay may maraming relihiyon. Ayon sa Population and Housing Census ng taong 2000, humigit-kumulang na 60.4 porsyento ng populasyon ay sinasampalatayanan ang relihiyong Islam; Budismo na may 19.2 porsyento; Kristiyanismo na may 9.1 porsyento; Hinduismo na 6.3 percent; at tradisyonal na relihiyong Tsino (2.6%). Ang nalalabing 2 porsyento ay naitala sa ibang pananampalataya, kasama na ang Animismo at Sikhismo.
Ang Saligang Batas ng Malaysia ay tumitiyak ng kalayaan sa pananampalataya, ngunit ito ay hinihigpitan sa kasalukuyan. Lahat ng etnikong Malay ay Muslim ayon na rin sa Saligang Batas ng Malaysia. Idagdag pa ang lahat ng mga hindi Muslim na nag-asawa sa isang Muslim ay kailangang itakwil ang kanilang kinaaanibang relihiyon at lumipat sa relihiyong Islam. Kapag ang isang tao ay naging Muslim, hindi na siya puwedeng itakwil ang relihiyong Islam at lumipat sa ibang pananampalataya. Samantala ang mga hindi Muslim ay nakakaranas ng pagbabawal sa ibang gawain tulad ng pagtayo ng gusaling panrelihiyon at pagdaos ng kaganapang panrelihiyon sa ibang bahagi ng bansa. Ang mga Muslim ay inoobligahang sundin ang mga pasya ng hukumang Sharia pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang relihiyon. Ang sakop ng hukumang Sharia ay umaaplika lamang sa mga Muslim ukol sa bagay na may kinalaman sa pananampalataya at mga tungkulin bilang isang Muslim, kasama ang pag-aasawa, pamana, pagtalikod sa pananampalataya at iba pa. Hindi saklaw ng hukumang Sharia ang kasong kriminal.
Mga kawing panlabas
Mapa ng Malaysia
Mga bansa sa Asya
Mga estadong-kasapi ng ASEAN
Mga bansa
Malaysia
|
649
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Hapon
|
Hapon
|
Ang Hapon (Hapones: ; Romanisasyon: Nippon o Nihon; Pormal na Hapones: ; Romanisasyon: Nippon-koku o Nihon-koku) ay isang bansang pulo na matatagpuan sa Silangang Asya. Ito'y nasa hilagang-kanlurang Karagatang Pasipiko, at nasa kanluran ng Dagat Hapon, habang umaabot mula sa Dagat Ohotsk sa hilaga patungo sa Dagat Silangang Tsina at Taywan sa timog. Bahagi ang bansa ng Singsing ng Apoy ng Pasipiko at sumasaklaw sa isang kapuluan ng 6852 pulo na mayroong lawak na 377,975 kilometrong kuwadrado; ang limang pangunahing isla ay ang Honshu, Hokkaido, Shikoku, Kyushu, at Okinawa. Ang Tokyo ay ang kabisera ng bansa at ang pinakamalaking lungsod sa mundo, iba pang mga pangunahing lungsod sa bansa na kabilang ay ang Yokohama, Osaka, Nagoya, Sapporo, Fukuoka, Kobe, at Kyoto.
Ang Hapon ay binubuo ng 6,852 mga pulo. Karamihan sa mga pulo dito ay mabundok, at ang iba ay may mga bulkan, kabilang na ang pinakamataas na bahagi ng bansa, ang Bundok Fuji. Ang Hapon ay pang-sampu sa may pinakamalaking populasyon, na may 128 milyong katao. Ang Kalakhang Tokyo, kasama ang Tokyo at ang iba pang nakapalibot na prepektura, ay ang pinakamalaking metropolitanong lugar, na tinitirahan ng 30 milyong katao.
May mga pagsasaliksik na nagsasabi na may mga taong nanirahan na sa mga kapuluan ng Hapon noong panahon pa ng paleolitiko.
Ang bansang Hapon ay ang ikatlong pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo noong 2012 (ayon sa nominal GDP), at ang ikaanim sa pinakamalaking naaangkat at tagapag-angkat. Ito ay kasapi ng mga Nagkakaisang Bansa, G8, at ng APEC.
Etimolohiya
Isinusulat sa Hapones ang pangalan para sa Hapon gamit ang kanji na 日本 at binibigkas na Nippon o Nihon. Nangangahulugan ang 日 (nichi) na "araw", parehong tala at bituin; habang ang 本 (hon) ay "base" o "pinagmulan". Kapag pinagsama, maisasalin ito na "pinagmulan ng araw" o "kung saan sumisikat ang araw", dahil sa perspektibo ng mga Tsino ay sumisikat ang araw mula sa Hapon.
Bago opisyal na ginamit ang Nihon, nakilala ang Hapon sa Tsina bilang Wa (倭) o Wakoku (倭国), at sa lokal na lugar sa endonimong Yamato. Pangalan ang Wa na ginamit noong maagang bahagi sa Tsina upang tumukoy sa pangkat-etnikong Yayoi na naninirahan sa Hapon noong panahon ng Tatlong Kaharian. Pangunahing nanirahan sila sa islang Kyushu hanggang sa rehiyong Kantō sa Honshu. Kinaugaliang isinulat ng mga eskribang Tsino, Koreano, at Hapones ang Hapon bilang Wa o Yamato na may Tsinong karakter na 倭 hanggang sa ika-8 siglo, nang makita ng mga Hapones ang pagkakamali dahil sa lapastangang konotasyon nito, at pinalitan ng 和 o "armonya, kapayapaan, balanse".
Kasaysayan
Ang isang kulturang Paleolitiko noong mga 30,000 BCE ang bumubuo ng unang alam na pagtira ng tao sa kapuluang Hapones. Ito ay sinundan noong mga 14,000 BCE na pasimula ng panahong Jōmon ng isang kulturang Mesolitiko hanggang Neolitiko na semi-sedentaryong mangangaso-tagpagtipon na kultura na kinabibilangan ng mga ninuno ng parehong mga kontemporaryong taong Ainu at taong Yamato na inilalarawan ng mga tirahang hukay at isang rudimentaryong agrikultura. Ang mga pinalamutiang putik na tapayan ang ilan sa mga pinakamatandang umiiral na halimbawa ng palayukan sa mundo. Noong mga 300 BCE, ang isang uri ng mga bagong tao na mga Yayoi na marahil ay galing sa kontinenteng Asya ay nagsimulang pumasok sa kapuluang Hapon. Sila ang nagmarka ng mga bagong kasanayan tulad ng pagtatanim ng bigas, mga sinaunang uri ng pananahi, pagpapaamo sa mga kabayo at baka, at paggamit ng mga bakal at tanso bilang kagamitan. Ang kanilang kultura ay humalo sa unang kultura ng Jomon. Ang Hapon ay unang lumitaw sa isinulat na kasaysayan sa isang Aklat na Tsino na Aklat ng Han. Ayon sa Talaan ng Tatlong Kaharian, ang pinakamakapangyarihang kaharian sa kapulugang Hapones ay noong ikatlong siglo na tinatawag Yamataikoku. Ang pinakaunang naisulat na kasaysayan patungkol sa Hapon ang Kojiki at Nihon shoki na nagsasalaysay ng mito ng paglikhang Hapones hinggil sa pinagmulan ng langit at mundo gayundin sa pinagmulan ng kapuluang Hapon, kung paano nabuo ang pundasyon ng estado at ang unang emperador ng Hapon na si Emperador Jimmu noong 660 BCE. Si Emperador Jimmu ay apo sa tuhod ni Ninigi-no-Mikoto na bumabang mula sa langit na apo naman ng Diyosa ng araw na si Amaterasu. Sa mga Hapones, ang kanilang mga Diyos ay mababait, matatalino at marangal. Ang panahong Nara (710–794 CE) ay nagmarka ng pag-ahon ng isang malakas na estadong Hapones na nakasentro sa isang korteng imperyal sa Heijō-kyō (modernong Nara). Ito ay inilalarawan ng paglitaw ng umaahong panitikan gayundin ang pag-unlad ng mga sining at arkitekturang Budista. Noong 784, nilipat ni Emperador Kammu ang kabisera mula Nara tungo sa Nagaoka-kyō bago muling ilipat sa Heian-kyō (modernong Kyoto) noong 794. ito ang pasimula ng panahong Heian (794–1185 CE) kung saan ang isang natatanging katutubong kulturang Hapones ay lumitaw na kilala sa sining, tula at prosa. Ang Ang Kuwento ni Genji at titik ng pambansang awitin ng Hapon na Kimi ga Yo ay isinulat. Ang Budismo ay kumalat sa panahong Heian na pangunahing sa pamamagitan ng dalawang mga sektang Tendai ni Saichō at Shingon ni Kūkai. Ang Budismong Dalisay na Lupain (Jōdo-shū, Jōdo Shinshū) ay sumikat sa huling kalahati ng ika-11 siglo. Ang Panahong Yamato, mula sa ika-6 siglo hanggang ika-9 siglo, ay nakitaan ng pagbuo ng isang dominanteng politika na nakasentro sa kapatagang Yamato sa katimugang bahagi ng pangunahing pulo ng Hapon ng Honshu. Sinasabi nila na ang kanilang mga ninuno ay ang mga diyos ng araw at natamo ang kaisahang pampolitika,mga nasa kalagitnaan ng ika-apat na siglo. Pinag-igi naman ang reporma ng Taika ng 645, kung saan ang lahat ng lupain ay kinukuha ng hari at ang pagsisimula ng mas pinagbuting pagbubuwis. Ang panahong ito ay nakitaan din ng unang paggamit sa salitang Nihon (日本) bilang pangalan ng pabuo ng estado.
Panahong Pyudal
Ang panahong pyudal ng Hapon ay inilalarawan ng paglitaw at pananaig ng klase ng mga mandirigma na samurai. Noong 1185 kasunod ng pagkatalo ng liping Taira sa digmaang Genpei noong, ang samurai na si Minamoto no Yoritomo ay hinirang na shogun at nagtatag ng base ng kapangyarihan sa Kamakura. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang liping Hōjō ay umakyat sa kapangyarihan bilang mga regent ng mga shogun. Ang Budismong Zen ay ipinakilala mula sa Tsina sa panahong Kamakura at sumikat sa klaseng samurai. Pinaurong ng shogunatong Kamakura ang mga pananakop ng Mongol noong 1274 at 1281 ngunit kalaunang pinabagsak ni Emperador Go-Daigo. Si Go-Daigo ay natalo ni Ashikaga Takauji noong 1336. Itinatag ni Ashikaga Takauji ang shogunato sa Muromachi, Kyoto na nagpasimula na panahong Muromachi (1336–1573). Ang shogunatong Ashikaga ay nagkamit ng kaluwalhatian sa panahon ni Ashikaga Yoshimitsu at ang kulturang batay sa Budismong Zen ay umunlad. Sa kabilang dako, ang humaliling shogunatong Ashikaga ay nabigong kumontrol sa mga pyudal na daimyo o panginoon ng digmaan at ang isang digmaang sibil na Digmaang Ōnin na nagbubukas ng tumagal ng isang daan taong panahong Sengoku. Noong ika-16 siglo, ang mga mangangalakal at misyonaryong Heswita mula sa Portugal ay dumating sa Hapon sa unang pagkakataon na nagpasimula ng isang tuwirang palitang pang-kalakalan at pang-kultura sa pagitan ng Hapon at Kanluran. Sinakop ni Oda Nobunaga ang maraming ibang mga daimyo gamit ang mga baril at teknolohiyang Europeo. Pagkatapos niyang paslangin noong 1582, pinag-isa ng kanyang kahaliling si Toyotomi Hideyoshi ang bansang Hapon noong 1590. Dalawang beses na sinakop ni Hideyoshi ang Korea ngunit pagkatapos ng mga pagkatalo sa mga pwersang Korean at Tsinong Ming gayundin pagkatapos ng kamatayan ni Hideyoshi, ang mga hukbong Hapones ay umatras noong 1598. Ang panahong ito ay tinatawag na panahong Azuchi-Momoyama (1573–1603). Si Tokugawa Ieyasu ang regent para sa anak ni Hideyoshi at ginamit ang kanyang posisyon upang magkamit ng suportang militar at pampolitika. Si Ieyasu ay hinirang na shogun noong 1603 at itinatag ang shogunatong Tokugawa sa Edo sa modernong Tokyo. Ang shogunatong ito ay nagpatupad ng mga hakbang kabilang ang buke shohatto na isang kodigo ng pag-aasal upang kontrolin ang autonomosong daimyo. Noong 1639 ay ipinatpuad ang patakarang pakikipaghiwalay na sakoku o saradong bansa na tumagal ng 250 taon ng pagkakaisang pampolitika na kilala bilang panahong Edo (1603–1868). Ang pag-aaral ng mga agham na Kanluranin na kilala bilang rangaku ay nagpatuloy sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Dutch enclave sa Dejima sa Nagasaki. Ang panahong ito ay nagpalitaw rin ng kokugaku o mga pambansang pag-aaral na pag-aaral ng Hapon ng mga Hapones.
Modernong panahon
Noong 31 Marso 1854, pwersahang binuksan ni Commodore Matthew Perry at ng "Black Ships" ng Hukbong Pandagat ng Estados Unidos ang Hapon sa panlabas na daigdig sa Kumbensiyon ng Kanagawa. Ang mga kalaunang kasunduan sa mga bansang Kanluranin sa panahong Bakumatsu ay nagdulot ng mga krisis ekonomiko at pampolitika. Ang pagbibitiw ng shogun ay humantong sa pagtatatag ng isang sentralisdong estado na pinagkakaisa ng Emperador o restorasyong Meiji. Sa pag-ampon ng Hapon ng mga institusyong pampolitika, hudisyal at militar ng Kanluranin, ang Gabinete ng Hapon ay pinangasiwaan ng Konsehong Privy na ipinakilala ng Saligang Batas na Meiji at nagtipon ng Imperyal na Diet. Ang pagpapanumbalik na Meiji ay nagpabago sa Imperyo ng Hapon tungo sa isang industriyalisadong pandaigdigang kapangyarihan na nagpursigi ng mga alitang militar upang palawakin ang impluwensiya nito. Pagkatapos ng Unang Digmaang Sino-Hapones (1894–1895) at Digmaang Ruso-Hapones (1904–1905), nakontrol ng Hapon ang Taiwan, Korea at katimugang kalahati ng Sakhalin. Ang maagang ika-20 siglo ay nakakita ng maikling panahon ng demokrasyang Taishō na napanaigan ng papalaking pagpapalawig at militarisasyon ng Hapon. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay pumayag sa Hapon sa panig ng mga nagwaging Alyado na palawakin ang teritoryo nito. Ito ay nagpatuloy sa pananakop ng Manchuria noong 1931. Dahil sa pagkundena ng ibang bansa sa pananakop ng Hapon, ang Hapon ay nagbitiw sa Liga ng mga Bansa pagkatapos ng dalawang taon. Noong 1936, ang Hapon ay lumagda sa Kasunduang Anti-Comintern sa Alemanyang Nazi. Ang Kasunduang Tripartite noong 1940 ay gumawa sa Hapon na isa sa Kapangyarihang Aksis. Noong 1941, ang Hapon ay nakipagkasundo sa Kasunduang Neutralidad na Sobyet-Hapones. Sinakop ng Imperyo ng Hapon ang ibang mga bahagi ng Tsina noong 1935 na nagtulak sa Ikalawang Digmaang Sino-Hapones (1937–1945). Mabilis na nabihag ng Hukbong Imperyal na Hapones ang kabiserang Nanjing at isinagawa ang Masaker sa Nanking. Noong 1940, sinakop ng Imperyo ng Hapon ang Pranses na Indotsina na nagtulak sa Estados Unidos na maglagay ng embargo ng langis sa Hapon. Noong 7 Disyembre 1941, sinalakay ng Hapon ang baseng pandagat ng hukbo ng Estados Unidos sa Pearl Harbor at nagdeklara ng digmaan dito na nagtulak sa Estados Unidos upang pumasok sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Pilipinas ay surpresang sinalakay ng mga Hapones noong 8 Disyembre 1941 mga 10 oras pagkatapos ng pag-atake sa Pearl Harbor sa Hawaii. Ang mga tagapagtanggol na Amerikano at Pilipino sa Bataan laban sa mga Hapones ay sumuko noong 9 Abril 1942 at napilitang magtiis sa Martsa ng Kamatayan sa Bataan kung saan ang mga 2,000 hanggang 10,000 Pilipino at mga 100 hanggang 650 Amerikano ay namatay o pinatay. Ang mga 13,000 nakaligtas ay sumuko sa Corregidor noong 5 Mayo 1942. Agad na binuwag ng mga autoridad na Hapones ang nakaraang pamahalaan ng Pilipinas sa ilalim ng Estados Unidos at itinatag ang isang bagong puppet na pamahalaan noong 1943 sa ilalim ni Pangulong Jose Laurel. Ang Hong Kong ay sumuko sa mga Hapones noong 25 Disyembre 1941. Sa Malaya, napaatras ng mga Hapones ang hukbong alyado na binubuo ng mga pwersang British, Indian, Australian at Malay sa Singapore. Noong 15 Pebrero 1942, ang Singapore ay bumagsak sa mga pwersang Hapones na nagdulot ng pinakamalaking pagsuko ng pinamunuan ng British na militar na personnel sa kasaysayan. Ang tinatayang mga 80,000 Indian, Australyano at British ay binihag. Pagkatapos ng pananakop ng Sobyet sa Manchuria at mga pagbagsak ng Estados Unidos ng mga bombang atomiko sa Hiroshima at Nagasaki noong 1945, ang Hapon ay umayon sa isang walang kondisyong pagsuko noong 15 Agosto 1945. Ang digmaan ay nagdulot ng maraming mga kamatayan sa Hapon at pagkasira ng industriya at imprastruktura nito. Ibinalik ng Mga Alyado ng Digmaan na pinamunuan ng Estados Unidos ang mga katutubong Hapones mula sa kolonya at mga kampong militar sa buong Asya. Ito ay malaking nag-alis ng Imperyo ng Hapon at nagbalik ng kalayaan sa mga sinakop nitong teritoryo. Nagtipon rin ang Mga Alyado ng isang Internasyonal na Tribunal na Miltaryo para sa Malayong Silangan noong 3 Mayo 1946 upang litisin ang ilang mga pinunong Hapones para sa mga krimeng pandigmaan. Gayunpaman, ang mga unit ng pananaliksik na hinggil sa bakterya gayundin ang mga kasapi ng Hukbong Imperyal ng Hapon na nasangkot sa digmaan ay napalaya mula sa paglilitis na kriminal ng Supreme Allied Commander sa kabila ng mga pagtawag sa paglilitis ng parehong pangkat. Noong 1947, ang isang bagong Saligang Batas ay nilikha sa Hapon na nagbibigay diin sa mga kasanayang liberal demokratiko. Ang pananakop ng Mga Alyado sa Hapon ay nagtapos sa Kasunduan sa San Francisco noong 1952 at ang Hapon ay pinagkalooban ng pagsapi sa United Nations noong 1956. Kalaunan ay nagkamit ang Hapon ng isang mabilis na paglago at naging ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo hanggang sa malampasan ng Tsina noong 2010.
Pamahalaan at politika
Ang Hapon ay isang monarkiyang konstitusyonal, kung saan ang kapangyarihan ng Emperador ay kakaunti o limitado lamang. Siya ay itinakda ng saligang batas bilang "simbolo ng estado at ng pagkakaisa ng pamayanan". Pangunahing hawak ng Punong Ministro ng Hapon at ng mga halal na kasapi ng Diet ang kapangyarihan sa pamamahala, samantalang nasa mga Hapones ang karapatan sa soberenya.
Ang hari ang gumaganap na pinuno ng estado sa mga okasyong diplomatiko. Si Naruhito ang kasalukuyang Emperador ng Hapon.
Ang lehislatibong sangay ng pamahalaan ng Hapon ay ang Pambansang Diet, isang parliyamentong bikameral. Ang Diet ay binubuo ng isang Kapulungan ng mga Kinatawan, na may 480 na puwesto, hinahalal bawat apat na taon o kung ito ay buwagin at ng Kapulungan ng mga Konseho na may 242 puwesto at hinahal bawat anim na taon. Ang pangkalahatang karapatang bumoto ay itinakda sa 20 taong gulang.
Ang Punong Ministro ng Hapon ang pinuno ng pamahalaan. Ang posisyon ay itinatalaga ng Emperador ng Hapon pagkatapos hirangin ng Diet mula sa mga kasapi nito at dapat makuha ang pagtitiwala ng Kapulungan ng mga Kinatawan upang manatili sa puwesto. Ang Punong Ministro din ang pinuno ng Gabinete at nagtatalaga at nag-aalis ng mga Ministro ng Estado, at ang karamihan nito ay dapat kasapi ng Diet.
Ugnayang panlabas at sandatahan
Pinapanatili ng Hapon ang malapit na ugnayang pang-ekonomiya at pansandatahan sa kanyang pangunahing kaalyado, ang Estados Unidos, na ang Alyansang katiwasayan ng Estados Unidos-Hapon ang nagsisilbing haligi ng kanilang patakarang panlabas. Isang bansang kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa simula pa noong 1956, at nanilbihang bilang isang hindi-permanenteng kasapi ng Kapulungang Panseguridad na may kabuuang labing siyam na taon, na ang pinakahuli ay noong 2009 at 2010. Isa rin ito sa mga kasapi ng Pangkat ng Apat na naglalayong makakuha ng permanenteng pagkakasapi sa Kapulungang Panseguridad.
Bilang kasapi ng G8, APEC, ASEAN Plus Three, at bilang kalahok ng East Asia Summit, Ang Hapon ay aktibong nakikilahok sa mga pandaigdigang kapakanan at sa pagpapabuti ng mga diplomatikong relasyon sa mga mahahalagang bansa buong mundo. Lumagda ang Hapon nang isang kasunduang panseguridad sa Australia noong Marso 2007 at sa Indiya noong Oktubre 2008. Ang Hapon din ang ikatlong pinakamalaking tagapagbigay ng tulong pagpapaunlad pagkatapos ng Estados Unidos at Nagkakaisang Kaharian, na nagbigay ng EU$8.86 bilyon noong 2004.
Ang Hapon ay kasama rin sa ilang mga alitang teritoryal sa mga kalapit bansa nito: sa Rusya dahil sa mga Pulo ng Timog Kuril, sa Timog Korea dahil sa mga batong Liancourt, at sa Republikang Popular ng Tsina at Taiwan dahil sa Mga pulo ng Senkaku
Pagkakahating Administratibo
Binubuo ang Hapon ng apatnapu't pitong mga prepektura, na pinamamahalaan ng isang gubernador na tagapagbatas at administratibong burokrasya. Ang bawat ay nahahati pa sa mga lungsod, bayan at mga nayon.
Heograpiya
Ang Hapon ay isang bansang may mahigit sa tatlong libong mga pulo na matatagpuan sa baybayin ng Pasipiko. Ang panguning mga pulo nito, mula timog hanggang timog, ay ang Hokkaidō, Honshū (ang pangunahing pulo), Shikoku at Kyūshū. Ang Kapuluan ng Ryukyu, kasama ang Okinawa, ay tanikala ng mga pulo sa timog ng Kyushū. Sa kabuuan tinatawag silang Kapuluang Hapones.
Nasa 70% hanggang 80% ng bansa ay kagubatan, mabundok, at hindi angkop sa pagsasaka, industriya, o paninirahan. Ito ay dahil sa pangkahalatang katarikan ng lupa, klima at ang banta ng pagguho ng lupa dahil sa lindol, malambot na lupa at malalakas na ulan. Ito ay nagdulot ng napakataas na densidad ng populasyon sa mga sonang maaaring tirahan na pangunahing matatagpuan sa mga baybayin lokasyon. Isa ang Hapon sa mga bansang may pinakamataas ang densidad ng populasyon sa buong mundo.
Ang lokasyon nito sa Pacific Ring of Fire, sa sugpungan ng tatlong platong tektoniko, ang nagbibigay sa Hapon ng madalas na mahihinang pagyanig at okasyunal na aktibidad ng mga bulkan. Ang mga malalakas ng lindol, na kadalasang nagdudulot ng tsunami, ay nagaganap ng ilang ulit bawat isang dantaon.
Klima
Ang klima ng Hapon ay pangkalahatang katamtaman, subalit labis na nag-iiba mula hilaga patimog. Ang katangiang heograpikal ng Hapon ay nahahati sa anim na pangunahing sonang pangklima:
Hokkaidō: Ang pinakahilagang sona na may katamtamang klima na may mahaba, malamig na taglamig at malamig na tag-araw. Hindi madalas ang pag-ulan, subalit ang mga pulo ay kadalasang nakakabuo ng malalalim na niyebe tuwing tag-lamig.
Dagat ng Hapon: Sa kanlurang bahagi ng Honshū, ang hanging hilagang kanluran tuwing taglamig ay nagbibigay ng maraming niyebe. Tuwing tag-init,a ng rehiyon ay mas malamig kaysa sa bahaging Pasipiko, subalit paminsan minsan ay nakakaranas ng mainit na temperatura, dahil sa hindi pangkaraniwang hanging foehn
Gitnang Kabundukan: May tipikal na klimang panloob, na may malaking pagkakaiba sa temperatura sa pagitan ng tag-init at tag-araw, at sa pagitan ng araw at gabi. Ang pag-ulan ay hindi madalas.
Panloob na Dagat ng Seto: Ang kabundukan ng Chūgoku at ang rehiyong Shikoku ay humaharang sa pana=panahong pagbabago ng hangin, at nagbibigay ng mahinahon na klima sa kabuuan ng taon.
Karagatang Pasipiko: ang silangang baybayin ay nakakaranas ng malamig na tag-lamig na may kakaunting niyebe, at mainit, maalinsangang tag-init dahil sa timog-silangang hangin.
Kapuluan ng Ryukyu: Ang kapuluan ng Ryuku ay may klimang subtropikal na may mabanas na tag-lamig at mainit na tag-init. Madalas ang pag-ulan, lalo na tuwing panahon ng tag-ulan. Ang mga bagyo ay madalas.
Ekonomiya
Kasaysayan
Ang ilang mga katangiang pangistruktura ng paglago ng ekonomiya ng Hapon ay umunlad noong panahong Edo gaya ng network ng mga ruta ng paghahatid sa kalye at tubig at mga kontrata sa future, pagbabangko at insurance sa mga broker ng kanin sa Osaka. Noong panahong panahong Meji mula 1868, ang ekonomiya ng Hapon ay lumawig sa pagyakap nito ng ekonomiyang pamilihan. Ang karamihan ng mga negosyo ay itinatag sa panahong ito at ang Hapon ang umahon na pinaka-maunlad na bansa sa Asya. Ang panahon ng kabuuang paglagong real sa ekonomiya mula 1960 hanggang 1980 ay tinatawag na milagrong Hapones pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. Sa isang bahagi, ito ay natulungan ng tulong pananalapi ng Estados Unidos ngunit pangunahing sinanhi ng mga isinagawang patakaran ng pamahalaan ng Hapon. Ang natatanging mga katangian ng ekonomiya ng Hapon sa panahong ito ng milagro ay kinabibilangan ng pakikipagtulungan ng mga tagapagmanupaktura, mga tagapagsuplay, mga distributor, at mga bangko sa isang malapit na magkakaugnay na mga pangkat na tinatawag na keiretsu; ang mabuting mga unyon ng negosyo at shuntō; mabuting mga ugnayan sa mga byurokrata ng pamahalaan at katiyakan ng habang buhay na trabaho (Shūshin koyō) sa mga malalaking korporasyon at napaka unyonisadong mga manwal na manggagawa. Ang milagrong ito ay pangunahing itinulak ng mga patakaran ng pamahalaan sa ekonomiya ng Hapon partikular na sa Kagawaran ng Internasyonal na Kalakalan at Industriya. Noong 2012, ang ekonomiya ng Hapon ang ikatlong pinakamalaking ekomomiya sa buong mundo pagkatapos ng Estados Unidos at Tsina hinggil sa nominal na GDP. Ito ang ikaapat na pinakamalaking ekonomiya hinggil sa purchasing power parity.
Niluluwas
Ang Hapon ay may malaking kapasidad na industriyal. Ito ang tahanan ng ilan sa mga pinakamalalaki at pinakamaunlad sa teknolohiyang prodyuser ng mga sasakyang motor, elektronika, mga kasangkapan ng makina , mga bakal at mga hindi ferrous na metal, mga barko, mga sustansiyang kemikal, mga textile, at mga prinosesong pagkain.
Inaangkat
Ang pangunahing mga inaangkat ng Hapon ang makinarya at mga kasangkapan, mga fossil fuel at mga pagkain sa partikular ang karne ng baka, mga kimikal, mga textile, at mga hilaw na materyal para sa mga industriya nito.
Agham at teknolohiya
Ang Hapon ay isa sa mga bansang nangunguna sa pananaliksik pang-agham lalo na sa teknolohiya, makinarya, at biomedikal. Ang halos 700,000 mananaliksik na Hapones ay pinagkakalooban ng 130 bilyong US dolyar na budget ng pamahalaan ng Hapon na ikatlong pinakamalaki sa mundo. Ang Hapon ay isang pinuno ng daigdig sa pundamental na pagsasaliksik sa agham. Ang Hapon ay nakalikha ng 16 Nobel laureate sa pisika, kimika o medisina, 3 medalya sa gantimpalang Fields at isang gantimpala sa Gantimpalang Gauss. Ang mga kilalang ambag ng Hapon sa teknolohiya ay sa larangan ng elektronika, sasakyan, makinarya, inhenyeriya ng lindol, industriyal na robotiko, optika, kimikal, semikonduktor at metal. Ang Hapon ay nangunguna sa paglikha at paggamit ng mga robot na nag-aangkin ng higit sa kalahati ng pandaigdigang mga industriyal na robot.
Imprastraktura
Noong 2008, ang 46.4 porsiyento ng enerhiya sa Hapon ay nalilikha mula sa petrolyo, 21.4 porsiyento mula sa coal, 16.7 mula sa natural gas, 9.7 porsiyento mula sa nuclear power, 2.9 porsiyento mula sa hydropower. Gayunpaman, ang lahat ng mga plantang nukleyar sa Hapon ay pinatigil noong Mayo 2012, dahil sa nangyaring sakuna sa Fukushima Daiichi noong 2011.
Ang paggastos ng Hapon sa mga kalye ay ekstensibo. Ang 1.2 milyong km nitong nilatagang kalye ang mga pangunahing paraan ng paghahatid. Ang isang network ng napakabilis at limitadong paggamit na mga kalyeng may toll ay naguugnay ng ma pangunahing lungsod.
Demograpiya
Ang populasyon ng Hapon ay tinatayang nasa 127.3 milyon. Ang lipunang Hapones ay magkakatulad sa pananalita at kultura na may maliit na bilang ng mga banyagang manggagawa. Ang mga Koreano, Tsino, Pilipino, mga Brasilyanong Hapones, Perubyanong Hapones ay ang ilan lamang sa mga maliliit na minorya sa Hapon. Noong 2003, mayroong tinatayang 136,000 kanluraning taga-ibang bansa ang nasa Hapon. Ang pinakanangingibabaw na katutubong pangkat etniko ay ang mga Taong Yamato; ang pangunahing pangkat minorya ay kinabibilangan ng katutubong mga Ainu at mga Ryukyuano, pati rin ang pangkat minoryang panlipunan gaya ng mga burakumin.
Ang Hapon ay isa sa mga bansang may mataas na antas ng inaasahang haba ng buhay sa buong daigdig, sa gulang na 81.25 na taon noong 2006. Ang populasyong Hapones ay mabilis na tumatanda, epekto ng baby boom pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig na sinundan ng pagbaba ng ipinapanganak noong huling bahagi ng ika-20 dantaon. Noong 2004, nasa 19.5% ng populasyon ang may gulang na higit sa 65.
Ang pagbabago sa istrukturang demograpiko ay nagdulot ng ilang mga isyung panlipunan, lalo na ang posibleng pagbaba ng populasyon ng mga manggagawa at ang pagtaas ng gastos ng mga benepisyong panlipunang paseguruhan gaya ng pampublikong planong pensiyon. Maraming mga kabataang Hapones ang tumataas ang pagnanais na hindi mag-asawa o magkapamilya pagtumanda. Ang populasyon ng Hapon ay inaaasahang bababa sa 100 milyon pagdating ng 2050 at aabot sa 64 milyon pagdating ng 2100. Ang mga Demograpo at ang taga-plano sa pamahalaan ng Hapon ay kasalukuyang nasa mainit na debate kung paano masusulusyunan ang suliranin. Ang Imigrasyon at pagkakaroon ng insentibo sa mga bagong panganak ay minsang iminungkahing solusyon upang makapagbigay ng mga batang manggagawa upang matugunan ang tumatandang populasyon ng bansa.
Dumaranas ang bansang Hapon sa mataas na antas ng pagpapakamatay. Noong 2009, ang bilang ng nagpapakamatay ay lumagpas sa 30,000 sa ika-12 sunod sunod na taon. Ang pagpapakamatay ay pangunahing sanhi ng kamatayan sa mga taong nasa gulang na 30.
Wika
Higit sa 99 porsiyento ng populasyon ng Hapon ay nagsasalita ng wikang Hapones bilang unang wika. Ang wikang Hapones ay isang wikang agglutinative. Ang pagsulat ng wikang Hapones ay gumagamit ng kanji at dalawang hanay ng kana. Bukod sa Hapones, ang mga wikang Ryuukan na bahagi ng pamilya ng wikang Haponiko ay sinasalita rin sa Okinawa.
Relihiyon sa Hapon
Ang pinakamataas na tantiya ng bilang ng Budismo at Shintoismo sa Hapon ay nasa 84-96%, na kumakatawan sa malaking bilang ng mga naniniwala sa sinkretismo ng parehong relihiyon. Subalit, ang mga tantiyang ito ay nakabatay sa mga taong may kaugnayan sa mga templo, hindi sa mga bilang ng taong talagang nananalig sa relihiyon. Ipinahiwatig ni Dalubhasa Robert Kisala (Pamantasan ng Nanzan) na 30 bahagdan lang ng populasyon ang nagsasabi na sila ay kasapi ng isang relihiyon.
Ang Taoismo, Confucianismo at Budismo na nagmula sa Tsina ay nakaimpluwensiya din sa paniniwala at kaugalian ng mga Hapones. Ang relihiyon sa Hapon ay likas na naghahalo, at ito ay nagdudulot ng iba't ibang uri ng nakasanayan, gaya ng ang mga magulang at anak nito na nagdiriwang ng mga ritwal na shinto, mga mag-aaral na nagdarasal bago kumuha ng pagsususulit, mga mag-asawang ikinakasal sa isang Kristiyanong simbahan at ang paglilibing na ginaganap sa isang templong Budhismo. May minoridad (2,595,397, o 2.04%) ang nagpahayag na sila ay mga Kristiyano. Dagdag pa dito, simula noong kalagitnaan ng ika-19 dantaon, may mga bilang ng sektang (Shinshūkyō) ang sumulpot sa Hapon, gaya ng Tenrikyo at Aum Shinrikyo (o Aleph).
Kultura
Sining
Ang mga tradisyonal na sining Hapones ay kinabibilangan ng mga kasanayang seramiko, textile, lacquerware, mga espada at mga manika; mga pagganaap ng bunraku, kabuki, noh, pagsasayaw at rakugo; gayundin ang seremonya ng tsaa, ikebama, martial arts, kaligrapiya, origami, onsen, Geisha at mga laro.
Panitikan
Ang pinakamaagang mga akda ng panitikang Hapones ay kinabibilangan ng mga kronikang Kojiki at Nihon Shoiki at antolohiyang tulang Man'yōshū na mula ika-8 siglo at isinulat sa karakter na Tsino. Sa maagang panahong Heian, ang mga sistema ng ponograma na kilala bilang kana (Hiragana at Katakana) ay binuo. Ang Kuwento ng Tagaputol ng Kawayan ay itinuturing na pinakamatandang salaysay na Hapones. Ang salaysay ng buhay sa korte na Heian ay ibinigay sa Makura no Sōshi ni Sei Shōnagon samantalang ang Ang Kuwento ni Genji ni Murasaki Shikibu ay kadalasang inilalarawan bilang ang kauna unahang nobel sa mundo. Noong panahong Edo, ang chōnin o mga taong bayan ang naging mga manunulat at mambabasa sa halip na ang aristokrasyong samurai. Ang kasikatan ng mga akda ni Saikaku halimbawa ay naghahayag ng pagbabago sa mambabasa at manunulat samantalang muling binuhay ni Bashō ang tradisyong tula ng Kokinshū sa kanyang haikai (haiku). Ang panahong Meiji ay nakakita ng pagbagsak ng mga anyong panitikang tradisyonal. Sina Natsume Sōseki at Mori Ōgai ang mga unang modernong nobelista ng Hapon na sinundan nina Ryūnosuke Akutagawa, Jun'ichirō Tanizaki, Yukio Mishima at Haruki Murakami. Ang mga manunulat na sina Yasunari Kawabata at Kenzaburō Ōe ay nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa Panitikan noong 1968 at 1994.
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas
Pamahalaan
Kantei.go.jp, opisyal na sayt ng punong ministro at ang gabinete
Kunaicho.go.jp, opisyal na sayt ng Imperial House of Japan
National Diet Library
Public Relations Office
Tagapaghatid ng balita
Asahi Shimbun
Kyodo News
NHK Online
Japan Times
Yomiuri Shimbun (English)
Turismo
Japan National Tourist Organization
Pangkalahatang impormasyon
Japan from UCB Libraries GovPubs
Energy Profile for Japan from the US Energy Information Administration
containing the 1889 and 1946 Constitutions
Japan: Land of the Rising Sun – slideshow by Life magazine
Key Development Forecasts for the Japan from International Futures
Mga bansa sa Asya
Mga bansa sa Silangang Asya
Mga monarkiya
|
652
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Indonesia
|
Indonesia
|
Ang Indonesia (pagbigkas: in•do•nis•ya), opisyal na pangalan Republika ng Indonesia (), ay isang bansa sa Timog-silangang Asya. Ito ay binubuo ng 17,508 mga pulo, at ito ang pinakamalaking estado sa buong daigdig na binubuo ng isang kapuluan. Tinatantiya na nasa 277 milyon katao ang populasyon ng Indonesia noong 2022, na pang-apat sa mga pinakamataong bansa sa mundo, at ang pinakamataong bansang Muslim; subalit walang opisyal na pananampalataya ang itinakda sa Saligang Batas ng Indonesia. Isang republika ang Indonesia, na may inihahalal na tagapagbatas (lehislatura) at pangulo. Ang kabisera ng bansa ay Jakarta. Pinapaligiran ang Indonesia ng Papua New Guinea, East Timor at Malaysia, at kinabibilangan rin ang Singapore, Pilipinas, Australya, at ang Kapuluang Andaman at Nicobar ng Indiya bilang mga kalapit na bansa at teritoryo.
Ang kapuluan ng Indonesia ay naging isang mahalagang rehiyong pangkalakalan simula pa noong ika-7 siglo, kung kailan ang Srivijaya at paglaon Majapahit ay nangangalakal sa Tsina at Indiya. Ang mga katutubong mga pinuno ay lumaong niyakap ang kulturang Indiyano, relihiyon at modelong pampulitika mula sa mga sinaunang siglo, at lumaganap ang Hinduismo at Budismo sa kapuluan. Naimpluwensiyahan rin ang kasaysayan ng Indonesia ng mga makapangyarihang banyaga dahil sa likas yaman nito. Dinala ng mga mangangalakal na Muslim ang Islam, na ngayon ay naging dominante sa kapuluan, habang ang mga makapangyarihang Europeo ang nagdala ng Kristiyanismo at nakipaglaban para monopolisahin ang kalakalan sa Kapuluang Maluku (Moluccas) noong Panahon ng Pagtuklas. Ito ay sinundan ng tatlo't kalahating siglo ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Olandes. Natamasa ng Indonesia ang kanilang kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kasaysayan ng Indonesia noon pa man ay magulo, at sinubok ng maraming kalamidad, suliranin, banta ng separatismo, at ng panahon ng mabilisang pagbabago at paglago ng ekonomiya.
May magkakaibang mga pangkat na etniko, wika at diyalekto, at pananampalataya ang mga iba't-ibang pulo at kapuluan ng Indonesia, ngunit ang Habanes ang pinakamalaki – at pinakadominanteng – pangkat etniko. Bilang isang bansang unitaryo, bumuo ang Indonesia ng isang pagkakakilanlan gamit ang isang pambansang wika, dibersidad ng mga pangkat etniko, pagpapakilala sa mga ibang relihiyon kahit kung nakararami ang mga Muslim, at isang kasaysayan ng kolonyalismo at rebelyon laban dito. Ang pambansang kasabihan ng Indonesia, ang "Bhinneka tunggal ika" ("Pagkakakaisa sa Pagkakaiba", na literal na "marami, subalit isa"), na nagsasabi na ang pagkakaiba ang bumuo sa bansa. Subalit ang mga tensiyon sektarya at separatismo ay nagdulot ng marahas na paghaharap na gumimbal sa katatagan ng politika at ekonomiya. Sa kabila ng laki ng populasyon at dami ng tao sa rehiyon, malaki ang teritoryo ng Indonesia: kilala ang bansa bilang pangalawa sa mga bansang may pinakamataas na saribuhay sapagkat kay lawak ng mga parang nito. Biniyayaan ang bansa ng likas na yaman, subalit nilalarawan din ng kahirapan ang Indonesia sa kasalukuyan.
Pangalan
Ang pangalang Indonesia ay mula sa salitang Latin na Indus, na nangangahulugang "India", at salitang Griyego na nesos, na nangangahululgang "pulo", kaparehas ng pangalan ng India. Ang pangalan ay halaw pa noong ika-18 dantaon, malayo pang taon bago pa naging malaya ang Indonesia. Noong 1850, Si George Earl, isang Ingles na etnologo, ay iminungkahi ang salitang Indunesians — dahil sa paggamit ng Malayunesians — para sa mga taong nakatira sa "Kapuluang Indiyan" o "Kapuluang Malay". sa publikasyong ding iyon, ang isang estudyante ni Earl, si James Richardson Logan, ay ginamit ang Indonesia bilang kasingkahulugan ng Kapuluan ng Indiya. Subalit ang mga sulat akademiko ng mga Olandes sa mga nilimbag sa Silangang Indiyas ay iwas sa paggamit ng Indonesia. Imbis ay ginamit nila ang salitang "Kapuluang Malay" (Maleische Archipel); ang Netherlands East Indies (Nederlandsch Oost Indië), ang tanyag Indië; ang silangang (de Oost); at pati na ang Insulinde. na
Simula noong 1900, naging karaniwan ang paggamit ng "Indonesia" bilang pantukoy sa bansa ng akademya sa labas ng Olanda, at ginamit rin ito ng mga nasyonalistang Indones para sa kanilang mga pampolitikang pamamahayag. Pinatanyag ni Adolf Bastian, ng Pamantasang Humboldt ng Berlin, ang termino sa kanyang aklat na Indonesien oder die Inseln des Malayischen Archipels, 1884–1894. Ang unang iskolar na Indones na gumamit ng termino ay si Suwardi Suryaningrat (Ki Hajar Dewantara), nang siya ay magtayo ng isang press bureau sa Olanda na may pangalang Indonesisch Pers-bureau noong 1913.
Kasaysayan
Sinaunang panahon
Ang mga labing posil o kusilba ng Homo erectus, na mas tanyag bilang ang mga Taong Haba, ay nagmumungkahi na ang kapuluang Indonesia ay tinirhan na noong dalawang mlyong hanggang 500,000 taon na ang nakalilipas. Ang mga Austronesyo, na bumuo sa karamihan ng mga makabagong tao, ay nagtungo sa Timog Silangang Asya mula Taiwan. Sila ay dumating sa Indonesia noong tinatayang 2000 BCE, at inilayo ang mga katutubong Melanesyo sa malayong silangang rehiyon habang sila ay dumadami. Sa tamang kondisyong agrikultural, at ang pagkabihasa sa pagtatanim sa mga palayan ay nagbigay daan sa mga barangay, bayan at maliliit na mga kaharian na umusbong sa unang dantaon CE. Ang magandang baybaying posisyon ng Indonesia ay nagbigay daan sa kalakalang sa mga kalapit pulo at sa iba pang mga lugar. Halimbawa ng mga kalakalang nabuo ay parehong sa mga Kahariang Indiyano at sa Tsina na nabuo mga ilang dantaon BCE. Mula noon, ang pangangalakal ay napakahalaga sa paghuhugis ng kasaysayan ng Indonesia.
Mula noong ika-7 dantaon CE, ang makapangyarhing Kahariang pandagat ng Srivijaya ay umusbong sapagkat sa kalakalang nabuo at sa mga impluwensiya ng Hinduismo at Budhismo na nakuha ng Kaharian mula roon. Sa pagitan ng ika-8 hanggang ika-10 dantaon CE, ang dinastiyang agrikultural na Budhistang Sailendra at ang dinastiyang Hindu na Mataram ay umunlad at bumagsak sa Haba, kung saan naiwan nila ang mga grandiyosong mga monumentong relihiyoso gaya ng Borobudur ng Sailendra at ang Prambanan ng Mataram. Ang kahariang Hindu na Madyapahit ay nabuo sa silangang Java sa huling bahagi ng ika-13 dantaon, sa ilalim ni Gajah Mada, na nakaimpluwensiya sa kabuuan ng Indonesia; ang panahong ito ay kadalasang tinatawag na "Gintong Panahon" sa kasaysayan ng Indonesia.
Kahit na ang mga mangangalakal na Muslim ay unang naglakbay sa Timog-silangang Asya noong unang bahagi ng panahong Islamiko, ang pinakaunang katibayan ng pagsasa-Islamiko ng populasyon ay noong ika-13 dantaon sa hilagang Sumatra. Naglaon ang ibang mga lugar sa Indonesia ay niyakap ang paniniwalang Islam, at naging dominanteng relihiyon sa Java at Sumatra sa huling bahagi ng ika-16 na dantaon. Sa halos karamihang bahagi, ang Islam ay nagbago at humalo sa mga nabuong mga kultura at mga impluwensiyang relihiyoso, kung saan hinubog nito ang pangunahing anyo ng Islam sa Indonesia, lalo na sa Java. Ang unang Europeo na dumating sa Indonesia noong 1512, ay nang ang mga mangangalakal na Portuges, na pinamunuan ni Francisco Serrão, ay ninais na monopolahin ang mga mapagkukunan ng moskada (nutmeg), clove, at mga paminta sa Maluku. Sumunod sa kanila ang mga Olandes at mga Ingles. Itinayo ng mga Olandes noong 1602 ang Kompanyang Olandes ng Silangang India (VOC) at naging makapangyarhing Europeo sa lugar. Pagkatapos nitong mabangkarote, ang VOC ay pormal na nagsara noong 1800, at ang pamahalaan ng Olanda ay bumuo ng Silangang Indiya ng Olanda bilang isang pambansang kolonya.
Sa halos buong panahong ng kolonyalismo sa Indonesia, ang pamamahala ng mga Olandes sa mga teritoryo nito ay mahina; noon lamang unang bahagi ng ika-20 dantaon naging dominante ang mga Olandes sa kung ano ang mga hangganan ng Indonesia ngayon. Ang pananakop ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang mga sumunod na mga pananakop ang nagpawakas sa pamamahala ng mga Olandes, at muling pinasigla ang mga pinigil na kilusang pangkalayaan ng mga Indones. Dalawang araw pagkatapos sumuko ang Hapon noong Agosto 1945, si Sukarno, isang maimpluwensiyang pinunong nasyonalista, ay inihayag ang kalayaan at itinalagang pangulo. sinubukan ng Olanda na muling itayo ang kanilang pamamahala, at dahil sa panggigipit ng ibang mga bansa, kinilala na ang kalayaan ng Indonesia ng mga Olandes at ang kaguluhan sandatahan at diplomatiko ay nagwakas noong Disyembre 1949.(maliban lang sa teritoryong Olandes ng Kanlurang Bagong Ginea, kung saan ay isinama sa Kasunduan sa New York noong 1962, at sa pinamamahalan ng mga Nagkakaisang Bansa na Act of Free Choice).
Si Sukarno ang nagsimula sa demokrasya patungong awtoritaryanismo, at pinanatili ang kanyang kapangyarihan sa pagbalanse sa mga lumalabang puwersang militar, at ang mga Partido Komunista ng Indonesia (PKI). Isang pagtatangkang coup noong 30 Setyembre 1965 ang napiligan ng mga sundalo, na nagdulot sa isang marahas na pagpapa-alis sa mga anti-komunista, kung saan pinagbintangan ang PKI sa tangkang coup. Nasa pagitan ng 500,000 at isang milyon ang namatay. Ang pinuno ng militar, si Heneral Suharto, ay minaubra ang pahinang pamumuno ni Sukarno, at pormal na itinalaga bilang pangulo noong Marso 1968. Ang kanyang Administrasyong Bagong Kaayusan ay sinuportahan ng pamahalaang Estados Unidos, at pinag-igi ang mga pamumuhunan ng mga dayuhan sa Indonesia, na naging mahalagang dahilan sa katamtamang pag-unlad ng ekonomiya noong sumunod na tatlong dekada. Subalit ang awtoritaryang "Bagong Kaayusan" ay malakawang inakusahan ng korupsiyon at supresyon ng mga taga-oposisyon.
Noong 1997 at 1998, ang Indonesia ang pinakalabis na tinamaan ng Krisis Pananalapi sa Asya. Ito ang nakadagdag sa malawakang pagkadismaya sa Bagong Kaayusan. at nagdulot ng malawakang protesta. Nagbitiw si Suharto noong 21 Mayo 1998. Noong 1999, ang Silangang Timor ay bumotong humiwalay sa Indonesia, pagkatapos ng dalawampu't limang taong pananakop militar na kinondena ng iba't ibang bansa dahil sa kalupitan sa mga taga-Silangang Timor. Ang panahon ng Repormasyon, pagkatapos ng pagbibitiw ni Suharto, ay nagbunga ng mas matibay na mga prosesong demokratiko, kasama ang mga programang autonomiyang rehiyunal, at ang sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng halalang pang-panguluhan noong 2004. Ang mga instabilidad sa politika at ekonomiya, kaguluhan, korupsiyon, at terorismo ay nagpabagal sa pag-unlad. Datapwat ang relasyon sa iba't ibang mga relihiyon at mga pangkat etniko ay mapayapa sa kabuuan, may mangilan ilan na sekta ang hindi kuntento at ang pagkakaroon ng kaguluhan sa ilang mga lugar ay patuloy pa ring suliranin ng bansa. Isang pagsasaayos pampolitika sa mga separatistang sandatahan sa Aceh natamasa noong 2005.
Pamahalaan at Politika
Ang Indonesia ay isang republika na may sistemang pangpanguluhan. Bilang isang estadong unitaryo, ang kapangyarihan ay nasa pambansang pamahalaan lamang. Pagkatapos ng pagbibitiw ni Pangulong Suharto noong 1998. Ang istrukturang pangpamahalaan at pampolitika ng Indonesia ay sumailalim sa isang malawakang reporma. Apat na pagbabago sa Saligang Batas ng Indonesia ang nagbago sa sangay tagapagpaganap, tagapaghukom at tagapagbatas. Ang pangulo ng Indonesia ay ang pinuno ng estado, punong kumander ng Sandatahan ng Indonesia at ang direktor ng mga pamahalaang lokal, paggawa ng mga batas at ng ugnayang panlabas. Ang pangulo ay nagtatalaga ng isang konseho ng mga ministro, na hindi kailangang halal na kasapi ng lehislatura. Ang halalang pangpanguluan noong 2004 ay ang unang pagkakataon na makahalal ng direkta ang mga tao ng kanilang pangulo at pangalawang pangulo. Ang pangulo ay maaaring maglingkod ng hindi hihigit sa dalawang magkasunod na limang taong termino.
Ang pinakamataas na katawang pangkinatawan sa pambansang antas ay ang People's Consultative Assembly (MPR). Ang pangunahing layunin nito ay suportahan at amendiyahan ang saligang batas, inagurahan ang pangulo, at pagsasaayos ng malawak na balangkas ng patakarang pang-estado. Ito ay may kapangyarihang litisin ang pangulo. Ang MPR ay binubuo ng dalawang kapulungan; ang Konseho ng mga Kinatawang Pambayan (DPR), na may 550 kasapi, at ang Konseho ng mga Kinatawang Panrehiyon (DPD), na may 128 kasapi. Ang DPR ang napapasa ng mga batas at ang nagbabantay sa sangay tagapagpaganap; ang mga kasapi ay inihahalal para sa limang taong termino sa pamamagitan ng representasyong proporsyunal. Ang mga repormang nagsimula noong 1998 ay nagmarka sa pagtaas ng katayuan ng DPR sa pambansang pamamahala. Ang DPD ay isang bagong kapulungan para sa mga usaping pamamahalang rehiyonal.
Karamihan sa mga sigalot sibil ay inihaharap sa Hukuman ng Estado; ang apela ay dinidinig sa harap ng Mataas na Hukuman; Ang Kataastaasang Hukuman ay ang pinakamataas na Hukuman sa bansa, at dinidinig ang huling pagbasa, at nagsasagawa ng pagsusuri sa mga kaso. Ang ibang hukuman ay kinabibilangan ng Hukumang Pangkalakalan (commercial), na humahawak sa mga kasong pagkabangkarote at pagkalugi; isang Hukumang Administratibo ng Estado upang dinggin ang mga kasong administratibo laban sa pamahalaan; isang Hukumang Pangsaligang batas upang dinggin ang mga sigalot na may kinalaman sa legalidad ng abtas, pangkahalatang halalan, at pagsasawalang bisa ng mga partidong pampolitika, at ang saklaw ng otoridad ng institusyon ng estado; at ang Hukumang Panrelihiyon na umaayos sa mga kasong may kinalaman sa mga kasong panrelihiyon.
Pagkakahating pampangasiwaan
Binubuo ang Indonesia ng 34 lalawigan, kung saan lima rito ay may natatanging katayuan. Ang bawat lalawigan ay may sariling tagapagbatas at gobernador. Ang lalawigan ay hinahati naman sa mga bayan (kabupaten) at mga lungsod (kota), na hinahati pa sa mga maliliit na distrito (kecamatan), at pati na rin sa mga barangay (desa o kelurahan). Pagkatapos ipatupad noong 2001 ang rehiyonal na pagsasarili (autonomiya), ang mga bayan at lungsod ay ang naging pinakamahalagang sangay pampangasiwaan, na responsable sa pagbibigay ng paglilingkod-bayan. Ang pamahalaang barangay naman ang pinakamakaimpluwensiya sa pang-araw-araw na buhay ng mga nasasakupan nito, na humahawak sa mga usaping pambarangay na pinamumunuan ng halal na punong barangay na tinatawag na lurah o kepala desa.
Ang mga lalawigan ng Aceh, Jakarta, Yogyakarta, Papua, at Kanlurang Papua ay may mas maraming pribilehiyo at mas mataas na antas ng pagsasarili mula sa pambansang pamahalaan kaysa sa ibang mga lalawigan. Halimbawa, may karapatang bumuo ang pamahalaan ng Aceh ng isang malayang sistemang pambatas; noong 2003, ipinatupad nito ang paggamit ng Sharia (batas Islam) bilang bahagi ng hurisprudensiya nito. Ang Yogyakarta naman ay binigyan ng katayuang "Natatanging Rehiyon" bilang pagkilala sa ginampanan nito sa pag-suporta sa mga rebolusyonaryong Indones noong panahon ng himagsikan nito sa wakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigsig. Ang Papua, na dating tinatawag na Irian Jaya, ay binigyan ng katayuan ng natatanging pagsasarili noong 2001, at ang Jakarta naman ay isang natatanging punong rehiyon bilang kabisera ng bansa.
Talaan ng mga lalawigan
(Nasa loob ng panaklong ang mga pangalan sa Indones kapag magkaiba ito sa Tagalog)Ipinapakita ng † ang mga lalawigang may natatanging katayuan
Sumatra
Aceh (Nanggroe Aceh Darussalam) - Banda Aceh
Hilagang Sumatra (Sumatera Utara) - Medan
Kanlurang Sumatra (Sumatera Barat) - Padang
Riau - Pekanbaru
Kapuluang Riau (Kepulauan Riau) - Tanjung Pinang
Jambi - Jambi
Timog Sumatra (Sumatera Selatan) - Palembang
Kapuluang Bangka-Belitung (Kepulauan Bangka-Belitung) - Pangkal Pinang
Bengkulu - Bengkulu
Lampung - Bandar Lampung
Haba
Jakarta† - Jakarta
Banten - Serang
Kanlurang Haba (Jawa Barat) - Bandung
Gitnang Haba (Jawa Tengah) - Semarang
Yogyakarta† - Yogyakarta
Silangang Haba (Jawa Timur) - Surabaya
Munting Kapuluang Sunda
Bali - Denpasar
Kanlurang Nusa Tenggara (Nusa Tenggara Barat) - Mataram
Silangang Nusa Tenggara (Nusa Tenggara Timur) - Kupang
Kalimantan (Borneo)
Kanlurang Kalimantan (Kalimantan Barat) - Pontianak
Gitnang Kalimantan (Kalimantan Tengah) - Palangkaraya
Timog Kalimantan (Kalimantan Selatan) - Banjarmasin
Silangang Kalimantan (Kalimantan Timur) - Samarinda
Hilagang Kalimantan (Kalimantan Utara) - Tanjung Selor
Selebes (Sulawesi)
Hilagang Selebes (Sulawesi Utara) - Manado
Gorontalo - Gorontalo
Gitnang Selebes (Sulawesi Tengah) - Palu
Kanlurang Selebes (Sulawesi Barat) - Mamuju
Timog Selebes (Sulawesi Selatan) - Makassar
Timog Silangang Selebes (Sulawesi Tenggara) - Kendari
Kapuluang Maluku
Maluku - Ambon
Hilagang Maluku (Maluku Utara) - Ternate
Kanlurang Papua
Kanlurang Papua† (Papua Barat) - Manokwari
Papua† - Jayapura
Timog Kanlurang Papua† (Papua Barat Daya) - Sorong
Kabundukan Papua† (Papua Pegunungan) - Wamena
Gitnang Papua† (Papua Tengah) - Nabire
Timog Papua† (Papua Selatan) - Merauke
Heograpiya
Ang Indonesia ay binubuo ng 17,508 pulo, na tinatayang nasa 6,000 ang tinitirhan. Ang mga ito ay nakakalat sa parehong bahagi ng ekwador. Ang limang pinakamalaking pulo ay ang Haba (Java), Sumatra, Kalimantan (ang bahaging Indones ng Borneo), Bagong Ginea (na kahati ang Papua Bagong Ginea), at Selebes. Ang Indonesia ay nakikihati ng hangganan sa Malaysia sa pulo ng Borneo at Sebatik, sa Papua Bagong Ginea sa pulo ng Bagong Ginea, at sa Silangang Timor sa pulo ng Timor. Nakikihati rin ito ng hangganan sa Singapore, Malaysia, Pilipinas sa hilaga, at sa Australya sa mga katimugang bahagi ng mga dagat nito. Ang kabisera nito, ang Jakarta, ay matatagpuan sa Haba at ang pinakamalaking lungsod ng bansa, na sinundan ng Surabaya, Bandung, Medan, and Semarang.
Sa 1,919,440 kilometro parisukat (741,050 mi parisukat), Ang Indonesia ay naging ika-16 na pinakamalaking bansa, ayon sa laki ng lupang sakop. Ang average na kapal ng populasyon ng tao ay 134 tao bawat kilometrong parisukat (347 bawat milyang parisukat), ang ika-79 sa daigdig, kahit na ang Java ang pinakamataong pulo sa buong mundo, na may densidad ng populasyon na 940 tao bawat km parisukat (2,435 bawat mi parisukat). Sa taas 4,884 metro (16,024 talampakan), ang Puncak Jaya sa Papua ay ang pinakamataas na tuktok sa Indonesia, at ang Lawa ng Toba sa Sumatra ay ang pinakamalaking lawa, na may sukat na 1,145 km parisukat (442 mi parisukat). Ang pinakamalaking ilog ay nasa Kalimantan, kasama rito ang Mahakam at Barito; Ang mga ilog na ito ang nagiging pandugtong transportasyon sa pagitan ng mga bayan sa paligid nito.
Dahil matatagpuan ito sa ekwador, ang Indonesia ay may klimang tropikal, na may dalawang panahon na tag-ulan at tag-init. Ang karaniwang antas na pag-ulan sa mga mababang lugar ay nasa 1,780-3,175 milimetro (70–125 pulgada), at hanggang 6,100 milimetro (240 pulgada) sa mga rehiyong mabubundok, o sa mga lugar na mabundok—lalo na sa kanlurang bahagi ng Sumatra, Kanlurang Haba, Kalimantan, Selebes at Papua—ang nakakaranas ng mataas na pag-ulan. Ang alinsangan ay pangkalahatang mataas, na karaniwa'y nasa 80%, at unti lang ang pagkakaiba ng galaw ng temperatura sa buong taon; ang karaniwang temperatura araw-araw sa Jakarta ay nasa 26-30 °C (79–86 °F).
Demograpiya
Ang pambansang populasyon mula sa 2000 pambansang sensus ay nasa 206 milyon, at ang Kawanihang Sentral Pang-Estadistika ng Indonesia at Statistics Indonesia ay tinaya ang populasyon na nasa 222 milyon noong 2006. 130 milyon katao ang nakatira sa Java, ang pinakamataong pulo sa buong daigdig. Kahit na medyo epektibo ang programang pagpaplano ng pamilya na ginawa pa noong dekada '60, ang populasyon ay inaaasahang lalago sa humigit kumulang 315 milyong sa taong 2035, batay sa kasalukuyang taya ng taunang pagtaas na 1.25%.
Karamihan sa mga Indones ay mula sa mga Austronesyo mga tao na mula sa Taiwan. Ang iba pang pangunahing pangkat ay ang mga Melanesiano, na naninirahan sa silangang Indonesia. Mayroong 300 na natatanging mga katutubong lahi sa Indonesia, at 742 na iba't ibang wika at diyalekto. Ang pinakamalaki ay ang mga Habanes, na bumubuo sa 42% ng populasyon, at pampolitika at kultural na dominante sa bansa. Ang mga Sundanes, mga etnikong Malay, at mga Madures naman ay ang ibang malalaking pangkat na sunod sa mga Habanes. A sense of Indonesian nationhood exists alongside strongly maintained regional identities. Pangkalahatang maayos ang lipunan, subalit ang mga tensiyong panlipunan, panrelihiyon at etniko ay nagpapasimula ng matinding kaguluhan. Ang mga Tsinong Indones ay isang etnik maynoriting may-impluwensiya sa Indonesia. Mas konti sa 5% sila ng populasyon. Ang mga Tsinong Indones ay nag-aari ng maraming pribadong kayamanan at kanegosyohan, kaya may hinanakit sa kanila; nangyaring nagkaroon ng karahasan laban sa mga Tsinong Indones.
Ang opisyal na pambansang wika, ang wikang Indones, ay tinuturo sa lahat ng mga paaralan, at sinasalita ng halos lahat ng mga Indones. Ito ang wika ng kalakalan, politika, pambansang medya, edukasyon, at akademya. Ito ay binuo mula sa lingua franca na malawak na ginagamit sa rehiyon, at may malaking ugnayan sa wikang Malay na opisyal na wika ng Malaysia, Brunei at Singapore. Ang wikang Indones ay unang itinaguyod ng mga makabansa noong dekada '20, at inihayag bilang opisyal na wika noong pagpapahayag ng kalayaan noong 1945. Karamihan sa mga Indones ay nakakapagsalita ng isa o higit pa sa mahigit isang daan lokal na mga wika (bahasa daerah), na madalas ay ang kanilang unang wika. Sa mga ito, ang wikang Habanes ang pinamalawak na sinasalitang wika ng pinakamalaking pangkat etniko. Sa kabilang banda, ang Papua ay may mahigit 270 katutubong wika at wikang Austronesyo, sa rehiyon na may 2.7 milyong katao. May mangilan-ngilan ding dami ng tao na nag-aral bago ang kalayaan ang maalam manalita ng wikang Olandes.
Ekolohiya
Ang sukat, klimang tropikal, at heograpiyang kapuluan ng Indonesia, ang naging dahilan para maging ikalawang pinaka biodiverse na bansa ito sa buong mundo, pangalawa sa Brazil, at flora at fauna nito ay maghalong mga specie na Asyano at Australyano. Minsan naging bahagi ng kalupaang Asyano, ang mga pulo ng Sunda Shelf (Sumatra, Java, Borneo, at Bali) ay may mga yaman ng fauna ng Asya. Ang mga malalaking species gaya ng Tigreng Sumatra, rhinoceros, orangutan, Elepanteng Asyano, at leopard, ay minsang naging laganap hanggang sa dulong silangan sa Bali, subalit ang bilang nito ay mabilis ding bumaba. Ang sakop ng mga kagubatan ay umaabot sa tinatayang 60% ng bansa. Sa Sumatra at Kalimantan, ay katatagpuan halos ng mga species na Asyano. Subalit, ang mga kagubatan ng mga maliliit, at mas mataong pulo ng Java, ay malawakang inalis para sa paninirahan ng mga tao at pansakahan. Ang Sulawesi, Nusa Tenggara, at Maluku—na matagal nang nakahiwalay sa kontinenteng Asya—ay nakabuo ng sariling bukod tanging flora at fauna.
Tingnan din
Wikang Indones
Indones
Mga sanggunian
Mga estadong-kasapi ng ASEAN
Mga bansa sa Asya
Mga kapuluan
|
655
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pilosopiya
|
Pilosopiya
|
Pilosopiya (mula ) o batnayan ang sistematikong pag-aaral sa mga pangkalahatan at mahahalagang katanungan ng sangkatauhan, lalo na yung mga may kinalaman sa pag-iral, dahilan, kaalaman, etika, kaisipan, at wika. Para magawa ito, gumagamit ang mga pilosopo ng mga paraan tulad ng pagtatanong, kritikal na diskurso, mga argumentong makatuwiran, at sistematikong pagpepresenta.
Nagmula ang salitang "pilosopiya" mula sa wikang Kastila, na nagmula naman sa wikang Griyego na nangangahulugang "mapagmahal ng karunungan." Sa malaking bahagi ng kasaysayan, saklaw ng pilosopiya ang mga larangan na itinuturing na ngayon bilang bahagi ng mga agham. Tinatawag na pilosopiyang likas, lumaganap ang uri ng pilosopiyang ito mula sa sinaunang Gresya at nagsilbing katumbas ng agham bago ang Panahon ng Kaliwanagan.
Sa modernong panahon, metapisika, epistemolohiya, etika, at lohika ang mga pangunahing larangan ng pilosopiya. Layon ng metapisika na sagutin ang mga mahahalagang katanungan at ang tunay na kalikasan ng realidad at pag-iral. Kaalaman at paniniwala naman ang pinag-aaralan sa epistemolohiya, samantalang nakapokus naman ang etika sa pag-aaral sa moralidad. Gumagamit naman ng mga tuntunin ang lohika upang mapatunayan ang katotohanan sa likod ng mga pangyayari. Bukod sa mga ito, may mga pag-aaral din ukol sa pilosopiya ng ibang larangan, tulad halimbawa ng sa agham at politika.
Etimolohiya
Direktang nanggaling ang salitang "pilosopiya" mula sa salitang Kastila na filosofía. Tulad ng mga wika sa ilalim ng mga wikang Romanse kagaya ng sa wikang Pranses, nagmula ang salitang ito mula sa wikang Latin na philosophia, na direktang hiniram naman mula sa sinaunang wikang Griyego na philosophia (), isang pagsasama ng mga salitang philos (, "pagmamahal") at sophia (, "karunungan"). Ayon sa tradisyon, sinasabing si Pitagoras ang nag-imbento sa salita, bagamat walang direktang ebidensiya ang nagpapatunay dito.
Bago ang Panahon ng Kaliwanagan, saklaw ng pilosopiya ang mga larangan na itinuturing na ngayon bilang mga agham. Kasama sa orihinal na saklaw nito ang mga bagay na nangangailangan ng pagsusuring makatuwiran o di kaya'y pag-uusisa, kaya naman madalas inihahanay ang mga agham sa ilalim nito. Halimbawa, sakop ng pilosopiyang likas ang biolohiya, pisika, at maging matematika. Ito ang katumbas halos ng agham bago ang pag-usad ng Rebolusyong Makaagham simula noong ika-16 na siglo. Gayunpaman, mabagal ang pagbabago ng kahulugan ng salita sa panahong ito; halimbawa na lang ang pamagat ng aklat ni Isaac Newton noong 1687 na Philosophiæ Naturalis Principia Mathematica, na direktang nagbabanggit sa pilosopiyang likas (philosophiæ naturalis) bilang saklaw ng naturang aklat, pero sa modernong panahon, itinuturing na itong isang aklat ng pisika. Ang modernong kahulugan ng salita ay nagsimulang lumaganap noong ika-19 na siglo, kasabay ng Rebolusyong Industriyal.
Kahulugan
Hindi nagkakasundo ang mga pilosopo at iskolar patungkol sa kahulugan ng pilosopiya. Bukod dito, hindi rin malinaw ang pagturing sa larangan bilang isang ganap na sangay ng agham, at iba-iba rin ang binibigay na kahulugan ng mga pilosopong nanggaling mula sa magkakatunggaling kilusang pampilosopiya. Gayunpaman, tipikal na pumapaloob ang mga ito sa dalawang pangunahing punto: kung bahagi ba ito ng agham mismo o hiwalay na larangan ito mula dito, at ano ang silbi ng pilosopiya.
May ilang pilosopo ang naniniwalang isang pag-aaral ang pilosopiya na pumapatungkol sa pagsagot sa mga katanungan ng sangkatauhan na hindi agad masasagot ng agham, tulad halimbawa ng silbi ng pag-iral. May iilan din na naghahanay sa pilosopiya bilang isang agham na umaasa sa empirikal na ebidensiya imbes ng obserbasyon. Samantala, naniniwala naman ang iba na hiwalay ang pilosopiya sa agham, dahil nakatuon ito sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga bagay-bagay. Ayon sa isang pananaw, layunin ng pilosopiya na linawin ang kalabuan at kalituhan na hatid ng istraktura ng mga wika. Ayon naman sa pilosopo ng penomenolohiya, agham ng esensiya ang pilosopiya.
May ilang kahulugan din na nagpopokus sa espiritwal na bahagi ng pilosopiya. Ayon sa pilosopiya ng mga sinaunang Romano at Griyego, isang espiritwal na pagsasanay ang pilosopiya upang madebelop ng tao ang kanyang kapabilidad sa pangangatuwiran. Ito ang pananaw na ginamit ng mga pilosopong tulad nina Pierre Hadot at Michel Foucault, na nagbigay ng matinding pagtuon sa kapakanan ng tao sa isang maaliwalas na buhay. Gamit ang pananaw na ito, kinatuwiran ng ibang mga pilosopo at iskolar na layunin ng pilosopiya na idebelop ang pananaw ng isang indibidwal sa mundo.
Kasaysayan
Nagsimula ang kasaysayan ng pilosopiya noon pang bago maimbento ang pagsusulat. Dalawang pangunahing uri ng pilosopiya ang umusbong: Kanluranin na nagsimula sa Gresya at ang samu't-saring pilosopiyang umusbong sa Asya tulad ng sa Tsina at India, na kolektibong tinatawag sa ilalim ng Silanganing pilosopiya. Kalaunan, kasabay ng pag-usbong ng mga relihiyong Abrahamaiko sa Gitnang Silangan, umusbong din ang mga pilosopiyang panrehiliyon tulad ng sa Kristiyanismo at Islam. Bukod sa mga ito, nagkaroon din ng mga sari-sarling pilosopiya ang iba't ibang bahagi ng mundo, tulad ng sa Hapon at Aprika.
Kanluranin
Sa sinaunang Gresya nagsimula ang pilosopiya ng Kanluraning Mundo, sa pamamagitan ng mga pilosopong kilala ngayon sa kolektibong tawag na "mga Presokratiko". Saklaw ng pilosopiya nila ang paghahanap sa mga sagot patungkol sa mga pangyayari sa cosmos. Ang pananaw na ito ay pinalawak pa ni Sokrates, Platon, at Aristoteles, tatlo sa mga itinuturing na mga pinakamahahalagang pilosopo ng sinaunang panahon sa Europa. Dinebelop nila ang mga pundasyon ng etika at epistemolohiya, at nagsimulang mag-imbestiga sa tunay na kalikasan ng realidad at ng kaisipan. Nabuo kalaunan ang ilan sa mga unang kilusang pampilosopiya, tulad ng epikureismo, stoisismo, skeptisismo, at ang neoplatonismo.
Kasabay ng paglaganap ng Kristiyanismo sa Europa ang paglaganap din ng pilosopiyang panrehiliyon na nakabase sa naturang rehiliyon. Ginamit ng mga pilosopong tulad ni Tomas ng Aquino ang pilosopiya ng sinaunang panahon upang lalo pang palawakin at bigyang-diwa ang teolohiyang Kristiyano. Muling sumikat sa mga iskolar ang pilosopiya ng sinaunang panahon sa Europa noong Renasimiyento, lalo na ang pilosopiya ni Platon, na nagbigay-daan sa pag-usbong ng ideya ng humanismo. Kasabay ng pagbilis ng pag-unsad ng mga agham simula noong 1700s, nagsimulang imbestigahan ng mga pilosopo ang paraan paano nabubuo ang kaalaman. Binigyang ng matinding pokus ng mga pilosopo sa panahong ito ang gampanin ng rason (rasyonalismo) at nararanasang pakiramdam (empirisismo). Ginamit ang mga ideyang ito sa paghamon sa mga tradisyonal na otoridad. Sa panahong ito, dinebelop din ng mga pilosopo ang mga sistema ng pilosopiya na inklusibo, tulad halimbawa ng idealismong Aleman. Pagsapit ng ika-20 siglo, umusbong sa naturang larangan ang paggamit sa pormal na lohika at nagpokus sa gampanin ng wika sa pilosopiya gayundin sa mga kilusang pampilosopiya tulad ng penomenolohiya at pragmatismo. Sa siglo ring ito nakita ang mabilis na pagdami ng mga pilosopo at paglalathala sa akademya, gayundin sa pagdami ng mga babaeng pilosopo at ang pag-usbong ng pilosopiyang pemenista, tulad halimbawa ng mga gawa ni Simone de Beauvoir, ang nobya ng pilosopong si Jean-Paul Sartre.
Silanganin
Isang kolektibong pantawag ang 'silanganing pilosopiya' upang ilarawan ang mga pilosopiya na umusbong sa Asya - silangan sa pananaw ng mga Europeo. Kabilang sa saklaw nito ang mga pilosopiyang umusbong sa Gitnang Silangan, India, at Silangang Asya.
Malaki ang impluwensiya ng Islam sa pilosopiya ng Gitnang Silangan. Umusbong dito ang naturang relihiyon simula noong nagsimulang mangaral si Muhamad sa tangway ng Arabia. Sinubukan ng mga sumunod na pilosopong Muslim na bigyang-kahulugan at linawin ang mga nakasulat sa Koran, sa panahong kilala bilang Ginintuang Panahon ng Islam. Si Al-Kindi ang itinuturing na unang pilosopong Muslim, at nagsalin ng mga gawa ng mga kilalang Kanluraning pilosopo tulad ni Aristoteles at Platon sa wikang Arabo upang ikatuwiran na may pagkakasundo sa pananampalataya at rason. Sinundan siya ni Avicenna at nagdebelop ng isang sistema upang malaman ang realidad ayon sa agham, relihiyon, at mistisismo. Samantala, kritiko naman si Al-Ghazali ng ideya na makakarating ang rason sa tunay na pagkakaunawa sa realidad at sa Diyos. Nagsulat siya ng isang detalyadong aklat patungkol sa aniya'y kontradiksyon ng pilosopiyang Griyego sa mga turo ng Islam. Nagsimulang humina ang interes sa pilosopiya sa lugar matapos ang Ginintuang Panahon ng Islam. Gayunpaman, itinuturing ng mga iskolar si Mulla Sadra bilang isa sa mga mahahalagang pilosopo ng sumunod na panahon.
Sa sinaunang Tsina, mas nagpokus ang mga pilosopo sa mga praktikal na katanungan kesa sa paghahanap sa mga sagot upang malaman ang tunay na realidad, tulad halimbawa ng pagbuo ng mga sistemang pampilosopiya na may layuning hanapin ang tamang pagkilos at ugali sa lipunan at pamamahala. Ito ang sentrong paksa ng mga pilosopiyang umusbong sa naturang rehiyon simula noong , tulad ng Confucianismo at Daoismo. Sentro sa mga turo sa Confucianismo ang iba't ibang anyo ng moral na birtud at ang kahalagahan nito sa pagtamo sa isang nagkakaisang lipunan. Samantala, nakasentro naman ang Daoismo sa mga tanong tungkol sa relasyon ng tao sa kalikasan. Nabuo sa Tsina ang konsepto ng legalismo, isang pilosopiya na nakatuon sa pagkakaroon ng isang matatag na estado sa pamamagitan ng mga istriktong batas, at Mohismo, na nakatuon naman sa isang ideya ng konsekwensiyalismo na walang pinapanigan. Dinala naman ng Budismo ang pilosopiya nito sa Tsina sa sumunod na siglo, na nagresulta sa isang bagong anyo nito. Nagsimula naman noong ika-11 siglo ang Neoconfucianismo, isang uri ng Confucianismo na nakapokus sa metapisika nito. Sa modernong panahon, ang pilosopiya ng Tsina ay nakabase sa mga ideya ni Karl Marx ukol sa sosyalismo at komunismo. Nagdebelop ito kalaunan sa isang anyo ng Marxismo na unang ginamit ni Mao Zedong simula noong ika-20 siglo na nagpabagsak sa huling dinastiya ng Tsina at nagbigay-daan kalaunan sa modernong komunistang bansa.
Maraming paaralan ng pilosopiya ang nabuo sa subkontinente ng India. Nakapokus ang mga ito sa pagtuklas sa tunay na kalikasan ng realidad, sa pamamagitan ng pagtatanong sa espiritwal na paraan upang marating ang kaliwanagan. Nagsimula ito sa mga turo ng mga mga Veda, isang mahalagang aklat sa Hinduismo. Sumesentro ito sa mga isyu sa sarili at sa tunay na realidad gayundin sa konsepto ng pagsilang muli bilang isang nilalang matapos mamatay. Kasabay nito ang pagdebelop ng mga ideya na hindi nakabase sa mga Veda, tulad halimbawa ng mga turo ni Gautama Buddha na nagbigay-daan kalaunan sa Budismo, at ng mga unang tagasunod ng Jainismo, na itinatatag ni Mahavira. Sa mga sumunod na siglo, tinatayang nagsimula noong , anim na pangunahing paaralang Hindu ang umusbong sa subkontinente: Nyāyá, Vaiśeṣika, Sāṃkhya, Yoga, Mīmāṃsā, at Vedanta. Nagkakatalo-talo ito sa kanilang interpretasyon sa mga turo ng Hinduismo, at sa mga konsepto tulad ng kung isang ilusyon lang nga ba talaga ang realidad. Kasabay ng pagsakop ng mga Kanluranin sa subkontinente simula noong ika-19 na siglo, nagsimula ring humalo ang Kanluraning pilosopiya sa pilosopiya ng rehiyon. Sa kasalukuyan, ang pilosopiya ng lugar ay magkahalong nakabase sa mga turo ng sinaunang pilosopiya at ng Kanluraning ideya dala ng mga taga-Britanya.
Sangay
Mahahati sa mga sangay ang pilosopiya base sa klase ng katanungang sinasagot nito. Kabilang sa mga pangunahing sangay nito ang epistemolohiya, etika, lohika, at metapisika. Bukod sa mga ito, marami ring mga larangan ang may sariling sangay ng pilosopiya, katulad halimbawa ng pilosopiyang pampolitika, o di kaya'y sangay na nakatuon sa isang partikular na kultura, tulad ng pilosopiyang Tsino. Dahil sa lawak ng saklaw ng ilang sangay, minsan din itong itinuturing bilang mga disiplina sa ilalim ng agham panlipunan, relihiyon, at matematika.
Epistemolohiya
Epistemolohiya ang sangay ng pilosopiya na nakatuon sa pag-aaral sa kaalaman. Kilala rin ito sa tawag na teorya ng kaalaman dahil sa pag-imbestiga nito sa tunay na kalikasan ng kaalaman, kung paano ito nakukuha, ano-ano ang mga halaga nito, at kung may hangganan ba ito. Sa pormal na paliwanag, iniimbestigahan nito ang kalikasan ng katotohanan, paniniwala, rasyonalidad, at pangangatuwiran. Halimbawa ng mga tanong na sinasagot ng mga epistemologo ang: "sa paanong (mga) kaparaanan makukuha ang kaalaman?", "paano nagiging totoo ang katotohanan?", at "magagawa ba nating mapatunayan ang relasyon ng mga sanhi?"
Madalas pinag-aaralan sa epistemolohiya ang kaalamang deklaratibo o ang kaalamang alam ng isang tao (hal. si Corazon Aquino ang unang babaeng pangulo ng Pilipinas). Gayunpaman, sakop din ang kaalamang praktikal o ang kaalamang nalaman ng tao (hal. pagmamaneho ng sasakyan).
Isa sa mga saklaw ng pag-aaral ng epistemolohiya ang paghahanap sa kahulugan ng kaalaman. Naniniwala ang mga epistemologo na ang kaalaman ay ang pagsasama ng iba't ibang bahagi; hinahanap nila kung ano-anong bahagi ang mga yon. Namamayani sa larangan ang teorya na merong tatlong bahagi ang kaalaman: isa itong paniniwalang totoo at makatuwiran (). Gayunpaman, maraming problema ang lumitaw sa pananaw ito, ayon sa Amerikanong epistemologong si Edmund Gettier; ang problemang ito ay kilala ngayon bilang mga problemang Gettier.
Pinag-aaralan din sa epistemolohiya ang paraan paano nakuha ang kaalaman. Kalimitang galing ang kaalaman mula sa persepsyon, introspeksyon, alaala, hinuha, at testimonya. May dalawang nangungunang pananaw patungkol dito: empirisismo na naniniwalang galing lahat ang kaalaman mula sa karanasan, at rasyonalismo na naniniwala namang nanggagaling ang ilang anyo ng kaalaman, tulad ng kaalamang likas (), na hindi nangangailangan ng karanasan at likas na'ng alam ng isang indibidwal.
Sanggunian
Pagsipi
Bibliograpiya
Link sa labas
|
656
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Metapisika
|
Metapisika
|
Isang sangay ng pilosopiya ang Metapisika (mula sa kastila metafísica), at may kaugnayan ito sa mga agham-pangkalikasan, tulad ng pisika, sikolohiya at ang biyolohiya ng utak; at sa mistisismo, relihiyon at mga paksang espirituwal. Napakahirap tukuyin ang kahulugan ng metapisika, ngunit bilang pagpapakilala ng paksang ito sa mga di-pilosopo, maaari nating sabihin na pag-aaral ito tungkol sa mga pinakabuod at pinagbabatayang mga kaisipan at paniniwala tungkol sa pinakapuso ng kalikasan ng tunay na nandito at umiiral, na nagsisilbi namang pinakasahig ng iba pang mga kaisipan at paniniwala—tulad ng pagmemeron, pag-iral, pangsanlahat, kakanyahan, kaugnayan, kasanhian, kalunanan, kapanahunan, pangyayari at maraming iba pa.
Isang dahilan na nakakapagpahirap sa pagpapaliwanag kung ano ang metapisika ang napakalaking pagbabago na pinagdaanan ng sangay na ito mula nang pangalanan ng mga patnugot ni Aristoteles ang sangay ng ito maraming daantaon na ang nakakalipas. Maraming problemang hindi dati-rating ibinibilang na pangmetapisika ang naidagdag sa metapisika. Meron namang dating itinuturing na mga problemang pangmetapisika ang nakaugalian nang ilipat sa ibang nakahiwalay na sangay ng pilosopiya, tulad ng pilosopiya ng relihiyon, pilosopiya ng pag-iisip, pilosopiya ng pagdama, pilosopiya ng wika at pilosopiya ng agham. Napakahabang oras ang maaaksaya kung babanggitin ang lahat ng problemang tinataglay, o dati-rating naging bahagi, ng metapisika.
Ang maaari nating tawagin na "pinakasentrong" mga problema sa metapisika ay ang mga problemang lagi nang itinuturing na pangmetapisika at di-kailanman itinuring na di-pangmetapisika. May pagkakahawig ang mga problemang pangmetapisika sa mga ibinibilang na mga problema ng ontolohiya, "ang agham ng pag-iral sa katalagahan ng pag-iral" (basahin ang ontolohiya).
Iba naman ang pakiwari ng ibang mga tradisyon ng pilosopiya tungkol sa mga problemang pangmetapisika kumpara sa tradisyon ng pilosopiya sa Kanluran; tulad ng Taoismo at iba pang Pilosopiya sa Silangan na hindi sumasang-ayon sa mga pangunahing simulain ng metapisika ni Aristoteles, na naging bahagi na at di-tinututulan sa pilosopiya sa Kanluran, bagaman merong ilan sa Kanluran na may ibang pananaw sa metapisika tulad ni Georg Wilhelm Friedrich Hegel sa kanyang Agham ng Lohika.
Pinagmulan ng salitang 'metapisika'
Nagsulat ng maraming aklat ang sinaunang pilosopong Griego na si Aristoteles na tinipon at pinangalanang Pisika. Sa nauna nitong edisyon, iniayos ang mga sinulat ni Aristoteles ayon sa paksa; at may pangkat ng aklat na inilagay kasunod ng pisika. Tinatalakay ng mga aklat na ito ang pangunahin at pangsaligang bahagi ng pagsasaliksik ng pilosopiya na hindi pa noon napapangalanan. Kaya tinawag ng mga sinaunang dalubhasa na maka-Aristoteles ang mga aklat na ito na τὰ μετὰ τὰ φυσικά, "ta meta ta physika", na nangangahulugang "ang (mga aklat na inilagay) kasunod ng (mga aklat sa) pisika." Kaya, ito ang pinagmulan ng salitang 'metapisika' (sa Griego, μεταφυσικά).
Kaya sa pagsusuri ng salitang-ugat, metapisika ang paksa ng mga aklat ni Aristoteles, na sama-samang pinangalanan na metapisika. 'Paksa ng metapisika ni Aristoteles' ang pang-etimolohiyang kahulugan ng metapisika.
Nahahati ang metapisika sa tatlong bahagi, na itinuturing ngayon na mga tradisyunal na sangay ng Kanluraning metapisika; ito ang (1) ontolohiya, (2) teolohiya ni Aristoteles at (3) agham na pangsanlahat. Meron ding mas maigsing mga sulatin na iba ang tinatalakay, tulad ng talasalitaang pampilosopiya, na sinisikap ipaliwanag ang pilosopiya sa mas malawak nitong kahulugan, at mga sipi mula sa pisika na tuwirang kinopya ang mga salita.
Ontolohiya ang pag-aaral ng pagmemeron, pag-iral; may tradisyunal itong pakahulugan na "ang agham ng pag-iral sa katalagahan ng pag-iral" Teolohiya, nangangahulugan ito dito na pag-aaral tungkol sa Diyos o sa 'mga diyos' at ang mga tanong tungkol sa mga bagay na makadiyos.
Agham na pangsanlahat ang pag-aaral na dapat tumalakay sa mga pangunahing simulain ni Aristoteles, na pinagbabatayan ng iba pang pagsasaliksik, tulad ng simulain tungkol sa batas ng kawalang-kontradiksiyon: Hindi maaaring umiral ang isang bagay at sa parehong kaparaanan ay sabay itong hindi umiral. Hindi puwedeng sabay na merong santol at walang santol. Hindi rin puwede na kulay asul ang lahat at kasabay naman na kulay pula ang lahat. Tinatalakay ng "Agham na Pangsanlahat" o "Unang Pilosopiya" ang pag-iral sa katalagahan ng pag-iral —- na ibig sabihin, ano ang pinagbabatayan ng lahat ng agham (pag-aaral), bago pa idagdag ang mga sari-saring kaalaman ng anumang agham. Kabilang dito ang kasanhian, kaibuturan, katangian at taglay na sangkap ng mga bagay.
Mga Halimbawa
Minsan, napakahirap unawain maging ang mismong paksa ng metapisika. Maaari sigurong makatulong ang pagbibigay ng maituturing natin na mga payak na halimbawa bilang pambungad sa mga problema ng metapisika.
Ilarawan natin sa ating isipan na nasa loob tayo ng isang silid, at merong hapag sa gitna ng silid, at sa gitna ng hapag, merong malaki, sariwa, masarap at hinog na santol. Maaari tayong magbigay ng maraming tanong na pangmetapisika tungkol sa santol. Sana, makatulong ito upang maunawaan natin kung ano ang metapisika.
Magandang halimbawa ng isang pisikal na bagay ang isang santol: puwede itong damputin, ihagis, kainin at iba pa. Meron itong pook (kalunanan) at oras (kapanahunan) na kinalalagyan at may mga taglay itong katangian (kulay, timbang, hugis, at iba pa). Kung itatanong natin, ano ba ang mga pisikal na bagay? Parang hindi masasagot ang ganitong uri ng tanong. Paano at ano ang gagamitin natin upang ipaliwanag kung ano ang mga pisikal na bagay? Ngunit pinagsisikapan ng mga pilosopo na masagot ang ganitong uri ng mga tanong sa malawakang pamamaraan. Itinatanong nila: kung pinagsama-samang katangian ba ang mga pisikal na bagay? O mga kaibuturan ba ito na merong mga ganoong katangian? Na maaari nating tawagin na problema ng kaibuturan o pagkabagay.
Narito ang isa pang uri ng tanong. Sinasabi natin na may katangian ang santol, tulad ng pagiging malaki, pagiging sariwa, pagiging masarap at pagiging hinog. Paano ba ang pagkakaiba ng katangian sa iba't ibang mga bagay?
Pansinin na sinasabi nating may katangian ang mga bagay tulad ng santol. Ngunit magkaiba ang pagkasantol at ang pagkahinog. Maaari nating kunin ang santol, ngunit hindi nating maaaaring makuha ang pagkahinog. Maaari lamang tayong makakuha ng pagkahinog kapag nakalapat ang katangiang ito sa isang prutas. Ngunit pansinin na iba pa rin ang pagkahinog ng mangga sa pagkahinog ng isang santol o pagkahinog ng isang pinya. Kaya, paano na ba natin uunawain kung ano ang "katangian"? Ito ang problema ng pangsanlahat.
Narito ang isa pang tanong tungkol sa kung ano ang mga pisikal na bagay: kailan natin masasabi sa pangkalahatan na pumasok na papunta sa pag-iral ang mga pisikal na bagay at kailan natatapos ang pag-iral nito?
Tiyak natin na maaaaring magbago ang isang santol pero nandito pa rin ito; hindi ito nawawala. Maaari itong mangitim at mabulok, ngunit santol pa rin ito. Hindi maaaring maging bayabas ang isang santol. Ngunit kapag kinain ang santol, hindi lamang ito nagbago, tuluyan na rin itong nawala. Ang mismong pagkasantol nito ang natapos. Kaya bahagi ng pag-aaral ng metapisika ang mga tanong tungkol sa kakanyahan (identity), ang pananatili ng isang bagay sa kanyang pag-iral sa loob ng kanyang kapanahunan, hanggang sa sumailalim ito sa pagbabago, at kalaunan, ang mismong pagkawala (nothingness) nito.
Umiiral ang isang santol sa isang kalunanan (nakalagay ito sa isang hapag sa gitna ng isang silid) at sa isang kapanahunan (nakalagay ito ngayon; hindi ito nakalagay noong isang linggo at wala na ito sa susunod na sanglinggo). Ngunit paano nga ba uunawain ang kalunanan (space) at kapanahunan (time)? Bilang halimbawa, maaari ba nating sabihin na isang di-nakikitang koneksiyon ng mga linya sa tatlong kasukatan (dimensiyon) ang kalunanan, na kinalalagyan ng santol at iba pang mga pisikal na bagay? Kung halimbawang alisin natin ang santol at iba pang mga pisikal na bagay sa pag-iral: mananatili ba sa pag-iral ang kalunanan? May ibang nagsasabi na "hindi", na sa kawalan ng mga pisikal na bagay, naglalaho rin ang kalunanan, dahil balangkas lamang ito kung paano natin inuunawa ang kaugnayan ng mga pisikal na bagay. Marami pang ibang tanong na pangmetapisika na maiuugnay sa kalunanan at kapanahunan.
Meron pang kakaibang mga tanong sa metapisika. Isang uri ng bagay ang santol; kung nasa silid din si Maria, at sinasabi nating may isip si Maria, tiyak na sasabihin nating iba ang pag-iral ng isip ni Maria sa pag-iral ng santol. Maaari nating sabihin na di-materyal ang isip ni Maria, samantalang materyal na bagay naman ang santol. Hindi rin yata tama na sabihing nasa isa lamang pook ang isip ni Maria, dahil hindi natin maaaring ikulong sa isang silid ang kanyang isip. Ngunit may tiyak at tukoy na kinalalagyan ang santol (sa ibabaw ng hapag na nasa gitna ng silid). Ngayon, paano naman nating ipapakita ang kaugnayan ng isang kalagayang-pangkaisipan, tulad ng pagpapasyang kumain, sa isang pisikal na pangyayari, ang mismong pagkain ng santol? Paano ang ugnayan ng kasanhian sa pagitan ng isip at katawan kung talagang magkaiba ang mga ito? Ito ang suliranin ng isip-katawan na nakaugalian na ngayong ilipat sa nakakababang sangay ng pilosopiya, na tinatawag na pilosopiya ng pag-iisip. Ngunit may ibang pilosopo na nagtuturing na bahagi ng metapisika ang suliranin ng isip-katawan.
Ang nabanggit sa itaas ang mga halimbawa ng mga problemang pangmetapisika. Marami pang ibang mga problema na tinatalakay sa metapisika.
Mga Nakakababang Sangay ng Metapisika
May mga sangay na ibinibilang ngayon o tradisyunal na ibinibilang na mga sangay ng metapisika:
Ontolohiya
Pilosopiya ng relihiyon
Pilosopiya ng pag-iisip
Pilosopiya ng pagdama
Mga Paksa at Problema sa Metapisika
Kakanyahan
Pagbabago
Mga Teknikal na Salita sa Metapisika
abstrakto -- kongkreto -- pag-iral -- pagmemeron -- kaurian ng pag-iral -- at iba pa!
Basahin din
Pilosopiya
Matatagpuan sa seksiyong ito ang iba pang may kaugnayang mga sulatin. (Patuloy na madaragdagan)
Nakaturo sa Panlabas
Roque J. Ferriols, S.J., Sapagkat ang Pilosopiya ay Ginagawa
Roque J. Ferriols, S.J., Pambungad sa Kursong Pilosopiya
Metaphysics 1 and Metaphysics 2 , Pambungad sa Metapisika ni Paul Newall, para sa mga baguhan.
Ontolohiya. Isang gabay para sa mga pilosopo
Salin ni W. D. Ross
Salin ni Hugh Tredennick (HTML at Perseus)
Metapisika ni Aristoteles sa Stanford Encyclopedia of Philosophy
Stefan Amsterdamski, Between Experience and Metaphysics. Boston Studies in the Philosophy of Science 35. Dordrecht—Boston, Reidel, 1975.
The Ideal Made Real or Applied Metaphysics For Beginners ni Christian D. Larson
Ways of Seeing: A common sense exploration of modern metaphysics.
|
657
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Epistemolohiya
|
Epistemolohiya
|
Ang Epistemolohiya (mula sa kastila epistemología) ay isang sangay ng pilosopiya na tumatalakay sa kalikasan, pinagmumulan at saklaw ng kaalaman.
Theaetetus
Ang sinulat na Theaetetus ni Platon (Plato) ang pinakamahalagang pagsisikap na bigyang-kahulugan ang "kaalaman".
Kaalaman ang totoo (tama) at matuwid na paniniwala.
Ipinapahiwatig ng kahulugang ito na hindi natin maaaring sabihin na may "alam" ang isang tao kung basta lamang siya naniniwala at saka lamang ito mapapatunayang totoo. Maaaring magsaya at maniwala ang isang maysakit, na walang alam sa medisina, na gagaling siya kaagad sa kanyang sakit. Sa bandang huli, maaaring tama nga siya at magkaroon ng kaugnayan ang katotohanan at paniniwala, lalo na at para na ring pagpapatunay ang kagalingang idinulot ng kanyang lakas-ng-loob. Ganun pa man, maraming pilosopo ang magsasabi na hindi alam ng maysakit na gagaling siya dahil walang sapat na katwiran para panghawakan niya ang kanyang paniniwala.
Alinsunod sa gamit ng epistemolohiya, hindi tinutukoy ang "paniniwala" bilang pagtitiwala o pagsampalataya sa isang bagay. Ginagamit ang salitang "paniniwala" sa diwa na sinasang-ayunan ang katotohanan ng isang pahayag. Ayon sa ganitong gamit ng salita, maaari nating timbangin kung tama o mali ang paniniwala. Kung naniniwala si Jenny na totoo ang "x", at talagang totoo ang "x", samakatuwid tama ang paniniwala ni Jenny. Ngunit ayon sa Theaetetus, upang ituring na "kaalaman" ang paniniwala, dapat meron itong sapat at angkop na katwiran. Makikita ang kaibahan ng "kaalaman" sa isang "tunay na paniniwala" sa pamamagitan ng pangangatwiran; at malaking bahagi ng epistemolohiya ang tumatalakay kung paanong bibigyang-katwiran ang mga tunay na paniniwala. Minsan ding tinatawag ito na teoriya ng pangangatwiran.
Sumasang-ayon ang kahulugan ng Theaetetus sa alam nating lahat, na kaya nating paniwalaan ang mga bagay kahit hindi natin ito lubusang alam. Bagaman kinakailangan (lohikal na kondisyon) na "totoo ang 'p'" kapag sinasabing "may alam tayo sa 'p'", hindi ito kakailanganin kung sasabihing "may paniniwala tayo sa 'p'", dahil maaari tayong magkaroon ng maling paniniwala. Ipinapahiwatig din nito na pinaniniwalaan natin ang anumang alam na natin. Ibig sabihin, isang maliit na bahagi (subset) ng pinaniniwalaan natin ang mga bagay na alam natin.
Bagaman ang tatlong kondisyon na ito ang kailangan para sa kahulugan ng "kaalaman", patuloy pa rin ang debate kung ito'y "sapat" na. May binabanggit si Edmund L. Gettier na mga pagkakataon kung saan naroon ang tatlong kondisyon, ngunit lumalabas na hindi pa rin nararating ang kinakailangang kaalaman.
Hindi pa napapagkaisahan kung ano ang mga paniniwalang epistemolohikal na magbibigay sa tao ng pinakaeksaktong pagkakaunawa sa kaalaman, o ang mga kaisipang bumubuo dito, ang katotohanan – o bilang pagpapakumbaba, ang pagkakakaisa kung isa lamang ang katotohanan. May paniniwalang epistemolohikal ang lahat ng tao, kahit na di namamalayan, dahil kahit pa tayo nakakapag-isip, hindi natin mauunawaan at magagawang himayin ang mga kaisipan hangga't hindi muna tayo nagkakaroon ng sistema para tanggapin at ihanda ang mga kaisipang ito. Nagtataglay ng panimula at hindi pa napapaunlad na kakayanang epistemolohikal ang lahat ng tao - kahit pa ang mga bata, ayon kay Piaget. Ngunit, maaaring magsimula ang mga nag-aaral ng pilosopiya sa pagsusuri kung paanong gumagana ang kania-kanilang epistemolohiya, at paunlarin ang kanilang epistemolohiya sa pamamagitan ng bago nilang mga natuklasan.
Pagbibigay-Katwiran
Kung pumapayag tayo na maaari nating makita ang kaibahan ng kaalaman sa tamang paniniwala batay sa katwiran nito, masasabi natin na ang pinakasentrong tanong sa epistemolohiya ay "ano ang pinakamabisang paraan upang bigyang-katwiran ang isang tamang paniniwala?"
Irasyunalismo
Merong mga paraan ng pagbibigay-katwiran sa kaalaman na hindi bunga ng katinuan ng pag-iisip (di rasyunal). Iyon bang, hindi nito tinatanggap na dapat maging lohikal at may tamang kadahilanan ang pagbibigay-katwiran. Nagmula ang Nihilismo sa isang materyalistiko at pampolitika na pilosopiya, ngunit minsan din itong itinuturing na isang maling aral na nagsasabing walang katwiran ang kaalaman—mali dahil sinasalungat nito ang mismong paniniwala nito na di maaaring magkaroon ng kaalaman, ngunit siguro para sa isang nihilista, walang masama kahit pa salungatin ng isang tao ang kanyang sarili.
Binibigyang-katwiran ng Mistisismo ang mga pahayag nito sa pag-angkin ng isang direktang ugnayan sa isang karanasang banal. Para sa mga taong pinalad na magkaroon ng ganitong karanasan, hindi na mahalaga para kanila kung parang hindi nagkakatugma ang kanilang mga sinasabi, dahil hindi yata maaaring unawain ng isip ng tao ang karanasang banal sa isang paraang may malinaw na balangkas.
Rasyunalidad
Kung hindi natin itatanggi na merong rasyunalidad (kung tinatanggap natin ang kahalagahan ng katinuan), ngunit nais nating panghawakan na hindi maaari at hindi nabibigyang-katwiran ang anumang kaalaman, matatawag tayong mga Iskeptiko (sceptic). May mas malalim na pagkakaugat ito sa pilosopiya, dahil sa pagtanggap ng mga iskeptiko na may bisa ang katwiran, maaari nilang ilahad ang kanilang mga pagpapatunay para dito.
Halimbawa, sinasabi sa patunay sa paraang panunumbalik (regress argument) na maaaring bigyang-katwiran ang isang pahayag. Kung may kasunod na pahayag na ibubunga ang pagbibigay-katwiran, dapat din itong bigyang-katwiran, ganun din ang mga kasunod pa nito. Kaya naman para itong isang walang katapusang panunumbalik, na kung saan binibigyang-katwiran ng iba pang mga pahayag ang bawat pahayag. Napakahirap at di maaaring tiyakin kung sapat ang bawat pagbibigay-katwiran, kaya humahantong sa iskeptisismo ang paggamit sa ganitong sunod-sunod na pangangatwiran.
Sa kabilang banda, maaari nating sabihin na may mga pahayag tungkol sa kaaalaman na hindi nangangailangan ng pagbibigay-katwiran. Malaking bahagi ng kasaysayan ng epistemolohiya ang kuwento ng magkakasalungat na aral pampilosopiya na may kakaibang kahalagahan ang ganito o ganyang pahayag tungkol sa kaaalaman. Ito ang pananaw na tinatawag na Pundasyunalismo (Foundationalism).
Maaari din na iwasan ang patunay sa paraang panunumbalik kung ipapalagay na isang pagkakamali ang ibatay ang katotohanan ng isang pahayag sa tulong na ibinibigay ng iba pang mga pahayag. Pinanghahawakan ng Koherentismo (Coherentism) na hindi nabibigyang-katwiran ang pahayag tungkol sa kaaalaman sa pamamagitan ng maliit na sangbahagi (subset) ng iba pang pahayag, tanging ang kabuuan ng mga pahayag na ito ang makakapagbigay-katwiran. Ibig sabihin, makatwiran ang isang pahayag kung sanggawi (coheres), isang direksiyon ang tinatahak nito na umaayon, sa iba pang mga pahayag na kasama sa sistema. Sa ganitong paraan, naiiwasan nito ang problema ng "walang katapusang panunumbalik" (infinite regress), kahit pa hindi nito itinuturing na may kakaibang kahalagahan ang ganito o ganyang pahayag. Maaari din naman na sanggawi lamanag ang sistema ngunit mali pa rin ito; ipinapakita nito ang kahirapang tiyakin na may katotohanan, na nagiging "kapwa-tugon" (corresponds), na tumutugma, sa buong sistema.
Mga Pahayag na Sintetiko at Analitiko
Merong mga pahayag na mukhang hindi na kailangang bigyang-katwiran upang maunawaan ang kahulugan. Halimbawa, pag-isipan natin ang pahayag na ang kapatid ng tatay ko ay aking tiyuhin. Kung tama ang pahayag na ito batay sa kahulugan ng mga terminong nakapaloob dito, mukhang hindi na kailangan na hingian pa ito ng pangangatwiran upang mapatunayang totoo. Tinatawag ng mga pilosopo ang ganitong mga pahayag na "analitiko". Sa mas teknikal nitong kahulugan, analitiko ang isang pahayag kapag kalakip/tinataglay ng kaisipan ng pasimuno (subject) ang kaisipan ng panaguri (predicate). Sa ibinigay na halimbawa, taglay ng kaisipan na "kapatid ng tatay ko" (pasimuno) ang kaisipan na "tiyuhin" (panaguri). Di ganitong kapayak ang lahat ng pahayag na analitiko. Itinuturing na analitiko ang mga pahayag sa matematika.
May magkaiba namang mga pasimuno at mga panaguri ang mga pahayag na "sintetiko". Halimbawa, ang kapatid ng tatay ko ay sobra ang bigat. Maraming bagay ang maaaring sumobra sa timbang, hindi lang ang matabang kapatid ng tatay ko.
Bagamat nakita na ni David Hume ang ganitong uri ng kaisipan, mas naging malinaw ang pagkilala dito ni Kant, at binigyan ng pormal na anyo ni Frege. Isinulat ni Wittgenstein sa Tractatus na "walang kaisipang ipinapahayag" ang mga pahayag na analitiko. Ibig sabihin, wala itong bagong kaalaman na ibinibigay sa atin. Kaya, totoo man na hindi na kailangang bigyang-katwiran ang mga pahayag na analitiko, balewala din dahil wala tayong matututunan mula dito.
Mga Teoriyang Epistemolohiko
Karaniwan para sa mga taong walng kwenta at walang ari
na pang-epistemolohiya na iwasan ang iskeptisismo sa paggamit ng paraan ng Pundasyunalismo. Kaya, ipinapalagay nila na may mga pahayag na taglay ang kakaibang kahalagahang pang-epistemolohiya—mga pahayag na hindi nangangailangan ng pagbibigay-katwiran. Maaari nating pagbukud-bukurin ang mga teoriya na pang-epistemolohiya ayon sa uri ng mga pahayag na pilit binibigyan ng kakaibang kahalagahan.
Rasyunalismo
Naniniwala ang mga Rasyunalista na may mga kaisipan na sa ganang sarili ay di matatagpuan sa karanasan. Nabibigyang-katwiran ang mga kaisipang ito na kahiwalay sa mga karanasan ng iba't ibang tao. May mga kaisipang hinahango sa mismong balangkas ng isipan ng tao o umiiral na kahiwalay ng ating isip. Kung may hiwalay itong pag-iral, mauunawaan lamang ito ng ating isip kung may taglay na tayong sapat na katalinuhan.
Si Cartesio (Descartes) ang pinakamahalagang halimbawa ng pananaw na rasyunalista, na nagsabing "Nag-iisip ako kaya umiiral ako"; isa itong paanyaya sa iskeptiko na tanggapin ang katotohanan na sa ginagawa niyang pag-aalinlangan, nangangahulugan na merong nag-aalinlangan. Hinango ni Spinoza mula sa sistema ng rasyunalista na meron lamang isang pinag-uugatang batayang-likas (substance), ang Diyos. Para naman sa sistema ni Leibniz di mabibilang sa dami ang mga pinag-uugatang batayang-likas, ang tinatawag niyang mga "monad".
Empirisismo
Para sa Empirisista, bunga ng karanasan ng tao ang kaaalaman. May mahalagang papel sa teoriya ng empirisismo ang mga pahayag ng pagmamasid. Pinanghahawakan ng "Payak na Emperisismo" (Naive empiricism) na kailangang suriin sa panukat ng realidad ang ating mga kaisipan at teoriya; at tanggapin o tanggihan ang mga pahayag batay sa "pagkakatugma" (pagiging kapwa-tugon) nito sa mga "patunay".
Maiuugnay natin sa agham ang empirisismo. Bagaman hindi natin maaaring pagdudahan ang pagkaepektibo ng agham, hindi pa rin natatapos ang debate sa pilosopiya tungkol sa paano at bakit nagtatagumpay ang agham. Minsan na sinang-ayunan ang paniniwala na dahil sa pamamaraang pang-agham kaya natagumpay ang agham, ngunit ang mga nagsusulputang mga tanong sa pilosopiya ng agham ang nagpapalakas sa koherentismo.
Payak na Realismo
"Payak na Realismo" (Naïve realism, Common-Sense realism) ang pinakatuwirang teoriya ng pagdama. Nakatatag ito sa ugnayang pangkasanhian, kung saan
ang isang bagay na umiiral ang sanhi para makita natin ito. Kaya, maaari nating sundan ang ating pahayag, na nananatili ang daigdig sa kinalalagyan nito kapag nararamdaman natin ito – ibig sabihin, naroon pa rin ang silid kahit na umalis na tayo sa loob nito. Kabaligtaran naman ang solipsismo (na nagsasabing hindi maaaring umiral ang isang bagay kung walang nakakaramdaman dito). Marami ang nagsasabing may kahinaan ang pananaw na ito dahil sa napakaraming paraan kung paano nararamdaman ang isang bagay – sa pagpunta sa iba't ibang sulok ng isang silid, iba-iba rin ang makikitang hugis ng isang hapag.
May-Sagisag na Realismo
Hindi tulad ng "Payak na Realismo", pinapahalagahan ng "May-Sagisag na Realismo" ang mga isinasaad ng ating pandamdam (ang paraan kung paanong binibigyang-sagisag ang mga bagay, hindi lamang ang di nagbabagong bagay sa matematika). - ito ang nagpapagana sa talukbong ng pagdamdam, kung saan hindi natin matiyak kung talagang umiiral ang hapag na tinitingnan natin dahil walang obhetibong patunay sa pag-iral nito.
Idealismo
Pinaghahawakan ng Idealismo na ang tinutukoy natin at nararamdaman natin na panlabas na daigdig ay walang iba kundi ang ating bungang-isip. Halimbawa, walang kaugnayan sa panlabas na daigdig ang mga pahayag na analitiko tulad sa matematika, at itinuturing ang mga ito na magandang halimbawa ng mga pahayag sa kaalaman. Iba-iba ang naging mga pananaw na idealista nina George Berkeley, Immanuel Kant at Hegel.
Penomenalismo
Nagmula ang Penomenalismo sa pahayag ni George Berkeley na ang pag-iral ay ang kakayanang maramdaman. Ayon sa penomenalismo, kapag nakakakita tayo ng isang "punong-kahoy", ang nakikita natin ay ang nararamdamang kulay at hugis. Sa ganitong pananaw, hindi dapat ituring ang mga bagay na umiiral ayon sa kanilang kakaibang kakanyahan na nakikipagdaupang-palad sa ating pakiramdam; sa halip, masasabi nating ang talagang umiiral ay ang pagdamdam.
Mga Pamamaraan Ngayon
Batay sa dalawang uri, na pundasyunalismo at koherentismo, ang karamihan sa mga pag-aaral ngayon sa epistemolohiya.
Kailan lamang, sinikap ni Susan Haack na pagsamahin ang dalawang pamamaraang ito sa tinatawag niyang pundaherentalismo (foundherentalism), na binibigyan ng iba't ibang antas ng kaugnay na tiwala ang mga pahayag batay sa pagtatalaban ng dalawang pamamaraan. Matatagpuan ito sa kanyang aklat na "Evidence and Inquiry: Towards Reconstruction in Epistemology".
Tungkol sa paghula ng madalas mangyari ang reliabilismo.
Halimbawa, ang pagsasabi na kayang umingles ng isang tao ay maaaring patunayan ng isang nagsasalita ng Ingles.
Dalawa ang paraan upang makapagbigay ng mapagkakatiwalaang pangagatwiran:
Panlabas- (Mapagkakatiwalaan, hal. isang duktor na nagsusuri sa akin) at
Panloob- (Di Mapagkakatiwalaan, hal. umaasa sa pakiramdam ng aking mga kasu-kasuan)
Ngunit paano natin malalaman na tama ang isang mapagkakatiwalaan?
Kapag may mali sa programa ng isang kompyuter, mapagkakatiwalaang hindi ito tama.
Basahin din
Matatagpuan sa seksiyong ito ang iba pang may kaugnayang mga sulatin. (Patuloy na madaragdagan)
Pilosopiya
Metapisika
Nakaturo sa Panlabas
"Kaalaman" ba ang "Tama at Makatwirang Paniniwala" (Is Justified True Belief Knowledge?) mula sa Analysis, Vol. 23, pp. 121–23 (1963) ni Edmund L. Gettier, sa pagkakasulat ni Andrew Chruckry (13 Setyembre 1997).
Groovyweb
Philosophy online
|
658
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Etika
|
Etika
|
Huwag itong ikalito sa aestetika.
Etika o palaasalan ang pangkalahatang termino na madalas inilalarawan na "agham ng moralidad". Sa pilosopiya, ang etikal na pag-uugali ay ang "kabutihan". Ito ang isa sa tatlong pangunahing paksa ng pagsasaliksik sa pilosopiya, kasama ang metapisika at lohika.
'Ang layunin ng teoriya ng etika ay ang timbangin kung ano ang mabuti, para sa bawat isa at para sa buong lipunan. Iba-iba ang paninindigan ng mga pilosopo sa kanilang pagbibigay-kahulugan sa kung ano ang kabutihan, sa kung paano tatalakayin ang nagsasalungatang pampersonal na prayoridad laban sa panlahat, sa mga pangsanglahat na prinsipyong pang-etika laban sa "etikang pangsitwasyon" na nagsasabing batay sa sitwasyon ang pagiging mabuti at hindi dahil sa isang pangkalahatang batas, at kung batay sa bunga ng isang kilos ang kabutihan o batay sa uri ng pamamaraan kung paanong narating ang isang resulta.' (Jennifer P. Tanabe, Contemplating Unification Thought)
Kasaysayan ng Etika
Nagsimula sa mga sinaunang Griego, at ng mga sumunod na mga Romano, ang pormal na pag-aaral ng etika sa isang seryoso at analitikong pamamaraan. Kabilang sa mga mahahalagang etisistang Griego ang mga Sopista (Sophists), sina Sokrates (Socrates), Platon (Plato) at Aristoteles (Aristotle), na may-akda ng naturalismong pang-etika (ethical naturalism). Pinalalim pa ang pag-aaral ng etika sa ilalim ni Epicurus at ng kilusang Epicureanismo, at ni Zeno at mga Istoiko.
Bagaman hindi tinalakay sa isang pormal at analitikong pamamaraan, may malalim na interes sa paksa ng etika ang mga sumulat ng Bibliang Hebreo, at sa paglipas ng daantaon, ang Bagong Tipan at ang Apokripa. Sa mga gustong magsiyasat ng etika sa mga paksang ito, basahin ang sulating Etika sa Biblia; may kaugnay din itong sulatin, Etika sa relihiyon na may mas malawak na paksang tumatalakay sa pagkakabuo ng etika sa mga pangunahing relihiyon.
Bumagal ang pormal na pag-aaral ng pilosopiya noong gitnang panahon sa Europa, at muli lamang itong sumigla sa mga panulat ni Maimonides, Santo Tomas de Aquino (Thomas Aquinas) at iba pa. Nang panahong ito, naging mahalaga ang debate tungkol sa pagkakabatay ng etika sa batas ng kalikasan at batas ng Diyos.
Pinasimulan ang makabagong kanluraning pilosopiya sa mga akda nina Thomas Hobbes, David Hume at Immanuel Kant. Sinundan ito ng mga utilitariano, na sina Jeremy Bentham at John Stuart Mill. Walang tiyaga si Friedrich Nietzsche sa mga makalumang pananaw ng etika at kinalaban ang mga sistemang ito. Umunlad ang pag-aaral ng analitikong etika sa ilalim nina G. E. Moore at W. D. Ross, na sinundan ng mga emotibista, na sina C. L. Stevenson at A. J. Ayer. Nagmula naman sa manunulat na si Jean Paul Sartre ang existentialismo. Merong mga makabagong pilosopo na may seryosong akda sa etika tulad nina John Rawls, Elliot N. Dorff, Christine Korsgaard at Charles Hartshorne.
Mga Sangay ng Etika
Sa pilosopiya ng analitika, tradisyunal na hinahati ang etika sa tatlong sangay: Meta-etika, Normatibong etika at Praktikal na etika.
Meta-etika
Meta-etika ang pagsasaliksik sa kalikasan ng mga pahayag sa etika. Kabilang sa mga tanong nito ang: Nababagay ba sa katotohanan ang mga pahayag sa etika, ibig sabihin, may kakayanan ba itong maging tama o mali, o ang mga ito ba, bilang halimbawa, ay pahayag lamang ng damdamin? Kung nababagay sa katotohanan ang mga pahayag sa etika, may pagkakataon bang tuluyan na itong nagiging totoo? Tinatawag na nihilismong pangmoral ang posisyon na mali ang lahat ng mga pahayag sa etika. Kung may pagkakataon na nagiging tama ito, ano ang kalikasan ng mga katotohanang ipinapahayag nito? At sukdulan ba ang pagiging tama nito, o lagi ba itong may kaugnayan sa isang tiyak na tao, lipunan o kultura? (Basahin ang relatibismong pangmoral, relatibismong pangkultura.) Isa sa mga pinakamahalagang sangay ng pilosopiya ang meta-etika.
Pinag-aaralan sa meta-etika ang kalikasan ng mga pahayag at kaugalian sa etika. Kabilang dito ang mga tanong kung ano ang "mabuti" at "tama", kung meron at paano natin nalalaman kung ano ang mabuti at tama, kung may di nababagong batayan ang mga pagpapahalagang moral. at kung paano nakakaepekto sa ating mga pagkilos ang ating mga kaugalian sa etika. Madalas na batay ito sa isang listahan ng pangsukdulang moral, tulad ng isang panrelihiyong kodigong moral, malinaw man ito o hindi. May ibang nagsasabi na isang anyo ng meta-etika ang estetika.
Normatibong Etika
Nagsisilbing tulay ng "meta-etika" at "praktikal na etika" ang normatibong etika. Pinagsisikapan nitong marating ang mga pamantayang moral na maaaring isabuhay, na makakatulong sa malinaw na pagkilatis ng tama at mali, at kung paanong magkaroon ng isang moral na pamumuhay.
Isang sangay ng normatibong etika ang teoriya ng pag-uugali; ito ang pag-aaral ng tama at mali, ng obligasyon at pahintulot, ng tungkulin, ng kung ano ang nakatataas at higit sa tawag ng tungkulin, at kung ano ang mali sa pagiging masama. Nagsusulong ng pamantayan ng moralidad, o ng mga kodigong moral / mga alituntunin, ang teoriya ng pag-uugali. Halimbawa, ang mga sumusunod ang mga uri ng mga alituntunin na tinatalakay ng teoriya ng pag-uugali (bagaman may pagkakaiba ang bawat teoriya batay sa taglay na antas ng mga alituntunin nito): "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo"; "Nagbubunga ng sobrang kaligayahan para sa higit na nakararami ang tamang gawain"; "Masama ang magnakaw."
Isang sangay ng normatibong etika ang teoriya ng pagpapahalaga; na tinitingnan ang mga bagay na itinuturing na mahalaga. Kung napagpasyahan natin na meron mga bagay na likas ang pagiging mabuti o mas mahalaga ito kaysa ibang mga bagay na likas ang kabutihan, kasunod nating itatanong kung "ano ang ibig sabihin nito sa ating buhay?" Itinatanong din ng teoriya ng pagpapahalaga: Anong uri ng mga bagay ang mabuti? Ano ang ibig sabihin ng pagiging "mabuti"? Maaaring literal ang kahulugan nito ng "mabuti" at "masama" para sa sambayanan.
Ganito ang mga itinatanong sa teoriya ng pagpapahalaga: Anong uri ng mga sitwasyon ang mabuti? Lagi bang mabuti ang pagpapasarap-buhay? Mabuti ba kung pantay-pantay sa kaginhawahan ang lahat ng tao? May likas na kabutihan ba ang pag-iral ng mga magagandang bagay?
Praktikal na Etika
Inilalapat ng Praktikal na etika (Applied ethics) ang normatibong etika sa ilang kontrobersiyal na usapin. Halimbawa, ang sumusunod ang mga tanong sa praktikal na etika: "moral ba ang aborsyon?"; "moral ba ang euthanasia"; "ano ba ang mas malalim na kahulugan ng patakaran ng apirmatibong aksiyon?"; "may karapatan ba ang mga hayop?"
Mas pangunahin ang kakayanang magbuo ng tanong kaysa pagtimbang ng mga karapatan.
Hindi nangangahulugan na tungkol sa mga pampublikong patakaran ang lahat ng tanong na pinag-aaralan sa praktikal na etika. Halimbawa: Lagi bang mali ang pagsisinungaling? Kung hindi, kailan ito pinapayagan? Ang kakayanang makagawa ng mga etikal na pagpapasya ang mas nauuna kaysa anumang seremonya ng paggalang.
Kabilang sa mga halimbawa ng praktikal na etika ang sumusunod:
Aborsyon, mga paksang legal at moral
Mga karapatang panghayop
Biyo-etika
Etika sa Kalakalan
Katarungang kontra-krimen
Etika na Pangkapaligiran (environmental ethics)
Peminismo
Mga karapatan ng mga "gay"
Makatarungang pakikidigma, teoriya ng
Etika sa Medisina
Etika ng Utilitariano
Biyo-etika ng Utilitariano
Nailapat na ang etika sa ekonomiya, politika at agham pampolitika,
na nagbibigay-daan sa ilang hiwalay at di-kaugnay na mga larangan ng praktikal na etika, kabilang ang Etika sa Kalakalan at Marxismo.
Nailapat na rin ang etika sa balangkas ng pamilya, sa seksuwalidad at sa mga pananaw ng lipunan sa gampananin ng bawat isa, pati na rin sa pagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan, ang peminismo.
Pati sa digmaan, nailapat ang etika upang talakayin ang pasipismo (pagpapatahimik) at pagkontra sa paggamit ng karahasan.
Sinusuri din sa etika ang paggamit ng tao sa mga limitadong likas na kayamanan ng daigdig. Pinag-aaralan ito sa etika na pangkapaligiran at ekolohiyang panlipunan. Pinapaburan ngayon na pagsamahin ang ekolohiya at ekonomiya upang pag-aralan kung paanong magkakaroon ng mapangalagang pagpapasya para sa paggamit ng kapaligiran. Nagbigay-daan ito sa mga teoriya ng bakas-paa ng ekolohiya at pagsasariling biyorehiyonal. Kabilang sa mga kilusang panlipunan at pampolitika na nakabatay sa mga kaisipang ito ang eko-peminismo, eko-anarkismo, malalimang ekolohiya, ang green movement, at mga kaisipan na maaaring ipasok sa pilosopiyang Gaia.
Inilapat ang etika sa kriminolohiya na nagbigay-daan sa pag-aaral ng katarungang kontra-krimen.
Maraming nakakababang sangay sa praktikal na etika na sinusuri ang mga problemang pang-etika ng iba't ibang mga propesyon, kabilang ang etika sa kalakalan, etika sa medisina, etika sa inhinyeria at etika sa batas, habang pinag-aaralan sa pagsusuri ng teknolohiya at pagsusuri ng kapaligiran ang mga bunga at mga kaakibat ng mga bagong teknolohiya at mga proyekto para sa kalikasan at lipunan. Inilalarawan ng bawat sangay ang mga karaniwang paksa at problema na lumilitaw, at tinutukoy ang mga karaniwang tungkulin sa publiko, o ang sundin ang mga inaasahan ng lipunan para sa matapat na pakikitungo at pag-uulat.
Mga Pangunahing Aral sa Etika
Nagsulong ang mga pilosopo ng mga nagtutunggaliang sistema para ipaliwanag kung paanong pipiliin ang pinakamabuti para sa bawat isa at para sa lipunan. Walang sistema na sinasang-ayunan ng lahat. Kabilang sa mga pangunahing aral sa etika ang sumusunod:
Etika batay sa utos ng Diyos (Divine command ethics)
Konsekwensiyalismo (Consequentialism)
Etikang pambirtud (Virtue ethics)
Panlipunang kontrata, teoriya ng
Etika ng tamang sukat (Ethical fitnessism)
Etika ng iskeptisimo
Etika ng relatibismo
Etika ng subhetibismo
Nihilismo
Etika ng egoismo
Hedonismo
Di-Hedonistikong Etika ng egoismo
Utilitarianismo
Deontolohiya ni Immanuel Kant
Prinsipyong Utilitariano-Kantiano (Cornman, Lehrer)
Etikang Mapaglarawan
May ilang pilosopong gainagawang batayan ang etikang mapaglarawan at ang mga pagpapasyang ginagawa at hindi tinututulan ng lipunan o kultura upang pagkunan ng mga pangkat na kadalasang ayon sa pagkakagamit. Binbigyang daan nito ang etikang pangsitwasyon (situational ethics) at etikang nasa-sitwasyon (situated ethics). Itinuturing ng mga pilosopong ito na mas pangunahin ang estetika, kagandahang-asal at arbitrasyon, na parang isang matinding pagkulo at pagsingaw 'mula ilalim papunta sa itaas' na nagpapahiwatig, sa halip na tuwirang tumutukoy, sa teoriya ng pagpapahalaga at teoriya ng pag-uugali. Sa mga pananaw na ito, hindi nanggaling mula sa itaas patungong pababa ang etika, na isang uri ng pilosopiyang (itinatanggi nila ang salitang ito) "a priori"; sa halip, mga pagsusuri ng mga talagang naging pasya sa karanasan ang mahigpit na pinagbabatayan:
Inilalapat ng iba't ibang mga samahan ang mga kodigo ng etika. May ilan na nagsasabing nakabatay sa estetika ang etika – at merong pampersonal na buod na pangmoral na umuunlad sa ilalim ng sining at paglalahad ng mga kuwento, na may malaking bahaging ginagampanan sa mga susunod pang etikal na pagpapasya.
Mga di-pormal na teoriya ng kagandahang-asal (etiquette) na di gaanong pinag-ibayo at mas batay sa sitwasyon. Merong mga nagsasabi ng negatibong etika ang kagandahang-asal, tulad ng "paano ba iniiwasan ang mga nakakabagabag na katotohanan nang hindi gumagawa ng mali?" Isang kilalang sumasang-ayon sa pananw na ito si Judith Martin ("Miss Manners"). Sa pananaw na ito, etika ang pinakabuod ng mga karaniwang alam natin na mga panlipunang pasya.
Ang mga pagsasanay sa arbitrasyon at batas, halimbawa sa isinasaad ni Rushworth Kidder na etika mismo ang pagtitimbang sa "pagitan ng tama at kapwa tama", ang pagpapasya kung alin ang dapat unahin sa dalawang bagay na kapwa mabuti, ngunit kailangang maingat na ipagpalit batay sa sitwasyon. Para sa iba, may kakayanan ang pananaw na ito na baguhin ang etika bilang kasanayan, ngunit hindi kasing laganap ng kaisipan ng mga pananaw 'estetika' at 'mga karaniwang alam' na binanggit sa itaas.
Mga napansing pagpapasya ng mga karaniwang tao, na hindi inihingi ng tulong at payo sa mga eksperto, sa kanilang pagboto, pagbili at iba pang mga pasya na handang ipaglaban. Ito ang mga pangunahing paksa ng sosyolohiya, agham pampolitika at ekonomiya.
Madalas na tahasan ang hindi pagsang-ayon sa normatibong etika ng mga pumapanig sa mga paraang mapaglarawan, maliban sa kilusan para sa mas moral na pagbibili.
Ang Pananaw na Analitika
Makabago at mas batay sa karanasan ang mapaglarawang pananaw sa etika. Dahil mas malalim na tinatalakay ang mga nasabing paksa sa sarili nitong mga sulatin, mas bibigyang-pansin ng mga paliwanag sa ibaba ng sulating ito ang mga pormal na pampaaralang kategoriya mula sa sinaunang pilosopiya ng mga Griego, lalo na ang kay Aristoteles.
Una sa lahat, kailangang alamin natin ang kahulugan ng pangungusap na pang-etika, na tinatawag ding normatibong pangungusap. Pangungusap na pang-etika ang ginagamit upang makapagbigay ng isang positibo o negatibong (moral) na pagtitimbang tungkol sa isang bagay. Gumagamit ng salita ang mga pangungusap na pang-etika, tulad ng "mabuti", "masama", "tama", "mali", "imoral" at iba pa. Narito ang ilang halimbawa:
"Mabuting tao si Sally."
"Hindi dapat magnakaw ang mga tao."
"Hindi makatarungan ang hatol sa kaso."
"Magandang katangian ang pagiging matapat."
Ihambing naman natin ang mga pangungusap na hindi pang-etika na walang ibinibigay na moral na pagtimbang sa anumang bagay. Maibibigay nating halimbawa ang sumusunod:
"Matangkad si Sally."
"May kumuha ng radyo ko sa kotse."
"Napawalang-sala siya sa kaso."
"Maraming tao ang manloloko."
Etika batay sa kaso
Ang pagtutok sa iba't ibang mga kaso ang madalas gamiting paraan sa praktikal na etika. Hindi nagkataon lamang na ganito din ang pamamaraan sa pagtuturo ng pagnenegosyo at batas. Kasuwistriya (casuistry) ang isang pinaglalapatan ng pangangatwiran na batay sa kaso dito sa praktikal na etika.
Nagbigay ng isang pananaw na mas nakatutok sa lipunan si Bernard Crick noong 1982, na politika lamang ang praktikal na etika, na ganito ang paraan kung paano dapat tutukan ang mga kaso, at ang mga "birtud na pampolitika" ang kinakailangan kapag nagkakabanggaan ang moralidad at pangangailangan. Ito at ang iba pang makabagong pangsanglahat ang tinatalakay sa seksiyon ng "Etikang Pandaigdig" (Global Ethics).
Balewala ba ang Etika?
Ipinapalagay ng buong larangan ng etika na may di pabagu-bago at laging nagsasang-ayunang mga paglalarawan, pagpapasya at pantay-pantay na paglalapat ng otoridad. Ngunit mas maraming gawaing kaugnay sa paghatol ang kinakailangan ng mga pananaw na higit ang pagsang-ayon sa pagtutok sa iba't ibang mga kaso. Bilang halimbawa, hindi maaaring turuan ang isang robot na gumawa ng pagpapasyang etika, dahil mangangailangan ito ng kakayanang makipagkapwa at tunay na karunungan. Ngunit kung may kompyuter na may kakayanang makipagkapwa at tunay na karunungan, maaaring itong turuan ng etika.
Wala bang katulad ang bawat kaso? Maaari. Mahirap iugnay ang pananaw na likas ang etika at nakaugat sa pampersonal na buod pangmoral o estetika sa nabanggit na mga pormal na kategoriya kaysa sa mismong meta-etika.
Itinuturing ng ilang etisista na katulad din ito ng mistisimo o narsisismo, na pinapayagan ang sinuman, na kumikilalang 'mas mataas kaysa etika' ang mga estetikang pagpili, na bigyang-katwiran ang lahat.
Mapapansin na nagmula ang terminong etika sa sinaunang Griego na ethos na nangangahulugang karakter na moral. Samantala, nangangahulugang mga alituntuning panlipunan o kagandahang-asal o pagbabawal ng lipunan ang salitang mores na pinanggalingan ng moralidad. Sa makabagong panahon, tila nagkakapalit ang mga kahulugang ito, nagiging isang panlabas na agham ang "etika" habang tumutukoy naman sa panloob na karakter o pagpili ang "moral". Ngunit ang mas mahalaga ay makita ang hidwaan sa pagitan ng panloob at panlabas na tagapagtulak ng mga pagpapasyang moral.
Etika sa Relihiyon
Merong mga sulatin sa Etika sa relihiyon at Etika sa Biblia.
Etika sa Sikolohiya
Sa pagsapit ng dekada 60, umunlad ang interes sa pangangatwirang moral.
Nagsimula ang mga sikolohistang sina Abraham Maslow, Carl Rogers, Lawrence Kohlberg, Carol Gilligan at iba pa, na ilagay sa panulat ang etikang rasyunal, at sinikap na ipahayag ang mga pangsanglahat na antas ng kakayanan at kamulatang moral. Merong mga nagsasabi na mas mataas kaysa pakikipagrelasyon ang mga prinsipyong rasyunal, ngunit hindi sang-ayon ang lahat.
Politika
Madalas na may anyo sa batas at politika ang mga pagsisikap na ito bago maging bahagi ng normatibong etika. Ang UN Declaration of Universal Human Rights ng 1948 at ang Global Green Charter ng 2001 ang dalawang halimbawa. Ngunit sa pagpapatuloy ng digmaaan at pagsulong ng teknolohiya ng mga sandata para sa malawakang pamumuksa, malinaw na hindi katanggap-tanggap ang paggamit ng karahasan bilang paraan para marating ang pagkakasundo.
Ang pangangailangan na muling suriin at ilayo ang politika mula sa ideolohiya at ilapit sa pagkakasundo ang nagbunsod kay Bernard Crick para isulat ang listahan ng mga birtud na pampolitika.
Balewala ba ang Etika?
Ipinapalagay ng buong larangan ng etika na may di pabagu-bago at laging nagsasang-ayunang mga paglalarawan, pagpapasya at pantay-pantay na paglalapat ng otoridad. Ngunit mas maraming gawaing kaugnay sa paghatol ang kinakailangan ng mga pananaw na higit ang pagsang-ayon sa pagtutok sa iba't ibang mga kaso. Bilang halimbawa, hindi maaaring turuan ang isang robot na gumawa ng pagpapasyang etika, dahil mangangailangan ito ng kakayanang makipagkapwa at tunay na karunungan. Ngunit kung may kompyuter na may kakayanang makipagkapwa at tunay na karunungan, maaaring itong turuan ng etika.
Wala bang katulad ang bawat kaso? Maaari. Mahirap iugnay ang pananaw na likas ang etika at nakaugat sa pampersonal na buod pangmoral o estetika sa nabanggit na mga pormal na kategoriya kaysa sa mismong meta-etika.
Itinuturing ng ilang etisista na katulad din ito ng mistisimo o narsisismo, na pinapayagan ang sinuman, na kumikilalang 'mas mataas kaysa etika' ang mga estetikang pagpili, na bigyang-katwiran ang lahat.
Mapapansin na nagmula ang terminong etika sa sinaunang Griego na ethos na nangangahulugang karakter na moral. Samantala, nangangahulugang mga alituntuning panlipunan o kagandahang-asal o pagbabawal ng lipunan ang salitang mores na pinanggalingan ng moralidad''. Sa makabagong panahon, tila nagkakapalit ang mga kahulugang ito, nagiging isang panlabas na agham ang "etika" habang tumutukoy naman sa panloob na karakter o pagpili ang "moral". Ngunit ang mas mahalaga ay makita ang hidwaan sa pagitan ng panloob at panlabas na tagapagtulak ng mga pagpapasyang moral.
Etika sa Relihiyon
Merong mga sulatin sa Etika sa relihiyon at Etika sa Biblia.
Etika sa Sikolohiya
Sa pagsapit ng dekada 60, umunlad ang interes sa pangangatwirang moral.
Nagsimula ang mga sikolohistang sina Abraham Maslow, Carl Rogers, Lawrence Kohlberg, Carol Gilligan at iba pa, na ilagay sa panulat ang etikang rasyunal, at sinikap na ipahayag ang mga pangsanglahat na antas ng kakayanan at kamulatang moral. Merong mga nagsasabi na mas mataas kaysa pakikipagrelasyon ang mga prinsipyong rasyunal, ngunit hindi sang-ayon ang lahat.
Politika
Madalas na may anyo sa batas at politika ang mga pagsisikap na ito bago maging bahagi ng normatibong etika. Ang UN Declaration of Universal Human Rights ng 1948 at ang Global Green Charter ng 2001 ang dalawang halimbawa. Ngunit sa pagpapatuloy ng digmaaan at pagsulong ng teknolohiya ng mga sandata para sa malawakang pamumuksa, malinaw na hindi katanggap-tanggap ang paggamit ng karahasan bilang paraan para marating ang pagkakasundo.
Ang pangangailangan na muling suriin at ilayo ang politika mula sa ideolohiya at ilapit sa pagkakasundo ang nagbunsod kay Bernard Crick para isulat ang listahan ng mga birtud na pampolitika.
Mga Kaugnay na Paksa (sa pilosopiya)
Deontolohiya
Epistemolohiya
Kagandahang-asal
Kabutihan
Meta-etika
Moralidad
Ontolohiya
Pagtitiwala
Katotohanan
Teoriya ng pagpapahalaga
Etikang pambirtud
Tingnan din
Basahin ang listahan ng mga paksang etika para sa mga espesyal at nakalapat na paksa.
Basahin ang listahan ng mga etisista para sa mga palaisip na iniambag ang kanilang mga kaisipan.
Etikang pangmilitar
|
660
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagluluto
|
Pagluluto
|
Ang pagluluto ay ang gawa ng paghahanda ng pagkain para kainin. Pinapaligiran ito malawak na sakop ng mga paraan, kagamitan, at pagkakasama-sama ng mga sangkap upang mapabuti ang lasa at/o ang madaling pagtunaw ng pagkain sa tiyan. Sa pangkalahatan, kailangan nito ang pagpili, pasukat at pagsama-sama ng mga sangkap sa isang maayos na paraan sa pagsisikap na makamit ang ninanais na resulta. Kabilang sa pagpipigil ng pagkatagumpay ang pagkakaiba-iba ng sangkap, kalagayan ng kapaligiran, kagamitan at ang kasanayan ng taong nagluluto.
Sinsangkot ng madalas ng pagluluto, bagaman hindi palagi. May mga katibayan sa arkeolohiya ng mga nilutong pagkain (parehong karne at gulay) sa mga tirahan ng mga tao mula pa noong sa pinakamaagang kilala ng paggamit ng apoy.
Mga bisa ng pagluluto
Kung ginamit ang pagiinit, maaari na mamatay ang mga mikrobyo (depende sa temperatura, ang oras ng pagluluto, at ang paraan na ginamit) at palambutin ang pagkain. Mapanganib ang temperaturang 4 hanggang 60 °C (45 hanggang 140 °F) na napapanis ang karamihan sa mga pagkain dahil sa nabubuhay ang bakterya at kailangang maiwasan para sa kaligtasan ng mga produkto ng karne, manukan, at gatasan. Di namamatay ang mga bakterya sa paglalamig o paglapat ng yelo ngunit bumabagal ang kanilang pagdami.
Pinapayuhan ng mga taga-taguyod ng pag-diyeta sa mga hilaw na pagkain laban sa paggamit ng init sa paghahanda ng pagkain: pinaniniwalaan nila na sinisira ng temperatura na higit sa 41 °C (106 °F) ang mga kailangang ensima sa pagkain, na sa paniwala nila ang kailangan sa nararapat na patunaw ng pagkain at nutrisyon (tandaan: habang sa pagtutunaw, mabilis na masira ang mga protina, kabilang ang mga ensima, ng mga pepsin sa tiyan.
Pamamaraan sa pagluluto
Ilan sa mga pangunahing pamamaraan sa mainit na pagluluto:
Pagluluto sa hurno
Pagdadarang
FlashBake
Pagkukulo
Pagkulo at paglagay sa malamig na tubig (blanching)
Paginit sa kaunting tubig (braising)
Pagluluto sa mababang init (coddling, simmering)
Dobleng pinausukan
Pagtitimpla
Pagluluto na may presyon
Pinausukan
Pagluluto sa vacuum flask
Pagbababad (Steeping)
Pagpapangat
Pagsisigang
Pagpipirito
Pagpipritro sa madaming mantika (deep frying)
Pagpipirito na may asin (hot salt frying)
Pagpipirito na may itim na buhangin (hot sand frying)
Pagpipirito sa kawali
Pagpipirito na may presyon
Paggigisa (sauteeing)
Paggigisang hinahalo (stir frying)
Pagluluto sa microwave
Paglilitson
Pagiihaw
Pagiihaw na diretso sa apoy (grilling)
Pagpapaso (searing)
Paglilitson na iniikot (rotisserie)
Pagtitinapa
Paglalaga
Ibang paraan sa paghahanda na di iniinit
Pagbababad sa asin (brining)
Pagpapatuyo
Paggigiling
Pagbababad
Pagtatadtad
Pagaatsara/pagbuburo
Pagaasinan
Pagbibigay lasa (seasoning)
Pagpapatubo ng buto (sprouting)
Tingnan din
May mga partikular na pamamaraan at sangkap na kadalasan sa isang rehiyon lamang matatagpuan. Tignan ang mga tradisyonal na pagluluto (Cuisine) para sa karagdagan impormasyon tungkol sa maraming rehiyonal at etnikong tradisyon na pagkain. Tignan din ang kasulatan sa pagluluto para sa mga ilang may-akda ng mga aklat sa pagluluto, pagkain at ang kasaysayan sa pagkain.
Mga kagamitan sa pagluluto
Mga bigat at sukatan sa pagluluto (kabilang ang pagpapalit at pagpaparis na karaniwan sa pagluluto)
Kalinisin ng pagluluto at pagkain
Pananatili ng pagkain
Listahan ng mga aklat sa pagluluto
Listahan ng mga kubyertos sa paghahanda ng pagkain kabilang ang mga saucepan, kawali, wok at iba pa.
Tradisyonal na pagluluto (Cuisine)
Resipe
Para sa listahan ng mga resipe, tignan ang listahan ng mga resipe at ang listahan ng mga kakteil. Tignan din ang pagkaing staple.
Kultura at sining
|
843
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Enero%201
|
Enero 1
|
Ang Enero 1 ay ang unang araw ng taon sa Kalendaryong Gregorian, at mayroon pang 364 (365 kung bisyestong taon) na araw ang natitira. Ipinagdiriwang din ang pista ng Bagong Taon tuwing Enero 1.
Ang ika-una ng Enero ay naging opisyal sa mga sumusunod:
1522 Venice
1544 Holy Roman Empire (Germany)
1556 Spain, Portugal
1559 Prussia, Sweden
1564 France
1576 Timog Netherlands
1579 Lorraine
1583 United Provinces ng Netherlands (sa hilaga)
1600 Scotland
1700 Russia
1721 Tuscany
1752 Great Britain at ang mga colonies nito
Pangyayari
153 BC – Ang mga Konsuldaong Romano ay nagsisimula ng termino sa opisina.
45 BC – Ang Kalendaryong Huliyano ay unang naisabatas.
630 – Ang Muhammad ay umalis patungong Mecca na kasama ang mga hukbo na sumakop dito nang walang pagkitil sa mga buhay.
1001 – Ang Dakilang Prinsipe Esteban I ng Unggarya ay ipinangalanan sa unang hari ng Hungary ni Pope Silvester II.
1259 – Si Miguel VIII Paleologo ay ipinahayag na ka-emperador ng Imperyo ng Niseya kasama ni Juan IV Laskaris.
1438 – Si Albert II of Habsburg ay naging hari Unggarya.
1515 – Si King Francis I ng Pransiya ay umupo sa trono ng Pransiya.
1527 – Ang mga maharlikang Croatian ay bumoto kay Ferdinand I ng Austria bilang Hari ng Croatia sa Parlamento sa Cetin.
1959 -- Napatalsik ng rebel army sa pamumuno ng abugadong si Fidel Castro ang diktador at Presidente ng Cuba na si Fulgencio Batista.
1973 -- Naging kasapi ang United Kingdom sa European Economic Community.
1978 -- Tumakas ang editor ng pahayagan na si Donald Woods sa South Africa dahil sa apartheid regime ng bansa, at nakarating sa London.
1995 -- Natagpuang nakabigti ang serial killer na si Fred West.
2000 -- Ipinagdiriwang ng buong mundo ang Bagong Milenyo.
2002 -- Ipinakilala ang Euro sa mga bansa sa Europa.
2009 – Ang pamahalaan ng Republika ng Tsina ay tumanggap sa Pinyin bilang opisyal na Romanisasyong Intsik (bago nito, ang madalas gamitin ay ang Tongyong Pinyin).
Kapanganakan
1892 - Manuel Roxas, dating pangulo ng Pilipinas (namatay 1948)
1977 - Jerry Yan
Kamatayan
510 – Eugendus, French saint (b. 449)
680 – Javanshir, Albanian king (b. 616)
898 – Odo of France (b. 860)
962 – Baldwin III, Count of Flanders (b. 940)
1204 – Haakon III of Norway (b. 1170)
1387 – Charles II of Navarre (b. 1332)
1515 – Louis XII of France (b. 1462)
1559 – Christian III of Denmark (b. 1503)
1560 – Joachim du Bellay, French poet and critic (b. 1522)
1617 – Hendrik Goltzius, Dutch painter and illustrator (b. 1558)
1697 – Filippo Baldinucci, Florentine historian and author (b. 1624)
1716 – William Wycherley, English playwright (b. c.1641)
1748 – Johann Bernoulli, Swiss mathematician and academic (b. 1667)
1759 – Jacques-Joachim Trotti, marquis de La Chétardie, French diplomat (b. 1705)
1766 – James Francis Edward Stuart, English son of James II of England (b. 1688)
1782 – Johann Christian Bach, German composer (b. 1735)
1789 – Fletcher Norton, 1st Baron Grantley, English lawyer and politician, British Speaker of the House of Commons (b. 1716)
1793 – Francesco Guardi, Venetian painter (b. 1712)
1796 – Alexandre-Théophile Vandermonde, French mathematician and chemist (b. 1735)
1817 – Martin Heinrich Klaproth, German chemist and academic (b. 1743)
1846 – John Torrington, English soldier and explorer (b. 1825)
1853 – Gregory Blaxland, Australian farmer and explorer (b. 1778)
1862 – Mikhail Ostrogradsky, Ukrainian mathematician and physicist (b. 1801)
1881 – Louis Auguste Blanqui, French activist (b. 1805)
1892 – Roswell B. Mason, American politician, 25th Mayor of Chicago (b. 1805)
1894 – Heinrich Hertz, German physicist and academic (b. 1857)
1896 – Alfred Ely Beach, American publisher and lawyer, created the Beach Pneumatic Transit (b. 1826)
1906 – Hugh Nelson, Scottish-Australian politician, 11th Premier of Queensland (b. 1835)
1918 – William Wilfred Campbell, Canadian poet and author (b. 1858)
1919 – Mikhail Drozdovsky, Russian general (b. 1881)
1921 – Theobald von Bethmann-Hollweg, German politician, 5th Chancellor of Germany (b. 1856)
1922 – István Kühár, Slovene priest and politician (b. 1887)
1931 – Martinus Beijerinck, Dutch microbiologist and botanist (b. 1851)
1937 – Bhaktisiddhanta Sarasvati, Indian religious leader, founder of the Gaudiya Math (b. 1874)
1940 – Panuganti Lakshminarasimha Rao, Indian author and educator (b. 1865)
1944 – Charles Turner, Australian cricketer (b. 1862)
1944 – Edwin Lutyens, English architect, designed the Castle Drogo and Thiepval Memorial (b. 1869)
1953 – Hank Williams, American singer-songwriter and guitarist (Drifting Cowboys) (b. 1923)
1954 – Duff Cooper, English politician and diplomat, Chancellor of the Duchy of Lancaster (b. 1890)
1954 – Leonard Bacon, American poet and critic (b. 1887)
1955 – Arthur C. Parker, American archaeologist and historian (b. 1881)
1955 – Shanti Swaroop Bhatnagar, Indian chemist and academic (b. 1894)
1957 – Seán South, Irish Republican Army volunteer (b. 1928)
1957 – Fergal O'Hanlon, Irish Republican Army volunteer (b. 1936)
1958 – Edward Weston, American photographer (b. 1886)
1960 – Aimé Clariond, French actor (b. 1894)
1960 – Margaret Sullavan, American actress and screenwriter (b. 1909)
1965 – Emma Asson, Estonian historian and politician (b. 1889)
1966 – Vincent Auriol, French journalist and politician, 16th President of the French Republic (b. 1884)
1969 – Bruno Söderström, Swedish pole vaulter and javelin thrower (b. 1888)
1971 – Amphilochius of Pochayiv, Ukrainian saint (b. 1894)
1972 – Maurice Chevalier, French actor and singer (b. 1888)
1973 – Sergei Kourdakov, Russian KGB agent (b. 1951)
1978 – Don Freeman, American author and illustrator (b. 1908)
1980 – Pietro Nenni, Italian journalist and politician, Italian Minister of Foreign Affairs (b. 1891)
1981 – Hephzibah Menuhin, American-Australian pianist (b. 1920)
1982 – Victor Buono, American actor (b. 1938)
1984 – Alexis Korner, French-English singer-songwriter and guitarist (Blues Incorporated and Collective Consciousness Society) (b. 1928)
1985 – Sigerson Clifford, Irish poet, playwright, and civil servant (b. 1913)
1987 – Jack Latham, American actor, and journalist (b. 1914)
1989 – Aleka Stratigou, Greek actress (b. 1926)
1992 – Grace Hopper, American computer scientist and admiral, co-developed COBOL (b. 1906)
1994 – Arthur Porritt, Baron Porritt, New Zealand physician and politician, 11th Governor-General of New Zealand (b. 1900)
1994 – Cesar Romero, American actor, singer, and dancer (b. 1907)
1994 – Edward Arthur Thompson, Irish historian and academic (b. 1914)
1995 – Eugene Wigner, Hungarian-American physicist and mathematician, Nobel Prize laureate (b. 1902)
1995 – Fred West, English serial killer (b. 1941)
1996 – Arleigh Burke, American admiral (b. 1901)
1996 – Arthur Rudolph, German engineer (b. 1906)
1997 – Ivan Graziani, Italian singer-songwriter and guitarist (b. 1945)
1997 – Townes Van Zandt, American singer-songwriter, guitarist, and producer (b. 1944)
1998 – Helen Wills, American tennis player and coach (b. 1905)
2000 – Colin Vaughan, Australian-Canadian journalist and activist (b. 1931)
2001 – Ray Walston, American actor and singer (b. 1914)
2002 – Julia Phillips, American film producer and author (b. 1944)
2003 – Dumitru Tinu, Romanian journalist (b. 1940)
2003 – Joe Foss, American pilot, politician, and broadcaster, 20th Governor of South Dakota (b. 1915)
2003 – Royce D. Applegate, American actor and screenwriter (b. 1939)
2005 – Eugene J. Martin, American painter (b. 1938)
2005 – Shirley Chisholm, American educator, politician, and author (b. 1924)
2006 – Dawn Lake, Australian comedian, actress, and singer (b. 1927)
2006 – Harry Magdoff, American economist and journalist (b. 1913)
2006 – Hugh McLaughlin, Irish publisher, invented the Water hog (b. 1918)
2007 – Darrent Williams, American football player (b. 1982)
2007 – Leon Davidson, American chemist and engineer (b. 1922)
2007 – Roland Levinsky, South African-English biochemist and academic (b. 1943)
2008 – Harold Corsini, American photographer and educator (b. 1919)
2008 – Peter Caffrey, Irish-English actor (b. 1949)
2008 – Pratap Chandra Chunder, Indian educator and politician (b. 1919)
2008 – Salvatore Bonanno, American mobster (b. 1932)
2009 – Aarne Arvonen, Finnish super-centenarian (b. 1897)
2009 – Claiborne Pell, American captain and politician (b. 1918)
2009 – Nizar Rayan, Palestinian Hamas leader (b. 1962)
2009 – Sheikh Ahmed Salim Swedan Kenyan terrorist (b. 1960)
2010 – Lhasa de Sela, American-Mexican singer-songwriter (b. 1972)
2011 – Flemming Jørgensen, Danish singer-songwriter, bass player, and actor (Bamses Venner) (b. 1947)
2011 – Marin Constantin, Romanian composer and conductor (b. 1925)
2012 – Alessandro Liberati, Italian physician and epidemiologist (b. 1954)
2012 – Bob Anderson, English fencer, stuntman, and choreographer (b. 1922)
2012 – Carlos Soria, Argentinian lawyer and politician (b. 1948)
2012 – Fred Milano, American singer (The Belmonts and Dion and the Belmonts) (b. 1939)
2012 – Kiro Gligorov, Bulgarian-Macedonian lawyer and politician, 1st President of the Republic of Macedonia (b. 1917)
2012 – Nay Win Maung, Burmese physician, businessman, and activist (b. 1962)
2012 – Tommy Mont, American football player and coach (b. 1922)
2012 – Yafa Yarkoni, Israeli singer and actress (b. 1925)
2013 – Barbara Werle, American actress and singer (b. 1928)
2013 – Christopher Martin-Jenkins, English journalist (b. 1945)
2013 – Michael Patrick Cronan, American graphic designer (b. 1951)
2013 – Patti Page, American singer and actress (b. 1927)
2013 – Yuri Alexandrov, Russian boxer (b. 1963)
2014 – Higashifushimi Kunihide, Japanese monk and educator (b. 1910)
2014 – Juanita Moore, American actress (b. 1914)
2014 – Michael Glennon, Australian priest (b. 1944)
2014 – Pete DeCoursey, American journalist (b. 1961)
2014 – William Mgimwa, Tanzanian banker and politician, 13th Tanzanian Minister of Finance (b. 1950)
2015 – Boris Morukov, Russian physician and astronaut (b. 1950)
2015 – Donna Douglas, American actress and singer (b. 1933)
2015 – Jeff Golub, American guitarist (b. 1955)
2015 – Mario Cuomo, American lawyer and politician, 52nd Governor of New York (b. 1932)
2015 – Ninón Sevilla, Cuban-Mexican actress and dancer (b. 1929)
2015 – Omar Karami, Lebanese lawyer and politician, 58th Prime Minister of Lebanon (b. 1934)
2020
Don Larsen, American baseball pitcher (b. 1929)
David Stern, NBA commissioner (b. 1942)
Mga pista
Maraming mga bansa sa buong daigdig na ginagamit ang Kalendaryong Gregorian - Araw ng Bagong Taon; madalas na pinagdiriwang sa ganap na 0:00 kasama ang mga paputok.
Katolisismo: Maria, Ina ng Diyos
Kawing panlabas
BBC: On This Day
Araw
1
|
844
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Enero%203
|
Enero 3
|
Ang Enero 3 ay ang ika-3 na araw ng taon sa Kalendaryong Gregorian, at mayroon pang 362 (363 kung leap year) na araw ang natitira.
Pangyayari
1431 – Si Juana ng Arko ay ibinigay kay Obispo Pierre Cauchon.
1496 – Si Leonardo da Vinci ay nabigo sa pagsubok ng isang lumilipad na makina.
1870 – Ang pagpapagawa sa Tulay ng Brooklyn ay nagsimula.
1921 – Ang Turkiya ay nakipagkapayapaan sa Armenya.
1925 – Si Benito Mussolini ay nagpahayag na siya ay magpapatupad ng kapangyarihang diktaduryal sa Italya.
1959 – Ang Alaska tinanggap bilang ang ika-49 na Estado ng Estados Unidos.
2009 – Ang mga hukbo ng Israel ay lumaban sa Gaza.
Kapanganakan
1892 - J. R. R. Tolkien
1956 - Mel Gibson, Amerikanong/Australyanong aktor
1970 - Abraham Kahlil Mitra
Kamatayan
2020 - Qasem Soleimani, Iranian major general (kapanganakan 1957)
2023 - Joseph Koo, Hongkongang kompositor at tagapag-ayos (kapanganakan 1931)
Kawing Panlabas
BBC: On This Day
Araw
3
|
847
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Hunyo%2012
|
Hunyo 12
|
Ang Hunyo 12 ay ang ika-163 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-164 kung leap year), at mayroon pang 202 na araw ang natitira.
Pangyayari
1898 – Inihayag ni Hen. Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya.
1942 – Holocaust: Nakatanggap si Anne Frank ng talaarawan noong ika-labintatlong kaarawan niya.
1964 – Pinarusahan ng habang buhay na pagkakabilanggo si Nelson Mandela sa Timog Aprika dahil sa pag-laban niya sa apartheid.
1991 – Inihalal ng mga Ruso si Boris Yeltsin bilang pangulo ng kanilang bansa.
Kapanganakan
1924 – George H. W. Bush, Amerikanong politiko, Ika-41 Pangulo ng Estados Unidos (namtay 2018)
1929 – Anne Frank, Tanyag na biktima ng Holocaust (namatay 1945)
1959 – John Linnel, Amerikanong singer-songwriter at musikero
1978 – Yumiko Shaku, Haponesang modelo at aktres
1986 – Carla Abellana, Pilipinang aktres
2005 – Ryzza Mae Dizon, Pilipinang batang aktres
Kamatayan
816 - Namatay si León III, nakaraang papa.
Panlabas na link
BBC: On This Day
Araw
|
849
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Biyolohiya
|
Biyolohiya
|
Ang haynayan o biyolohiya (Ingles: biology) ay ang makaagham na pag-aaral ng mga nabubuhay na tataghay at mga pamamaraang kasangkot nito. Isa itong agham pangkalikasan na saklaw ang mga paksang tulad ng mga mekanismo ng sihay, sauri't asal ng mga tataghay, kasimulan at kasunlaran ng mga sarihay, at pakikipag-ugnayan ng iba't-ibang palamuhayan.
Ang mga subdisiplina ng biyolohiya ay inilalarawan ayon sa iskala na pinag-aaralang mga organismo at mga pamamaraang ginagamit upang pag-aralan ang mga ito: Ang biyokimika ay nagsisiyasat ng rudimentaryong kimika ng buhay, ang biyolohiyang molekular ay nag-aaral ang mga masalimuot na mga interaksiyon sa pagitan ng mga biolohikal na molekula, ang biolohiyang sihayr ay nagsisiyast ng basikong pantayong bloke ng lahat ng buhay na sihay, ang pisyolohiya ay nagsisiyasat ng mga tungkuling pisikal at kimikal ng mga tisyu, organo at mga sistemang organo ng isang organismo, ang biyolohiyang ebolusyonaryo ay nagsisiyasat ng mga pagbabago na lumilikha ng dibersidad ng buhay, ang ekolohiya ay nagsisiyasat kung paanong ang mga organismo ay nakikipag-ugnayan sa kanilang kapaligiran.
Etimolohiya
Isang makabagong katawagan ang salitang biyolohiya. Ipinakilala ito ni Gottfried Reinhold Treviranus, isang propesor ng panggagamot at matematika sa liseo ng Bremen. Ginamit ni Treviranus ang salita sa loob ng kanyang tratasong Biologie; oder die Philosphie der lebenden Natur noong 1802. Inampon ni Jean-Baptiste Lamarck ang termino. Sa ngayon, ginagamit na ito sa buong mundo.
Ang salitang haynayan ay galing sa mga salitang buhay at kasanayan. Ito ay salitang binuo ng mga purista noong panahon ng Lumang Tagalog na kalauna'y hindi na gaanong ginagamit sa kasalukuyang panahon sa panahon ng Wikang Filipino, ngunit may iba rin namang gumagamit nito.
Mga pundasyon ng modernong biyolohiya
Ang modernong biyolohiya ay pinagkakaisa ng limang mga prinsipyo: ang teoriya ng sihay, ebolusyon, henetika, homeostasis at enerhiya
Teoriya ng selula
Ang teoriya ng selula ay nagsasaad na ang selula ang pundamental na unit ng buhay at ang lahat ng mga nabubuhay na organismo ay binubuo ng isa o higit pang mga selula. Ang lahat ng mga selula ay lumilitaw mula sa ibang mga selula sa pamamagitan ng paghahati ng selula. Sa mga organismong multiselular, ang bawat selula sa katawan ng organismo ay nagmumula sa isang selula sa isang pertilisadong itlog. Ang selula ay ang basikong unit ng maraming mga patolohikal na proseso. Ang phenomenon ng pagdaloy ng enerhiya ay nangyayari sa mga sihay sa mga prosesong bahagi ng tungkuling tinatawag na metabolismo. Ang mga selula ay naglalaman ng impormasyong namamana na DNA na ipinapasa mula selula sa ibang selula habang nangyayari ang paghahati ng selula.
Ebolusyon
Ang isang sentral na konsepto sa biyolohiya ay ang buhay ay nagbabago at umuunlad sa pamamagitan ng ebolusyon at ang lahat ng mga anyo ng buhay ay may isang karaniwang pinagmulan. Itinuturing ng mga biologo ang pagiging pangkalahatan at pag-iral saanman ng kodigong henetiko bilang depinitibong ebidensiya na pumapabor sa teoriya ng pangkalahatang karaniwang pinagmulan ng ebolusyon para sa lahat ng mga bakterya, archaea at mga eukaryote Ang ebolusyon na sinusuportahan ng malaking ebidensiya ang paliwanag na tinatanggap sa agham sa malaking mga pagkakaiba ng mga anyo ng buhay sa mundo. Ang mga species at mga breed ay umuunlad sa pamamagitan ng mga proseso ng natural na seleksiyon at artipisyal na seleksiyon o selektibong pagpaparami ng organismo. Bukod dito, ang Genetic drift ay isa pang karagdagang mekanismo sa pag-unlad na ebolusyonaryo sa modernong sintesis ng ebolusyon. Ang kasaysayang ebolusyonaryo ng species na naglalarawan ng mga katangian ng mga iba't ibang species na pinagmulan nito kasama ng mga relasyong henealohikal nito sa bawat ibang mga species ay kilala bilang piloheniya. Ang mga iba't ibang pamamaraan sa biyolohiya ay lumilikha ng impormasyon tungkol sa piloheniya. Kabilang dito ang paghahambing ng mga sekwensiya ng DNA na isinasagawa sa loob ng biyolohiyang molekular o henomika at paghahambing ng mga fossil o iba pang mga rekord ng mga sinaunang organismo sa paleontolohiya. Isinasaayos at sinisiyasat ng mga biologo ang mga relasyong ebolusyonaryo ng mga species sa pamamagitan ng mga pamamaraang kinabibilangan ng phylogenetics, phenetics, at cladistics.
Ang maraming mga pangyayaring espesiasyon ay lumilikha ng isang puno may istrukturang sistema ng mga relasyon sa pagitan ng mga espesye. Ang papel ng systematika ay pag-aralan ang mga ugnayang ito at mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga species at mga pangkat ng species.
Ang klasipikasyon na taksonomiya at nomenklatura ng mga organismo ay pinanganagsiwaan ng International Code of Zoological Nomenclature, International Code of Botanical Nomenclature, at International Code of Nomenclature of Bacteria para sa mga respektibong mga hayop, mga halaman at bakterya. Ang klasipikasyon ng mga virus, mga viroid, mga prion at lahat ng iba pang mga sub-viral na ahente na nagpapakita ng mga katangiang biolohikal ay isinasagawa ng International Code of Virus classification and nomenclature. Gayunpmana, ang ilang mga sistema ng klasipikasyon ng virus ay umiiral din. Tradisyonal na ang mga nabubuhay na organismo ay hinahati sa limang mga kaharian: ang mga Monera; Protista; Fungi; Plantae; at Animalia.
Gayunpaman, ang klasipikasyong ito ng limang kaharian ay wala na sa panahon. Ang modernong alternatibong mga sistema ng klasipikasyon ay nagsisimula sa sistemang tatlong dominyo: ang Archaea (orihinal Archaebacteria); Bacteria (orihinal na Eubacteria); Eukaryota (kabilang ang mga protist, fungi, halaman, at mga hayop) Ang mga sakop na ito ay sumasalamin kung ang mga sihay ay may nukleyo o wala gayundin sa mga pagkakaiba sa komposisyong kimikal ng mga panlabas ng sihay. Sa karagdagan, ang bawat kaharian ay nahahati pang paulit ulit hanggang ang bawat species ay hiwalay na nauuri. Ang pagkakasunod ay: dominyo(domain), kaharian(kingdom), phylum, klase, orden(order), pamilya (family), genus(genus) at espesye.
Ang pangalang siyentipiko ng isang organismo ay nalilikha mula sa henus at species nito. Halimbawa, ang mga tao ay itinatala bilang mga Homo sapiens. Ang Homo ang henus at ang sapiens ang species.
Ang nananaig na sistema ng klasipikasyon ay tinatawag na Linnaean taxonomy. Ito ay kinabibilangan ng mga ranggo at nomenklaturang binomial. Kung paanong pinapangalanan ang mga organismo ay pinangangasiwaan ng mga kasunduang internasyonal gaya ng International Code of Botanical Nomenclature (ICBN), International Code of Zoological Nomenclature (ICZN), at International Code of Nomenclature of Bacteria (ICNB). Ang isang nagsasanib na drapktong BioCode ay inilimbag noong 1997 bilang pagtatangka na gawing pamantayan ang nomenklatura sa mga tatlong saklaw na ito ngunit hindi pa pormal na kinukuha. Ang draptong BioCode ay nakatanggap ng kaunting pansin simula 1997. Ang orihinal na pinlanong pagpapatupad nito noong 1 Enero 2000 ay lumipas ng hindi napansin. Ang isang binagong BioCode na iminungkahi noong 2011 na sa halip ay magpapalit ng mga umiiral na kodigo ay magbibigay ng isang nagkakaisang konteksto para dito. Tinanggihang isaalang-alang ng International Botanical Congress ang mungkahing BioCode noong 2011. Ang International Code of Virus Classification and Nomenclature (ICVCN) ay nananatiling nasa labas ng BioCode.
Henetika
Ang mga gene ang mga pangunahing unit ng pagmamana sa lahat ng mga organismo. Ito ay tumutugma sa isang rehiyon ng DNA na nag-iimpluwensiya ng anyo o tungkulin ng isang organismo sa mga spesipikong paraan. Ang lahat ng mga organismo mula bakterya hanggang sa mga hayop ay nagsasalo ng parehong makinarya na kumokopya at nagsasalin ng DNA sa mga protina. Ang mga sihay ay nagtatranskriba ng isang DNA gene tungo sa isang bersiyong RNA ng gene at pagkatapos ang isang ribosome ay nagsasalin ng RNA sa protina na isang sekwensiya ng mga asidong amino. Ang nagsasaling kodigo mula sa RNA codon tungo sa asidong amino ay pareho para sa karamihan ng mga organismo ngunit kaunting iba para sa iba. Halimbawa, ang isang sekwensiay ng DNA na nagkokodigo para sa insulin sa mga tao ay nagkokodigo ng insulin kapag ipinasok sa ibang mga organismo gaya ng mga halaman. Ang mga DNA ay karaniwang nangyayari bilang mga linyar na kromosoma sa mga eukaryote at ang mga sirkular na kromosoma sa mga prokaryote. Ang isang kromosoma ay isang organisadong istruktura na binubuo ng DNA at mga histone. Ang hanay ng mga kromosoma sa isang sihay o ibang mga lokasyon ay sama samang tinatawag na genome. Sa mga eukaryote, ang genomic DNA ay matatagpuan sa nukleyo ng sihay kasama ng maliliit na mga halaga sa mga mitochondria at mga chloroplast. Sa mga prokaryote, ang DNA ay matatagpuan sa loob ng isang hindi regular na hugis na katawan sa cytoplasm na tinatawag na nucleoid. Ang impormasyong henetiko sa isang genome ay nasa loob ng mga gene at ang kumpletong pagbuo ng impormasyong ito sa isang organismo ay tinatawag na genotype nito. Ang lahat ng nabubuhay na organismo ay nagpapakita ng bariasyon o pagkakaiba sa loob ng isang populasyon at sa pagitan ng mga populasyon. Ang bariasyong henetiko ay mahalaga dahil nagbibigay ito ng materyal na henetiko para sa natural na seleksiyon. Ang mga pagkakaibang henetiko sa loob ng populasyon ay sanhi ng mga sumusunod: ang mutasyon na mga pagbabago sa DNA, ang pagdaloy ng gene na anumang pagkilos ng mga gene mula sa isang populasyon sa isa pang populasyon at ang reproduksiyong seksuwal na makakalikha ng bagong kombinasyon ng gene mula sa mga magulang sa isang populasyon. Ang mga mutasyon ay nagbabago ng genotype ng isang organismo. Ito ay minsang nagsasanhi para ang mga iba't ibang mga phenotype ay lumitaw. Ang karamihan ng mga mutasyon ay may kaunting epekto sa phenotype, kalusugan o kaangkupang pagpaparami ng organismo. Ang mga mutaysong may epekto ay karaniwang nakakapinsala ngunit minsang mapapakinabangan. Ang mga pag-aaral sa langaw na Drosophila melanogaster ay nagmumungkahing kung ang mutasyon ay nagbabago ng isang protinang nilikha ng isang gene, ang mga 70 porsiyento ng mga mutasyong ito ay mapanganib na ang mga natirira ay neutral o mapapakinabangan. Ang henetikang pangpopulasyon ay nag-aaral ng distribusyon ng mga pagkakaibang henetiko sa loob ng mga populasyon at kung paanong ang mga distribusyong ito ay nagbabago sa paglipas ng panahon. Ang mga pagbabago sa prekwensiya ng allele sa isang populasyon ay pangunahing naiimpluwensiyahan ng natural na seleksiyon kung saan ang isang allele ay nagbibigay ng kapakinabangang pagpili o pagpaparami sa organismo gayundin ang ibang mga paktor gaya ng mutasyon, genetic drift, genetic draft, artipisyal na seleksiyon, at migrasyon. Sa paglipas ng maraming mga henerasyon, ang mga genome ng mga organismo ay malaking nagbabago na nagreresulta sa phenomenon ng ebolusyon. Ang pagpili ng mga mapapakinabangang mutasyon ay nagsasanhi sa isang species na mag-ebolb sa mga anyong mas mahusay na makakaangkop sa kanilang kapaligiran na isang prosesong tinatawag na pag-aangkop(adaptation). Ang mga bagong species ay nabubuo sa pamamagitan ng proseso ng speciation na kadalasang sanhi ng mga paghihiwalay sa heograpiya na nagpipigil sa mga populasyon na magpalit ng mga gene sa bawat isa.
Homeostasis
Ang Homeostasis ang kakayahan ng mga bukas na sistema na magregula ng panloob na kapaligiran nito upang panatilihin ang matatag na mga kondisyon sa pamamagitan ng mga maraming dinamikang ekwilibriyum na mga pagsasaayos na kinokontrol ng mga magkakaugnay na mga mekanismo ng regulasyon. Ang lahat ng mga organismo kahit pa unisihayr o multisihayr ay nagpapakita ng homeostasis. Upang panatilihin ang dinamikang ekwilibriyum at epektibong isagawa ang ilang mga tungkulin, ang isang sistema ay dapat makadetekta at tumugon sa mga pertubasyon. Pagkatapos ng deteksiyon ng isang perturbasyon, ang sistemang biolohikal ay normal na tumutugon sa pamamagitan ng negatibong feedback. Ito ay nangangahuluan ng pagpapatatag ng mga kondisyon sa pamamagitan ng pagbabawas o pagtataas ng aktibidad ng organo o sistema. Ang isang halimbawa nito ang paglalabas ng glucagon kapag ang mga lebel ng asukal ay labis na mababa.
Enerhiya
Ang pagpapatuloy na mabuhay ng organismong buhay ay nakasalalay sa patuloy na pagpasok o pagkuha nito ng enerhiya. Ang mga reaksiyong kimikal na responsable para sa istruktura nito at tungkulin ay isinasaayos upang kumukha ng enerhiya mula sa mga substansiya na nagsisilbi nitong pagkain at binabago ang mga ito upang makatulong na bumuo ng mga bagong sihay at tustusan ang mga ito. Sa prosesong ito, ang mga molekula ng mga substansiyang kimikal na bumubuo ng pagkain ay gumagampan ng dalawang mga papel: una ay naglalaman ito ng enerhiya na mababago para sa mga biyolohikal na reaksiyong kimikal, ikalawa, ang mga ito ay bumubuo ng mga bagong istrukturang molekular na binubuo ng mga biyomolekula. Ang mga organismong responsable para sa pagpapakilala ng enerhiya sa isang ekosistema ay kilala bilang mga prodyuser o mga autotroph. Ang halos lahat ng mga organismong ito ay orihinal na kumukuha ng enerhiya mula sa araw. Ang mga halaman at ibang mga phototroph ay gumagamit ng enerhiya mula sa araw sa pamamagitan ng prosesong kilala bilang photosynthesis upang ikomberte ang mga hilaw na materyal tungo sa mga organikong molekula gaya ng ATP na ang mga kawing ay masisira upang maglabas ng enerhiya. Gayunpaman, ang ilang mga ekosistema ay buong nakasalalay sa enerhiyang hinahango ng mga chemotroph mula sa mga methane, mga sulfides o iba pang mga pinagkukunang enerhiyang luminal. Ang ilang mga nabibihag na enerhiya ay ginagamit upang lumikha ng biyomasa upang tustusan ang buhay at magbigay ng enerhiya para sa paglago at pag-unlad. Ang karamihan ng natitira ng enerhiyang ito ay nawawala bilang mga init at mga itinatapong molekula. Ang pinakamahalgang mga proseso sa pagkokomberte ng enerhiya na nabihag sa mga substansiyang kimikal tungo sa enerhiayng magagamit upang tustusan ang buhay ang metabolismo. at respirasyong pangsihay.
Mga sangay
Galeriya
Sanggunian
Agham
|
850
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Agosto%2031
|
Agosto 31
|
Ang Agosto 31 ay ang ika-243 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-244 kung leap year) na may natitira pang 122 na araw.
Pangyayari
1957 - Binigyan ng kalayaan ang Malaysia ng Nagkakaisang Kaharian
Kapanganakan
1907 - Ramon Magsaysay, Ika-3 Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas (namatay 1957).
1970 - Debbie Gibson, Amerikanang aktres at mang-aawit
Kamatayan
2009 - Eraño Manalo, ay ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo. (Ipinanganak 1925).
Araw
|
851
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/1957
|
1957
|
Pangyayari
Enero 1 - Ang Saarland sumali sa West Germany.
Hindi Kilala
Binigyan ng kalayaan ang Malaysia ng United Kingdonm
Kapanganakan
Pebrero
Pebrero 18 – Vanna White, Amerikanang aktres at modelo (Wheel of Fortune)
Marso
Marso 10 – Osama Bin Laden - Arabong terorista sa Saudi Arabia (namatay 2011)
Abril
Abril 22 – Donald Tusk, Dating Punong Ministro ng Poland at Pangulo ng Europa
Mayo
Mayo 13 – Mar Roxas, Pilipinong Politiko
Mayo 20
Yoshihiko Noda, Ika-62 Punong Ministro ng Hapon
Stewart Nozette, Amerikanong astronomo
Nobyembre
Nobyembre 27 – Caroline Kennedy, Amerikanong may-akda, abugado at anak na babae ng ika-35 Pangulo na si John F. Kennedy
Disyembre
Disyembre 30 – Matt Lauer, Amerikanong broadkaster at Dating Today Co-Anchor mula 1997 hanggang 2017
Kamatayan
Marso 17 - Ramon Magsaysay, Ikapitong Pangulo ng Pilipinas (ipinanganak 1907)
Taon
|
852
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang%20Ingles
|
Wikang Ingles
|
Ang Ingles ay isang Kanlurang Hermanikong wika na unang sinasalita sa maagang edad medyang Inglatera at kalaunang naging pandaigdigang lingua franca. Pinangalanan ito sa mga Anglo, isa sa mga Hermanikong tribo na naglipat sa pook ng Gran Britanya, bilang Inglatera. Nagmula ang dalawang pangalan mula sa Anglia, isang tangway sa Dagat Baltiko. Malapit ang wika sa Prisyo at Mababang Sakson, at naimpluwensyahan nang todo ang kanyang talasalitaan ng mga ibang wikang Hermaniko, lalo na sa Nordiko (isang Hilagang wikang Hermaniko), at higit na sa Latin at Pranses.
Nalinang ang wikang Ingles sa nakalipas na higit sa 1,400 taon. Ang mga unang anyo ng Ingles, isang pangkat ng mga diyalektong Kanlurang Hermaniko (Ingaeboniko) na dinala sa Gran Britanya ng mga Anglo-Sakson noong ika-5 siglo, sa kabuuan ay tinatawag na Lumang Ingles. Nagsimula ang Gitnang Ingles sa huling bahagi ng ika-11 siglo noong pananakop ng Normando ng Inglatera; naging panahon ito kung kailan naimpluwensyahan ang wika ng Pranses. Nagsimula ang Maagang Makabagong Ingles sa huling bahagi ng ika-15 siglo noong pagpapakilala ng palimbagan sa Londres, paglilimbag ng Bibliyang Haring Jacobo at simula ng Dakilang Pagbago ng Patinig.
Kumakalat ang Makabagong Ingles sa buong mundo mula noong ika-17 siglo sa pamamagitan ng pandaigdigang impluwensya ng Imperyong Britaniko at ng Estados Unidos. Sa pamamagitan ng mga nalimag at elektronikong midya ng dalawang bansa, ang Ingles ay naging pangunahing wika ng pandaigdigang diskurso at ang lingua franca sa maramihang rehiyon at kontekstong propesyonal tulad ng agham, paglalayag at batas.
Ang wikang Ingles ay ang pinakamalaking wika ayon sa bilang ng nananalita, at ang pangatlong pinakasinasalitang katutubong wika sa buong mundo, pagkatapos ng wikang Mandarin at Kastila. Ito rin ang pinakapinag-aaralan na pangalawang wika at wikang opisyal o isa sa mga wikang opisyal sa halos 60 soberanong estado. Mas marami ang taong nag-aaral nito bilang pangalawang wika kaysa sa mga katutubong salita. Tinatanya na may higit sa 2 bilyong nananalita ng Ingles. Ang Ingles ay katutubong wika ng karamihan sa Estados Unidos, Reyno Unido, Canada, Australya, Bagong Silandya at sa Republika ng Irlanda, at malawakan ang pananalita nito sa mga iilang bahagi ng Karibe, Aprika at Timog Asya. Ito rin ay wikang ko-opisyal ng mga Nagkakaisang Bansa, Unyong Europeo at sa marami pang pandaigdigan at rehiyonal na organisasyong internasyonal. Ito ang pinakanananalitang wikang Hermaniko na nananagot sa hindi bababa sa 70% ng nananalita nitong Indo-Europeong sangay. Napakalawak ang talasalitaan ang Ingles, ngunit imposibleng bilangin kung iilan talaga ang salita sa anumang wika. "Anglopono" ang tawag sa mga nananalita ng Ingles.
Ang bararila ng Makabagong Ingles ay resulta ng unti-unting pagbabago mula sa tipikal na Indo-Europeong huwaran ng disarilining pagmamarka na sabaylong palaturingan at medyo malayang pagkakasunud-sunod ng mga salita, patungo sa halos suriing huwaran na halos walang sabaylo, medyo nakaayos na pagkakasunud-sunod ng paksa–pandiwa–layon at kumplikadong saugnay. Mas nananalig ang Makabagong Ingles sa mga pandiwang pantulong at pagkakaayos ng salita para sa pagpapahayag ng kumplikadong panahunan, aspeto at panagano, pati na rin sa mga balintiyak na konstruksyon, pananong at iilang pananggi. Ang baryasyon sa mga punto at diyalekto ng Ingles na ginagamit sa mga iba't ibang bansa at rehiyon—sa palatinigan at ponolohiya, at minsan sa talasalitaan, bararila, at pagbaybay—ay kadalasang naiintindihan ng mga nananalita ng mga ibang diyalekto, ngunit sa mga sukdulang kaso ay maaaring humantong sa pagkakalito o walang pagkakaunawa sa isa't isa sa mga nananalita ng Ingles.
Kasaysayan
Proto-Hermaniko patungo sa Lumang Ingles
Ang unang anyo ng Ingles ay tinatawag na Lumang Ingles o Anglo-Sakson (s. 550–1066 PK). Nalinang ang Lumang Ingles mula sa mga iba't ibang diyalektong Ingaeboniko na orihinal na sinalita sa mga baybayin ng Prisya, Mababang Saksonya, Jutland, at Timog Suwesya sa pamamagitan ng mga Hermanikong tribo na kilala bilang mga Anglo, Sakson, at Yute. Mula noong ika-5 siglo PK, ang mga Anglo-Sakson ay tumira sa Britanya habang bumagsak ang Romanong ekonomiya at administrasyon. Noong pagsapit ng ika-7 siglo, ang wikang Hermaniko ng mga Anglo-Sakson ang nangibabaw sa Britanya at pumalit sa mga wika ng Romanong Britanya (43–409 PK): Karaniwang Britaniko, isang wikang Seltiko, at Latin na dinala ng Roman occupation sa Britanya. Pinangalanan ang Inglatera () at Ingles () (dating at ) sa mga Anglo.
Nakahiwalay ang Lumang Ingles sa apat na diyalekto: mga diyalektong Anglo (Mersyano at Nortumbrio) at mga diyalektong Sakson, Kentiko at Kanlurang Sakson. Sa pamamagitan ng mga reporma sa edukasyon ni Haring Alfredo at ng impluwensya ng kaharian ng Wessex, naging pamantayang uri sa pagsusulat ang diyalektong Kanlurang Sakson. Nakasulat sa Kanlurang Sakson ang panulaang epiko ng Beowulf, at ang unang tula sa Ingles, Himno ni Cædmon, ay nakasulat sa Nortumbrio. Nalinang ang makabagong Ingles sa Mersyano, ngunit nalinang ang wikang Eskoses sa Nortumbio. Nakasulat ang iilang maikling inskripsyon mula sa unang bahagi ng Lumang Ingles sa sulat-runiko. Noong ika-6 na siglo, ginamit ang alpabetong Latin na sinulat na may kalahating-unsyal na hugis ng titik. Isinama rito ang mga runikong titik wynn at thorn , at ang binagong titik mula sa Latin eth , at ash .
Napakaiba ang Lumang Ingles kumpara sa Makabagong Ingles, at mahihirapan sa pag-iintindi nito ang mga nanalita ng Ingles sa ika-21 siglo. Magkahawig ang kanyang bararila sa makabagong Aleman, at ang kanyang pinakamalapit na kamag-anak ay Lumang Prisyano. Mas marami ang sabaylong pangwakas at anyo ng mga pangngalan, pang-uri, panghalip, at pandiwa, at mas malaya ang pagkakayos ng mga salita kaysa sa Makabagong Ingles. May mga anyo ng kaukulan ang Makabagong Ingles sa panghalip () at may mga kaunting sabaylo sa pandiwa (), ngunit may sabaylong pangwakas din sa mga pangngalan ang Lumang Ingles, at mas maraming pangwakas pantao at pambilang ang mga pandiwa.
Nagpapakita ng halimbawa ang pagsasalinwika ng Mateo 8:20 mula noong 1000 PK ng sabaylong pangwakas (palagyong pangmaramihan, akusatibong pangmaramihan, paaring isahan) at pangwakas ng pandiwa (kasalukuyang pangmaramihan):
Fox-as habb-að hol-u and heofon-an fugl-as nest-∅
fox- have- hole- and heaven- bird- nest-
""
Gitnang Ingles
Mula ika-8 hanggang ika-12 siglo, unti-unting nagbago ang Lumang Ingles sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa wika patungo sa Gitnang Ingles. Kadalasang pinepetsahan ang simula ng Gitnang Ingles sa pananakop ng Inglatera ni Guillermo ang Mananakop noong 1066, ngunit pinasulong pa ito sa panahon mula 1200–1450.
Una, dahil sa mga bugso ng pananakop ng mga Nordiko ng hilagang bahagi ng Kapuluang Britaniko noong ika-8 at ika-9 na siglo, nagkaroon ng matinding pakikipag-ugnayan ang Lumang Ingles sa Lumang Nordiko, isang wikang Hilagang Hermaniko. Pinakamalakas ang impluwensyang Nordiko sa mga hilaga-silangang uri ng Lumang Ingles na sinalita sa pook ng Danelaw sa paligid ng York, ang naging sentro ng pananakop ng Nordiko; sa kasalukuyan makikita pa rin ang mga katangian nito sa Skots at Hilagang Ingles. Gayunman, ang naging sentro ng norsipikadong Ingles ay sa mga Gitnang Lupa sa paligid ng Lindsey, at pagkatapos ng 920 PK kung kailan isinama muli ang Lindsey sa estadong Anglo-Sakson, kumalat ang mga katangiang Nordiko mula roon sa mga uri ng Ingles na hindi nakapag-ugnayan nang direkta sa mga nananalita ng Nordiko. Isang elemento ng impluwensyang Nordiko na nanatili sa lahat ng uri ng Ingles ngayon ang pangkat ng mga panghalip na nagsisimula sa th- () na pumalit sa mga Anglo-Saksong panghalip na may ().
Noong Normandong pananakop ng Inglatera sa 1066, napasailalim ang norsipikadong wika, Lumang Ingles, sa pakikipag-ugnayan sa wikang Lumang Normando, isang wikang Romanse na malapit na kamag-anak sa Makabagong Pranses. Sa kalaunan, ang wikang Normando sa Inglatera ay naging Anglo-Normando. Sapagkat pangunahing sinasalita ang Normando ng mga kapilitan at maharlika, habang nagpatuloy ang pagsasalita ng Anglo-Sakson sa mga mas nakabababang uri, ang pangunahing impluwensya ng Normando ay ang pagbibigay ng mararaming salitang hiram ukol sa pulitika, batas, at mga prestihiyosong larangan ng lipunan. Pinayak din ng Gitnang Ingles ang sistemang sabaylo, marahil para pagtugmain ang Lumang Nordiko at Lumang Ingles na iiba sa sabaylo ngunit pareho sa palaturingan. Nawala ang pagkakaiba ng kaukulang palagyo at akusatibo maliban sa mga panghalip panao, inalis ang kaukulang makasangkapan, at naging limitado ang paggamit ng kaukulang paari sa pagtukoy ng pag-aari. Ginawang regular ng sistemang sabaylo ang mararaming iregular na anyong sabaylo, at unti-unting pinayak ang sistema ng pagkakasundo, at tumatag ang pagkakaayos ng mga salita. Sa Bibliyang Wycliffe ng dekada 1380, isinulat ang taludtd Mateo 8:20 bilang:
Dito nananatili pa rin ang pangmaramihang hulapi sa pandiwang have, pero walang makikitang kaukulang pangwakas sa mga pangngalan. Noong pagsapit ng ika-12 siglo, ganap na nalinang ang Gitnang Ingles na nakapagsama ng mga katangiang Nordiko at Normando; patuloy na sinalita ito hanggang sa pagdating ng maagang Makabagong Ingles noong 1500. Kabilang sa panitikan ng Gitnang Ingles ang The Canterbury Tales ni Geoffrey Chaucer, at Le Morte d'Arthur ni Malory. Noong panahon ng Gitnang Ingles, lumaganap ang mga diyalektong rehiyonal sa pagsulat, at ginamit ang mga katangian ng mga diyalekto para sa epekto ng mga may-akda tulad ni Chaucer.
Maagang Makabagong Ingles
Ang susunod na panahon sa kasaysayan ng Ingles ay Maagang Makabagong Ingles (1500–1700). Kakikitaan ang Maagang Makabagong Ingles ng Dakilang Pagbabago ng Patinig (1350–1700), pagpapayak ng sabaylo, at lingguwistikong sapamantayan.
Inapekto ng Dakilang Pagbabago ng Patinig ang mga diniin na mahabang patinig ng Gitnang Ingles. Ito ay naging kawingang pagbabago, at ibig sabihi'y nag-udyok ang bawat pagbabago ng kasunod na pagbabago sa sistema ng patinig. Itinaas ang mga gitna at bukas na patinig, at binali ang mga saradong patinig para maging diptonggo. Halimbawa ang salitang bite ("kagat") ay dating binibigkas parang ang salitang beet ("rimulatsa") ngayon, at ang ikalawang patinig sa salitang about ("tungkol") ay binigkas tulad ng salitang boot ("bota") ngayon. Ipinapaliwanag ng Dakilang Pagbabago ng Patinig ang maraming iregularidad sa pagbaybay dahil pinanatili ng Ingles ang mararaming baybay mula sa Gitnang Ingles, at ipinapaliwanag din nito kung bakit napakaiba ang pagbigkas ng mga patinig sa Ingles kumpara sa mga parehas na titik sa mga ibang wika.
Nagsimulang tumaas sa prestihiyo ng Ingles, kaugnay sa Normandong Pranses, noong paghahari ni Enrique V. Noong mga 1430, nagsimulang gumamit ang Korte ng Kansilyerya sa Westminster ng Ingles sa kanyang opisyal na dokumento, at ang isang bagong anyo ng Gitnang Ingles, kilala bilang Pamantayang Kansilyeriya, ay nilinang mula sa mga diyalekto ng Londres at Silangang Midlands. Noong 1476, ipinakilala ni William Caxton ang palimbagan sa Inglatera at nagsimulang maglathala ng mga unang nalimbag na aklat sa Londres, na nagpalago ng impluwensya ng ganitong anyo ng Ingles. Kabilang sa mga panitikan sa Maagang Makabagong panahon ang mga gawa ni William Shakespeare at ang salinwika ng Bibliya na inatasan ni Haring Jacobo I. Kahit matapos ang pagbabago ng patinig, magkaiba pa rin ang wika mula sa Makabagong Ingles: halimbawa, binigkas pa rin ang mga kumpol-katinig sa knight ("kabalyero"), gnat ("niknik"), at sword ("espada"). Kumakatawan sa mga natatanging katangian ng Maagang Makabagong Ingles ang karamihan ng mga tampok-bararila na maaaring ipalagay ng makabagong mambabasa ng Shakespeare bilang kakatwa o makaluma.
Sa 1611 King James Version ng Bibliya, na nakasulat sa Maagang Makabagong Ingles, sinasabi ng Matthew 8:20 ang:
The Foxes haue holes and the birds of the ayre haue nests
Ipinapakita nito ang pagkawala ng kaukulan at ang kanyang epekto sa pag-aayos ng pangungusap (pagpapalit sa Paksa-Pandiwa-Layon na pag-ayos ng salita), at ang paggamit ng of sa halip ng di-paukol na paari), at ang pagpapakilala ng salitang hiram mula sa Pranses (ayre) at salitang kapalit (pinalit ng bird "ibon" na dating nangahulugang "inakay" had ang OE fugol).
Talasanggunian
Mga kawing panlabas
:en:Category:English language tests
British Council Philippines
TESOL Philippines
Mga wika ng Pilipinas
|
853
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Heograpiya
|
Heograpiya
|
Ang heograpiya (Kastila, Portuges: geografia, Ingles: geography) (mula sa Griyego , geographia, literal na kahulugan: "paglalarawan sa daigdig") ay isang larangan ng agham na pinag-aaralan ang mga lupain, katangian, naninirahan, at hindi karaniwang bagay sa Daigdig. Ang unang tao na gumamit ng salitang Griyego na γεωγραφία ay si Eratosthenes (276–194 BC). Sinasakop ng heograpiya ang lahat ng disiplina na sinisikap na unawain ang Daigdig at mga tao nito pati na rin ang likas pagkakumplikado nito. Hindi lamang ang mga bagay nito ang pinag-aaralan, ngunit gayon din kung papaano ang mga ito ay nagbago at lumitaw.
Kadalasang binibigyan ng kahulugan ang heograpiya sa dalawang sangay: heograpiyang pantao at heograpiyang pisikal. May kinalaman ang heograpiyang pantao sa pag-aaral ng tao at ang kanilang mga pamayanan, kalinangan, ekonomiya, at pakikipag-ugnayan nila sa kalikasan sa pamamagitan ng pag-aaral ng kanilang kabuuang ugnayan sa nasasakupan at lugar. Samantalang ang heograpiyang pisikal ay may kinalaman sa pag-aaral ng proseso at disenyo sa kalikasan katulad ng atmospera, hidrospera, biyospera, at heospera.
Mga sanggunian
|
854
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Tala%20ng%20mga%20pambansang%20awit
|
Tala ng mga pambansang awit
|
Ang pambansang awit ay karaniwang isang makabansang komposisyon na pormal na kinikilala ng pamahalaan bilang opisyal na pambansang awit nito.
Naka-italicize ang mga pangalan ng mga dating bansa, mga estadong bahagi ng mga nagsasariling bansa, at mga bayang hindi kinikilala bilang independyente na may sariling pambansang awit. Nakatala lamang ang mga dependensiya kung mayroon silang mga sariling awit na iba sa inang bayan.
Mga awit
|
855
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Hulyo%204
|
Hulyo 4
|
Ang Hulyo 4 ay ang ika-185 na araw ng taon (ika-186 kung leap year) sa Kalendaryong Gregorian, at mayroon pang 180 na araw ang natitira.
Pangyayari
1636 - Nabuo ang Providence, Rhode Island.
1776 - Lumaya ang Estados Unidos.
1810 - Sinakop ng Pransiya ang Amsterdam.
1902 - Ipinahayag ni Pangulong Theodore Roosevelt ang pagkakaroon ng kunwaring kapayapaan sa Pilipinas. Kasabay nito ay ang pagtatatag ng pamahalaang sibil na bahagi ng rekomendasyon ng Komisyong Schurman.
1907 - Itinayo ang Asemblea ng Pilipinas.
1918 - Pinatay ng mga Bolshevik si Tsar Nicholas II ng Rusya at ang kanyang pamilya (petsa ayon sa Kalendaryong Huliyano).
1946 - Pagkaraan ng 381 taon ng halos tuloy-tuloy na kolonisasyon sa Pilipinas, ito ay ganap nang malaya sa ilalim ng Estados Unidos.
2009 - Ang korona ng Istatwa ng Kalayaan ay muling binuksan matapos ng walong na taon dahil sa mga dahilang pangseguridad matapos ang mga pag-atake noong Setyembre 11.
Kapanganakan
1807 – Giuseppe Garibaldi, Italyanong politiko (namatay 1882)
1872 – Calvin Coolidge, Ika-30 Pangulo ng Estados Unidos ng Amerika (namatay 1933)
1910 – Gloria Stuart, Amerikanang aktres (namatay 2010)
1924 – Eva Marie Saint, Amerikanang aktres
1938 - Bill Withers, Amerikanong mang-aawit (namatay 2020)
1973 – Gackt, Mang-aawit na Hapones, prodyuser at aktor (Malice Mizer at Skin)
1984 – Jin Akanishi, Mang-aawit na Hapones at aktor (KAT-TUN at Lands)
1986 – Takahisa Masuda, Mang-aawit na Hapones at aktor (NEWS at Tegomass)
1988 – Angelique Boyer, Pranses-Mehikanong modelo
Kamatayan
1826
John Adams, 2nd President of United States (b. 1735)
Thomas Jefferson, 3rd President of United States (b. 1743)
1831 - James Monroe, 5th President of United States (b. 1758)
Araw
|
856
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/1946
|
1946
|
Pangyayari
Inihalal bilang pangulo ng Pilipinas si Manuel Roxas
Hulyo 4 - Pagkaraan ng mahigit 400 taon, ang Pilipinas ay ganap nang malaya.
Kapanganakan
Enero 5 – Diane Keaton, Amerikanang aktres
Enero 19 – Dolly Parton, Amerikanang aktres at mang-aawit sa country
Enero 23 – Arnoldo Alemán, Pangulo ng Nicaragua
Pebrero 2
Isaias Afwerki, Pangulo ng Eritrea
Blake Clark, Amerikanong aktor at komedyante
Pebrero 14
Bernard Dowiyogo, Pangulo ng Nauru (namatay 2003)
Gregory Hines, Amerikanong mananayaw at aktor (namatay 2003)
Marso 21 - Timothy Dalton, aktor sa James Bond
Marso 28 – Alejandro Toledo, Dating Pangulo ng Peru
Abril 3 – Hanna Suchocka, Punong Ministro ng Poland
Hunyo 14 - Donald Trump, ika-45 Pangulo ng Estados Unidos
Hunyo 29 - Ernesto Pérez Balladares, Pangulo ng Panama
Hulyo 1 - Mireya Moscoso, Pangulo ng Panama
Hulyo 3 – Leszek Miller, Punong Ministro ng Poland
Hulyo 4- George W. Bush, Ika-43 Pangulo ng Estados Unidos
Agosto 19 - Bill Clinton, Ika-42 Pangulo ng Estados Unidos
Agosto 29
Bob Beamon, Amerikanong atleta
Demetris Christofias, Ika Anim na Pangulo ng Cyprus
Setyembre 21 - Mart Siimann, Punong Ministro ng Estonia
Setyembre 24 – Lars Emil Johansen, Punong Ministro ng Greenland
Oktubre 10 - Naoto Kan, Ika-61 Punong Ministro ng Hapon
Oktubre 14 - François Bozizé, Pangulo ng Central African Republic
Nobyembre 4- Laura Bush, Dating Ginang ng Estados Unidos
Kamatayan
Taon
|
858
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Hilagang%20Asya
|
Hilagang Asya
|
Ang Hilagang Asya ay isang rehiyon ng Asya. Ang Siberia lamang ang bumubuo nito na nasa bahaging Asya ng bansang Rusya. Ang mga bansang napapabilang sa rehiyong ito ay ang Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan, Uzbekistan, Siberia, Georgia, at Armenia. Ang Hilagang Asya ay tinatawag ding "Sentral Kontinental" (Central Asia) o "Inner Asia".. Dito sa Hilagang Asya ang klima ay mahabang taglamig at maikling tag-init. Dahil sa rehiyong ito ay may pinakamahabang panahon ng taglamig at napakaikling tag-init, hindi kayang tumubo sa kalakihang bahagi nito ang anumang uri ng punong-kahoy.
Asya
|
861
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kabisera
|
Kabisera
|
Ang kabisera (o punong lungsod/bayan/munisipyo o kapital), o kabesera, ay ang pangunahing yunit pangheopolitika na naiuugnay sa gobyerno at mga operasyon nito. Ito ay maaring lungsod na pisikal na sumasakop sa tanggapan at himpilan o pulungan ng mga nakaupo sa pwesto ng pamahalaan o alinsunod sa isinasaad ng batas.
Etimolohiya
Ang ugat ng salitang ‘kapital’ ay hango sa Latin na caput na nangangahulugang “ulo” at naiuugnay sa katawagang ‘kapitol’ na siya namang gusali na pag-aari at kinagaganapan ng mga operasyong kaugnay o kinababahagian ng pamahalaan.
Mga halimbawa
Pilipinas
Ang pambansang kabisera ng Pilipinas ay Maynila.
Ang panlalawigang kabisera ng La Union ay San Fernando.
Ang panlalawigang kabisera ng Davao Oriental ay Mati.
Ibang bansa
Ang pambansang kabisera ng Timog Korea ay Seoul.
Ang pambansang kabisera ng Italya ay Roma.
Ang panlalawigang kabisera ng Fujian, Tsina ay Fuzhou.
Ang pang-estadong kabisera ng Bavaria, Alemanya ay Munich.
Ang pamprepekturang kabisera ng Prepektura ng Fukushima, Hapon ay Lungsod ng Fukushima.
Mayroong ibang bansa na higit sa isa ang kabisera, tulad ng:
Timog Aprika: Ang pang-ehekutibong kabisera ay Pretoria, ang panlehislaturang kabisera ay Cape Town, at ang panghudikaturang kabisera ay Bloemfontein.
Mayroon ding iba pa na walang opisyal na kabisera, tulad ng UK.
Galeriya
|
862
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Populasyon
|
Populasyon
|
Populasyon ang tawag sa bilang ng mga bagay na may buhay sa isang lugar. Ang populasyon ng isang lungsod ay ang bilang ng mga tao na nakatira sa lungsod na iyon. Sa Sosyolohiya, ito ay ang katipunan ng mga tao. Ang pag-aaral ng estatistika ng populasyon ng tao ay nagaganap sa loob ng disiplina ng demograpiya. Ang artikulong ito ay tumutukoy sa populasyon ng tao.
Ang densidad ng populasyon o kapal ng populasyon ang tawag sa pamantungang bilang ng tao sa isang lugar. Maraming tao ang isang lugar kung ito ay may mataas na densidad ng populasyon. Mayroong mababang densidad ng populasyon naman kung maliit ang populasyon.
Ang laki ng populasyon ay ang dami ng mga taong naninirahan sa isang pook sa isang tanging panahon.
Mga sanggunian
Populasyon
|
866
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kimika
|
Kimika
|
Ang kimika, (mula sa espanyol química) (pang-uri: kemikal o sangkap) ang tawag sa agham tungkol sa mga elemento at kompuwesto (compound) at kung ano ang gawain ng mga ito. Ito ang pag-aaral ng mga bagay na bumubuo sa ating katawan at ng mundong ating ginagalawan. Tinatawag na kimiko o kemist ang taong nagpakadalubhasa sa kemika, bagaman tumuturing din ang sa kimiko mga sustansiyang kemikal.
Bilang isang agham, nagsimula ang makaagham na pag-aaral ng kimika noong ika-16 na siglo. Ito ay noong natuklasan ng mga kimiko ang mga simpleng sabstans na bumuo sa iba pang sabstans. Tinawag nilang mga elemento ang mga simpleng sabstans na ito.
Ang kompuwesto naman ay isang substance na binubuo ng dalawa o higit pang mga elemento.
Kasaysayan ng Kimika
Ang kasaysayan ng kemika ay sinasabing nagsimula ng ito'y ihiniwalay sa alkimiya ni Robert Boyle sa kanyang kathang The Skeptical Chymist (1661). Ngunit ito'y sinasabing tunay na sumilang nang matuklasan ni Antoine Lavoisier ang batas ng pagpapanatili ng bigat (law of conservation of mass) at gayun din sa kanyang hinuang phlogiston ng kombustyon noong 1783
Ang debate sa bitalismo at kimika organika
Nang mapagkasunduan ang likas ng kombustyon, isa na namang alitan ang lumitaw tungkol sa bitalismo (doktrina na lahat ng buhay ay may lakas ng buhay (kaluluwa) na nagpapakilos rito) at ang malinaw na pagkakaiba ng mga sustansiyang organika at inorganika na iminungkahi ni Friedrich Wöhler mula nang aksidenteng siyang makagawa ng urea mula sa mga sustansiyang inorganika noong 1828. Noong panahong iyon, ang isang kompuestong organiko ay di kailanman malalalang mula sa inorganikong materyal. Ito ay nagbukas ng bagong larangan ng pananaliksik sa kimika at nang bago matapos ang ika-19 na siglo, ang mga siyentipiko ay nakagawa ng daang-daang kompuesto kimika. Isa sa pinakamahalaga rito ay ang mauve, magenta at iba pang tinang sintetiko gayun din ang gamot na aspirin. Ang pagkakatuklas nito ang lubhang nakapagbigay sa hinua ng isomerismo.
Mga alitan tungkol sa atomismo
Sa buong ika-19 na siglo, ang kimika ay hinahati sa mga sumusunod sa hinuang atomiko ni John Dalton at di sumusonod dito tulad nina Wilhelm Ostwald at Ernst Mach. Kahit man ang mga siyentipikong ayon dito tulad nina Amedeo Avogadro at Ludwig Boltzmann na nakagawa ng malalaking unlad sa pagpapaliwanag sa ugali ng gas, ang alitang ito ay di nalutas haggang sa maipaliwanag ni Jean Perrin sa kanyang imbestigasyong eksperimental tungkol sa kilos Brownian na iminungkahi ni Einstein noong unang dekada ng ika-20 siglo.
Bago man malutas ang alitan, si Svante Arrhenius ay nagsimulang saliksikin ang loob ng estruktura ng atomo sa pamamagitan ng kanyang hinua sa ionisasyon. Ito ay ganap na pinalawig ni Ernest Rutherford, na nagtatag ng pag-aaral ng subestruktura ng atomo na naging larangan ng pisika. Siya ay tumanggap ng Premyong Nobel sa kimika, hindi pisika, sa pananaliksik na ito.
Talaang peryodiko
Sa maraming dekada, ang listahan ng mga elementong kimikal na natutuklasan ay patuloy na dumarami. Ang mahalagang pagkakatuklas ng katuturan ng humahabang listahan ng mga elemento ay nasumpungan ni Dmitri Mendeleev at Lothar Meyer sa pagsasaayos ng peryodikong talaan (kasama rito ang kalaunang pagkaunawa sa estruktura sa loob ng atomo). Ginamit ito ni Mendeleev upang hulaan na mayroong germanium, gallium at scandium sa kalikasan ni tinawag niyang ekasilikon, ekaaluminium at ekaboron sa bawat nabanggit. Kanya ring hinulaan ang mga katangian nito noong 1870. Ang gallium ay natuklasan noong 1875 at ang tunay na mga katangian nito ay halos katulad ng hula ni Mendeleev.
Pag-unlad ng industriya
Sa dakong huli ng ika-19 na siglo nakita ang pagmimina ng petrokimika mula sa lupa matapos maubos ang langis mula sa panghuhuli ng mga balyena nang mga nakaraang siglo. Ang sistamatikong produksiyon ng mga dinalisay na materyales mula rito ay nagdulot ng mga produkto upang matugunan ang pangangailangan sa enerhiya gayun din ang sintetikong materyales na kailangan sa paggawa ng damit, gamot, at mga kailangan sa pangaraw-araw ng ika-20 siglo. Sa puntong ito ay kinakailangan ng mga karagdagang pagsusuri sa loob ng mga laboratoryo at industriya upang mapanatili ang kalidad ng mga inihahatid na produkto na nakapailalim sa malalaking makinarya, pabrika o kumpanya.
Kemikang pisikal
Ang pag-aaral ni Rutherford ng loob na estruktura ng mga atomo, sistematikong pagpapaliwag ni Moseley sa kalakaran ng peryodikong talaan ng mga elemento at ang bagong hinua sa mekanika kwantika ay nagsanib upang makabuo ng lagom ng hinua sa pagitan ng pisika atomika at pisikal na subatomika sa isang dako, at ng kemika sa kabilang dako (ito ay hiwalay magpahaggang ngayon). Isang batang kemikong Amerikano na nagngangalang Linus Pauling ang nangimbang bayan sa Europa upang mag-aral noong 1920s. Ambisyon niyang ipaliwanag ang kawing molekular (molecular bonds) sa pagitan ng mga atomo sa loob ng mekanika kwantika. Noong 1939, nagampan ito ni Pauling nang ilathala niya ang kanyang seminal na aklat-aralin na pinamagatang The Nature of the Molecular Bond(Ang Likas ng Kawing Molekular). Sa kanyang pagkakabantog sa gawang ito, si Pauling ay ginawaran ng una sa dalawa niyang Premyong Nobel.
Sa ilalim ng pikisang atomika at gayun din sa pisikang subatomika, sina Marie at Pierre Currie naman ay nanaliksik sa hanggahan ng kimika at pisika sa paggamit ng teknikang kimika upang dalisayin ang elementong radium at mapag-aralan ang kanyang kakaibang katangiang pisikal. Ang pananaliksik na ito ng mag-asawang Curie sa pagpapalit ng siglo at kasabay nang naunang gawa ni Max Planck sa fotón at unang lathala ni Albert Einstein ay nagdulot sa kalaunang unlad sa bagong pisikang subatomika katulad ng nangyari sa gawa ni Rutherford.
Sa pagdatal ng ika-20 siglo, ang pagsasama ng pisika at kimika ay naging ganap sa pagpapaliwanag ng katangiang kemikal bunga ng estrukturang elektroniko; sa paggamit ng simulain ng mekanika kwatika upang malaman ang mga anggulo ng kawing (bond angles); sa mga masasalimuot na molekula ay humantong sa paggawa ng modelo ng molekula ng DNA, na sinasabing diwa o lihim ng buhay ayon sa mga salita ni Francis Crick. Si James Watson na kasamang tumuklas sa estruktura ng DNA ay binigyan ni Crick ng isang regalo na pagyayamanin niya na walang iba kundi ang aklat na isinulat ni Pauling. Hinuling nina Watson at Crick ang estruktura ng DNA sa pamamagitan ng paggawa ng modelo nito. Ang estrukturang helika ay kasabay na kinumpirma ni Rosalind Franklin sa pamamagitan ng kristalograpiyang x-ray sa laboratoryo ni William Bragg sa Cambridge. Muntik nang matuklasan ni Pauling ang estruktura ng DNA. Helikang triple ang kanyang palagay na estruktura nito at hindi ang tamang helikang doble ni Watson at Crick. Sa taon ding iyon, ipinakita ni Miller-Urey sa kanyang eksperimento ang batayang sangkap ng proteina, ang mga asido amino (amino acids), ay mabubuo mula sa payak ng molekula sa paggaya sa mga sinaunang proseso sa paglalang nito sa Lupa.
Proseso sa paggawa ng semikonduktor
Sa kaligitnaan ng ika-20 siglo, ang tamang paggawa ng sirkwito ng isahang kristal (single-crystal circuits) ay nagampan dahil sa pagsupil ng estrukturang elektroniko ng mga materyales na semikonduktor. Ang mga unlad sa teknolohiya ng pagproseso tulad nang mga ginagamit sa ibang industriya ng materyales kasama ang mga unlad sa mga simulain ng optiks at x-ray ay nagbunga sa pagpapaliit ng sirkwito ng koryente at sa paglalang sa sirkwitong pinagsama (integrated circuits) ng ika-20 siglo. Kundi rito ang lohikang programa ng kompyuter ay di maisasakatuparan at magagamit sa pagtutuos and pagsupil ng mga modernong aparatong gumagamit nito.
Mga batas
Ang batas ng pagpapanatili ng bigat (conservation of mass) ay ang pinakapundamental na konsepto sa kimika. Sinasaad rito na walang mapapansing pagbabago sa kabuuang bigat sa mga karaniwang kimikang pagsasanib. Sa makabagong pisika, iyong makikita na ang enerhiya ang talagang pinananatili (at hindi ang bigat) at ang enerhiya at bigat ay napagpapalit-palit. Ang konseptong ito ay mahalaga sa kimikang nukleyar. Ang pagpapanatili ng enerhiya naman ay nagdudulot sa mga mahahalagang konsepto tulad ng ekilibriyo, termodaynamiks at kinetiks.
Marami pang mga batas ang nagpapalawig sa batas ng pagpapanatili ng bigat. Ang batas ng takdang komposisyon (definite composition) ni Joseph Proust ay nagsasabi ng ang dalisay na kimika ay binubuo ng mga elemento nang may itinakdang pormulasyon. Alam natin na ang kaayusang estruktura ng mga elemento ay mahalaga rin.
Ang batas ng maramihang proporsyon (multiple proportion) ni Dalton ay nagpapakita na ang mga kimika na may proporsyon ay gumagamit ng maliit na buong bilang (tulad ng 1:2 O:H sa tubig). Sa mga biyomolekula at kimikang mineral ang mga ratio ay malimit na gumagamit ng malalaking bilang.
Ang mga higit na modernong batas ng kimika ay nagtatakda sa relasyon sa pagitan ng enerhiya at ng transpormasyon.
Sa ekilibriyo, umiinog ang mga naghahalong mga molekula na itinakda ng mga posibleng transpormasyon ayon sa tagal ng ekilibriyo, at sa ratio na itinakda ng angking enerhiya ng mga molekula – mas mababa ang anking enerhiya, mas marami ang molekula.
Ang tranpormasyon ng isang estruktura ay nangangailangan ng karagdagang enerhiya upang matawid ang balakid na enerhiya (energy barrier). Maaring manggaling ito sa angking enerhiya ng mga molekulang kasangkot o sa labas na kalimitan ay magpapabilis ng transpormasyon. Mas mataas ang balakid na enerhiya, mas mabagal naman ang pagbabagong mangyayari.
May isang hipotetikong intermedyo o estrukturang pangtransisyon na kaangkop sa estruktura sa rurok ng balakid na enerhiya. Sinasabi ng Hammond-Leffler Postulate na ang estrukturang ito ay kahalintulad ng produkto o simulang materyal na may anking enerhiyang napakalapit sa balakid na enerhiya. Ang isang paraan upang magampan ang katalisis ay patatagin ang hipotetikong intermedyong ito sa pamamagitan ang kimikang pagniniig nila.
Nababaliktad ang lahat ng prosesong kimikal (ayon sa batas ng mikroskopyong pagbabaliktad [microscopic reversibility]) subalit may mga ilang proseso na may kiling sa enerhiya na sa dakong huli ay masasabing di-baliktarin.
Mga pinag-aaralan sa kimika
Atomo
Kompuwesto (Compound)
Elemento
Iono
Isotopo(Isotope)
Halo (Mixture)
Molekula
Partikula
Plastik (Plastiko)
Polimero (Polymer)
Sustansiyang kimikal (Substance)
Pagbabagong pisikal
Pagbabagong kemikal
Katangiang pisikal
Katangiang kemikal
Makaagham na pamamaraan o Siyentipikong metodolohiya
SI base unit
Hinuhang atomika (Atomic theory)
Pormulang kimikal (Chemical formula)
Kawing kimikal (Chemical bond)
Ekwasyong kimikal (Chemical equation)
Reaksiyong kimikal (Chemical reaction)
Mga Karaniwang Hinuha Tungkol sa Asido-Base (Common Acid-Base Theories)
Sanggunian
Tingnan din
Talaang Peryodiko (Periodic Table)
Listahan ng mga karaniwang elemento
Karaniwang aparatong pangkimika
Paraang panlaboratoryo (Laboratory techniques)
Paraang kimikal (Chemical techniques)
Suriang kimika (Analytical chemistry)
Kasaysayan ng kemika
Hinua sa estrukturang kimikal (Structural theory)
Mga panlabas na kawing
Isang panimula sa kimika
Sentral sa kimika
Agham
|
882
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Jos%C3%A9%20Rizal
|
José Rizal
|
Ito ang artikulo patungkol sa bayaning Pilipino. Para sa pelikula patungkol sa kanya, silipin ang Jose Rizal (pelikula). Para sa ibang gamit ng Rizal, silipin ang Rizal (paglilinaw).
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at itinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.
Ipinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at ikapito siya sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanya ng karapatan na magpraktis ng pagmemedisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina ay mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Siya ay makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela na Noli Me Tángere, at ang kasunod nitong El filibusterismo. Poliglota din si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang wika.
Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, na samahan na naging daan sa pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés Bonifacio, na isang lihim na samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Isa siyang tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng sariling pamahalaan ng Pilipinas sa mapayapang paraan, sa halip na isang marahas na pag-aalsa na susuporta lamang sa karahasan bilang huling paraan. Naniniwala si Rizal na ang tanging katuwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan, at winika niya "Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?" Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay sa kanya ang nagtulak upang magsimula ang Himagsikang Pilipino.
Ang pamilya ni José Rizal
Anak si Rizal nina Francisco Rizal Mercado (1818–1897) at Teodora Morales Alonzo y Quintos (1827-1911; na ang pamilya nila ay pinalitan ang kanilang apelyido bilang "Realonda"), na parehong masaganang magsasaka na pinagkalooban ng upa sa isang hacienda at kaakibat nitong palayan ng mga Dominikano. Ikapito sa labing-isang magkakapatid si Rizal: sina Saturnina (Neneng) (1850–1913), Paciano (1851–1930), Narcisa (Sisa) (1852–1939), Olympia (1855–1887), Lucia (1857–1919), María (Biang) (1859–1945), José Protasio (1861–1896), Concepción (Concha) (1862–1865), Josefa (Panggoy) (1865–1945), Trinidad (Trining) (1868–1951) at Soledad (Choleng) (1870–1929).
Ikalimang salinlahi na si Rizal sa inanak ni Domingo Lam-co Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-17 dantaon. Napangasawa ni Lam-co si Inez de la Rosa, na isang Sangley ng Luzon.
Mayroon ding lahing Kastila at Hapones si José Rizal. Ang kanyang lolo na ama ni Teodora ay kalahating Kastila at isang inhinyero na ang ngalan ay Lorenzo Alberto Alonzo. Ang kanyang lolo sa talampakan sa ina ay si Eugenio Ursua, na inanak ng isang Hapones.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon ay ipinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang mga magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Noong nagsimula siyang mag-aral sa Ateneo Municipal de Manila, inalis niya ang tatlong huling pangalan na bumubuo sa kaniyang buong pangalan, sa payo ng kaniyang kapatid na si Paciano Rizal at ng pamilyang Mercado-Rizal, kaya ang kaniyang pangalan ay naging "Jose Protasio Rizal". Dahil dito, minsang naisulat ni Rizal na nagmistula siyang "hindi lehitimong anak". Ginawa ang pagbabagong ito upang mas malayang makapaglakbay si Rizal, at mailayo ang kaniyang koneksyon sa kaniyang kapatid na minsan nang nagkaroon ng ugnayan sa Gomburza. Mula pagkabata ay nakakarinig na si Jose at Paciano ng mga hindi pa naririnig na mga kaisipang pulitikal ukol sa kalayaan at karapatang pantao na kinagagalit ng pamahalaan. Sa kabila ng pagbabago sa kaniyang pangalan, naging kilala din si Jose bilang "Rizal" sa mga patimpalak sa pagtutula, kung saan humanga ang kaniyang mga guro sa wikang Kastila at iba pang mga banyagang wika, at kinalaunan, sa pagsusulat ng mga sanaysay na kritikal sa mga sanaysay ng mga Kastila ukol sa sinaunang lipunang Pilipino.
Pag-aaral
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na pinasukan niya noong ikadalawampu ng Enero 1872. Sa pananatili niya sa paaralang ito ay natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa Santo Tomas pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong 5 Mayo 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransiya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan nakatamo pa siya ng isang titulo.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
Personal na Buhay
Marahil ang buhay ni Rizal ang pinakadokumentado sa mga Pilipinong nabuhay noong ika-19 siglo dahil sa maraming mga talang isinulat niya at ukol sa kaniya. Halos bawat detalye sa kaniyang buhay ay naitala, dahil sa kaniyang regular na tagasulat ng kaniyang talaarawan at dahil din sa kaniyang pagiging manunulat, at ang karamihan sa mga materyales na ito ay nananatili pa rin. Naging mahirap sa mga biograpo ang pagsasalin ng mga likha niya dahil sa ugali ni Rizal na pagpapalit ng wika.
Kabilang sa mga nilalalaman ng mga tala ni Rizal ang pananaw ng isang Asyano na nakarating sa Kanluran sa unang pagkakataon. Kabilang dito ang kaniyang mga lakbayin sa Europa, Hapon at Estados Unidos, at maging sa kaniyang pananatili sa Hong Kong.
Matapos siyang makapagtapos mula sa Ateneo Municipal de Manila, bumisita si Rizal at ang isang kaibigang si Mariano Katigbak upang bisitahin ang lola ni Rizal sa ina na naninirahan sa Tondo, Maynila. Isinama ni Mariano ang kaniyang kapatid na si Segunda Katigbak, na isang 14-taong Batangueña mula Lipa, Batangas. Karamihan sa mga panauhin ng lola ni Rizal ay mga mag-aaral sa kolehiyo, at alam nila na magaling sa pagpipinta si Rizal. Pinakiusapan siya na gumawa siya ng larawan ni Segunda. Bagaman tumanggi si Rizal noong una, ginawan din niya ng guhit si Segunda. Sa kasamaang palad, may kasintahan na si Katigbak na ang pangalan ay Manuel Luz.
Mula Disyembre 1891 hanggang Hunyo 1892, nanirahan si Rizal at kaniyang mga pamilya sa Blng 2 ng Rednaxela Terrace, sa isla ng Hong Kong. Nangupahan si Rizal sa 5 kalye D'Aguilar, Distritong Central, Isla ng Hong Kong bilang kaniyang klinika sa mata mula 2 ng hapon hanggang 6 ng gabi. Kabilang sa mga naitala sa bahagi nito ng kaniyang buhay ay ang kaniyang mga pagkahanga na kung saan siyam ang nakilala. Sila ay sina Gertrue Beckett, na taga Londres, Nelly Boustead na nagmula sa pamilyang mangangalakal galing Inglatera at Iberia, Seiko Usui (na tinatawag ding O-Sei-san) na kabilang sa lahi ng maharlikang Hapon, ang kaniyang naunang mga pagkakaibigang sina Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela, at ang kaniyang panliligaw sa kaniyang malayong pinsan na si Leonor Rivera, na sinasabing kinuhanan ng inspirasyon sa karakter na Maria Clara sa Noli Me Tangere.
Leonor Rivera
Makikita ang malaking bahagi ni Leonor Rivera sa buhay ni Rizal sa mga sulating kagaya ng “If Dreams Must Die” at “The Love of Leonor Rivera” ni Severino Montana. Kung saan kapwa nagpapakita ng imahe ng isang dalagitang umiibig sa bata nitong puso, isang kolehiyala na naihahalintulad kay Maria Clara, at isang walang-hanggang pag-ibig ni Rizal.
Sinasabing inspirasyon ni Rizal si Leonor Rivera para sa kaniyang tauhan na Maria Clara sa Noli me Tangere at El FIlibusterismo. Unang nagkita si Rizal at Rivera sa Maynila noong 14 taong gulang pa lang si Rivera. Noong lumuwas si Rizal sa Europa nong 3 Mayo 1882, si Rivera ay 16 taong gulang pa lamang. Nagsimula ang kanilang pagtatalastasan noong nag-iwan si Rizal ng tula para kay Rivera na namamaalam.
Nananatiling nakatuon si Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Europa dahil sa kaniyang pakikipagtalastasan kay Rivera. Dahil hindi gusto ng nanay ni Rivera si Rizal ay gumagamit sila ng kodigo sa kanilang mga sulat. Sa sulat ni Mariano Katigbak na nakapetsa sa 27 Hunyo 1884, binanggit si Rivera bilang "katipan" ni Rizal. Nilarawan ni Katigbak si Rivera bilang lubhang apektado sa paglisan ni Rizal, na palaging maysakit dahil sa insomnia.
Noong umuwi si Rizal sa Pilipinas noong 5 Agosto 1887, bumalik na si Rivera at kaniyang pamilya sa Dagupan, Pangasinan. Pinagbawalan si Rizal ng kaniyang amang si Francisco Mercado na makipagkita kay Rivera upang huwag mailagay ang pamilyang Rivera sa panganib, dahil sa mga araw na iyon binansagan na si Rizal ng pamahalaang Kastila bilang filibustero o mapanghimagsik dahil sa kaniyang nobelang Noli Me Tangere. Nais pakasalan ni Rizal si Rivera habang siya'y nasa Pilipinas pa dahil sa lubusang katapatan ni Rivera. Muli, pinakiusapan ni Rizal ang kaniyang ama bago ang kaniyang muling paglisan sa Pilipinas. Ngunit hindi naganap ang pagkikita. Noong 1888, hindi na pinapadalhan ng sulat si Rizal galing kay Rivera ng isang taon, sa kabila ng patuloy na pagpapadala ni Rizal ng liham sa kaniya. Ang dahilan ng pananahimik ni Rivera ay dahil sa kasunduan ng ina ni Rivera at ng isang Ingles na nagngangalang Henry Kipping, isang inhenyero sa daangbakal na nabighani kay Rivera at mas sinasang-ayunan ng ina ni Rivera.Coates, Austin. "Leonor Rivera", Rizal: Philippine Nationalist and Martyr, Oxford University Press (Hong Kong), pages 52–54, 60, 84, 124, 134–136, 143, 169, 185–188, and 258. Lubusang nasaktan si Rizal noong nabalitaan niyang nagpakasal na si Rivera kay Kipping.
Itinabi ng mga kaibigan ni Rizal ang halos lahat ng mga bagay na binigay niya, kabilang ang mga guhit sa mga piraso ng papel. Ang ilan sa mga bagay na ito ay mga ohales at panyo na may guhit at sulatin na binigay sa mga Blumentritt, na kinalaunan ay binigay din sa pamilyang Rizal.
Kabilang sa mga namangha kay Rizal ay ang anak ng isang liberal na Kastila na si Pedro Ortiga y Perez; at maging si Dr. Reinhold Rost ng Museong Britanya kung saan siya naging regular na panauhin sa kaniyang tahanan habang siya'y nagsasaliksik sa mga sulat ni Morga sa Londres, kung saan binansagan siya bilang "hiyas ng isang tao".
Josephine Bracken
Sa buhay ng pagka-bayani ni Rizal ay may dalawang babae na kapwa nagkaroon ng mahalagang bahagi, ito ay ang kanyang ina at si Josephine Bracken. Si Donya Teodora Alonzo ay isang mapagmahal at mapag-kalingang ina, na nagpakita ng mga katangian ng isang huwarang inang Pilipino. Isang parokyano ng Kristiyanismo, para sa kanya ay isang pagtalikod o kasalanan sa paniniwala ang pag-aaral ng siyensiya at pag-ibig kay Josephine Bracken.
Samantalang makikita si Leonor Rivera kay Maria Clara, si Josephine Bracken naman ay kay Salome. Si Salome ang karakter ni Rizal sa Noli Me Tangere na hindi isinama sa publikasyon kaya iilan lamang ang nakakikilala. Si Salome ay ang iniibig ni Elias, isang babaeng kakikitaan ng liberal na pag-uugali sa pagsasalita, pagkilos at pananaw sa sex. Ang usapan nina Elias at Salome ay isang senaryong kakikitaan ng lubusang pagtukoy sa pagnanasa bago pa ang mga sulatin ni Jose Garcia Villa. Maihahalintulad din si Josephine Bracken kina Magdalene, Mata Hari, Kitty O’Shea, Sadie Thompson, at Joan of Arc.
Si Josephine Bracken ang naging daan upang makita ang liberalismo ni Rizal ng ina nito at mga kapatid. Isa na rito ang naging pagtatalo ni Rizal at ng kanyang ina tungkol sa pagsasama nila ni Josephine Bracken kahit na walang basbas ng simbahan. Bukod sa pagiging liberal taglay din ni Josephine Bracken ang mga kaugalian kagaya ng pagiging matatag at may buong-loob sa pakikipaglaban ng kanyang mga pinaniniwalaan.
Ayon kay John Foreman, si Josephine Bracken ay maihahalintulad kina Gabriela Silang at Joan of Arc sa kanyang walang hanggang pakikibaka sa laban ng mga Katipuneros kahit sa pagkamatay ni Rizal. Unang nakita si Josephine sa Asamblea sa Imus, Kabite noong 29 Disyembre. Kasama niyang dumating sa pagtitipon si Paciano Rizal at iba pang kabilang sa pamilya Rizal. Ayon pa kay General Ricarte, hindi rin matatawaran ang partisipasyon ni Josephine sa paggagamot sa bahay sa Tejeros kung saan naging nurse at inspirasyon siya sa mga may sugat at iba pang nagpupunta dito. Gayundin ay makikita ang partisipasyon ni Josephine sa “Battles of Silang” st “Battle of Dasmariñas” noong 27 Pebrero. Makikita ang lubhang katatagan ni Josephine Bracken sa Rebolusyon, nang panahon kung kailan dadakipin na siya ng mga Espanyol. Kung saan naglakad siyang dumudugo ang mga paa mula sa Maragondon hanggang Laguna hanggang makarating siya sa daungan papuntang Maynila.
Si Josephine Bracken ay isang malaking bahagi ng kasasayan ng Pilipinas hanggang sa kanyang kamatayan noong taong 1902 sa sakit na tubercolosis. Ang kanyang kusang-loob na pakikibahagi sa Rebolusyon at patuloy na pagtulong sa mga Pilipino sa kabila ng hindi pagkilala ng mga ito sa kanya noong una ay sadyang kahanga-hangang kaugaliang napatunayan ni Josephine Bracken sa loob ng mahabang panahon.
Noong Pebrero 1895 nagkita si Rizal kay Josephine Bracken isang babaeng Irlandes mula Hong Kong, noong sinamahan niya ang kaniyang bulag na amang si George Taufer upang ipasuri ang kaniyang mga mata kay Rizal. Matapos ang ilang mga pagbisita, nakipag-ibigan si Rizal at Bracken sa isa't isa. Nais nilang magpakasal, ngunit dahil sa reputasyon ni Rizal dahil sa kaniyang mga sinulat at pananaw pampulitika, tumanggi ang lokal na kura na si Padre Obach na ikasal sila liban na lang kung makakakuha si Rizal ng pahintulot mula sa Arsobispo ng Cebu. Hindi sila makapagkasal sa simbahan dahil tumangging bumalik si Rizal sa Katolisismo.
Matapos samahan ang kaniyang ama sa Maynila upang bumalik sa Hong Kong, at bago siya bumalik sa Dapitan upang tumira kay Rizal, pinakilala ni Josephine ang kaniyang sarili sa pamilya ni Rizal sa Maynila. Minungkahi ng ina ni Rizal na magdaos sila ng kasalang sibil, upang hindi mabagabag ang konsensya ni Rizal ukol sa kaniyang politikal na pananaw upang makakuha ng pahintulot mula sa isang Obispo. Naikasal si Rizal at Josephine sa pamamagitan ng kasalang sibil sa Talisay sa Dapitan. Sinasabing nagkaroon sila ng isang anak na nagngangalang Francisco, na namatay din agad pagkasilang.
Sa Bruselas at Espanya (1890-1892)
Noong 1890, lumisan si Rizal sa Paris patungong Bruselas habang naghahanda sa paglilimbag ng kaniyang mga anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas ni Antonio de Morga. Nanirahan siya sa isang pangupahang bahay ng magkapatid na Jacoby, sina Catherina at Suzanna, na mayroong pamangking nagngangalang Suzanna ("Thil") na may edad 16. Ayon sa historyador na si Gregorio F. Zaide, umibig si Rizal kay Suzanne Jacoby, 45 taong gulang, ngunit naniniwala ang Belgang si Pros Slachmuylders na umibig si Rizal sa 17 taong gulang na pamangking si Suzanna Thil. Nakita niya ang mga talang nagbibigay linaw sa kanilang mga pangalan at edad.
Saglit lang nanirahan si Rizal sa Bruselas; pagkatapos noon ay lumuwas siya patungong Madrid. Binigyan niya si Suzanna ng isang kahon ng tsokolate. Lumiham si Suzanna kay Rizal sa wikang Pranses, na sinasabing hindi siya kumuha ng ni isang piraso ng tsokolate, at halos mapudpod na ang kaniyang sapatos sa pagbabalik-panaog sa hulugan ng sulat upang tignan kung may liham galing sa kaniya, at hinihintay ang kaniyang muling pagbabalik. Noong 2007, nilalakad na ng pangkat ni Slachmuylder na lagyan ng makasaysayang tanda upang magbigay-pugay sa pananatili ni Rizal sa nasabing tahanan.
Nagbago ang mga nilalaman ng mga sinulat ni Rizal sa kaniyang dalawang obra, ang "Noli Me Tangere", na nilimbag sa Berlin noong 1887, at "El Filibusterismo", na nilimbag sa Ghent noong 1891. Para magkaroon ng pondo upang mailimbag ang huli ay nangutang si Rizal sa kaniyang mga kaibigan. Maraming mga Kastila at mga edukadong Pilipino ang nagalit sa kaniyang mga sinulat dahil sa mga simbolismong pinapakita dito. Kritikal ang mga nobelang ito sa mga prayleng Kastila at sa kapangyarihan ng simbahan. Ayon sa sulat ng kaibigan ni Rizal na si Ferdinand Blumentritt, na isang propesor at historyador, ang mga karakter sa mga nobelang ito ay hango sa totoong buhay at ang bawat mga pangyayari dito ay maaaring mangyari sa anumang araw sa Pilipinas.
Bagaman si Blumentritt ay apo ng Ingat-yaman ng Imperyo sa Vienna at matibay na tagapagtanggol ng pananampalatayang Katoliko, sinulat pa rin niya ang panimulang salita ng El Filibusterismo matapos niyang isalin ang Noli Me Tangere sa wikang Aleman. Gaya ng binabala ni Blumentritt, naging dahilan ang mga nobelang ito upang usigin si Rizal bilang tagapanimula ng himagsikan. Kinalaunan ay nilitis si Rizal ng militar at tuluyang binitay. Ngunit ang kaniyang mga nobela ang nagbigay inspirasyon sa mga Pilipino upang maglunsad ng Himagsikang Pilipino noong 1896.
Bilang pinuno ng kilusang propaganda ng mga Pilipino sa Espanya, nagsulat si Rizal ng mga sanaysay, tula at editoryal sa pahayagang La Solidaridad sa Barcelona, kung saan ginamit niya ang sagisag-panulat na "Dimasalang". Ang karaniwang tema ng kaniyang mga likha ay sumesentro sa liberal at progresibong kaisipan ng karapatang pang-indibidwal at kalayaan, lalu na para sa mga mamamayang Pilipino. Pareho ang kaniyang pananaw sa ibang mga kasapi ng kilusan, na ang Pilipinas ay humaharap sa, ayon sa mismong salita ni Rizal, na "Goliath na may dalawang mukha"—mga tiwaling prayle at masamang pamahalaan. Paulit-ulit na kaniyang binabanggit sa kaniyang komentaryo ang mga adyenda gaya ng mga sumusunod:
Na ang Pilipinas ay gawing probinsya ng Espanya
May pagkakatawan sa Cortes
Mga Pilipinong pari sa halip na mga prayleng Kastila
Kalayaan sa pagtitipon at pananalita
Pantay-pantay na karapatan sa ilalim na batas sa pagitan ng mga Pilipino at Kastila
Tumutol ang mga mananakop sa Pilipinas sa mga repormang ito. Hindi rin ito inendorso ng ilang mga intelektwal na Kastila tulad nina Morayta, Umamuno, Pi y Margall at iba pa.
GUmanti si Wenceslao Retana, isang politikal na komentador sa Espanya, sa pamamagitan ng pagsulat ng artikulo sa La Epoca, isang pahayagan sa Madrid, na umiinsulot kay Rizal. Kinuwento niya ang ukol sa pagpapalayas ng pamilya ni Rizal mula sa kanilang lupa sa Calamba dahil sa hindi pagbabayad ng upa. Nag-ugat ang insidenteng ito mula sa pagkakakulong sa ina ni Rizal na si Teodora noong bata pa si Rizal, dahil sa bintang na pagtangkang paglason sa kaniyang hipag. Dahil sa pakikisabwatan ng mga prayle ay kinulong siya ng wala man lang paglilitis. Pinaglakad din siya ng sampung milya (16 km) mula Calamba. Pinalaya din siya matapos ang dalawa at kalahating taong pakikipag-apela sa Kataas-taasang Hukuman. Noong 1887, sumulat ng petisyon si Rizal sa ngalan ng mga nangungupahan sa Calamba, at noong taon ding iyon ay hinimok sila na magsalita laban sa tangka ng mga prayle na taasan ang upa. Humantong ito sa paglilitis na nauwi sa pagpapalayas ng mga Dominiko sa mga nangungupahan mula sa kanilang mga tahanan, kabilang dito ang pamilya ni Rizal. Pinamunuan ni Heneral Valeriano Weyler ang paggiba sa mga gusali ng sakahan.
Pagkabasa ng artikulo, nagpadala si Rizal ng kinatawan upang hamunin si Retana sa duwelo. Humingi ng tawad si Retana sa publiko at kinalauna'y naging isa sa mga pinakamalaking tagahanga ni Rizal, na sumulat din ng isa sa pinakamahalagang talambuhay ni Rizal, ang Vida y Escritos del Jose Rizal (Mga buhay at kasulatan ni Jose Rizal).
Pagbabalik sa Pilipinas (1892-1896)
Pagpapatapon sa Dapitan
Pagbalik sa Maynila noong 1892, binuo ni Rizal ang isang samahang La Liga Filipina. Isinusulong ng samahang ito ang pagkakaroon ng reporma sa pamamagitan ng legal na pamamaraan, ngunit ito'y binuwag ng gobernador. Sa mga panahong iyon, tinuturing na siya bilang kalaban ng estado ng pamahalaang Kastila dahil sa kaniyang mga nobela.
Nasangkot si Rizal sa mga gawaing rebelyon at noong Hulyo 1892 ay pinatapon siya sa Dapitan sa probinsya ng Zamboanga. Habang nasa Dapitan ay nagtayo siya ng isang paaralan, ospital at isang sistema ng suplay ng tubig, at nagturo din ng pagsasaka.
Nagtayo si Rizal ng paaralan para sa mga batang lalaki. Sa paaralang ito, wikang Kastila ang ginagamit sa pagtuturo, at nagtuturo din ito ng Ingles bilang wikang banyaga. Ang layunin ng paaralang ito ay upang turuan ang mga mag-aaral ng pagiging maparaan sa buhay. Ang ilan sa mga mag-aaral ay naging matagumpay bilang mga magsasaka at tapat na opisyal ng pamahalaan. Isang Muslim ang naging datu, at isa pa, si Jose Aseniero, ay naging gobernador ng Zamboanga.
Nagkaroon ng misyon ang mga Heswita na pabalikin si Rizal mula sa Dapitan sa pamumuno ni Padre Sanchez, na dati niyang guro, ngunit nauwi ito sa kabiguan. Muli itong tinangka ni Padre Pastelles, na kilalang bahagi ng Orden.
Naging tagapamagitan ang kaniyang matalik na kaibigang si Ferdinand Blumentritt sa kaniyang mga kaibigan sa Europa, at patuloy ang kaniyang pakikipagtalastasan sa kanila na siyang patuloy na nagpapadala ng mga liham na nakasulat sa mga wikang Olandes, Pranses, Aleman at Ingles na lumito sa mga sensura, kaya naantala ang kanilang mga pagpapadala. Sa pananatili ni Rizal sa Dapitan sa loob ng apat na taon ay umti-unti ding umusbong ang Rebolusyong Pilipino na kinalaunan ay nagpahamak sa kaniya. Bagaman tutol siya sa himagsikan, ginawa siyang pandangal na pangulo ng mga kasapi ng Katipunan at ginamit din ang kaniyang pangalan bilang sigaw sa digmaan, pakikipag-isa at kalayaan.
Pagbaril sa Bagumbayan
Ang inatasan na bumaril kay Rizal ay isang hanay ng mga Pilipinong kasapi ng Hukbong Kastila, habang isa pang hanay ng mga Kastilang kasapi ng Hukbong Kastila ang nakahanda upang barilin ang sinuman sa kanila na susuway. Kinunan ng manggagamot ng Hukbong Kastila ang pulso ni Rizal at ito'y normal. Pinatahimik ng sarhento ang mga Kastilang hukbo noong nagsimula na silang sumigaw ng "Viva" at iba pang mga katagang pabor sa Kastila kasama ang mga manonood na karamihan ay mga Peninsulares at mga Mestisong Kastila. Ang kaniyang huling salita ay isa sa mga huling salita ni Jesucristo: "Consummatum est"—natapos na.
Lihim siyang nilibing sa Libingang Paco sa Maynila ng wala man lang tanda sa libingan. Nilibot ng kaniyang kapatid na si Narcisa ang lahat ng maaaring libingan at natagpuan ang bagong baong lupa sa isang libingan na may mga bantay sa tarangkahan. Sa kaniyang paniwala na maaaring ito nga ang pinaglibingan, at wala pang ibang mga nilibing, nagbigay siya ng regalo sa taga-ingat upang lagyan ng tanda ang nasabing lugar na "RPJ" - mga inisyal ni Rizal na pabaliktad.
Nakatago naman sa lampara ang kaniyang tulang Mi ultimo adios na pinaniniwalaang sinulat ilang araw bago ang kaniyang pagbitay, at binigay ito sa kaniyang pamilya kasama ang ilan niyang mga natirang pag-aari, kabilang na ang kaniyang mga huling liham at huling habilin. Sa kanilang pagbisita, pinaalalahanan ni Rizal ang kaniyang mga kapatid sa wikang Ingles na mayroong isang bagay sa loob ng lamparang binigay ni Pardo de Taveras na ibabalik din pagkabitay, upang bigyang diin ang kalahagahan ng tula. Ang sumunod na habilin ay. "Tingnan din ang aking sapatos", kung saan isa pang bagay ang nakasuksok. Noong hinukay ang kaniyang labi noong Agosto 1898, sa panahon na ng pananakop ng mga Amerikano, nalaman na hindi siya isinilid sa ataul, at nilibing siya hindi sa 'lupa ng mga banal', at anuman ang nakasiksik sa kaniyang sapatos ay nalusaw.
Sa kaniyang liham sa kaniyang pamilya ay kaniyang isinulat: "Turingan ang may-edad nating magulang kagaya ng gusto niyong maturingan... Mahalin silang lubos sa aking alaala... 30 Disyembre, 1896." Nagbigay siya ng habilin sa kaniyang pamilya ukol sa kaniyang libing: "Ilibing ninyo ako sa lupa. Maglagay ng bato at krus sa ibabaw. Pangalan ko, petsa ng kapanganakan ko at kamatayan ko. Wala nang iba. Kung nais niyong bakuran ang aking libingan maaari niyong gawin. Walang paggunita."
Sa kaniyang huling sulat kay Blumentritt: "Bukas, sa ganap na 7, ay babarilin ako; ngunit ako ay inosente sa krimen ng paghihimagsik. Mamamatay ako ng may tahimik na konsiyensiya." Pinaniniwalaan na si Rizal ang unang rebolusyonaryong Pilipino na namatay dahil sa kaniyang mga gawa bilang manunulat, at dahil sa kaniyang sibil na pagsuway ay matagumpay niyang natibag ang moral na pamumuno ng Espanya. Nagbigay din siya ng isang aklat sa isang matalik at minamahal na kaibigan. Noong natanggap ito ni Blumentritt sa Leimeritz siya ay umiyak.
Mga Katha
Si Rizal ay nakilala sa dahil sa kanyang dalawang nobela, ang Noli Me Tangere, na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886) sa tulong ni Dr. Maximo Viola, at ang El Filibusterismo, na nilathala sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang puso't diwa ng mga Pilipino.
Mga Pamanang-lahi
Si Jose P. Rizal o mas kilalang Pepe ay isang Pilipinong repormista para sa isang lipunang malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng ambag-sulatin sa La Solidaridad.
Ang kanilang mga mithiin:
na ang Pilipinas ay maging bahaging-lalawigan ng Espanya;
na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlyamento);
na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino o magkaroon ng sekularisasyon;
kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag;
pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila.
Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, sapagkat nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa Maynila mula sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng La Liga Filipina, nilitis at ipinatapon sa Lungsod ng Dapitan/Dapitan, Zamboanga del Norte/Zamboanga noong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang paaralang pambata, at isang pagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig.
Tingnan din
Mga lugar sa Pilipinas na may pangalang Rizal
Kilalanin ang Pambansang Bayani na si Jose Rizal
Mga sanggunian
Mga Tala
Sanggunian
Ugnay panlabas
Rizal the OFW, artikulo tungkol kay Rizal sa INQ7
Rizal's official web pages
prof. Ferdinand Blumentritt's web pages, Rizal's friend + Lea-Katharina Steller: Ferdinand Blumentritt
The knights of Jose Rizal, Order
Rizal, Jose
Himagsikang Pilipino
Mga manunulat mula sa Pilipinas
Rizal, Jose
Rizal, Jose
Rizal, Jose
Rizal, Jose
Rizal, Jose
Mga Pilipinong manggagamot
Mga nobelista
Mga pintor mula sa Pilipinas
Pilipinong manlilikha
Mga rebolusyonaryo mula sa Pilipinas
|
888
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Andr%C3%A9s%20Bonifacio
|
Andrés Bonifacio
|
Si Andrés Bonifacio y de Castro (30 Nobyembre 1863 – 10 Mayo 1897) ay isang Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo na makikita sa sampumpisong barya na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Binansagan siyang "Ama ng Katipunan". Siya ang nagtatag at lumaon naging Supremo ng kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula ng Himagsikang Pilipino. Kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan bílang unang Pangulo ng Pilipinas, subalit hindi siya opisyal na kinikilala.
Pagkabata at ang kaniyang Pamilya
Si Andrés Bonifacio y de Castro ay anak nina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro ng Tondo, Maynila, at panganay sa limang magkakapatid. Ang kaniyang mga kapatid ay sina Ciriaco, Procopio, Troadio, Esperidiona at Maxima. Mananahi ang kaniyang ama na naglingkod bílang teniente mayor ng Tondo, Maynila, samantalang ang kaniyang ina ay isang mestisang ipinanganak mula sa isang Kastilang ama at isang inang may Pilipinong may lahing Tsino, bílang kaugalian, isinunod ang pangalan niya sa kapistahan ng santo ng araw ng kaniyang kapanganakan, si San Andres.
Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at pamaypay na gawa sa papel de hapon. Nagtrabaho din siya bílang clerk, sales agent at bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasáma ni Apolinario Mabini.
Bagamat mahirap ay mahilig bumasa at sumulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo na kung ito ay tungkol sa bayan, karapatang-pantao at kasarinlan ng inang-bayan. Siya ay may diwa ng paghihimagsik laban sa malupit na mananakop na Kastila. Siya rin ay nagnais na magbangon ng pamahalaang malaya na naging daan upang kaniyang maitatag ang Katipunan na kakatawan sa himagsikan at upang maging wasto at panatag sa kaniyang adhikaing kalayaan ng bayan. Noong 1892, matapos dakipin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang Katipunan o kilalá rin bílang "Kataastaasan,Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak ng Bayan" (KKK), isang lihim na kapisanang mapanghimagsik, na 'di naglaon ay naging sentro ng hukbong Pilipinong mapanghimagsik. Kasama ni Bonifacio ay sina Valentin Diaz, Deodato Arellano (bayaw ni Marcelo H. del Pilar), Teodoro Plata (bayaw ni Bonifacio), Ladislao Diwa, at ilang manggagawa sa pagtatag ng Katipunan sa Calle Azcarraga (ngayon ay Avenida Claro M. Recto) malapit sa Calle Candelaria (ngayon ay Kalye Elcano).
Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bílang "Ama ng Rebolusyon" sa Pilipinas. Si Bonifacio at ang kaniyang mga kasamahan sa Katipunan ay may iisang layunin na marahil ay siyang naging dahilan upang ang kanilang pakikidigma ay maging matagumpay.
Sa Katipunan, "Supremo" ang kaniyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan". Dito rin niya nakilala si Gregoria de Jesus na tinawag niyang Lakambini. Noong 23 Agosto 1896, sa maliit na baryo ng Pugad Lawin (ngayo'y Bahay Toro, Project 8, Lungsod Quezon) sa Balintawak ay tinipon nya ang mga Katipunero at isaisa'y pinunit ang kanilang mga sedula.
Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa Tejeros, Cavite, sa kahilingan ng mga Katipunerong Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lámang. Nanalo sa pagka-pangulo si Emilio Aguinaldo, Lider ng Katipunang Magdalo at ang Supremo ay naihalal sa mabábang posisyong Tagapangasiwa ng Panloob (Interior Director).
Dahil sa ang mga kasapi ng Magdalo ay mga may kayang tao sa hilagang-kanlurang bahagi ng Kabite at kanilang mga taga-sunod, ayaw nila kay Andres Bonifacio sapagkat ito ay isang laki sa hirap at ayaw nilang tanggapin na sila ay pinamumunuan ng isang mahirap na kagaya ng Supremo kaya't minamaliit nila ang kakayahan nito. Nang sinubukan ng mga kasapi ng lupon ng mga Magdalo na usisain ang kakayahan ni Andrés Bonifacio na gawin ang tungkulin ng isang Tagapangasiwa ng Panloob, na ayon sa kanila ay gawain lámang ng isang abogado, nainsulto si Bonifacio. Idineklara ng Supremo, bílang pangulo ng Katipunan, na walang bisa ang naganap na eleksiyon dahilan sa pandaraya sa botohan ng mga Magdalo. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil ng mga Magdalo. Habang hindi pa siya naka-aalis ng Cavite, siya ay ipinahuli at ipinapatay ni Aguinaldo sa kaniyang mga tauhan. Iniutos kay Mariano Noriel na ibigay ang hatol sa isang selyadong sobre kay Lazaro Makapagal. Iniutos ang pagbaril kay Bonifacio kasáma ang kaniyang kapatid na laláking si Procopio Bonifacio noong 10 Mayo 1897 malapit sa Bundok Nagpatong (o Bundok Buntis).
Noong 1918, sinikap ng pamahalaan ng Pilipinas na hanapin ang labi ni Andrés Bonifacio sa Maragondon. Ayon sa isang grupo ng mga opisyal ng pamahalaan, mga dáting rebelde at isang laláking nagpakilala bílang dáting kasambahay ni Bonifacio, nahanap daw ang kaniyang mga buto sa isang taniman ng kawáyan noong 17 Marso 1918. Inilagay ang mga labí sa hulíng pamamahala ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas, at itinipon ito sa Lumang Gusaling Batasan (ang kasalukuyang Pambansang Museo ng Pilipinas) hanggang sa nawala ang urna noong panahon ng Labanan sa Maynila ng 1945.
Katipunan
Noong 7 Hulyo 1892, isang araw pagkatapos ihayag ang pagpapatapon kay Rizal, itinatag ni Bonifacio at ng iba pa ang Katipunan, o kapag binuo ay Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Ang lihim na samahan ay naglalayon ng kasarinlan mula sa Espanya sa pamamagitan ng armadong himagsikan.
Sa loob ng lipunan, nabuo ang pagkakaibigan nila Emilio Jacinto, na naglingkod bílang kaniyang tagapayo at katiwala, at bílang kasapi rin ng Kataastaasang Lupon. Ginamit ni Bonifacio ang Kartilya ni Jacinto bílang opisyal na panturo sa samahan bílang kapalit ng kaniyang dekalogo, na ayon sa kaniya ay mabábà kung ihahambing sa gawa ni Jacinto.
Ang mabilis na mga kilos ng Katipunan ang nagbigay ng hinala sa mga Kastila. Noong unang bahagi ng 1896, ang mga intelehensiyang Kastila ay alam na pagkakatatag ng lihim na samahán, at ang mga pinaghihinalaang mga kasapi ay minatyagan at pinag-aaresto. Noong 3 Mayo, nagsagawa ng pangkahatalang asemblea ng mga pinuno ng Katipunan sa Pasig, kung saan pinagdebatehan nila kung kailan magsisimula ang paghihimagsik. Habang nais ni Bonifacio na magsimula ang pag-aalsa sa lalong madaling panahon, nagpahayag ng pagpapasubali si Emilio Aguinaldo ng Cavite dahil sa kawalan ng mga armas. Ang napagkasunduan ay sumangguni muna kay José Rizal sa Dapitan bago pasimulan ang kanilang mga kilos, kayâ pinadala ni Bonifacio si Pio Valenzuela kay Rizal, na salungat sa hindi pa handang pag-aaklas at nagpayong magdagdag pa ng paghahanda.
Himagsikang Pilipino
Simula ng pag-aaklas
Natiyak ng pamahalaang Kastila ang pagkakaroon ng Katipunan noong 19 Agosto 1896. Daan-daang mga pinaghihinalaang Pilipino, ang dinakip at ikinulong sa salang pagtataksil. Paalis na noon si José Rizal patungong Cuba upang maglingkod bílang manggagamot sa sandatahan ng kolonya ng Espanya bílang kapalit ng pagpapalaya sa kaniya sa Dapitan. Nang kumalat ang balita, unang sinubukan ni Bonifacio na kumbinsihin si Rizal, na nakakulong sa barkong patungo sa Look ng Maynila, na tumakas at sumali sa napipintong pag-aaklas. Nagpanggap sina Bonifacio, Emilio Jacinto at Guillermo Masangkay bílang mga marino at nagtungo sa daungan kung saan dadaong ang barkong sinasakyan ni Rizal. Personal na nakita ni Jacinto si Rizal, na tumanggi sa kanilang mungkahing pagpapatakas. Rizal himself was later arrested, tried and executed.
Upang maiwasan ang matinding paghahanap, ipinatawag ni Bonifacio ang libu-libong kasapi ng Katipunan sa Kalookan, kung saan pinasimulan nila ang pag-aaklas. Ang kaganapan, na minarkahan ng pagpunit ng mga sedula ay lumaong tinawag na "Sigaw ng Pugad Lawin"; ang tiyak na pook at petsa ng pinagdausan ng pangyayari ay pinagtataluhan. Ang Kataastaasang Lupon ng Katipunan ay naghayag ng malawakang himagsikang laban sa Espanya at nagpatawag ng tuloy tuloy na pagsugod sa kabiserang Maynila noong 29 Agosto.
Mga kontrobersiya sa kasaysayan
Ang kasaysayan ni Bonifacio ay kinapapalooban ng maraming mga kontrobersiya. Ang kaniyang pagkamatay ay salitang tinitignan bílang isang paghatol sa salang pagtataksil sa bayan at isang "legal na pagpaslang" na bunga ng politika. Marami ang naniniwalang ang kanyang pagkamatay ay naayon na rin sa kagustuhan ng Pangulong Emilio Aguinaldo upang mapanatiling ang pagkakaisa ng pamahalaan at ito rin ay ayon na rin sa assesment ng kanyang mga taga payo.
Paglitis at pagbitay
Kinondena ng mga dalubhasa sa kasaysayan ang paglitis sa magkapatid na Bonifacio bílang hindi makatarungan. Binubuo ang hukom ng halos mga kaanib ni Aguinaldo; Ang abogado ni Bonifacio ay tila naging tagausig niya rin dahil inihayag din niya ang pagiging may salà ni Bonifacio kaysa sa umapela para sa higit na mabábang parusa; hindi rin pinayagan si Bonifacio na harapin ang mga púnong saksi para sa mga kasong pakikipagsabwatan sa kadahilanang napaslang na ang mga ito sa mga labanán, subalit lumaon ay nakita ang mga saksi kasáma ang mga tagausig. Isinulat ni Teodoro Agoncillo na isang malaking hadlang si Bonifacio sa pagpapahayag ng kapangyarihang sumasalungat kay Aguinaldo sa himagsikan, dahil hinahati nito ang lakas ng mga rebelde na maaaring magdulot ng tiyak na pagkatalo sa kanilang kalabang mga Kastila.
Sa kabaligtaran, isinulat ni Renato Constantino na hindi hadlang si Bonifacio sa himagsikan sa pangkalahatan dahil nais pa rin niyang labánan ang mga Kastila, at hindi rin hadlang sa himagsikan sa Kabite dahil siya ay aalis na; subalit tiyak na hadlang si Bonifacio sa mga pinuno sa Kabite na nais makuha ang pamamahala ng himagsikan, kaya siya pinatay.
Si Bonifacio bílang Unang Pangulo ng Pilipinas
May ilang mga dalubhasa sa kasaysayan tulad nina Milagros Guerrero, Emmanuel Encarnación, at Ramón Villegas ang nagtutulak na kilalanin si Bonifacio bílang unang Pangulo ng Pilipinas kaysa kay Aguinaldo, ang opisyal na kinikilalang pangulo. Ang paniniwalang ito ay nakabatay sa posisyon nitong Supremo sa pamahalaang himagsikan ng Katipunan mula 1896-1897. Ang paniniwalang ito ay nagbibigay diin na si Bonifacio ang nagtatag ng pamahalaan sa pamamagitan ng Katipunan bago pa nakabuo ng pamahalaang pinamunuan ni Aguinaldo sa pamamagitan ng Kapulungan ng Tejeros. Isinulat ni Guerrero na mayroong konsepto si Bonifacio na bansang Pilipinas na tinawag na Haring Bayang Katagalugan, na pinalitan ni Aguinaldo ng konseptong Filipinas.
Si Bonifacio bílang pambansang bayani
Pangkalahatang tinuturing si José Rizal bílang Pambansang bayani, subalit iminumungkahi si Bonifacio bílang higit na karapat-dapat na kandidato bílang pambansang bayani dahil siya ang nagpasimula ng Himagsikang Pilipino. Napansin ni Teodoro Agoncillo na ang pambansang bayani ng Pilipinas, hindi gaya ng sa ibang bansa, ay hindi ang "pinúnò ng puwersa ng liberasyon". Isinulat ni Renato Constantino na si Rizal ay "bayaning itinaguyod ng Estados Unidos" na itinaguyod bílang pinakadakilang bayaning Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas - pagkatapos matalo si Aguinaldo sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Itinaguyod ng Estados Unidos si Rizal, na piniling ang mapayapang pamamaraan, kaysa sa mga radikal na tao na ang mga ideya ay maaaring pumukaw na lumaban sa pamumunong Amerikano.
Mga buto ni Bonifacio
Noong 1918, ang pamahalaang ginawa ng Amerika sa Pilipinas ay nagpasimula ng paghahanap sa mga labi ni Bonifacio sa Maragondon. Isang pangkat ng mga pinúnò ng pamahalaan, mga dating rebelde, at isang kinilalang tagapaglingkod ni Bonifacio ang nakahanap ng mga buto na sinasabi nilang mula kay Bonifacio sa isang tubuhan noong 17 Marso. Inilagay nila ang mga buto sa isang urna at ibinigay sa pangangalaga ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinakop ng mga Hapón ang Pilipinas. Ang mga buto ay nawala dahil sa malawakang pagkasira at nakawan noong Digmaan ng Maynila noong Pebrero 1945.
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas
Mga Dakilang Pilipino, ni Jose N. Sevilla sa Project Gutenberg
Andres Bonifacio Lodge No. 199
Ang Rebolusyonaryong si Andres Bonifacio
Militar
Mga Pilipinong liping-Kastila
Katipunan
Mga Pilipinong liping-Intsik
Mga Tagalog
Himagsikang Pilipino
Mga politiko ng Pilipinas
Mga rebolusyonaryo mula sa Pilipinas
|
892
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Emilio%20Aguinaldo
|
Emilio Aguinaldo
|
Si Emilio Aguinaldo y Famy (Marso 22, 1869 – Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral, estadista, at manghihimagsik na kinikilala bilang unang pangulo ng Pilipinas, kung saan siya namahala mula 1899 hanggang 1901. Pinangunahan niya ang mga puwersang Pilipino laban sa Espanya noong Himagsikang Pilipino at Digmaang Espanyol–Amerikano, at sa Estados Unidos noong Digmaang Pilipino–Amerikano.
Siya ay isa sa mga pinakakilalang pinuno ng pakikibaka laban sa mga Kastila, at nang lumáon laban sa mga Amerikano, tungo sa kasarinlan ng Pilipinas. Namuno siya sa isang pag-aalsa laban sa pamahalaang Kastila noong taóng 1896. Namuno rin siya sa ikalawang pagdigma laban sa sandatahang Kastila noong taóng 1898 habang kakampi ang mga Amerikano, Bilang pinuno ng himagsikan, isinakatuparan niya ang pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas noong 12 Hunyo 1898. Siya ang itinanghal na unang pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 23 Enero 1899. Nang malaman ang pagnanais ng Estados Unidos na sakupin ang Pilipinas upang matupad ang kasunduan sa Paris (1898) sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya ay muling namuno si Aguinaldo sa pagtatanggol sa kasarinlan mula taóng 1899 hanggang 1901. Noong 23 Marso 1901 ay nabuwag ang kanyang kapamahalaan nang siya ay madakip ng mga kalabang Amerikano. Matapos nito ay pumayag siyang manumpa ng katapatan sa Estados Unidos nguni't nagpahiwatig ng kahapisan na sinagisag ng pagsusuot niya ng itim na corbata de lazo hanggang sa tuluyang lumaya ang Pilipinas na naganap noong taóng 1946. Noong taóng 1935, sa paghahanda ng isang pamahalaang commonwealth ("may bahagyang kasarinlan") sa ilalim ng Estados Unidos, tumakbo siya sa pagkapangulo subali't hindi nanaig kay Manuel Quezon. Matapos ang muling paglaya ng Pilipinas noong taóng 1946, binigyan siya ng katungkulan sa Philippine Council of State ("sanggunian ng pamahalaan") na isang sangay ng pamahalaan na itinatag noong panahon ng Amerikano. Siya ang pinakabatang naging pangulo ng Pilipinas.
Kabataan
Siya ay pinanganak sa Cavite el Viejo, Cavite noong 22 Marso 1869 kina Carlos Aguinaldo y Jamir at Trinidad Famy y Villanueva (1820-1916). Ang kanyang ama ay isang gobernadorcillo na may lahing halong Tagalog at Intsik at nakapagmana ng yaman. Noong kanyang kabataan ay naturuan siya ng isa niyang lola. Nang lumaon ay pinag-aral siya ng elementarya sa paaralang elementarya ng Cavite el Viejo noong taóng 1880. Sumunod ay nag-aral siya ng sekundarya sa Colegio de San Juan de Letran nguni't tumigil sa ikatlong taon upang tumulong sa kaniyang nabiyudang ina na pangasiwaan ang kanilang bukid.
Nang siya ay 28 taon, siya ay naging cabeza de barangay sa Binakayan, ang pinakaumuunlad noong barrio sa Cavite el Viejo. Nanungkulan siya rito nang 8 taon.
Nang ihayag ang Kautusang Pangkaharian sa 19 Mayo 1893 na nagbabago sa mga pamamaraan ng mga pangkabayanang pamamahala ay kasama rito ang pagpalit sa katawagang gobernadorcillo ("munting tagapamahala") upang gawing capitan municipal ("punong-bayan" o "pangulo ng bayan"). Kaya nang tunay na maipatupad ang kautusan noong taóng 1895, si Aguinaldo ang pinakaunang taga-Cavite el Viejo na tinawag na capitan municipal.
Himagsikang Pilipino
Noong 1894, sumali siya sa Katipunan o ang K.K.K., isang lihim na samahang pinamunuan ni Andres Bonifacio, na naglayong itaboy ang manlulupig na Kastila at makamit ang kasarinlan ng Pilipinas sa pamamagitan ng dahas. Ginamit niya ang nom de guerre ("ngalang pandigmaan") na Magdalo, patungkol kay Maria Magdalena. Ang kaniyang sangay ng Katipunan na pinamumunuan ng pinsan niyang si Baldomero Aguinaldo ay tinawag ring Magdalo.
Nagsimula ang himagsikan sa bayan ng San Juan del Monte (kasalukuyang lungsod ng San Juan, Kalakhang Maynila). Ngunit sa simula ay hindi sumali ang sangay ni Aguinaldo dahil sa kakulangan ng pananandata, na isa sa mga dahilan ng pagkatalo ni Bonifacio sa Pinaglabanan. Habang napilitan sina Bonifacio na gumamit ng gerilya para makilaban, nanalo sina Aguinaldo sa iba't ibang laban na nakapagtaboy ng mga Espanyol ng panandalian.
Noong 17 Pebrero 1897, natalo nina Aguinaldo at ilang Katipunero ang puwersa na pinamumunuan ni Gobernador-Heneral Camilo de Polavieja sa Labanan sa Tulay ng Zapote sa Cavite. Si Heneral Edilberto Evangelista, inhinyerong sibil, rebolusyonaryo, at tagatayo ng trintsera, ay namatay sa labanang ito. Ang probinsiya ng Cavite ay naging importanteng lokasyon ng Rebolusyon at dito rin nakanalo ang Magdalo ng marami laban sa Espanya.
Ngunit, lalong nagkaroon ng malaking agwat ang dalawang kampo sa Katipunan, ang Magdalo at Magdiwang. Dahil dito, napilitan si Bonifacio na mamagitan sa dalawang kampo. Naisip ng Magdalo na magtayo ng sarili nilang gobyerno. Si Bonifacio, kahit para sa kaniya na ang Katipunan ay gobyernong ganap, pinayagan niya at pinamunuan rin ang isang halalan na sinimulan sa Kumbensiyong Tejeros sa Tejeros, Cavite noong 22 Marso 1897. Nawala rito ang pamumuno niya kay Aguinaldo, at naboto bilang Ministro ng Interyor. Ito ay kinwestyon ni Daniel Tirona, na sinasabing hindi raw nararapat ito kay Bonifacio dahil siya ay hindi nakapagtapos sa pag-aaral. Nagalit si Bonifacio (nilabas ang kaniyang baril at binaril na sana si Tirona kung hindi lang siya tumigil) at dineklarang null at di-wasto ang kumbensiyon. Napilitan si Bonifacio na bumalik sa Morong, Rizal
Hindi na kinilala ni Bonifacio ang gobyernong pinamumunuan ni Aguinaldo at sinimulang ibalik ang kaniyang awtoridad, pinagbintangan ang paksiyon ni Aguinaldo ng pagtataksil at nagbibigay ng utos na taliwas sa mga utos ni Aguinaldo. Sa utos ni Aguinaldo, hinuli si Bonifacio at ang kaniyang mga kapatid at sa isang mock trial, nahatulan ng pagtataksil at nasintensiyahan ng kamatayan. Pagkatapos ng pag-aalanganin, naisip niyang tanggalin ang hatol, ngunit pagkatapos makumbinse ni Heneral Manuel Noriel, Pangulo ng Konseho ng Digmaan, at iba pa, binalik ni Aguinaldo ang hatol. Pinatay ang magkapatid na Andres at Procorpio sa pamamagitan ng firing squad noong 10 Mayo 1897 sa Bundok Buntis na malapit ng apat na kilometro kanluran ng Maragondon, Cavite.
Biak-na-Bato
Habang tumitindi ang tensiyon, napilitan sina Aguinaldo na lumikas papunta sa mga bundok. Dito pinirmahan niya ang Kasunduan ng Biak-na-bato. Isusuko ni Aguinaldo ang kaniyang gobyerno at itigil ang digmaan kapalit ng $800,000 (Mehikanong salapi) bilang kapalit. Pinirmahan ito noong Disyembre 14 at 15, 1897. Noong Disyembre 23, umalis sila sa Pilipinas papuntang Hong Kong para lumikas. Ang dala nilang $400,000 (unang installment) ay dineposito sa mga bangko sa Hong Kong. Dito, inayos ni Aguinaldo ang gobyerno at tinawag niyang Kataas-taasang Konseho ng Bayan.
Isang rebolusyonaryong heneral, si Francisco Makabulos, ay nagtatag ng Komiteng Ehekutibong Sentral na siyang naging pamahalaan habang wala sina Aguinaldo. Kahit pumirma si Aguinaldo, tuloy pa rin ang paghuli ng mga Kastila sa mga Pilipinong sumama sa rebolusyon. Dahil dito, nagsimula muli ang rebolusyon.
Noong Abril 1898, nagkaroon ng digmaan sa gitna ng Espanya at Estados Unidos. Sa Labanan sa Look ng Maynila, nanalo ang American Asiatic Squadron na pinamumunuan ni Commodore George Dewey at nasakop ang Maynila. Si Dewey ang nagbigay ng transportasyon kay Aguinaldo pabalik ng Pilipinas. Bumalik bigla si Aguinaldo sa kaniyang posisyon at linusob ang Manila.
Pagpapahayag ng kalayaan, diktadura, at pamahalaang mapaghimagsik
Pagkatapos ng pagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano, bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas noong 19 Mayo 1898.
Noong Mayo 24, dineklara niya na siya ang pinúnò ng buong militar at nagtatag ng gobyernong diktaturyal na siya bilang diktador.
Noong Hunyo 12, dineklara ang Kalayaan ng Pilipinas sa bahay ng mga Aguinaldo sa Cavite el Viejo, at binása ang Batas na Nagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas. Ito ay sinulat sa baybay-Kastila ni Ambrosio Rianzares Bautista, isang kapamilya ni Jose Rizal, na siya ring bumása.
Noong Hunyo 18, dineklara niya sa pamamagitan ng dekrito ang opisyal na pagtatag ng kaniyang diktadurya. Noong Hunyo 23, dineklara naman niya ang gobyerno na rebolusyonaryo at hindi na diktadurya, siya pa rin bílang pangulo.
Pagkapangulo
Itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas sa bisa ng isang kinilalang Konstitusyon noong 21 Enero 1899 sa Malolos, Bulacan at nagtagal hanggang sa nadakip si Pangulong Aguinaldo ng mga Amerikano noong 23 Marso 1901 sa Palanan, Isabela.
Pamumuno at mga katiwala sa pamamahala (gabinete)
Nagkaroon ng dalawang bahaginan ng katiwala si Pangulong Aguinaldo.
Patakarang pambansa
Buwis
Nagpatuloy ang Kapulungan ng Malolos. Ipinagpatuloy muna ang paggamit ng pamamaraang Kastila sa maraming gawain ng pamahalaan kasama ang pagsingil ng buwis, subali't hindi kasama ang sa sabong at sa iba pang katuwaan. Binabaan ang buwis sa digmaan at ang kusang-loob na bigay ay tinatanggap. Inayos din ang kaparaanan sa pagbubuwis sa mga inaangkat. Binuksan ang pambansang pautang.
Pagtuturo
Pinabuksan kaagad ang mga mababang paaralan. Ang pag-aaral sa mababang paaralan ay sapilitan. Si Enrique Mendiola ay nagbukas ng Instituto de Burgos at pinili na ang tagapangasiwa nito ay gawing tagapangasiwa ng pagtuturong pambayan. Ang pamantasan ay nagbigay ng mga kaaralan sa pagtatanim, pagtilingin, at pangangalakal at ng mga kaaralang nagbibigay ng kasulatang katibayan ng pangunahing kasanayan (artium baccalaureus; A.B.).
Isang kautusan ang nagbigay ng panahon upang itayo ang Universidad Literaria ("pamantasan sa mga kasulatan"). Ang pamantasang ito ay nagbigay ng kaaralan sa panggagamot, paninistis, at pagpapatotoong pambayan. Ang Pangulo ang pipili ng magtuturong siya namang pipili ng tagapangasiwa ng pamantasan. Ang naging unang tagapangasiwa ay si Joaquín Gonzales. Ang kasunod ay si León María Guererro.
Pangkabayanang pamamahala
Sinunod ng Pangulo ang payo ni Apolinario Mabini at nagbigay ng dalawang kautusan, isa noong 18 Hunyo at isa naman noong ika-20 upang ayusin ang kaparaanan ng pamahalaan sa mga lalawigan at bayan. Nakasulat dito na kahit napilitan siyang maging diktador, nais niyang kasama ang mga pinakanararapat na maging halal na sila rin ay pinagkakatiwalaan ng kanilang mga kababayan.
Sa mga kautusang ito, ang mga lalaking 21 taon pataas ay dapat maghalal ng isang Consejo Popular ("sangguniang-bayan") na binubuo ng isang Pangulo, Ikalawang Pangulo, Kapitan ng Barrio, Delegado ng Katarungan, Rehistrado Sibil, Delegado ng Pulis at Panloob na Kaayusan, at Delegado ng Buwis at Pagmamay-ari. Pagtitibayin ng pamahalaan ang mga halal na ito.
Ang mga inihalal ng Pangulo at napagtibay sa parehong paraan ay: isang tagapamahala at tatlong sinasangguni kasama ang isang bibigyang-katungkulan sa bulwagang-lalawigan at sangguniang panlalawigan.
Pagbabago sa konstitusyon
Dahil sa abala sa ikalimang utos ng Konstitusyon ng 1898 na nagtatakda ng paghihiwalay ng Simbahan at ng Pamahalaan, ang Primer Ministro o Punong Katiwalang si Apolinario Mabini ay nagbigay ng pagpapaliban sa utos hanggang magkaroon muli ng kapulungan sa pagkatatag ng bansa. Ang mga lugar na kailangan ng pari ay binibigyan ng tulong. Ito ay pinagtibay noong 23 Disyembre at naging ika-100 utos ng Konstitusyon ukol sa pansamantalang gawain habang pinapalitan ang pamahalaan.
Ukol sa Magkakabuklod na Kabayanan ng Kabisayaan
Upang mapatunayan ang pagkakaisa ng Republika, ginawang pangulo ng Magkakabuklod na Kabayanan ng Kabisayaan si Raymundo Melliza sa loob ng dalawang taon, pagkatapos manumpa ng katapatan sa Unang Republika at kumilala kay Aguinaldo bilang kataas-taasang pangulo.
Patakarang panlabas
Mga bihag na Kastila
Pinalaya ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang mga Kastilang nabihag sa pamamagitan ng ganap na kahabagan (celemencia executivo) matapos itatag ang Republika. Pinayagan niya rin silang makapaghanapbuhay sa Pilipinas.
Digmaang Pilipino-Amerikano
Noong 4 Pebrero 1899, binaril ng isang Amerikanong sundalo ang isang Pilipino. Ito ang dahilan kaya nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano at nagsimula ang labanan sa gitna ng mga sundalong Amerikano at mga Pilipinong para sa kalayaan. Ang mas malakas na armas ng mga Amerikano ay nagpaalis ng mga Pilipino sa mga lungsod at kailangan maglipat ng lugar ng Gobyernong Malolos.
Lumikas si Pangulong Aguinaldo papuntang Hilagang Luzon habang hinahabol ng mga Amerikano. Noong 2 Hunyo 1899, nakatanggap ng telegrama si Heneral Antonio Luna, isa sa mga kaagaw ng pangulo at magaling na heneral, at nagtanong kung pwede sila magkita sa Kumbento ng Simbahan sa Cabanatuan. Ngunit, tinaksil siya ni Aguinaldo dahil ipinapatay siya ng mga tauhan ng pangulo matapos malaman na wala ang pangulo sa kumbento (Hunyo 5). Nilibing siya sa simbahan at walang imbestigasyong naganap. Hindi nahuli ang pumatay.
Pagkamatay ni Luna, nagkaroon na ng kapangyarihan ang pangulo sa buong militar. Dahil wala na ang kagalingan ni Luna, natalo ng natalo ang militar. Noong Nobyembre 1899, nakaabot na sina Aguinaldo sa Palanan, Isabela. Nagkaroon ng labanan sa Tirad Pass na pinamunuan ni Heneral Gregorio del Pilar para matago ang pangulo. Ngunit, natalo sila sa pwersa ng mga Amerikano at namatay pa si del Pilar at 52 sa 60 na kasama ni del Pilar.
Halos pagkatapos ng dalawang taon, nahuli si Pangulong Aguinaldo ng mga Amerikano sa pamumuno ni Heneral Frederick Funston sa pamamagitan ng pagkukunwari na sila'y mga nahuling Amerikano ng mga Macabebe Scouts na silang nagturo ng lokasyon ni Aguinaldo.
Mga larawan
Mga sanggunian
Mga kaugnay na naisulat
Pilipinas
Kasaysayan ng Pilipinas
Himagsikang Pilipino
Katipunan
Digmaang Espanyol-Amerikano
Digmaang Pilipino-Amerikano
Pangulo ng Pilipinas
Pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas
Ibang mapagbabasahan
Emilio Aguinaldo y Famy 1869 - 1964
Mga Pilipinong liping-Intsik
Mga Tagalog
Mga pangulo ng Pilipinas
Pamilya Aguinaldo
Katipunan
Himagsikang Pilipino
Mga Kristiyano
Mga rebolusyonaryo mula sa Pilipinas
|
895
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pangulo%20ng%20Pilipinas
|
Pangulo ng Pilipinas
|
Ang pangulo ng Pilipinas (impormal na tinatawag din bilang presidente ng Pilipinas) ay ang puno ng estado at ang puno ng pamahalaan ng Pilipinas. Pinamumunuan ng pangulo ang sangay ng tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas at siya rin ang commander-in-chief (literal: punong-kumander) ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Direktang binoboto ng mga tao ang pangulo, at isa ito sa dalawang opisyal na tagapagpaganap na hinahalal ng buong bansa, at ang pangalawang pangulo ng Pilipinas ang isa pa. Bagaman, may apat na naging pangulo ang hindi nahalal at naupo dahil namatay, nagbitiw o pwersahang pinagbitiw ang nakaupong pangulo.
Limitado ang pangulo sa isang termino na tatagal lamang hanggang anim na taon. Walang sinuman na nagsilbi ng higit sa apat na taon ng isang isang pampangulong termino ang pinapahintulutang tumakbo o magsilbi uli. Nagkaroon na ang Pilipinas ng labing-anim na mga pangulo. Sa kabila ng pagkakaiba sa saligang-batas at ng pamahalaan, itinuturing na walang hinto ang pagkasunod-sunod ng mga pangulo. Noong Hunyo 30, 2016, nanumpa si Rodrigo Duterte bilang ang kasalukuyan at ika-16 na pangulo.
Habang kinikilala ng Pilipinas si Aguinaldo bilang unang pangulo, hindi siya kinilala ng ibang bansa dahil bumagsak ang Unang Republika sa ilalim ng Estados Unidos pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Si Manuel L. Quezon ang kinilala bilang unang pangulo (at ang una na nanalo sa halalan, hinirang lamang si Aguinaldo) ng Estados Unidos at pandaigdig na kapisanang pangdiplomasya at pampulitika.
Nagkaroon ng dalawang pangulo ang Pilipinas sa isang punto sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kumakatawan sa dalawang pamahalaan. Isa ay kay Quezon na kumakatawan sa pamahalaang komonwelt at ang isa ay kay Jose Laurel na kumakatawan sa pamahalaang itinaguyod ng mga Hapones.
Kronolohiya
Lokal na pagpapangalan
Sa Filipino, isa sa dalawang opisyal na wika sa Pilipinas, tinatawag ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno ng Pilipinas bilang "pangulo." Sa ibang pangunahing mga wika sa Pilipinas tulad ng mga wikang Bisaya, "presidente" (na hango sa Kastila) ang karaniwang ginagamit gayon din sa mga Pilipino na nagpalit ng wika mula sa Ingles. President ang Ingles ng pangulo.
Kasaysayan
Mga naunang republika
Republikang Tagalog ni Bonifacio
Depende sa depenisyong napili para sa katawagang pangulo, ilang mga indibiduwal ang maaring alternatibong maituturing na nagsimulang humawak sa puwesto ng pagkapangulo. Maaaring ituring si Andrés Bonifacio bilang ang unang pangulo ng pinagkaisang Pilipinas, yayamang, habang siya ang ikatlong Kataas-taasang Supremo (Kastila: Presidente Supremo) ng Katipunan, isang lihim na samahang rebolusyonaryo na nagsimula sa hayag na pag-aalsa laban pamahalaang kolonya ng mga Kastila noong Agosto 1896, binago niya ang lipunan sa isang pamahalaang rebolusyonaryo na ginawa ang sarili bilang "Pangulo ng Haring Bayan". Habang nanatili ang katawagang Katipunan (at ang titulong Presidente Supremo), nakilala din ang pamahalaan ni Bonifacio bilang "Republika ng Katagalugan" (Kastila: República Tagala), at nilikha niya ang katawagang "haring bayan" o "haringbayan" bilang isang adapsyon at singkahulugan ng "republika." mula sa pinagmulan nito sa Latin na res publica. Bagaman tinutukoy ng salitang "Tagalog" ang mga Tagalog, isang partikular na pangkat etno-linggwistiko, ginamit ito ni Bonifacio upang ipahawatig na ito ang lahat ng di-Kastila sa Pilipinas kapalit ng katawagang Pilipino na mayroong kolonyal na pinagmulan, na tinutukoy ang kanyang konsepto ng bansa at mamamayang Pilipino bilang "Nagsasariling Bansa/Mamamayang Tagalog" o mas tumpak "Nagsasariling Bansa ng mga Tagalog" o "Haring Bayang Katagalugan", na nagresulta bilang kasingkahulugan "Republikang Tagalog" o mas tumpak bilang "Republika ng Bansang/Mamamayang Tagalog."
May ilang mga mananalaysay o dalubhasa sa kasaysayan ang nagsasabing kapag isasama si Bonifacio bilang isang nakaraang pangulo, ipinapahiwatig ito na dapat din na isama sina Macario Sakay at Miguel Malvar, dahil ipinagpatuloy ni Sakay ang konsepto ni Bonifacio na isang pambansang Republikang Tagalog, at ipinagpatuloy ni Malvar ang Republika ng Pilipinas na kasukdulan ng ilang mga pamahalaan na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo na pumalit kay Bonifacio. Humalili si Malvar pagkatapos mahuli si Aguinaldo.
Ang mga pamahalaan ni Aguinaldo at ang Unang Republika
Noong Marso 1897, noong panahon ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya, nahalal si Emilio Aguinaldo bilang bagong pangulo ng rebolusyonaryong pamahalaan sa Kapulungan sa Tejeros sa Tejeros, Cavite. Inilaan ang bagong pamahalaan upang palitan ang Katipunan, bagaman, hindi pormal nabuwag ang Katipunan hanggang noong 1899. Tinatawag nito ang sarili sa iba't ibang pangalan at ang mga ito ay "Republika Pilipinas" (Kastila: Republica Filipina), "Republika ng Pilipinas" (Kastila: Republica de Filipinas) at "Pamahalaan ng Lahat ng mga Tagalog" o "Pamahalaan ng Sangkatagalugan."
Pagkalipas ng mga buwan, nahalal uli si Aguinaldo bilang pangulo sa Biak-na-Bato, Bulacan noong Nobyembre, na nagdulot sa muling pag-organisa ng Republica de Filipinas, karaniwang tinatawag ngayon bilang Republika ng Biak-na-Bato. Kaya, pinirmahan ni Aguinaldo ang Kasunduan sa Biak-na-Bato at nagpatapon sa Hong Kong noong katapusan ng 1897.
Noong Abril 1898, sumiklab ang Digmaang Kastila-Amerikano, at naglayag sa Pilipinas ang Asyatikong Ekuwadron ng Hukbong-dagat ng Estados Unidos. Sa Labanan sa Look ng Maynila noong Mayo 1, 1898, mapagpasyang tinalo ng Amerikanong Hukbong-dagat ang Kastilang Hukbong-dagat. Sa dakong huli, bumalik si Aquinaldo sa Pilipinas sakay ng isang saksakyang-pandagat ng Amerikanong Hukbong-dagat at pinanumbalik ang rebolusyon. Binuo niya ang diktaduryang pamahalaan noong Mayo 24, 1898, at ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Sa maikling panahon na ito, kinuha niya ang titulong "Diktador" at tumutukoy ang Deklarasyon ng Kalayaan sa kanya.
Noong Hunyo 23, 1898, binago ni Aguinaldo ang kanyang diktaduryang pamahalaan sa isang rebolusyonaryong pamahalaan at naging "Pangulo" muli. Noong Enero 23, 1899, nahalal si Aguinaldo bilang Pangulo ng Republica Filipina, isang bagong pamahalaan na nabuo sa pamamagitan ng isang rebolusyonaryong Kongreso sa ilalim ng katulad na rebolusyonaryong Saligang Batas. Dahil dito, tinuturing ang gobyernong ito ngayon bilang ang nararapat na Unang Republika at tinatawag din bilang Republika ng Malolos, na ipinangalan sa kabisera ng Bulacan, ang Malolos; karaniwang tinatawag din ang Kongreso ("Pambansang Kapulungan" sa pormal) at Konstitusyon nito bilang Kongreso ng Malolos at Konstitusyon ng Malolos.
Tulad ng lahat ng mga hinalinhan at mga hahali dito hanggang sa Komonwelt ng Pilipinas noong 1935, hindi tumagal ang Unang Repulika ng Pilipinas at hindi kailanmang kinilala sa internasyunal na larangan, at hindi kailanman nakontrol at/o pangkalahatang kinilala sa buong lugar na sinakop ng kasalukuyang Republika, bagaman, sinasabi ng mga nagtatag nito na kinakatawan at pinamamahalaan nito ang buong kapuluan ng Pilipinas at ang mamamayan nito. Nailipat ang pamamahala ng Pilipinas mula sa mga Kastila tungo sa mga Amerikano sa pamamagitan ng Kasunduan ng Paris noong 1898, na pinirmahan noong Disyembre ng taon na yaon. Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano sa pagitan ng Estados Unidos at ang pamahalaan ni Aguinaldo. Epektibong nawala ang kanyang pamahalaan noong Abril 1, 1901, pagkatapos nanumpa ng katapatan sa Estados Unidos kasunod ng pagkakahuli sa kanya ng mga puwesang Amerikano noong Marso.
Tinuturing ng kasalukuyang pamahalaan ng Republika ng Pilipinas si Emilio Aguinaldo bilang unang pangulo ng Pilipinas partikular na batay sa kanyang pagkapangulo sa Republika ng Malolos, at hindi sa kahit anumang iba't ibang mga pamahalaan bago dito.
Mga ibang nag-aangkin
Pagkatapos mahuli ni Aguinaldo, ipinagpatuloy ni Miguel Malvar ang pamunuan ni Aguinaldo sa Republica Filipina hanggang nahuli din siya noong 1902, habang binuhay muli ni Macario Sakay ang Republikang Tagalog bilang isang pagpapatuloy ng estado ng Katipunan ni Bonifacio. Pareho silang tinuturing ng ilang iskolar bilang "di-opiyal na mga pangulo," at kasama ni Bonifacio, ay hindi tinuturing bilang mga pangulo ng pamahalaan.
Pananakop ng mga Amerikano
Sa pagitan ng 1898 at 1935, isinagawa ang kapangyarihang tagapagpaganap sa Pilipinas ng sunud-sunod na apat na Amerikanong militar na Gobernador-Heneral at labing-isa na sibil na mga Gobernador-Heneral.
Panunumpa
Sa ilalim ng Artikulo VII, Seksiyon 5 ng Saligang Batas, bago makapagsimula ang Pangulo sa pagtupad ng kanyang katungkulan ng kanyang tanggapan, dapat magsagawa ng Pangulo ang sumusunod na panunumpa o pagpapatotoo:
Talababa
Mga sanggunian
Pilipinas
Pangulo
Pamahalaan ng Pilipinas
Sangay tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas
Pilipinas
Pilipinas
|
896
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Sergio%20Osme%C3%B1a
|
Sergio Osmeña
|
Si Sergio Osmeña (9 Setyembre 1878 – 19 Oktubre 1961), higit na kilala ngayon bilang Sergio Osmeña, Sr. ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (1 Agosto 1944 – 28 Mayo 1946) na makikita sa limampung pisong papel na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina Senador Sergio Osmeña III, John Osmeña, dating Gobernador Lito Osmeña ng Cebu at Mayor Tomas Osmeña.
Isinilang siya noong 9 Setyembre 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmeña ay nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya si Manuel L. Quezon.
Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmeña. Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia.
Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan ay muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang ang kanilang natapos. Si Osmeña ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar.
Dalawampu't limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng lalawigan.
Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker ng asemblea, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador siya mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong 1923-1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmeña-Roxas), isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidos para ikampanya ang Kasarinlan ng Pilipinas. Nahalal siyang pangalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezon na tumungo sa Estados Unidos at doon itinatag ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas kung siya nagsilbing pangalawang pangulo ni Quezon. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong 1 Agosto 1944 at si Osmeña ang humalili sa kanyang Pangulo. Kasama niya si Heneral Douglas MacArthur at mga puwersang Amerikano gayundin ng Pilipinong Heneral na si Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo na dumating sa Leyte noong 20 Oktubre 1944. Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa mga Hapones, nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong 23 Abril 1946. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.
Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmeña sa kanyang tahanan sa Cebu. Si Sergio Osmeña ay namatay noong 19 Oktubre 1961.
Talambuhay
Maagang buhay
Si Sergio Osmeña ay ipinanganak sa Cebu. Ang kanyang ama ay isang mayamang negosyante na si Don Pedro Lee Gotiaoco at ang kanyang ina ay si Juana Osmeña y Suico na iniulat na 14 taong gulang lamang ng ipanganak si Sergio Osmeña. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Colegio de San Carlos noong 1892. Siya ay nag-aral sa Maynila sa San Juan de Letran College kung saan niya unang nakilala sina Manuel L. Quezon na kanyang kaklase at sina Juan Sumulong at Emilio Jacinto. Kumuha siya ng kursong batasa sa Unibersidad ng Santo Tomas at naging ikalawa sa eksaminasyon ng batas noong 1903. Siya ay naglingkod na katulong sa digmaan ni Heneral Emilio Aguinaldo bilang courier at mamamahayag. Noong 1900 ay itinatag niya ang pahayagan El Nuevo Día sa Cebu na tumagal ng 3 taon. Noong 1904, ang pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos ay humirang sa kanya bilang gobernador ng Cebu. Pinakasalan niya si Estefania Chiong Veloso noong 10 Abril 1901 at nagkaroon sila ng 10 anak.
Kongreso
Kinatawan
Habang nagsisilbing gobernador, tumakbo siya sa halalan ng unang Asembleang Pilipino noong 1907 at nahalal na speaker nito. Siya ay naglingkod sa mababang kapulungan hanggang 1922. Itinatag niya kasama ni Manuel L. Quezon ang Partidong Nacionalista upang hadlangan ang Partido Federalista ng mga politikong taga Maynila.
Senado
Noong 1922 ay nahalal si Osmeña sa Senado. Siya ay tumungo sa Estados Unidos bilang bahagi ng Misyong OsRox noong 1933 upang makuha ang pagpasa ng panukalang batas ng kalayaang Hare–Hawes–Cutting na pinalitan ng Batas Tydings-McDuffie noong 1934.
Misyong OsRox
Si Osmeña kasama ni Manuel Roxas ay nanguna sa isang kampanya na tinatawag na misyong OsRox (1931) para sa pagkilala ng Estados Unidos ng kalayaan ng Pilipinas at pamumuno sa sarili ng Pilipinas. Nakamit ng misyong OsRox ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Hare–Hawes–Cutting Act na nangangakong magbibigay ng kalayaan sa Pilipinas pagkalipas ng 10 taon ngunit ito ay itinakwil ng Senado ng Pilipinas sa panghihimok ni Manuel L. Quezon. Si Quezon ay nanguna sa isang misyon noong 1934 upang makuha ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Batas Tydings–McDuffie na pinagtibay ng Senado ng Pilipinas.
Pangalawang Pangulo
Noong 1924, sina Quezon at Osmeña ay nagkasundo at nagsanib sa Partido Nacionalista Consolidado laban sa oposisyong Partido Democrata ngunit ang Partido Nacionalista ay nagkawatak watak noong 1934. Muling nagkasundo sina Quezon at Osmeña at tumakbo at nanalo sa 1935 halalan ng pagkapangulo. Si Quezon ay ipinagbawal ng konstitusyon na muling pagtakbo sa halalan ng pagkapangulo. Gayunpaman, ang mga susog noong 1940 ay pinagtibay na pumapayag sa kanyang muling pagtakbo. Siya ay tumakbo at nahalal sa halalan ng pagkapangulo noong 1941 na may halos 82 porsiyento laban kay Juan Sumulong. Si Osmeña ay muling nahalal na pangalawang pangulo.
Pananakop ng mga Hapones at pagkakatapon ng pamahalaang Komonwelt ni Quezon sa Estados Unidos
Pagkatapos ng pasimula ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas noong 8 Disyembre 1941, sina Heneral Douglas MacArthur at Quezon ay lumikas sa Bataan noong 24 Disyembre 1941. Si Quezon ay pinayuhan ni MacArthur na lumikas sa Corregidor kung saan isinagawa ang kanyang inaugurasyon bilang Pangulo ng Pilipinas noong 30 Disyembre 1941. Ang mga Hapones ay pumasok sa siyudad ng Maynila noong 2 Enero 1942 at itinatag ito bilang kabisera. Buong nasakop ng Hapon ang Pilipinas noong 6 Mayo 1942 pagkatapos ng Labanan ng Corregidor. Pagkatapos ay lumikas si Quezon sa Bisayas at Mindanao at sa pag-anyaya ng pamahalaan ng Estados Unidos ay lumikas siya sa Australia at pagkatapos ay sa Estados Unidos. Sa Estados Unidos ay itinatag niya ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas na nasa pagkakatapon na may mga headquarter sa Washington, D.C.. Si Osmeña ay nanatiling pangalawang pangulo sa pagkakatapon ng Komonwelt ng Pilipinas sa Estados Unidos.
Pagbuwag ng Komonwelt at Pagtatag ng Ikatlong Republika
Binuwag ni Heneral Masaharu Homma ang Pamahalaang Komonwelt ni Quezon at itinatag ang Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas bilang nangangalagang pamahalaan na si Jose B. Vargas ang unang chairman noong Enero 1942. Ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas ay binuo ng Proklamasyon bilang 109 ng Komisyong Tagapagpaganap noong 8 Disyembre 1942 na nagbabawal sa lahat ng mga umiiral na partidong pampolitika at paglikha ng mga bagong alyansang pamahalaan. Bago ang pagbuo ng komisyon, ang Pilipinas ay binigyan ng Hapon ng opsiyon na isailalim ang Pilipinas sa diktadurya ni Artemio Ricarte na ibinalik ng mga Hapones mula sa Yokohama. Ito ay hindi tinanggap ng Komisyon na nagpasyang gawing republika ang Pilipinas. Sa unang pagdalaw sa Pilipinas ni Punong Ministro Hideki Tojo noong 6 Mayo 1943 ay nangako siyang ibabalik ang kalayaan ng Pilipinas bilang bahagi ng Pan-Asyanismo nito o Asya para sa Asyano. Ito ay nagtulak sa KALIBAPI na lumikha ng komiteng paghahanda para sa kalayaan ng Pilipinas noong 19 Hunyo 1943. Ang isang draptong konstitusyon ay binuo ng komisyon na binubuo ng 20 kasapi mula sa KALIBAPI. Ito ay pinamunuan ni Jose P. Laurel na nagtanghal ng draptong konstitusyon noong Setyemre 4,1943 at pagkatapos ng 3 araw ay pinagtibay ng pangakalahatang asemblea ng KALIBAPI. Noong 20 Setyembre 1943, hinalal ng mga pangkat na kinatawan ng KALIBAPI sa mga probinsiya at siyudad mula sa kanilang sarili ang 54 kasapi ng Pambansang Asemblea ng Pilipinas na may 54 gobernador at mga alkalde ng lungsod bilang mga kasaping ex-oficio. Pagkatapos ng 3 araw, ang sesyon ng Pambansang Asemblea ay humalal kina Jose P. Laurel bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at Benigno S. Aquino Sr. bilang unang speaker nito ngunit walang kinikilalang pangalawang pangulo.
Bilang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na nasa Estados Unidos
Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935, ang termino ni Manuel L. Quezon bilang pangulo ay magwawakas noong 30 Disyembre 1943 at ang pangalawang Pangulo ang automatikong halili sa kanya. Ito ay ipinaalam ni Osmeña kay Quezon ngunit naniwala si Quezon na hindi matalinong ipatupad ang tadhanang ito ng Saligang Batas dahil sa mga kasalukuyang sirkunstansiya ng pamahalaan ng Pilipinas. Hindi ito tinanggap ni Osmeña at hiniling ang opinyon ni U.S. Attorney General Homer Cummings na umayon kay Osmeña. Gayunpaman, ito ay hindi tinanggap ni Quezon at hiniling niya kay Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos na magbigay ng desisyon ngunit ito'y tumangging manghimasok at sa halip ay ipinayong ito ay lutasin ng mga opisyal ng pamahalaang Komonwelt ni Quezon. Pagkatapos ng pagpupulong, hiniling ni Osmena sa Kongreso ng Estados Unidos na suspindihin muna ang pagpapatupad ng tadhana ng 1935 Saligang Batas ng Pilipinas sa paghalili ng pangulo hanggang pagkatapos mapalaya ang Pilipinas mula sa mga Hapones. Ito ay inayunan ni Quezon at ng kanyang Gabinete. Ang panukala ay pinagtibay ng Senado ng Estados Unidos at mga Kinatawan ng Estados Unidos noong 10 Nobyembre 1943.
Si Osmeña ang naging Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na nasa Estados Unidos pagkatapos mamatay ni Quezon noong 1 Agosto 1944.
Pagbalik sa Pilipinas
Si Osmeña ay bumalik sa Pilipinas kasama ni Heneral Douglas MacArthur at ng mga puwersang Amerikano noong 20 Oktubre 1944. Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Maynila mula sa mga Hapones, ibinigay ni Heneral MacArthur ang pamahalaan ng Pilipinas kay Osmeña bilang Pangulo noong 27 Pebrero 1945 sa Malacañang.
1946 halalan ng pagka-Pangulo
Pagkatapos ibalik ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas noong 1945, tumawag ang mga senador na sina Manuel Roxas, Elpidio Quirino at mga kaalyado nila para sa isang halalan ng pagkapangulo, ikalawang pangulo at mga kasapi ng Kongreso ng Pilipinas. Pinagtibay ng Kongreso ng Estados Unidos ang halalan para sa 23 Abril 1946.
Ang tatlong pangkat ay lumahok sa halalan: Ang pangkat konserbatibo nina Osmeña at Eulogio Rodriguez ng partido Nacionalista, ang partido Liberal nina Roxas at Quirino na galing sa partidong Nacionalista at ang Partido Modernista ni Hilario Moncado.
Natalo si Osmeña kay Manuel Roxas sa halalan ng pagkapangulo.
Kamatayan
Pagkatapos matalo sa halalan, si Osmeña ay bumalik sa kanyang tahanan sa Cebu. Siya ay namatay noong 19 Oktubre 1961 sa edad na 83 sa Veteran's Memorial Hospital sa Quezon City. Siya ay inilibing sa Sementeryong Norte sa Maynila.
Talababa
Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas
Mga pangulo ng Pilipinas
Mga Bisaya
Mga Kristiyano
|
899
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Manuel%20L.%20Quezon
|
Manuel L. Quezon
|
Si Manuel Luis Quezon y Molina (Agosto 19, 1878 – Agosto 1, 1944), kilala rin sa kanyang inisyal na MLQ, ay isang Pilipinong sundalo, abogado, at estadista na itinatagurian bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kung saan pinangunahan niya ang Amerikanong Komonwelt mula noong 1935 hanggang 1944.
Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.
Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal noong 1941.
Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.
Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin Country, New York noong 1 Agosto 1944 sa edad na 66. Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.
Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon. Siya rin ay tinawag bilang Ama ng Wikang Pambansa.
Talambuhay
Maagang buhay
Si Quezon ay ipinanganak sa Baler sa distrito ng El Principe. Ang kanyang mga magulang ang mga Espanyol na sina Lucio Quezón at María Dolores Molina. Ang kanyang ama ay isang guro ng panimulang baitang mula sa Paco, Maynila at isang retiradong sarhento ng hukbong Espanyol samantalang ang kanyang ina ay isang guro ng panimulang baitang sa kanilang bayan.
Siya ay nag-aral sa mga panimulang baitang sa mga libreng pampublikong paaralan na itinatatag ng mga Espanyol sa Pilipinas sa kanyang bayan. Siya ay nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran sa mataas na paaralan. Noong 1898, ang kanyang ama at kapatid na si Pedro ay tinambangan at pinaslang habang pauwi sa Baler mula Nueva Ecija. Noong 1899, si Quezon ay huminto sa kanyang pag-aaral ng batas sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila upang sumali sa pakikibaka para sa kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo. Noong Digmaang Pilipino-Amerikano, siya ay isang ayuda-de-campo kay Aguinaldo. Siya ay umakyat sa ranggong Major at lumaban sa Bataan. Pagkatapos niyang sumuko noong 1900, si Quezon ay bumalik sa unibersidad upang tapusin ang kanyang pag-aaral at nakapasa sa mga eksaminasyon sa batas noong 1903 na naging ikaapat sa mga kumuha nito.
Siya ay nagtrabaho bilang isang clerk at surveyor. Siya ay pumasok sa serbisyong pampamahalaan bilang hinirang na piskal ng Mindoro at kalaunan ng Tayabas. Siya ay naging konsehal at nahalal na gobernador ng Tayabas noong 1906.
Pinakasalan ni Quezon ang kanyang unang pinsan na si Aurora Aragon noong 17 Disyembre 1918. Sila ay may apat na anak.
Kongreso
Kinatawan
Si Quezon ay nahalal sa unang Asembleyang Pilipino noong 1907 na kalaunang naging Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas. Siya ay naglingkod na majority floor leader at chairman of the committee sa mga apropriasyon. Mula 1909–1916, siya ay nagsilbing isa sa dalawang mga komisyoner sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados. Siya ay naglobby para sa pagpasa ng mga kinatawan ng Estados Unidos ng Philippine Autonomy Act o Jones Law.
Senado
Si Quezon ay bumalik sa Maynila noong 1916 at tumakbo at nahalal sa Senado ng Pilipinas. Siya ay kalauanng naging Pangulo ng Senado sa 19 taon hanggang 1935. Pinamunuan niya ang unang Indendiyenteng Misyon sa Kongreso ng Estados Unidos noong 1919 na nagpasa ng Batas Tydings-McDuffie noong 1934. Noong 1922, siya ay naging pinuno ng Partido Nacionalista.
Bilang Pangulo
Noong 1935, Si Quezon ay tumakbo at nahalal na pangulo ng Pilipinas. Nakamit niya ang 68% laban kina Emilio Aguinaldo at Gregorio Aglipay. Siya ang ikalawang pangulo ng Pilipinas pagkatapos ni Aguinaldo.
Unang Termino
Ekonomiya
Ang kondisyon sa ekonomiya ng Pilipinas na nasa ilalim ng Estados Unidos ay matatag. Ang kalakalang pandayuhan ay umabot sa kasagsagang 400 milyong piso. Ang pagluluwas ng mga pananim ay maganda maliban sa tabako. Ang halaga ng mga inululuwas ng Pilipinas ay umabot ng 320,896,000 piso na pinakamataas simula 1929. Ang mga kinita ng pamahalaan ay umabot ng 76,675,000 piso noong 1936 mula 65,000,000 piso ng nakaraang taon. Ang produksiyon ng ginto ay tumaas ng mga 37% at ang bakal sa halos 100% samantalang ang produksiyon ng semento ay lumaki ng 14%. Ang National Economic Council ay nilikha ng batas. Ito ay nagpapayo sa pamahalaan sa mga tanong na pang-ekonomiya at pangsalapi kabilang ang pagtataguyod ng mga industriya, dibersipikasyon ng mga pananim, mga taripa, pagbubuwis at pagbuo ng programang pang-ekonomiya.
Pambansang wika
Ang isang probisyon sa konstitusyong ipinatupad ni Quezon ang tanong hinggil sa pambansang wika ng Pilipinas. Pagkatapos ng isang taong pag-aaral, ang Surian ng Wikang Pambansa na itinatag noong 1936 ay nagrekomenda na ang wikang Tagalog ang gawing basehan ng pambansang wika. Ang mungkahing ito ay mahusay na tinanggap sa kabila ng pagiging katutubong Bisaya ng unang direktor nitong si Jaime C. de Veyra. Noong Disyembre 1938, si Quezon ay naglabas ng proklamasyon na nagpapatibay sa konsitusyong ginawa ng Surian at naghahayag na mangyayari ang pag-tanggap ng pambansang wika sa loob ng dalawang taon mula dito.
Karapatang pagboto ng mga kababaihan
Sinimulan ni Quezon ang karapatang pagboto ng mga kababaihan. Ang 1935 konstitusyon ay nag-aatas na ang karapatan ay maipagkakaloob kapag ang hindi kaunti sa 300,000 ay aayon sa plebisito. Ang pamahalaan ni Quezon ay nag-utos ng isang plebisito noong 3 Abril 1937. Ang kinalabasan ng plebisito ay pag-ayon ng 447,725 laban sa pagtutol na 44,307
1940 plebisito
Kasabay ng mga lokal na halalan noong 1940, ang isa pang plebisito ay idinaos upang pagtibayin ang iminungkahing mga susog sa Konstitusyon hinggil sa pagpapanumbalik ng lehislaturang bikameral, ang termino ng pangulo na itatakda sa apat na taon na may isang muling paghalal at ang pagtatatag ng independiyenteng Komisyon sa Halalan. Ang mga susog ay pinagtibay at sina Speaker Jose Yulo at Assemblyman Dominador Tan ay tumungo sa Estados Unidos upang kunin ang pagpapatibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt na ibinigay nito noong 2 Disyembre 1940. Pagkatapos ng dalawang araw, ito ay prinoklama ni Quezon.
Ikalawang termino
Si Quezon ay ipinagbawal ng konstitusyon na muling tumakbo sa halalan ng pagkapangulo. Gayunpaman, ang mga susog noong 1940 ay pinagtibay na pumapayag sa kanyang muling pagtakbo. Siya ay tumakbo at nahalal sa halalan ng pagkapangulo noong 1941 na may halos 82 porsiyento laban kay Juan Sumulong.
Pananakop ng mga Hapones at pagkakatapon ni Quezon sa Estados Unidos
Pagkatapos ng pasimula ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas noong 8 Disyembre 1941, sina Heneral Douglas MacArthur at Quezon ay lumikas sa Bataan noong 24 Disyembre 1941. Si Quezon ay pinayuhan ni Macarthur na lumikas sa Corregidor kung saan isinagawa ang kanyang inaugurasyon bilang Pangulo ng Pilipinas noong 30 Disyembre 1941. Ang mga Hapones ay pumasok sa siyudad ng Maynila noong 2 Enero 1942 at itinatag ito bilang kabisera. Buong nasakop ng Hapon ang Pilipinas noong 6 Mayo 1942 pagkatapos ng Labanan ng Corregidor. Pagkatapos ay lumikas si Quezon sa Bisayas at Mindanao at sa pag-anyaya ng pamahalaan ng Estados Unidos ay lumikas siya sa Australia at pagkatapos ay sa Estados Unidos. Sa Estados Unidos ay itinatag niya ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas na nasa pagkakatapon na may mga headquarter sa Washington, D.C.. Doon ay nagsilbi siyang kasapi ng Pacific War Council at lumagda sa deklarasyon ng United Nations laban sa mga kapangyarihang Aksis. Kanya ring isinulat ang kanyang sariling talambuhay.
Binuwag ni Heneral Masaharu Homma ang Komonwelt ng Pilipinas at itinatag ang Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas bilang nangangalagang pamahalaan na si Jorge B. Vargas ang unang chairman noong Enero 1942. Ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas ay binuo ng Proklamasyon bilang 109 ng Komisyong Tagapagpaganap noong 8 Disyembre 1942 na nagbabawal sa lahat ng mga umiiral na partidong pampolitika at paglikha ng mga bagong alyansang pamahalaan. Bago ang pagbuo ng komisyon, ang Pilipinas ay binigyan ng Hapon ng opsiyon na isailalim ang Pilipinas sa diktadurya ni Artemio Ricarte na ibinalik ng mga Hapones mula sa Yokohama. Ito ay hindi tinanggap ng Komisyon na nagpasyang gawing republika ang Pilipinas. Sa unang pagdalaw sa Pilipinas ni Punong Ministro Hideki Tōjō noong 6 Mayo 1943 ay nangako siyang ibabalik ang kalayaan ng Pilipinas bilang bahagi ng Pan-Asyanismo nito o Asya para sa Asyano. Ito ay nagtulak sa KALIBAPI na lumikha ng komiteng paghahanda para sa kalayaan ng Pilipinas noong 19 Hunyo 1943. Ang isang draptong konstitusyon ay binuo ng komisyon na binubuo ng 20 kasapi mula sa KALIBAPI. Ito ay pinamunuan ni Jose P. Laurel na nagtanghal ng draptong konstitusyon noong Setyemre 4,1943 at pagkatapos ng 3 araw ay pinagtibay ng pangakalahatang asemblea ng KALIBAPI. Noong 20 Setyembre 1943, hinalal ng mga pangkat na kinatawan ng KALIBAPI sa mga probinsiya at siyudad mula sa kanilang sarili ang 54 kasapi ng Pambansang Asemblea ng Pilipinas na may 54 gobernador at mga alkalde ng lungsod bilang mga kasaping ex-oficio. Pagkatapos ng 3 araw, ang sesyon ng Pambansang Asemblea ay humalal kina Jose P. Laurel bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at Benigno S. Aquino bilang unang speaker nito. Itinaas nina Aguinaldo at Ricarte ang watawat ng Pilipinas.
Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935, ang termino ni Manuel L. Quezon bilang pangulo ay magwawakas noong 30 Disyembre 1943 at ang pangalawang Pangulo na si Sergio Osmeña ang automatikong halili sa kanya. Ito ay ipinaalam ni Osmeña kay Quezon ngunit naniwala si Quezon na hindi matalinong ipatupad ang tadhanang ito ng Saligang Batas dahil sa mga kasalukuyang sirkunstansiya ng pamahalaan ng Pilipinas. Hindi ito tinanggap ni Osmena at hiniling ang opinyon ni U.S. Attorney General Homer Cummings na umayon kay Osmeña. Gayunpaman, ito ay hindi tinanggap ni Quezon at hiniling niya kay Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos na magbigay ng desisyon ngunit ito'y tumangging manghimasok at sa halip ay ipinayong ito ay lutasin ng mga opisyal ng pamahalaang Komonwelt ni Quezon. Pagkatapos ng pagpupulong, hiniling ni Osmena sa Kongreso ng Estados Unidos na suspindihin muna ang pagpapatupad ng tadhana ng 1935 Saligang Batas ng Pilipinas sa paghalili ng pangulo hanggang pagkatapos mapalaya ang Pilipinas mula sa mga Hapones. Ito ay inayunan ni Quezon at ng kanyang Gabinete. Ang panukala ay pinagtibay ng Senado ng Estados Unidos at mga Kinatawan ng Estados Unidos noong 10 Nobyembre 1943.
Kamatayan
Si Quezon ay nagkasakit ng tuberkolosis at gumugol ng kanyang huling taon sa cottage sa Saranac Lake sa New York kung saan siya namatay noong 1 Agosto 1944. Siya ay inilibing sa Arlington National Cemetery sa Estados Unidos. Ang kanyang katawan ay kalaunang muling inilibing sa Sementeryong Norte sa Maynila noong 17 Hulyo 1946 bago inilipat sa Quezon Memorial Circle noong 19 Agosto 1979.
Sipi
Si Quezon ay nahirang na residenteng komisyoner ng Pilipinas sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos noong 1909-1916. Kanyang masiglang ipinaglaban ang pagkakamit ng kalayaan ng Pilipinas mula sa pamamahala ng Estados Unidos at nagkaroon ng mahalagang papel sa pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Batas Jones noong 1916 na nagkakaloob ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos.
Sinambit ni Quezon na:
Mga sanggunian
Silipin din
Kasaysayan ng Pilipinas
Mga pangulo ng Pilipinas
Mga Pilipinong liping-Kastila
Mga Tagalog
Mga rebolusyonaryo mula sa Pilipinas
|
903
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Talaan%20ng%20mga%20pulo%20ng%20Pilipinas
|
Talaan ng mga pulo ng Pilipinas
|
Ito ay talaan ng mga Pulo ng Pilipinas. Binubuo ang kapuluan ng Pilipinas ng 7,641 mga pulo, kung saan 2,000 dito ay pinanahanan. Pinangkat ang mga ito sa tatlong pangunahing mga pangkat ng pulo, ang Kalusunan, Kabisayaan, at Kamindanawan
Pangkat ng Kalusunan
Luzon
Mindoro
Palawan
Pulo ng Balabac
Kapuluang Calamian
Pulo ng Cagayan
Masbate
Pulo ng Ticao
Pulo ng Burias
Marinduque
Catanduanes
Romblon
Pulo ng Romblon
Pulo ng Sibuyan
Pulo ng Tablas
Kapuluang Babuyan
Mga Pulo ng Batanes
Mga Pulo ng Polillo
Pangkat ng Kabisayaan
Samar
Panay
Boracay
Leyte
Negros
Bohol
Cebu
Biliran
Guimaras
Siquijor
Pangkat ng Kamindanawan
Mindanao
Camiguin
Pulo ng Samal
Pulo ng Siargao
Pulo ng Dinagat
Kapuluan ng Sulu
Basilan
Pulo ng Jolo
Tawi-Tawi
Mga sanggunian
Pilipinas
|
904
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Timog-silangang%20Asya
|
Timog-silangang Asya
|
Ang Timog-silangang Asya ay isang subrehiyon ng kontinenteng Asya, na binubuo ng mga bansang heograpikal nasa timog ng Tsina, silangan ng Indiya, kanluran ng Bagong Guinea at hilaga ng Australya. Ang klima sa rehiyong ito ay karaniwang tropikal, mainit at mahalumigmig sa loob ng isang buong taon.
Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng dalawang rehiyong heograpikal: Ang kalupaang Asyano, at ang mga arkong pulo at mga kapuluan sa silangan at timog silangan. Ang mga bansang nasa kalupaang Asyano ay kinabibilangan ng Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, at ang Vietnam; ang populasyon ay pangunahing binubuo ng mga Tibeto-Burmano, mga Thai, at mga Austroasiatiko; ang pinakamalaking relihiyon ay Budismo, na sinundan ng Islam, at Kristiyanismo. Ang mga bansang nasa karagatan ay binubuo ng Brunei, Silangang Timor, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at ang Singapore. Ang ibang paglalarawan sa rehiyon ay sinasama ang Taiwan sa hilaga. Ang mga Austronesiano ang dominante sa rehiyon; ang pangunahing relihiyon ay Islam, na sinundan ng Kristiyanismo.
Pagkakahati
Pampolitika
Ang paghahati sa "Timog-silangang Asya" ay nag-iiba-iba, subalit karamihan sa mga ito ay kinabibilangan ng mga bansang ito:
Brunei
Cambodia
Indonesia
Laos
Malaysia
Myanmar
Pilipinas
Singapore
Thailand
Vietnam
Silangang Timor
Ang lahat ng nasa itaass ay kasapi ng ASEAN, maliban na lamang sa Silangang Timor (na kilala rin bilang Timor Leste), na isang kandidatong estado para sa ASEAN. Ang bahagi, na kasama ang ilang bahagi ng Timog Asya, ay kilala bilang Silangang Indies o sa payak na Indies hanggang noong ika-20 dantaon. Ang Pulo ng Christmas at ang mga pulo ng Cocos (Keeling) ay kasama bilang bahagi ng Timog Silangang Asya pati na ng Silangang Asya ngunit sila ay pinamamahalaan ng Australya. Ang Taiwan kinokonsidera na bahagi ng TImog Silangang Asya pati na ng Silangang Asya subalit hindi ito kasapi ng ASEAN. Ang mga usaping pangsoberenya ay buhay sa mga pulo sa Dagat Timog Tsina. Ang Papua ay pampolitika na bahagi ng Timog Silangang Asya sa pamamagitan ng Indonesia, ngunit heograpikal itong kinokonsidera bilang bahagi ng Oceania.
Heograpikal
Ang Timog Silangang Asya ay heograpikal na nahahati sa dalawang rehiyon, na tinatawag na Kalupaang Timog Silangang Asya (o ang Indotsina) at ang Karagatang Timog Silangang Asya (o ang Kapuluang Malay) (o sa wikang Indones ay Nusantara).
Ang Kalupaang Timog Silangang Asya ay kinapapalooban ng:
Cambodia
Laos
Myanmar
Thailand
Vietnam
Ang Karagatang Timog Silangang Asya ay kinapapalooban ng:
Brunei
Silangang Timor
Indonesia
Malaysia
Pilipinas
Singapore
Ang Silangang bahagi ng Indonesia at Silangang Timor (silangan ng Linyang Wallace) ay kinokonsidera bilang heograpikal na bahagi ng Oceania.
Ang mga pulo ng Andaman at Nicobar ng India ay heograpikal na kinokonsidera bilang bahagi ng Timog Silangang Asya. Ang Hilagang Silangang India ay kultural na Timog Silangang Asya at minsang kinokonsidera bilang Timog Asyano at Timog Silangang Asyano. Ang Pulo ng Hainan at ang ilang mga rehiyong Tsino gaya ng Yunnan, Guizhou at Guangxi ay kinokonsidera bilang Silangang Asya at Timog Silangang Asya. Ang Taiwan, na tapat sa Tropiko ng Kanser ay nasa hangganan ng Dagat Timog Tsina, kaya kadalasang sinasama sa Timog silangang Asya at pati rin sa Silangang Asya.
Kasaysayan
Si Solheim at ang iba pa ay nagpapakita ng katibayan ng isang sanga sangang kalakalan "Nusantao" (Nusantara) sa karagatan na mula Vietnam hanggang sa kabuuan ng mga kapuluan o arkipelago noon pang 5000 BCE hanggang 1 CE. Ang mga tao ng Timog Silangang Asya, lalo na ang mga mula sa lahing Austronesyano, ay ilang libong taon nang mga mandaragat, at ang ilan pa ay naaabot ang pulo ng Madagascar. Ang kanilang mga sasakyan, gaya ng vinta, ay nakapakalahaga sa karagatan. Ang paglalakbay ni Fernando Magallanes ay nagtala kung gaano mas mahusay ang mga sasakyan ng mga ito, kung ihahambing sa mga sasakyang pandagat ng mga Europeo.
Ang pagdaan sa Karagatang Indiyano ang nakatulong sa pagkolonisa ng Madagascar ng mga taong Austronesyano, at kasabayan din nang pag-unlad ng kalakalan sa pagitang ng Kanlurang Asya at Timog Silangang Asya. Ang ginto mula Sumatra ay sinasabing umabot hanggang sa Roma.
Orihinal na mga animista ang mga tao. Ito ay lumaong napalitan ng Brahmanikong Hinduismo. Ito naman ay sinundan ng Theravada Budismo, noong 525. Noong 1400, pumasok sa rehiyon ang impluwensiyang Islamiko. Ito ang tumulak sa mga Hindu ng Indonesia na umatras sa Bali.
Sa Kalupaang Timog Silangang Asya, napanatili ng Myanmar, Cambodia, at Thailand ang paniniwalang Theravada ng Budismo, na dinala doon buhat sa Sri Lanka. Ang uri ng Budismong ito ay humalo sa impluwensiyang Hindu ng kulturang Khmer.
Kakaunti lamang ang nalalaman sa mga paniniwalang panrelihiyon sa Timog Silangang Asya bago dumating ang mga mangangalakal na mga Indiyano at mga impluwensiyang relihiyosa mula noong ikalawang dantaon BCE. Bago mag-13 dantaon, ang Budismo at Hinduismo ay ang pangunahing relihiyon sa Timog Silangang Asya.
Ang Kahariang Hindu ng Jawa Dwipa sa Java at Sumatra ay nabuo noong tinatayang 200 BCE. Ang kasaysayan ng daigdig ng taong Malay ay nagsimula sa pagdating ng mga impluwensiyang Indiyano, na tinatayang naganap noong ika-3 dantaon BC ang nakalipas. Ang mga mangangalakal na Indiyano ay dumating sa arkipelago dahil sa parehong yamang gubat at yaman ng karagatan nito at upang makipagkalakalan sa mga mangangalakal mula sa Tsina, na mas maaagang natuklasan ang daigdig ng mga Malay. Ang parehong Budismo at Hinduismo ay maayos na naitatag sa Tangway ng Malay noong simula ng ika-1 dantaon CE, at mula roon ay lumaganap sa buong kapuluan.
Ang Cambodia ay ang unang naimpluwensiyahan ng Hinduismo noong unang bahagi ng kaharian ng Funan. Ang Hinduismo ay isa sa mga opisyal na relihiyon ng Emperyo ng Khmer. Ang Cambodia ay ang tahanan ng isa sa dalawang templong alay sa Brahma sa daigdig. Ang Angkor Wat ay tanyag ding templong Hindu sa Cambodia.
Ang Emperyong Majapahit ay isang Indiyanong Kaharian na matatagupuan sa silangang Java mula noong 1693 hanggang 1500. Ang pinakadakilang pinuno nito ay si Hayam Wuruk, na namuno mula 1350 hanggang 1389 na nagmarka ng karurukan ng emperyo nang sakupin nito ang iba pang mga kaharian sa katimugan ng Tangway ng Malay, Borneo, Sumatra, Bali at ang Pilipinas. Ang kabuuan din ng Pilipinas ay nagbibigay din ng pagkilala sa sa emperyo
Ang mga Cholas ay nagpamalas sa mga aktibidad sa karagatan, sa parehong aspeto ng sandatahan at pangangalakal. Ang kanilang pagsalakay sa Kedah at sa Srivijaya, at ang kanilang patuloy na ugnayang pangkalakalan (commercial) sa Emperyong Tsino, ay ang nagbigay daan sa kanila upang maimpluwensiyahan ang katutubong kultura. Karamihan sa mga natitirang halimbawa ng mga impluwensiyang kultural na Hindu na makikita ngayon sa kalakhang Timog Silangang Asya ay dulot ng mga paglalakbay ng mga Chola.
Kalakalan at Kolonisasyon
Tsina
Ang mga mangangalakal na Tsino ay matagal nang nakikipagkalakalan sa rehiyon ayon na rin sa katibayan ng tala ng paglalakbay ni Magallanes na ang Brunei ay mas marami pang pagmamay-aring kanyon kung ihahambing sa mga sasakyang pandagat ng mga Europeo kaya't lumalabas na pinalakas sila ng mga Tsino.
Isang alamat na Malayo ang nagsasabi na isang Tsinong emperador na Ming ang nagpadala ng prinsesa, si Han Li Po sa Malacca, na may kasamang 500 mga abay, upang pakasalan si Sultan Mansur Shah pagkatapos mamangha sa katalinuhan ng Sultan. Ang balon ni Han Li po (tinayo noong 1459) ay ngayon isa nang atraksiyong panturista, pati ang Bukit Cina, kung saan ang kanyang mga abay ay nanirahan.
Ang istratehiyang kahalagahan ng Kipot ng Malacca, na kontrolado ng Sultanato ng Malacca noong ika-15 dantaon at noong unang bahagi ng ika-16 na dantaon.
Ekonomiya
Ang rehiyon ay isa sa pinakaproduktibo sa paggawa ng mga microprocessor. Ang mga imbak ng langis ay mayroon din sa rehiyon.
Labingpitong kompanyang pangtelekomunikasyon ang kumontrata upang buuin ang bagon kableng submarino upang ikonekta ang Timog Silangang Asya sa Estados Unidos. Ito ay upang maiwasan ang pagkaabala na tulad ng nangyaring pagkaputol ng kable mula Taiwan patungong E.U. sa isang lindol.
Demograpiya
.
Ang Timog Silangang Asya ay may sukat na umaabot sa 4,000,000 km² (1.6 milyon milya parisukat). Noong 2004, mahigit sa 593 milyong katao ang nakatira sa rehiyon, Isa sa lima nito (125 milyon) ay nakatira sa pulo ng Java sa Indonesia, ang pinakamataong malaking pulo sa buong mundo.
Ang pagkakahati ng mga relihiyon at tao ay malawak sa Timog Silangang Asya at nag-iiba bawat bansa.
Ang ilang 30 milyong mga migranteng Tsino ay nakatira din sa Timog Silangang Asya, na madami sa Pulo ng Christmas, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Indonesia at Thailand, at bilang mga Hoa, sa Vietnam.
Relihiyon
Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay naniniwala sa maraming iba't ibang mga relihiyon. Ang mga bansang nasa kalupaang Asya. gaya ng Thailand. Cambodia, Laos, Myanmar. at Vietnam ay pangunahing naniniwala sa Budismo. Ang Singapore ay pangunahin din Budista. Ang mga paniniwalang namana at Confucianismo ay malawak din pinananaligan sa Vietnam at Singapore. Sa Kapuluaang Malay, ang mga taong nakatira sa Malaysia, kanlurang Indonesia at Brunei ay pangunahing naniniwala sa Islam. Ang Kristiyanismo ay ang pangunahing relihiyon sa Pilipinas, silangang Indonesia at Silangang Timor. Ang Pilipinas ang pinakamalaking Katolikong populasyon na sinundan naman ng vietnam sa malayong agwat. Ang Silangang Timor ay isa ring predominanteng Katoliko dahil sa matagal na pananakop dito ng mga Portuges.
Mga Bansa
Ang subrehiyon ay may 11 mga bansa at ito ay mahahati sa mga bansa sa pangunahing-lupain at mga kapuluan. Kabilang sa mga bansa sa pangunahing-lupain ang:
Ang bansang Malaysia ay may dalawang parte na nahahati ng Dagat ng Timog Tsina. Peninsular Malaysia ay nasa pangunahing-lupain samantalang ang Silangang Malaysia ay nasa Borneo, isa sa pinaka-malaking isla sa rehiyon. Ang bansang Malaysia ay kinikilalang bansang kapuluan.
Ang Timog-silangang Asya ay may sukat na 1.6 milyon milya kwadrado (4,000,000 km²). Noong 2004, higit sa 550 milyong tao ang nakatira sa rehiyon, 110 milyon nito sa isla ng Java ng Indonesia.
Tingnan din
Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya (ASEAN)
Mga wikang Austroasiatiko at Mga wikang Austronesiano
Kasaysayan ng Timog-silangang Asya
Mga sangguniaan
Asya
|
906
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Enero%202
|
Enero 2
|
Ang Enero 2 ay ang ika-2 na araw sa Kalendaryong Gregorian, at mayroon pang 363 (364 kung leap year) na araw ang natitira.
Pangyayari
366 – Ang mga Alamanni ay tumwid sa nagyeyelong Ilog Rin nang malaki, sinasalakay ang Imperyong Romano.
533 – Si Mercurius ay naging Juan II (Papa), ang unang papa na nagkaroon ng pangalan sa pagkaakyat sa Papa.
1788 – Georgia ang naging pang-apat na estado na nagpatibay ng Konstitusyon ng Estados Unidos.
1818 – Ang Institution of Civil Engineers ng Britanya ay naitatag.
1955 – Ang presidente ng Panama na si Jose Antonio Remon ay pinatay.
2001 – Si Sila Calderón ay naging unang gobernador ng Puerto Rico.
Kapanganakan
1975 – Dax Shepard, Amerikanong akteur
1976 – Paz Vega, Espanyola aktres
Kamatayan
Panlabas na link
BBC: On This Day
Araw
2
|
907
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Enero%204
|
Enero 4
|
Ang Enero 4 ay ang ika-4 na araw ng taon sa Kalendaryong Gregoriano, at mayroon pang 361 (362 kung leap year) na araw ang natitira.
Pangyayari
46 BC – Si Titus Labienus ay tinalo ni Julius Caesar sa Labanan sa Ruspina.
1896 – Ang Utah ay isang naging ika-45 na Estado ng Estados Unidos.
1945 - Ang puwersang Pilipino at Amerikano ay ang nabihag sa Tulay ng Baroro sa bayan ng Bacnotan, La Union mula sa kaanib ng pakikipaglaban sa mga sundalong Hapones.
1948 – Ang Burma ay lumaya mula sa Nagkakaisang Kaharian.
1958 – Ang Sputnik 1 ay nahulog sa mundo mula sa orbit nito.
1975 – Si Elizabeth Ann Seton ay naging unang santo na pinanganak sa Amerika.
1999 – Nagpaputok ang mga armadong tao sa mga Shiite Muslims na nagsasamba sa isang moske sa Islamabad, kumikitil sa 16 na katao at nakasugat ng 25.
Kapanganakan
Kamatayan
2021 - Tanya Roberts, Amerikanang aktres (b. 1955)
Mga kawing na panlabas
BBC: On This Day
Araw
4
|
908
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Enero%205
|
Enero 5
|
Ang Enero 5 ay ang ika-5 na araw ng taon sa Kalendaryong Gregorian, at mayroon pang 360 (361 kung leap year) na araw ang natitira.
Pangyayari
1500 – Sinakop ni Duke Ludovico Sforza ang Milan.
1554 – Isang napakalaking apoy ang tumupok sa Eindhoven, Netherlands.
1675 – Sa Battle of Colmar ang army ng France ay tinalo ang Brandenburg.
1912 – Nangyari ang Prague Party Conference.
1925 – Si Nellie Tayloe Ross ng Wyoming ay naging unang babaeng gobernador sa Estados Unidos.
1944 – Ang Daily Mail ang naging unang newspaper na naipamahagi sa ibat-ibang mga bahagi ng mundo.
1945 – Ang Soviet Union ay kinilala ang bagong Pro-Soviet na gobyarno ng Polonya.
1974 – Isang lindol sa Lima, Peru, ay pumatay ng maraming tao at nagpabagsak sa maraming mga bahay.
Kapanganakan
1928 - Walter Mondale, 42do Amerikanong vice-presidente (kamatayan 2021)
1946 - Diane Keaton, Amerikanang aktres
Kamatayan
1933 – Calvin Coolidge, 30th President of U.S.A. (b. 1872)
Panlabas na link
BBC: On This Day
Araw
5
|
909
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Enero%206
|
Enero 6
|
Ang Enero 6 ay ang ika-6 na araw ng taon sa Kalendaryong Gregorian, at mayroon pang 359 (360 kung leap year) na araw ang natitira.
Pangyayari
1066 – Si Harold Godwinson ay naging hari ng England.
1540 – Si Haring Enrique VIII ng Inglatera ay nagpakasal kay Anne of Cleves.
1912 – Ang New Mexico ang naging ika-47 na Estado ng Estados Unidos.
1929 – Si Inang Teresa ay dumating sa Calcutta para matulungan ang mga mahihirap sa Indiya.
1931 – Si Thomas Edison say nagpadala ng kanyang huling patent application.
1953 – Ang unang Asian Socialist Conference ay nagbukas sa Rangoon, Burma.
Kapanganakan
Kamatayan
1919 – Theodore Roosevelt, 26th President of U.S.A. (b. 1858)
Kawing Panlabas
BBC: On This Day
Araw
6
|
922
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%201
|
Setyembre 1
|
Ang Setyembre 1 ay ang ika-244 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-245 kung leap year) na may natitira pang 121 na araw.
Pangyayari
1991 - Nagpahayag ng kalayaan ang Uzbekistan mula sa Unyong Sobyet.
Kapanganakan
1957 – Gloria Estefan, Kubanang-Amerikanang mang-aawit at aktres
1965 – Craig McLachlan, Australyong aktor at mang-aawit
Kamatayan
1989 - Paul Chung (ipinanganak 1959)
2014 - Mark Gil (ipinanganak 1961)
Araw
|
924
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Lunes
|
Lunes
|
Ang Lunes ay unang araw ng linggo sa pagitan ng Linggo at Martes. Ito ay pangalawa sa tradisyonal na linggo at una sa linggong pangnegosyo. Galing sa wikang Kastila ang salitang ito na galing naman sa salitang Lunae dies o "araw ng buwan". Ang salin ng Lunes sa wikang Inggles ay "Monday" na galing naman sa Mona, ang diyos ng buwan ng mga Saxones.
Etimolohiya
Sa kasaysayan ng Roma, ang mga pangalan ng araw ng linggo ay nabuo sa wikang Griyego at Latin. Halimbawa, ang pangalan ng Lunes ay ἡμέρᾱ Σελήνης sa Griyego at diēs Lūnae sa Latin, na parehong nangangahulugang "araw ng buwan". Maraming wika ang gumagamit ng mga salitang direktang nagmula sa mga pangalan na ito o mga salitang hiniram na batay sa kanila.
Ang salitang Ingles na Monday ay nagmula sa monedæi bago pa man ang taong 1200, na nagmula naman sa mga lumang salitang Ingles na mōnandæg at mōndæg (nangangahulugang "araw ng buwan"), na may katumbas na mga salita sa ibang mga wikang Germaniko tulad ng Old Frisian na mōnadeig, Middle Low German at Middle Dutch na mānendag, mānendach (modernong Dutch na Maandag), Old High German na mānetag (modernong German na Montag), at Old Norse na mánadagr (Swedish at Norwegian nynorsk na måndag, Icelandic na mánudagur, Danish at Norwegian bokmål na mandag). Ang salitang Germaniko ay interpretasyon ng salitang Latin na lunae dies ("araw ng buwan").
Sa mga Indo-Aryan na mga wika, ang salita para sa Lunes ay Somavāra o Chandravāra, na mga pahiram na salita sa Sanskrit para sa "Lunes". Sa ibang mga kaso, ginagamit ang "ekslesiastikal" na mga pangalan, isang tradisyon ng pagbilang ng mga araw ng linggo upang maiwasan ang "pagan" na kahulugan ng mga pangalan ng planeta, at upang manatiling sa pangalan na binigay ng Bibliya, kung saan ang Lunes ang "ikalawang araw" (Hebrew יום שני, Griyego Δευτέρα ἡμέρα (Deutéra hēméra), Latin feria secunda, Arabic الأثنين).
Sa maraming mga wikang Slavic, ang pangalan ng Lunes ay naglalarawan ng "pagkatapos ng Linggo/pista". Sa Russian, ang pangalan nito ay понедельник (ponyedyelnik), na may kahulugang "sa tabi ng linggo", na galing sa mga salitang "sa tabi ng" (по) at "linggo" (недельник). Sa Croatian at Bosnian naman ay ponedjeljak, sa Serbian ay понедељак (ponedeljak), sa Ukrainian ay понеділок (ponedilok), sa Bulgarian ay понеделник (ponedelnik), sa Polish ay poniedziałek, sa Czech ay pondělí, sa Slovak ay pondelok, at sa Slovenian ay ponedeljek. Sa Turkish naman ito ay tinatawag na pazartesi, na nagkakahulugang "pagkatapos ng Linggo" rin.
Posisyon
Sa kasaysayan, ang linggo ng mga Griyego at Romano ay nagsisimula sa Linggo (dies solis), at ang Lunes (dies lunae) ay ang ikalawang araw ng linggo.[kailangan ng sanggunian] Sa kalendaryo ng Simbahang Katolika, karaniwan pa rin na tawaging feria secunda ang Lunes. Ang mga Quaker ay tradisyonal na nagtatawag din ng Lunes bilang "Second Day".[5] Ang Portuges at mga Griyego (Eastern Orthodox Church) ay nagpapanatili rin ng tradisyong pangsimbahang ito (Portuguese segunda-feira, Greek Δευτέρα "deutéra" "second"). Gayundin, ang Modernong Hebreo na pangalan ng Lunes ay yom-sheni (יום שני).
Habang sa Hilagang Amerika, ang Linggo ang unang araw ng linggo, ang Geneva-based International Organization for Standardization ay nagtatalaga ng Lunes bilang unang araw ng linggo sa kanilang pamantayan na ISO 8601. Sa Chinese, ang Lunes ay tinatawag na xīngqīyī (星期一), na nangangahulugang "unang araw ng linggo".
Lunes, Sa Relihiyon
Kristiyanismo
Sa Silangan Ortodokso Simbahan, ang mga Lunes ay mga araw kung saan ginugunita ang mga anghel. Naglalaman ang Octoechos ng mga himno tungkol sa paksa na ito, na nakaayos sa isang walong-linggong cycle, na binibigkas tuwing Lunes sa buong taon. Sa katapusan ng mga Serbisyong Banal sa Lunes, nagsisimula ang pagpapakawala sa mga salitang: "Nawa'y si Kristo ang Aming Totoong Diyos, sa pamamagitan ng mga panalangin ng kanyang pinakadalisay na Ina, ng mga karangalang walang katawan na mga Puwersa (ibig sabihin, ang mga anghel) ng Langit…". Sa maraming Silangan mongasteryo, ang mga Lunes ay pinagmamasdan bilang mga araw ng pag-aayuno; dahil ang mga Lunes ay inialay sa mga anghel, at nagpupursige ang mga monghe na mabuhay ng parang mga anghel. Sa mga mongasteryong ito, ang mga monghe ay hindi kumakain ng karne, manok, mga produktong gawa sa gatas, isda, alak at langis (kung may araw ng kapistahan sa Lunes, pinapayagan ang isda, alak at langis, depende sa partikular na kapistahan).
Ang Simbahang ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay naglalaan ng isang gabi kada linggo na tinatawag na Family Home Evening (FHE) o Family Night na karaniwang ginagamit ang Lunes, na pinapayuhan ang mga pamilya na maglaan ng oras sa pag-aaral, panalangin at iba pang mga aktibidad ng pamilya. Maraming negosyo na pag-aari ng mga Banal sa mga Huling Araw ay naglalabas nang maaga tuwing Lunes upang sila at ang kanilang mga customer ay magkaroon ng mas maraming oras kasama ang kanilang mga pamilya.
Islam
Sa Islam, ang mga Lunes ay isa sa mga araw sa isang linggo kung saan pinapayuhan ang mga Muslim na mag-ayuno sa kusa, at ang isa pang araw ay ang Huwebes. Mayroong ilang Hadith na naglalahad na si Muhammad ay nag-aayuno sa mga araw na ito.
Ayon sa parehong Hadith, si Muhammad ay ipinanganak sa Lunes. Nakasaad rin na siya ay nakatanggap ng kanyang unang paghahayag (na magiging Qur'an) sa Lunes.
Judaismo
Sa Judaismo, ang mga Lunes ay itinuturing na magandang araw para sa pag-aayuno. Nagbabala ang Didache sa mga unang Kristiyano na huwag mag-ayuno tuwing Lunes upang maiwasan ang Judaizing, at nagmumungkahi ng mga Miyerkules sa halip nito.
Sa Judaismo, binabasa sa publiko ang isang maliit na bahagi ng lingguhang Parashah sa Torah tuwing Lunes
Lunes, Sa Kultura
Maraming mga sikat na kanta sa Kanluraning kultura ang may paksa tungkol sa Lunes, kadalasan bilang araw ng kalungkutan, pagkabalisa, kawalan ng gana, pagkabaliw, o kalungkutan (dahil sa kaugnayan nito sa unang araw ng linggo ng trabaho). Halimbawa, "Monday, Monday" (1966) ng Mamas & the Papas, "Rainy Days and Mondays" (1971) ng Carpenters, "I Don't Like Mondays" (1979) ng Boomtown Rats, Monday, Monday, Monday (2002) ng Tegan and Sara, at "Manic Monday" (1986) ng Bangles (na isinulat ni Prince).
Mayroong isang banda na tinatawag na Happy Mondays at isang Amerikanong pop-punk na banda na Hey Monday.
Ang popular na karakter ng comic strip na si Garfield ni Jim Davis ay kilala sa kanyang pagkadismaya sa mga Lunes.
Sa United Kingdom, mas maraming tao ang nagpapakamatay sa England at Wales tuwing Lunes kaysa sa ibang araw ng linggo; mas maraming tao sa bansa ang nagpapakabog; at mas maraming tao sa buong mundo ang nagseserbisyo sa web.
Noong Hulyo 2002, ipinahayag ng konsulting na kumpanya na PricewaterhouseCoopers na ipapangalan nito ang kanilang konsultasyon na "Lunes," at gagastos ng $110 milyon sa susunod na taon upang magtatag ng brand. Nang binili ng IBM ang konsultasyon tatlong buwan mamaya, hindi nito pinili na ituloy ang bagong pangalan.
Noong Oktubre 17, 2022, inanunsyo ng Guinness World Records sa Twitter na ang Lunes ay ang 'Pinakamasamang Araw ng Linggo,' na ikinalulungkot ng ilang mga tao.
Mga araw na isinunod ang katawagan sa Lunes
Ilang mga kaganapan sa Kanluraning bansa, ang isinunod sa Ingles na salin ng Lunes. Ang ilan sa mga ito ay hindi bahagi ng kulturang Pilipino.
Big Monday
Black Monday
Blue Monday
Clean Monday (Ash Monday)
Cyber Monday
Easter Monday kilala rin sa katawagang Bright Monday o Wet Monday
Handsel Monday
Miracle Monday
Plough Monday
Shrove Monday
Weather Market Monday
Wet Monday
Whit Monday
Ang mga sumusunod ay mga kaganapan na inoobserbahan sa Pilipinas.
Lunes Santo
Unang Lunes
Mga salin
Aleman: der Montag
Arabo: يَوْم الإثْنَيْن
Czech: pondělí
Danish: mandag
Dutch: maandag
Estonian: esmaspäev
Finnish: maanantai
Griyego: Δευτέρα
Hungarian: hétfő
Icelandic: mánudagur
Indonesian: Senin
Ingles: Monday
Italyano: lunedì
Hapon: 月曜日
Kastila: lunes
Koreano: 월요일
Latvian: pirmdiena
Lithuanian: pirmadienis
Norwegian: mandag
Polish: poniedziałek
Portuguese (Brazil): segunda-feira
Portuguese (Portugal): segunda-feira
Pranses: lundi
Romano: luni
Ruso: понедельник
Slovak: pondelok
Slovenian: ponedeljek
Swedish: måndag
Tsino (Pinasimple): 星期一
Tsino (Tradisyunal): 星期一
Turko: Pazartesi (günü)
Tignan
Monday Club
Monday demonstrations
Monday Night Football
Monday Night Wars
Monday Night Raw
Saint Monday
Araw (panahon)
|
926
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%202
|
Setyembre 2
|
Ang Setyembre 2 ay ang ika-245 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-246 kung leap year) na may natitira pang 120 na araw.
Pangyayari
1967 - Ang Prinsipalidad ng Sealand ay itinatag, pinamamahalaan ni Prinsipe Paddy Roy Bates.
Kapanganakan
1838 - Liliuokalani, reyna ng Kaharian ng Hawaii
Kamatayan
1973 - J. R. R. Tolkien
Kawing Panlabas
Araw
|
927
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%203
|
Setyembre 3
|
Ang Setyembre 3 ay ang ika-246 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-247 kung leap year) na may natitira pang 119 na araw.
Pangyayari
1971 - Lumaya ang Qatar.
Kamatayan
931 - Emperador Uda, nakaraang Emperador ng Hapon
2005 - William Rehnquist, Dating Punong Hukom ng Amerika (ipinanganak 1925)
Araw
|
928
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%204
|
Setyembre 4
|
Ang Setyembre 4 ay ang ika-247 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-248 kung leap year) na may natitira pang 118 na araw.
Pangyayari
1949 - Unang paglipad ng Bristol Brabazon.
Araw
|
929
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%205
|
Setyembre 5
|
Ang Setyembre 5 ay ang ika-248 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-249 kung leap year) na may natitira pang 117 na araw.
Pangyayari
1839 - Unang Digmaang Opyo sa Tsina.
2005 - Si John Roberts ay nanumpa bilang Punong Hukom ng Estados Unidos siya pinili ni Pang. George W. Bush pagkatapos ng pagkamatay ng Dating Punong Hukom na si William Rehnquist
Kamatayan
Araw
|
930
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%206
|
Setyembre 6
|
Ang Setyembre 6 ay ang ika-249 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-250 kung leap year) na may natitira pang 116 na araw.
Pangyayari
1939 - Ikalawang Digmaang Pandaigdig: Ang Timog Aprika ay nagpahayag ng digmaan laban sa Alemanya.
Araw
|
931
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%207
|
Setyembre 7
|
Ang Setyembre 7 ay ang ika-250 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-251 kung taong bisyesto) na may natitira pang 115 na araw.
Pangyayari
1965 - Pinahayag ng Tsina ang pagpapatibay ng hukbo nito sa hangganan nito sa India.
Kapanganakan
923 - Emperador Suzaku
1936 - Buddy Holly, Amerikanong mang-aawit at manunulat ng mga awitin
Araw
|
932
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%208
|
Setyembre 8
|
Ang Setyembre 8 ay ang ika-251 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-252 kung leap year) na may natitira pang 114 na araw.
Pangyayari
1331 - Idineklera ni Stephen Uroš IV Dušan ng Serbia ang kanyang sarili bilang hari ng Serbya.
Taon-taon - Ipinagdiriwang ang International Literacy Day.
Kapanganakan
551 BC – Confucius, pilosopong Intsik (kamatayan 479 BC)
1979 – Pink, Amerikanang aktres at mang-aawit
Kamatayan
701 - Papa Sergius I
Ugnay panlabas
BBC: On This Day
Araw
|
933
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%209
|
Setyembre 9
|
Ang Setyembre 9 ay ang ika-252 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-253 kung leap year) na may natitira pang 113 na araw.
Pangyayari
1000 - Labanan sa Swold sa isang pook sa Dagat Baltik sa pagitan ng Norway at ibang mga Scandinavian.
1870 - itinatatag ang Redmond, Washington
1944 - Ikalawang Digmaang Pandaigdig: pinalaya ng Russia ang Bulgaria.
1991 - Naging malaya ang Tayikistan mula sa Unyong Sobyet.
Kapanganakan
1828 - Leo Tolstoy, Rusong nobelista (kamatayan 1910)
1737 - Luigi Galvani, Italyanong pisiko at manggagamot (kamatayan 1798)
1878 - Sergio Osmeña, ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (kamatayan 1961)
1966 - Adam Sandler
Kamatayan
701 - Papa Sergius I
1087 - Haring William I ng Ingaltera
1976 - Mao Zedong, pinunong komunistang Intsik
Mga pista
Hilagang Korea - Araw ng Republika (1948)
Tajikistan - Araw ng Kalayaan (mula sa USSR, 1991)
Araw
|
934
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2010
|
Setyembre 10
|
Ang Setyembre 10 ay ang ika-253 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-254 kung leap year) na may natitira pang 112 na araw.
Pangyayari
1823 - Si Símon Bolívar ay pinangalanang Pangulo ng Peru.
1943 - Ikalawang Digmaang Pandaigdig: Pagsakop ng mga hukbong Aleman sa Roma.
Kamatayan
1797 - Mary Wollstonecraft
Araw
|
935
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2011
|
Setyembre 11
|
Ang Setyembre 11 ay ang ika-254 araw ng taon (ika-255 sa mga paglukso ng taon) sa Kalendaryong Gregorian. Ang 111 araw ay nananatili hanggang sa katapusan ng taon.
Sa pagitan ng mga taon AD 1900 at 2099, Setyembre 11 ng kalendaryo Gregorian ay ang paglukso ng mga kalendaryo ng Coptic at Ethiopian. Ang mga araw na ito ng paglukso ay nangyayari sa mga taon kaagad bago lumipas ang mga taon sa kalendaryo ng Julian at Gregorian. Sa lahat ng mga karaniwang taong kalendaryo ng Coptic at Ethiopian, ang Setyembre 11 ay Araw ng Bagong Taon.
Mula noong 2001, ang petsa ay malawak na kilala para sa mga pag-atake ng mga terorista na naganap sa Estados Unidos at pinangalanan ito. Ang petsa ay mas maliit na kilala para sa petsa ng isang putok sa Chile, na ibagsak ang hinirang na demokratikong nahalal na pamahalaan ng Salvador Allende at mai-lock ang Chile sa isang 17-taong diktadurya, na umalis sa halos 3000 katao na namatay o nawawala.
Pangyayari
1958 - Unang pag-akyat sa Dom, ang ikatlong pinakamataas sa Alpes.
1992 - Ang Hurricane Iniki, isa sa mga pinaka-nakasisirang bagyo sa kasaysayan ng Estados Unidos, ay sumisira sa mga isla ng Hawaii ng Kauai at Oahu.
1997 - Umabot ang Mars Global Surveyor ng NASA.
1997 - Matapos ang isang referendum sa buong bansa, ang mga boto sa Scotland upang magtatag ng isang nabuong parlyamento sa loob ng United Kingdom.
2001 - Winasak ng mga atakeng terorista ng Setyembre 11 ang World Trade Center sa lungsod ng New York at bahagi ng Pentagon sa Arlington, Virginia at pinabagsak nito ang isang eroplanong pampasahero sa Pennsylvania. Sa kabuuan, halos 3000 ang namatay.
Kapanganakan
1917 - Ferdinand Marcos (namatay 1989)
Kamatayan
2001 – Tingnan ang mga biktima ng mga atakeng terrorista ng Setyembre 11, kasama na ang kilalang komentaristang pampolitikang si Barbara Olson.
Araw
|
936
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2012
|
Setyembre 12
|
Ang Setyembre 12 ay ang ika-255 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-256 kung leap year) na may natitira pang 110 na araw.
Pangyayari
1890 - Ang Salisbury, Rhodesia (bagong pangalan: Harare, Zimbabwe) ay naitatag.
Kapanganakan
1956 - Giuseppe Maria Tomasi, isang Cardinal at santo ng simbahang Katoliko
1956 - Ricky Rudd, drayber ng NASCAR
Kamatayan
1988 - Tsang Choh-lam (ipinanganak 1921)
Araw
|
937
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2013
|
Setyembre 13
|
Ang Setyembre 13 ay ang ika-256 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-257 kung leap year) na may natitira pang 109 na araw.
Pangyayari
122 - Ang pagtatayo ng Pader ni Hadrian ay nagsimula.
1940 - Ikalawang Digmaang Pandaigdig: Binomba ng mga hukbong Aleman ang Palasyong Buckingham.
Kapanganakan
1903 - Amado V. Hernandez, pambansang alagad ng sining ng Pilipinas sa larangan ng panitikan (namatay noong 1970).
1993 - Niall Horan, Irlandes na mang-aawit at kasapi ng bandang Britaniko na One Direction
Kamatayan
Araw
|
938
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2014
|
Setyembre 14
|
Ang Setyembre 14 ay ang ika-257 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-258 kung leap year) na may natitira pang 108 na araw.
Pangyayari
1180 - Digmaan sa Ishibashiyama sa Hapon.
1917 - Ipinahayag na republika ang Rusya.
Araw
|
939
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2015
|
Setyembre 15
|
Ang Setyembre 15 ay ang ika-258 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-259 kung leap year) na may natitira pang 107 na araw.
Pangyayari
1952 - Binigay ang Eritrea ng Mga Nagkakaisang Bansa sa Ethiopia.
Araw
|
940
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2016
|
Setyembre 16
|
Ang Setyembre 16 ay ang ika-259 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-260 kung taong bisyesto) na may natitira pang 106 na araw.
Pangyayari
1908 - Itinatag ang General Motors.
1975 - Lumaya ang Papua Bagong Guniya mula sa Australya.
Kapanganakan
1923 - Lee Kuan Yew, Punong Ministro ng Singapura
Araw
|
941
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2017
|
Setyembre 17
|
Ang Setyembre 17 ay ang ika-260 na araw sa Kalendaryong Gregoryano (ika-261 kung taong bisyesto) na may natitira pang 105 na araw.
Pangyayari
1787 - Nilikha ang Saligang Batas ng Estados Unidos
Araw
|
942
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2018
|
Setyembre 18
|
Ang Setyembre 18 ay ang ika-261 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-262 kung leap year) na may natitira pang 104 na araw.
Pangyayari
1759 - Sinakop ng Gran Britanya ang Lungsod ng Québec.
Araw
|
943
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2019
|
Setyembre 19
|
Ang Setyembre 19 ay ang ika-262 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-263 kung leap year) na may natitira pang 103 na araw.
Pangyayari
1881 - Namatay si Pangulo James A. Garfield dahil sa mga sugat na natamo sa pagbabaril noong Hulyo 2.
1959 - Si Nikita Khrushchev ay hinadlangan sa pagpunta sa Disneyland.
Araw
|
944
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2020
|
Setyembre 20
|
Ang Setyembre 20 ay ang ika-263 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-264 kung leap year) na may natitira pang 102 na araw.
Pangyayari
1946 - Ang unang Pista ng Pelikula sa Cannes ay isinagawa.
Araw
|
945
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2021
|
Setyembre 21
|
Ang Setyembre 21 ay ang ika-264 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-265 kung leap year) na may natitira pang 101 na araw.
Pangyayari
1949 - Ang Popular na Republika ng Tsina ay itinatag sa Beijing.
1976 - Sumali ang Seychelles sa Nagkakaisang Bansa.
1972 - Sa bisa ng Proclamation 1081, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang batas militar sa Pilipinas.
Kapanganakan
Kamatayan
1558 - Carlos I ng Espanya, Hari ng Espanya. (Ipinanganak 1500)
Kawing Panlabas
BBC: On This Day
Araw
|
946
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2022
|
Setyembre 22
|
Ang Setyembre 22 ay ang ika-265 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-266 kung leap year) na may natitira pang 100 na araw.
Pangyayari
1908 - Ipinahayag ang kalayaan ng Bulgarya.
1997 - Pamamaslang sa Bentalha sa Alherya; mahigit 200 na taong-nayon ang pinatay.
Araw
|
947
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2023
|
Setyembre 23
|
Ang Setyembre 23 ay ang ika-266 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-267 kung leap year) na may natitira pang 99 na araw.
Pangyayari
1983 - Ang San Cristobal at Nieves ay sumali sa Mga Nagkakaisang Bansa.
Kamatayan
1939 - Sigmund Freud
Araw
|
948
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2024
|
Setyembre 24
|
Ang Setyembre 24 ay ang ika-267 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-268 kung leap year) na may natitira pang 98 na araw.
Pangyayari
1968 - Ang Swaziland ay sumali sa Mga Nagkakaisang Bansa.
Araw
|
949
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2025
|
Setyembre 25
|
Ang Setyembre 25 ay ang ika-268 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-269 kung leap year) na may natitira pang 97 na araw.
Pangyayari
1981 - Sumali ang Belize sa Mga Nagkakaisang Bansa.
Araw
|
950
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2026
|
Setyembre 26
|
Ang Setyembre 26 ay ang ika-269 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-270 kung leap year) na may natitira pang 96 na araw.
Pangyayari
1984 - Ang Mga Nagkakaisang Bansa ay pumayag sa pagbabalik sa Hong Kong.
Araw
Kapanganakan
1948 - Olivia Newton-John, Australyang-Amerikanang mang-aawit at aktres
1981 - Serena Williams, Amerikanang tenista
|
951
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2027
|
Setyembre 27
|
Ang Setyembre 27 ay ang ika-270 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-271 kung leap year) na may natitira pang 95 na araw.
Pangyayari
1821 - Lumaya ang Mehiko mula sa Espanya.
Kamatayan
2017 - Hiromi Hayakawa, Haponang aktres (ipinanganak 1982)
2020 - Yuko Takeuchi, Haponang aktres (ipinanganak 1980)
Araw
|
952
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2028
|
Setyembre 28
|
Ang Setyembre 28 ay ang ika-271 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-272 kung leap year) na may natitira pang 94 na araw.
Pangyayari
1950 - Ang Indonesia ay sumali sa Mga Nagkakaisang Bansa.
Kapanganakan
1910 - Diosdado Macapagal, Ika-5 Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas, (namatay 1997).
1934 - Brigitte Bardot, Pranses na artista
1967 - Moon Unit Zappa, Amerikanong aktres sa mang-aawit ("Valley Girl")
Kamatayan
1978 - Papa Juan Pablo I (ipinanganak 1912)
1989 - Ferdinand Marcos (ipinanganak 1917)
2010 - Romina Yan (ipinanganak 1974)
Mga Pista at Pagdiriwang
World Rabies Day
Araw
|
953
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2029
|
Setyembre 29
|
Ang Setyembre 29 ay ang ika-272 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-273 kung taong bisyesto) na may natitira pang 93 na araw.
Pangyayari
1971 - Sumama ang Oman sa Samahang Arabo.
1991 - Hukbong coup sa Hayti.
Kamatayan
1942 - Guillermo Nakar, Pilipinong Heneral
2020
Mac Davis, Amerikanong mang-aawit sa country (b. 1942)
Helen Reddy, Australyang mang-aawit (b. 1941)
Araw
|
954
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Setyembre%2030
|
Setyembre 30
|
Ang Setyembre 30 ay ang ika-273 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-273 kung leap year) na may natitira pang 92 na araw.
Pangyayari
1895 - Naging protektorado ng Pransiya ang Madagaskar.
1949 - Tinapos na ang Berlin Airlift.
Kapanganakan
1938 - Ishmael Bernal pambansang alagad ng sining ng Pilipinas sa larangan ng pelikula (namatay 1996).
Araw
|
957
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Oktubre%201
|
Oktubre 1
|
Ang Oktubre 1 ay ang ika-274 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-275 kung taong lundag) na may natitira pang 91 na araw.
Mga kaganapan
1949 — Itinatag ang Pantaong Republika ng Tsina sa pamumuno ni Mao Zedong.
1958 — Pinalitan ng NASA ang NACA.
1960 — Natamo ng Nigeria ang kalayaan mula sa Nagkakaisang Kaharian.
1963 — Naitatag ang unang paaralang pang-agham sa Pilipinas.
1964 — Pagsimula ng paggamit ng Shinkansen sa Hapon.
Kapanganakan
1924 – Jimmy Carter, 39th President of United States
Araw
|
958
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Oktubre%202
|
Oktubre 2
|
Ang Oktubre 2 ay ang ika-275 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-276 kung leap year) na may natitira pang 90 na araw.
Pangyayari
1958 - Nagpahayag ng kalayaan ang Guniya laban sa Pransiya.
2009 - Ang Rio de Janiero ay hinalal na lungsod para sa 2016 Summer Olympics at 2016 Summer Paralympics.
Kamatayan
2008 - Choi Jin-sil, Timog Koreang aktres (ipinanganak 1968)
2017 - Azra Kolaković, Serbiang mang-aawit (ipinanganak 1977)
Araw
|
959
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Oktubre%203
|
Oktubre 3
|
Ang Oktubre 3 ay ang ika-276 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-277 kung leap year) na may natitira pang 89 na araw.
Pangyayari
1778 - Lumapag si James Cook sa Alaska.
Araw
|
960
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Oktubre%204
|
Oktubre 4
|
Ang Oktubre 4 ay ang ika-277 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-278 kung leap year) na may natitira pang 88 na araw.
Pangyayari
1824 - Pagkakatatag ng estado ng Belhika matapos ng paghihiwalay sa Olanda.
Kapanganakan
1964 - Francis Magalona, Pilipinong rapper
Araw
|
961
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Oktubre%205
|
Oktubre 5
|
Ang Oktubre 5 ay ang ika-278 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-279 kung leap year) na may natitira pang 87 na araw.
Pangyayari
610 – Koronasyon ng Emperador ng Bizantino na si Heraclius
1550 - Itinatag ang lungsod ng Concepción, Tsile.
1944 – Ang Karapatan sa Paghalal ay ibinihagi sa mga kababaihan sa Pransiya
Kamatayan
2011 - Steve Jobs, isang Amerikanong negosyante ng mga kompyuter, at isa sa nagtatag at CEO ng Apple Inc. (Ipinanganak 1955)
2013 - Yakkun Sakurazuka (ipinanganak 1976)
2014 - Anna Przybylska (ipinanganak 1978)
Araw
|
962
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Oktubre%206
|
Oktubre 6
|
Ang Oktubre 6 ay ang ika-279 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-280 kung leap year) na may natitira pang 86 na araw.
Pangyayari
1987 - Naging isang republika ang Pidyi.
Kamatayan
2020 - Eddie Van Halen, Holandes-Amerikanong guitarist sa Van Halen (b. 1955)
Araw
|
963
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Oktubre%207
|
Oktubre 7
|
Ang Oktubre 7 ay ang ika-280 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-281 kung leap year) na may natitira pang 85 na araw.
Pangyayari
1960 - Sumapi ang Nigeria sa Mga Nagkakaisang Bansa.
1971 - Sumapi ang Oman sa Mga Nagkakaisang Bansa.
Kapanganakan
1959 - Simon Cowell, artista, prodyuser, at talent scout
Kamatayan
Araw
|
964
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Oktubre%208
|
Oktubre 8
|
Ang Oktubre 8 ay ang ika-281 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-282 kung leap year) na may natitira pang 84 na araw.
Pangyayari
1600 - Tinanggap ng San Marino ang nakasulat na konstitusyon nito.
Araw
|
965
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Oktubre%209
|
Oktubre 9
|
Ang Oktubre 9 ay ang ika-282 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-283 kung leap year) na may natitira pang 83 na araw.
Pangyayari
1446 - Ang alpabetong hangul ay inilathala sa Korea.
Kamatayan
1967 - Che Guevara
Pista at Pagdiriwang
Araw ng Kalayaan ng Uganda mula sa Nagkakaisang Kaharian noong 1962.
Araw
|
966
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Oktubre%2010
|
Oktubre 10
|
Ang Oktubre 10 ay ang ika-283 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-284 kung leap year) na may natitira pang 82 na araw.
Pangyayari
1970 - Ang Pidyi ay lumaya.
Kapanganakan
1830 - Isabel II ng Espanya, Reyna ng Espanya. (namatay 1904)
1956 - Martina Navratilova, Amerikanang tenista
1958 - Tanya Tucker, Amerikanang mang-aawit sa country
1967 - Gavin Newsom, gobernador ng California
Kamatayan
Panlabas na link
BBC: On This Day
Araw
|
967
|
https://tl.wikipedia.org/wiki/Oktubre%2011
|
Oktubre 11
|
Ang Oktubre 11 ay ang ika-284 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-285 kung leap year) na may natitira pang 81 na araw.
Pangyayari
1864 - Naging lungsod ang Campina Grande, Brasil.
Araw
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.